me and family went to el nido last apr 26-28.
my kids were ages 8 and 7mos old.
early morning around 5am, from puerto zircon hotel we were picked up by lexus van, 700 per pax per way. pinareserved namin yung 1st row seat dahil may baby kami at para maluwag.
we enjoyed the travel, medyo mahinhin pa nga yung driver namin, unlike yung charing van going south na ang bibilis mag maneho. at saka pansin ko yung way papuntang el nido parang baguio. we enjoyed the scenery. hinde rin kami nainip. kami na nga lang family at isang lalake ang natira sa van.
weve stayed in marina garden. dun sa seafront airconditioned room with breakfast. 2,100 per night.
nakarating kami ng almost 11am sa el nido. nag trisikel lang kami papauntang marina, pero malapit na rin lang.
1st lunch was as squidoos. mahal nga ang food sa el nido.
puro seafood pa ang mga inoorder namin ni hubby kaya we paid more or less 1,500 pesos.
after lunch nag stay lang kami sa harap ng marina, kasi nga inaalala ko yung baby namin kaya ayaw ko mag island hopping.
so yung panganay ko naglaro lang sa tabing dagat at tuwang tuwa na sya sa linaw ng tubig at nakikipaghabulan sya sa mga isda.
nung gabi naglalakad lakad lang kami sa looban at naghahanap ng kakainan. forget ko name ng resto napuntahan namin, ang tagal tagal ng order we paid around 1,500 rin sa order namin mga 3 klase. nag take out na kami dahil nagrereklamo na yung baby namin.
2nd day, nagtanong tanong si hubby anout renting a boat. so napapayag na nya ko mag island hopping. nag arkila kami ng sariling bangka worth 2,500 kasama na lunch. may kasama kaming 1 bangkero at isang assistant nya.
mas lalo kami na amaze sa el nido. kaya pala walang mga tao sa city proper dahil lahat andun sa islands at ikinagulat ko dahil puro mga foreigners ang kasama namin pagdating sa island.
hinde ko alam anng tour yung samin. pero may small and big lagoon, secret lagoon sa tabi nun dun nag shooting ang survivors, pero wala mga cast that day nasa ibang lugar. yung mga cameras nila naka set up andun pa. then nagstop over kami sa isang tabing mga bato, dun kami nag lunch. marami kaming kasabay dun na naglunch. yung bangkero ang nagluto ng food namin. ok sila maasikaso at makwento. meron rin kami tinigilan na parang nakalutang na stage pang photo op, ayun syempre nasg picture taking ulet. nagsalitan na lang kami ni hubby pag baba sa island. isa maiiwan kay baby then isa kasama ng panganay namin. super ganda talaga.
nagounta rin kami sa island na parang boracay. ang sarap mag snorkling. dun kami nagtagal, para lumangoy langoy kami.
yung bangkero namin at assistant nya ang umaalalay samin pag papasok sa mga lagoon. ang galing nila.
nakauwi kami sa marina around 4pm. sobrang sulit! ang saya.
that night sa sea slug kami kumain, kapitbahay lang ng marina. mabilis ang order, we also spend around 1,500php sa dinner. maganda ang ambiance. tabing dagat sya at may musikero. enjoy kaming mag asawa. kaya pala sa tabing kalsada wala ring mga tao sa gabi yun pala andito sa may aplaya lahat. gusto pa sana namin tumambay ni hubby at maglalakd lakad, eh ang mga bata syempre. kya mga 8.30pm nasa room na kami.
3rd day 10 am kami nag check out sa marina para magpunta na sa lexus van. puno ang van at marami kaming kasabay na mga foreigners.
yung anak ko nung nakaranas mag snorkling sa islands, pagbalik namin ng marina ayaw na maligo sa harap ng marina.
total gastos for 3 days stay at el nido:
lexus van puerto-elnido-puerto 700x3x2= 4,200php
marina garden 2,100x2= 4,400php
addl. breakfast for child 130x2= 260php
food for 3 days (approx. 1,500 per meal) x 3 = 4,500php
more or less total: 13,360php
pinanghihinayangan ko lang wala kaming underwater camera or cover sa camera. kasi sa island hinde namin maibaba yung dslr namin. =(