watch now

Author Topic: 2011 BRIDES XVII  (Read 80912 times)

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #580 on: July 21, 2011, 02:59:57 pm »
kung hindi naman hotdate yung date mo sis, siguro pwede na till next month. sino ba kasing mas matimbang sa puso mo? kung pwede nilang ihold yung date for you for another month, go pencil book na, pero kunng okay lang sa yo kahit sino sa kanila, okay lang din.

re rant: nakakainis lang kasi. meron akong corp client... stress lang kasi sira ang sched namin the whole week sa kakahintay sa kanila kasi nasa bahay na yung mga boxes nila. eh meron akong pipickupin sa workshop na dapat kukunin ng isa kong couple tonight. eh dahil hindi makaalis si h2b sa bahay, ako na lang ang kukuha sa workshop tapos i needed to contact si couple para sabihin na bukas na lang kami magmeet para sa box. buti na lang pumayag. hay joskez...

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #581 on: July 22, 2011, 06:14:06 am »
good morning gals!

mafia: parang kilala ko yan ah.. :) hehe yan din ba yung kinukwento mo nung na kina doc tayo?

hay.. nakakaloka, may event kami bukas! pero nakakaloka talaga! sa sunod na kwento... pag natapos na..

princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #582 on: July 22, 2011, 06:40:07 am »
Goodluck Events Simplified!! Break a leg!  ;)

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #583 on: July 22, 2011, 09:18:33 am »
mawnin mga kagandahan... yeah boy friday na!

ES: good luck sa event bukas :)

sis karmie, yeiz, kapatid... at last kinuha na nila kagabi, after gazillion years.

bff: hola!

wala masyadong balita, agenda for today:
 - tapusin ang casting sheet nang maibigay na para sa gallery photoshoot project namin ng friend ko.
 - after that, send quotation sa isa pang client
 - maghunting ng church, boards at venues para kay cuz
 - at kung kaya pa, magupdate ng blog with august events

ang saya noh... lahat yan eh habang nandito ako sa opis. sana walang big brother at project the whole day >:)

kaice

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #584 on: July 22, 2011, 10:21:51 am »
gandang morning!

yey! ES event tomorrow! im very thankful sa mister ko kasi off sya bukas pero pinayagan nya ko sa gusto ko gawin. maglalaba pa daw siya haha! :)

karmie - nakakaloka talaga.. tayo na ba ang magbibigay ng supplier's rating haha! di ko alam kung pwede manggaling yun sa WC pero kasi to warn possible clients haha! :)

rio - salamat!

mafia - chillax lang. tgif! kahit alam kong lalagare ka tiyak ng weekend!

bonngang linggo ito, super busy haha! minsan lang ako makakembot dito. na-deliver ko na ang first batch of kreative kreations stuff :) di ko ngal ang na-picture-an kasi rush. bukas na lang ako sisingit :) or makikigrab na lang ako sa p/v :)

have a great friday! may report pa ko sa school mamaya, lunch break ko pa lang gagawin haha! pasaway na estudyante!


rjaye_2000

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #585 on: July 22, 2011, 10:23:41 am »
hello beautiful gals! namiss ko kayo ah! lam nyo na busy-busyhan lola nyo.  ;D

maikli lang weekend pero feeling ko dami nangyari sa akin last week. last sunday naglast payment na kami sa Matus at on production na ang rings. sobrang relief nga sa amin ni h2b eh. may picture taking pa kami sa staff ng Matus. hehe. pero akala go going smooth na ang agenda namin. after ng gora namin sa mega direcho na kami ni h2b sa house ng tita ko kasi nga supposedly "FIRST FITTING" namin kasama ento.

kaso nagsimula na bangungot namin ni h2b. 3pm usapan namin ng mananahi pero dumating siya ng alas 7pm. take note di namin siya makontak ng tita ko. to make the matter worst pagdating niya she apologized to us dahil daw namisplaced niya ang sukat ng isa kong ento. hindi pa pala natatapos ang bangungot ko. pinakita niya ang gown ko at hoala tapos na siya sisters! lalo gumuho mundo ko ng nakita ko kinalabasan sobrang cheap ng pagkagawa. gusto ko ng umiyak kasi di ba first fitting dapat iyon at hindi pa tapos so wala akong nagawa kungdi isukat siya. kahit iyong sa mga abay ko may konting aberya. di ko na idedetalye ang iba pang nangyari noong araw na iyon kasi sumasakit ang dibdib ko sa sobrang stress. to remedy the situation my family and i decided na bumili na lang sa divi ng ready made if possible pati na din si h2b.

sorry sa mahabang rant sisters pero i really need to get this out of my chest. ngayon ko lang ito pinost kasi hinayaan ko muna mabawan iyong sama ng loob ko.

anyways tama na itong drama ko. i need your help pala, sisses. kasi naghahanap kami ni h2b ng connectors para sa DIY cord namin and wala me nakita sa wellmansons. may iba pa kayong alam na bilihan somewhere in divi or sa malls? pati iyong letters na pwede ilagay. thanks so much!

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #586 on: July 22, 2011, 10:32:36 am »
@rjaye waa grabe naman nyan kaloka! sis try mo sa landmark maraming gowns na maganda naman, sa greenhills may nakita akong isang store dun may gowns na magaganda, may corset pa nga baka bili din ako nun hihi. sa connectors naman, naghahanap din ako nito, gusto ko palitan yung connector ng cord namin, yung letters may nakita ko nito sa wellmanson sa quiapo. :)
@ES goodluck bukas! :D

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #587 on: July 22, 2011, 10:32:38 am »
@ sis rjaye -- virtual hug to you sis!  :-* chillax ka lang, may enough ka pa naman to alter the dress diba? chillax ka lang..  8)

rjaye_2000

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #588 on: July 22, 2011, 10:41:05 am »
thanks sisters!  ;D ;D

inisip ko din na ipa-alter na lang sa iba kaso i'd rather accept na nawala iyong money na binayad namin kesa ikeep ko iyong gown. :( after ng nangyari sobrang natraumatize ako kaya i'll try to buy a ready made gown na lang.

narealize ko naman ang importante makasal kami ni h2b dahil iyon ang pinangarap ko. so lie low muna ako sa details ng wedding. masuwerte pa rin ako i have friends like you and family na sumusuporta kaya i still have many blessings to be thankful for.  ;D

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #589 on: July 22, 2011, 10:43:25 am »
waaaa rjaye!!! sinong mananahi mo? can you name her para naman ma-warn ang ibang clients? hay malapit pa naman ang wedding natin sis.. pero actually sa divi kaya nilang gumawa ng wedding gown in 2 weeks.. tapos ang barong, 1 week po.. so pano babayaran niyo ba siya sa gawa niya?

kaice: onga eh, ang sarap magbigay ng supplier's ranting este rating pala.. nakakapikon lang kasi big time mga suppliers ng client, kung sino pa yung hindi kasikatan yun pa ang pasaway!

4G and mafia: salamat sa moral support! :)

TwinkleDream

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #590 on: July 22, 2011, 10:47:44 am »
Happy Friday Sisses! ;)

Mamaya na ako magbackread ha.. Gusto ko lang itanong opinion nyo.. Kasi may tumawag sakin ngayon lang. Nanalo daw kami ng 3D/2N stay sa Crown Regency. Yun nga lang, need to go sa office nila sa Makati and stay for 90 minutes presentation. Scam ba ito mga sisses? Sayang din kasi.. :D

Time to backread.. ;)

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #591 on: July 22, 2011, 10:49:18 am »
@kaice and carmi e sino ba yang supplier na yan? di naman siguro kasama yan sa suppliers namin? (kinabahan bigla) LOL
@twinkle marami na ganyang pangyayare sa mga sis natin dito...di naman siguro scam, pero may pagka-scam  ;D

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #592 on: July 22, 2011, 10:52:35 am »
sis kaice, hindi naman masyado, dear... kinda lang naman. baka divi kami ni h2b dahil kaylangan ko na talaga ng fiberfill. maghahanap din kami ng pwedeng props para naman sa gallery project namin with a photog friend.

sis rjhay, hugs to you dear. naku, anong sabi ni manang mananahi? sayang naman yun. try mo sa trinoma, sa landmark, marami dun. or kung bet, magrent ka na lang.  :-\

sis karmie, ay gusto ko rin yan... gustung gusto ko yan. pwede bang maglagay muna ng mask para hindi obvious hehe

si twink... nagganyan na kami... need to stay 90 minutes para sa presentation, tapos oofferan ka ng membership, pero makukuha nyo pa rin free stay, nga lang ang daming limitations tapos in two months time yun. para mapabilis ang presentation sa amin, sabi namin may ADHD si h2b kaya hindi pwedeng mapirmi sa isang lugar.


TwinkleDream

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #593 on: July 22, 2011, 11:04:50 am »
gogreengorgeous: May nabasa nga ako sis sa previous thread na mga scam.. Kaya nagconsult muna ako hehe!

mafia: Pareho tyo sis, sa Puerto Del Sol naman kami naka-attend nung presentation. Nakuha naman namin yung GC kahit na hindi namin in-avail yung membership pero hindi rin namin nagamit.. :D Natawa naman ako na kelangan pang magpakaADHD ni h2b.. :D Teka sis, alam mo ba kung anong mga limitations ang meron sa mga ino-offer nilang GC?

Naisip ko kasi sisses, kasi gusto ko sana syang gamitin for next month..Gusto ko kasi sana magprenup din sa loob ng hotel aside from Ecopark.. :) Go ba ako dito or not??? :D

kaice

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #594 on: July 22, 2011, 11:10:30 am »
rjaye - virtual hug! you can check my prepdress and babsbridda, from divi lang yun. yung akin, 600 pesos pero garterized sa back kaya keri sa ibat ibang sukat ng entou, madami pang colors. madami din sa Okasyon, Karimadon sa malls

connector for cord - pwedeng brooch, yung letters kung malalaki pwedeng keychain

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #595 on: July 22, 2011, 01:18:40 pm »
grabe! grrr talaga! >:( buti hindi ako ang bride...

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #596 on: July 22, 2011, 01:26:08 pm »
grabe! grrr talaga! >:( buti hindi ako ang bride...

what happened sis? Good luck sa event nyo tom! :)

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #597 on: July 22, 2011, 01:29:31 pm »
sis twink, ayon sa aking memory cells, kaylangan magpareserve at least 2 weeks before actual date ng arrival. tapos, depende sa availability ng rooms yung booking. basta, nakalagay yun sa likod ng GC

sis karmie... share na yan :)

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #598 on: July 22, 2011, 01:38:33 pm »
Hala nahighblood na! LOL relax lang carmi, breathe in breathe out hahaha

glitz22

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XVII
« Reply #599 on: July 22, 2011, 02:11:26 pm »
singit na (stupid) question lang,  ano ba mga dapat kong tanong sa florist? or mga issues na dapat ma-clarify (like delivery, etc). pang entourage na flowers lang naman kasi, at sa bridal bouquet. or pahingi ng tips, etc. pag mga expo/fair kasi, di ako humihinto sa mga florists so clueless ako. pero may idea naman ako ng gusto kong flowers.


Break a leg sa ES! at relax na rin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close