haller sa mga magagandang binibini!!!
rio: welcome back!!! ang saya-saya naman!
kikay: kaw din wow honeymoon stage ito!!!
dhee-dhee: pagaling lang.. mahirap magkasakit...
prunella: it's you already!!! ganda ng gown sis.. pareho tayong mermaid cut.. pero hindi ako sexy, feeling ko lang..

pero kaw nice, ang sexy mo mare!!!
nikel: nice busyness ka na rin ha?! lapit na eh no.. goodluck sa seminar.. nakakatawa si manong sa marriage counseling na session..
naku, buti hindi ako mapag-patol sa mga scam na ganyan.. takot kasi ako makuhaan ng pera eh.. hehe..

beware lang tayo.. pero matagal na yang modus ng puerto del sol di ba?
updates:kesehodang maulan, pumunta pa rin kami ni h2b at ate fe sa divi para bumili ng tela for my gown.. at kami naman for my ento's gown... grabe sa dami ng pinamili ko, for 3 FGs at 3 SS, eh 1200 lang lahat yung tela.. pero satin, gina at organza lang kasi.. sinama kasi kami ni ate fe dun sa suki niya sa tela kasi nakadiscount kami..
tapos pinuntahan na rin namin si ms. Liza sa tutuban para sa barong ni h2b.. nakakatawa kasi yung bantay nila dun si ate mary, maliit lang.. nagtawag pa ng iba para sukatan si h2b.. tapos pinagpustahan pa kung anong waistline ni h2b.. haha!!! tumataginting na 42!!! hehe pero kasama na yung tyan niya dun.. kahit maulan nag-enjoy naman kami sa lakad namin..
nagpa final na ako ng quotation sa florist.. hay, ang dating 4500 eh P5225 pero keri na rin kasi buong ento na yun eh.. mag band deposit na lang kami kasi hindi ko talaga siya mabigyan ng time na i-meet..
napasa na rin namin ang wedding banns..

kaso may bayad.. kainis! dapat libre na yun eh.. buti hindi kamahalan.. 700 lang sa amin..
yun lang muna, busy-busyhan ang weekend.. uuwi ako sa cainta today kasi lalabas na si papa ko sa hospital..

hintayin daw niya yung blow out ko para sa bday ko..
