watch now

Author Topic: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2  (Read 110780 times)

emgee1180

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #560 on: August 04, 2011, 10:09:48 am »
mga sis may naka gamit na ba sa inyo ng suppository?ako kasi niresetahan ni OB kasi may infection ako sa loob.medyo worried nga ako baka maka apekto kay baby.

ako sis niresetahan dati nung onset ng 2nd tri. sabi ko kasi may discharge ako, tapos nung chineck e nag-uumpisa pa lang yung yeast infection. canesten vaginal suppositories yung pinagawa sakin, 3 days yun. ilalagay mo siya sa gabi. the next day, napapansin ko na pag-wiwi e may lumalabas na white. i guess yung suppository rin yun (excess perhaps?) na kusang nilalabas ng katawan. nawala naman yung itching and discharge after i took the meds.

i followed my OB's advise to take them kesa naman pabayaan at lalo maapektuhan si baby. prone daw talaga ang buntis sa yeast infection.

chofontanilla

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #561 on: August 04, 2011, 10:23:04 am »
bakit ako hindi nag OGTT? nung first check up ko kinuhaan lang ako ng dugo saka urine sample after nun puro BP nalang ang ginagawang check saken pati fetal heart rate ni baby saka paminsan minsan na US.

princess_jane

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #562 on: August 04, 2011, 11:26:52 am »
mga sis may naka gamit na ba sa inyo ng suppository?ako kasi niresetahan ni OB kasi may infection ako sa loob.medyo worried nga ako baka maka apekto kay baby.

ako sis nagganyan din, may infection din kasi ako. Pero ngayon ok na ulit. Clear na ulit. Hindi naman siguro makakaapekto kay baby, kasi alam naman ng OB natin yun. Saka malikot pa din baby ko kahit nagsuppository ako walang pagbabago. :)

wingding

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #563 on: August 04, 2011, 11:31:28 am »
sis cho, ilang months ka na ba? ewan ko ha pero usually kasi, mga 5th month onwards pinag-gaganyan e...i remember before, 7th month na ako nag-OGTT

chofontanilla

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #564 on: August 04, 2011, 11:35:03 am »
6 months na baby ko eh. wala talaga sinasabi OB ko sa akin.

wingding

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #565 on: August 04, 2011, 11:56:57 am »
maybe you should ask..kunwari curious ka lang kasi narinig mo yung iba nag-gaganun...baka kasi nakalimutan nya lang...

emgee1180

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #566 on: August 04, 2011, 12:38:18 pm »
@chofontanilla: sis, better ask your OB nga. ako kasi pinag-OGCT ako kasi may history kami ng diabetes.

ms_ldr

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #567 on: August 04, 2011, 01:59:12 pm »
^mukang kapag mag diabetic history sa family saka pinapag OGTT.

chofontanilla

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #568 on: August 04, 2011, 02:59:41 pm »
kailangan nga siguro tanungin ko sya, buti nababasa ko lagi mga sharing nyo, madami kasi akong napapansin na hindi sinasabi saken ng OB ko. di nya ako ineeducate about dun eh knowing na 20 y.o palang ako diba dapat lahat ng details sabihin nya. kagabi pagpacheck up ko sinabi nya na kapag breech pa din si baby iCS na ako mas maganda daw yung CS hindi daw lalaki genitals ko kesa normal, totoo ba yun?

shoutingwind

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #569 on: August 04, 2011, 03:38:04 pm »
mas matagal gumaling pag CS. AT mas mahal.

Normal is... normal. Kaya nga normal tawag eh.. kasi ganun dapat. LOL.
Saka tinatahi naman yun para hindi "lumaki" or "lumuwag"... diba?

kwento nga ng bro ko eh, ni request daw nya na yung pempay ng asawa tahiin ng maigi para sumikip. HAHA! ewan ko kung totoo yun o joke time.

chofontanilla

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #570 on: August 04, 2011, 03:49:18 pm »
ewan ko ba dun sa OB namin ni SIL. di lang ako makapalag kasi nga andun si SIL saka sya lagi nagbabayad ng fees ko pati gamot ko pati ata kapag nanganak ako sya din kaya nahihiya ako si hubby naman natatawa lang.

alam ko din mas ok ang normal kasi matagal magpagaling kapag CS saka pwede bang mawala scars nun? kasi kahit bikini cut ayoko din kasi nga dahil sa scars ayoko may ganun.

ms_ldr

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #571 on: August 04, 2011, 04:02:08 pm »
^ang nasa isip ko lang pag ang DR gusto kumita syempre CS ang rerecommend kasi mas madali yun sa kanila at wala ng waiting para mag labor ka, malaki pa bayad. naalala ko yung wife ng cousin ko ang bilin sa kanya ng MIL nya wag sya papayag mag pa CS dahil walang handang pera ayun 9lbs [textspeak!] bata nailabas nya ;D...yung sis in law ko naman since CS sya nung una, yung second nya after 3 yrs CS na rin, ngayon sa 3rd baby nya lumipat sya ng OB, dapat raw nung 2nd baby nya at least try ng OB na ipag labor delivery sya to see if she can make it dahil 3 yrs na nakalipas at hilom na yung sugat/tahi nya.pero dito sa 3rd baby nya di sya pwede i normal dahil 1 yr pa lang sya nag give birth.

ang masasabi ko lang CS kapag may complication yung nanay at makaka apekto kapag nag labor delivery sya or di bumubuka yung daanan ng baby kahit matagal ng nag labor.

yung sis in law ko since nasanay na sya sa CS mas gusto nya raw yung kasi wala ng labor pains, tapos makakapili pa sila ng date kelan sya manganganak, ang masasabi ko naman ako maglalabor lang for a day sya magpapagaling ng sugat for a month :P

shoutingwind

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #572 on: August 04, 2011, 04:15:33 pm »
Wag ka matakot magtanong, kahit pa hindi ikaw ang nagbabayad.

Ilista mo lahat ng nararamdaman mo, mga tanong mo at worries mo. I discuss mo sa kanya yan kasi meron talaga na hindi naman mag ooffer ng information kung hindi tatanungin. Siguro expected nila na alam mo na yun.

di ko lang alam kung mawawala ang scars ng cs. Maaga pa naman, iikot pa yang baby mo.
 
Saka tama si ms_ldr... hindi porke sinabi sayo na cs ka, papayag ka na agad. Tell them na as much as possible gusto mo normal. Hangga't kaya mo inormal... inormal mo. Unless gusto mo talaga ma-cs.

chofontanilla

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #573 on: August 04, 2011, 04:21:13 pm »
oo nga eh, pero naka mind set na ako na gusto ko talaga normal delivery lang.

family doctor din kasi nila yun kaya kay hubby lang ako umaapela si hubby dinminsan nagtataka, eh kaso nasusunod yung mother ans sister nya kaya di nalang namin pinapansin minsan.

gagawin ko yung mga suggestions nyo mga sis tatanungin ko talaga sya ng bongga sa 24 hehe! magtutuos kami.

sabi ngapala ni OB nakakaputi ng baby ang vit.c totoo ba yun?

shoutingwind

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #574 on: August 04, 2011, 04:27:22 pm »
^sabayan mo ng glutha! LOL.

mas gugustuhin ko na isipin na malusog at malakas ang immune system ng baby ko kaya pinapainom ng Vit. C.
kesehodang maitim sya. importante healthy.

Panong nasusunod yung mother at sis ng hubs mo? eh katawan mo yan, dapat alam mo anong gagawin sayo at kung pabor ka ba.
eh pano kung sabihin nila na pagka panganak mo kailangan bawasan ka ng isang metro ng bituka kasi kasama yun sa initiation. LOL.

be proactive sa pagtatanong. You'll be a mom now. Ang importante kung ano yung tama para sayo at sa baby mo.

emgee1180

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #575 on: August 04, 2011, 04:51:40 pm »
^^tama ang mga sis natin dito. if you have questions or agam-agam, better bring it up sa OB mo. kahit pa andun si SIL mo na nagbabayad ng fees. baka ma-appreciate pa nya kasi nasusulit ang binabayaran nya, hehe.  ako kasi kung ano mapansin ko na kakaiba (kahit parang paranoid), minemention ko sa OB ko. at least kung meron kailangan i-treat e maayos kaagad.  :)

baligtad naman tayo, OB ko e as much as possible gusto niya normal delivery kaya nga pinaghinay-hinay ako sa carbs para di masyadong malaki si baby.

chofontanilla

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #576 on: August 04, 2011, 04:59:59 pm »
thank you mga sissies sa advice. HAHA! tama naman kayong lahat basta sa 24 tatanungin ko na sya, ewan ko ba dun kung bakit gusto CS.

iniisip ko lang pano tayo maliligo after manganak either CS or normal diba may sugat pa tayo nun? ang sakit naman nun.

shoutingwind

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #577 on: August 04, 2011, 05:02:44 pm »
^baka sinabi lang nya sayo na may posibilidad na ma CS ka kapag hindi nag turn yung baby mo.
Kasi siguro yung last check up mo ang paa ng baby mo ang nasa may pwerta mo (breech) position or suhi.
Diba dapat una ang ulo pag labas? Mahirap kasi pag nauna yung ibang body parts (paa, kamay)

Pag hindi yan umikot by the time na magle labor ka na... eh malamang CS nga. Pero sabi ko nga sayo maaga pa. Iikot pa yan, hopefully.

chofontanilla

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #578 on: August 04, 2011, 05:16:32 pm »
eh diba talaga namang umiikot ang baby? hindi pa talaga nakatapat yung ulo nya sa labasan? yun ang alam ko dati umiikot sya hanggang 9 months na dun na nakatapat yung ulo nya. tama ba yun or mali?

ms_ldr

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #579 on: August 04, 2011, 05:17:26 pm »
natatawa ako sa mga banat mo shoutingwind sa gluta! pwede ka na OB! at panalo rin talaga ang OB na yun sa mga suggestion nya. walang masama sa pagtatanong chofontanilla. nahihiya ka kasi sila magbabayad ng mga mga gastusin, pero you need to know rin. training yan sayo pag naging nanay ka na rin.

Sis cho tama yun, may time pa raw during labor umiikot pa rin ang bata.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close