sis, I was in the same situation as you are, share ko lang hah, ang kaibahan ate ko ang buntis hindi younger. Well pangalawang anak na niya yun, napapansin ko kasi naka loose shirts talaga mga suot nya, and lumalaki ang tiyan, one time hindi ako nakatiis, derechahan ko na tinanong kung buntis, sabi niya oo, tanong ko anong plano mo diyan? kelan mo sasabihin kina mommy? walang sagot bahala na daw. Fine, hindi ko na pinake alaman kasi matanda naman na siya. Then one night, wala pa akong work ng time na ito, busy sa pakipag chat, madaling araw na, napansin ko hindi siya mapakali, labas pasok sa room nila at sa c.r. tapos ang panganay na anak niya before, buntot ng buntot sa kaniya. Then sinabi niya lang na manganganak na daw siya. Siyempre taranta na rin ako, kinatok ang room ng parents, and sabi ko na lang, ang anak nyo, manganganak na, haaay super nanghina mom ko eh, parang hindi makapag react kasi uunahin ba ang sermon or dala sa ospital, ang ending nahuli ang sermon ng todo todo.
Sis, dapat siguro eh as early as know, confront mo na sister mo, whatever decision niya huwag mo na lang pangunahan, and dapat rin siguro pakilala na niya ang bf niya sa inyo sa early as possible, and tama si sis Cacao, dapat ang check-up at pag iipon para sa panganganak, siyempre ginawa nila iyan panindigan na nila.
Sis, dapat ikaw sa sarili mo, i ready mo na i accept ang nangyayari kasi andiyan na eh, lalo na at positive ka na preggy ang younger sister mo