watch now

Author Topic: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2  (Read 110999 times)

ms_ldr

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #380 on: July 25, 2011, 04:18:03 pm »
^ gora ka na sis sa free photoshoot! masaya yan. ang show us some photos ha  ;)

shoutingwind

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #381 on: July 25, 2011, 04:23:24 pm »
ay gusto ko malandi... yung labas tyan talaga. lol.
kung sakali matuloy...ipapa photoshop ko na lang yung marks. HAHA!!

parang ganito oh:

http://jasonburton80.files.wordpress.com/2011/07/mirameya.jpg

applec16

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #382 on: July 25, 2011, 04:31:02 pm »
^^i-convince ko si hubby tas pag meron, I'll share pics.. :)

^sis, ako pasimula na ang stretchmarks ko kaya gusto ko pa-picture na habang hindi pa malala yung stretchmarks.. :(  Kaso, 28 weeks pa lang ako, parang too early pa ata for a picture..

SnowBall

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #383 on: July 25, 2011, 04:37:59 pm »
Never ko pinangarap mag maternity photoshoot, una kasi nung sa panganay ko, ako na ata ang pinaka pangit na buntis ng panahon na yun LOL. Tapos ngayon naman dito sa pangalawa, although sabi nila, maganda daw akong mag buntis ngayon, kaya nagpapakuha na ako ng pics pero kita lang na malaki belly ko, hindi talaga exposed kasi nakakasuka ang itsura LOL.


Ms_Ldr, oo sis, pag mataas kasi ang blood sugar ni mommy, eh lumalaki si baby, nagiging macrosomia, so bumibigat din si baby, na nagko cause ng too much pressure and also nababanat ng husto ang uterus, kaya nagkakaroon ng early labor. It can cause problems din kay baby kapag hindi naagapan. Kaya mahirap ang GDM.


ms_ldr

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #384 on: July 25, 2011, 04:51:00 pm »
shoutingwind: i like that pose ha..nagtitingin tingin na rin ako ng mga pose ng maternity photoshoot para if ever, knows ko na.

madalas ba kayo mag take ng pic na buntis kayo, just to show yung lumalaking baby bump nyo?

shoutingwind

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #385 on: July 25, 2011, 05:35:22 pm »
O diba ang taray ng pose ni kumareng victoria b. LOL

hindi naman madalas pero nagpapakuha ako kasi ang layo namin sa family ko kaya parang yun na din yung update ko sa kanila.

blush_blush

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #386 on: July 25, 2011, 07:34:31 pm »
tinamad na ako magpicture picture ng baby bump ko, hanggang 5 months lang nakuha ko.

b3bang

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #387 on: July 26, 2011, 08:17:04 am »
Wow photoshoot.
Naalala ko nung nagprenup shoot kami nung July 16, nagtry talaga ako ng ibang pose na hinde halata yung baby bump ko, kaso talagang sumisilip si baby.. hahaha.. gusto ata magpakuha. Sabi ko sa photographer, [textspeak!] go na! Picturan mo na tiyan ko! lolz!

Gusto ko rin sana ng maternity photoshoot yung hald naked?! tapos post ko sa wall namin namin. papa-enlarge ko.. naks!

In case naman may mga stretch marks, ma-eedit naman yan kaya keri lang.  ;D

OT:Nagising ako kagabi kasi para akong dinuduyan, di ko alam kung si baby ang nanggising sa akin.. yun pala lumilindol na.. napabalikwas ako, hidne ko naalala na buntis pala ako.. wahh! katakot. mga 1 hr bago ako ulit nakatulog, kasi si baby galaw ng galaw sa tiyan ko.. nastress din ata sya. :(

emgee1180

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #388 on: July 26, 2011, 08:20:52 am »
di ako madalas magpic ng baby bump. Yung pinost ko sa FB ko e nung 23 weeks na, hehe.

ako gusto ko magpa-maternity shoot. ang tiyan ko naman, wala pa stretchies pero kita ang ugat.. pero carry pa naman siguro. kung sexy ang gusto niyo, merong
Boudoir Bump.
Graduate na ako sa boudoir shoot kaya naghahanap pa ako ng magpipic and kung kelan..

SnowBall

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #389 on: July 26, 2011, 11:02:50 am »
Mga sis, sino nakaranas sa inyong magka ubo? Nag sipon kasi ako last sunday, then ngayon ubo na.

Nung sa panganay ko kasi, luckily hindi ako nagkaubo.. As much as possible, pinipigilan kong mapa ubo kasi naaaalog si baby, maselan pa naman ang pagbubuntis ko.. hay..

Anong mga pinainom sa inyo ni OB?

nutz_17

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #390 on: July 26, 2011, 11:18:46 am »
subscribing..

EDD: nov 17... sana magnormal delivery ako, para kasing ang laki ng tyan ko compared sa officemates ko na nauna sa akin ng 2 months.

chofontanilla

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #391 on: July 26, 2011, 11:19:18 am »
ako every morning may sipon talaga kahit before pa ako mabuntis ganito na ako.

photoshoot? gusto ko yan! kaso gusto ni hubby sya magtake ng photos, eh ang hubby ko aspiring photographer pa lang kaya kada kuha nya panget. HAHA! nakakainis tuloy, sabi pa nya saken, ako daw yung model na maarte mas marunong pa sa photographer. HAHA!

ang due date ko eh, nov. 6 sa US ko naman eh nov. 13 kaya matagal pa ako maghihintay nakakainip na dito sa bahay, walang magawa. gusto sana namin bumili ng gamit ni hubby kaso ayaw ng MIL and SIL ko sila ata ang magbibigay, di tuloy exciting. HMP. :(

chofontanilla

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #392 on: July 26, 2011, 11:34:32 am »
question lang mga kapwa mommies, needed ba ang baptismal certificate? for example sa school or pag aapply ng passport for baby, need niya ba talaga yun? sa school, kahit hindi catholic school, diba hindi naman kailangan yun?

wingding

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #393 on: July 26, 2011, 11:56:35 am »
sis chofontanilla: re: baptismal cert, needed sya in MOST PRIVATE schools esp kung catholic school yung papasukan ni baby...sa passporting naman, supporting docu lang sya since NSO-certified birth cert ang need talaga and i think a copy of the parent's marriage cert, if im not mistaken..tagal na kasi nung kumuha si son e!! check mo na lang sa DFA.gov.ph site  ;D

SnowBall

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #394 on: July 26, 2011, 12:03:46 pm »
Sis Cho, oo nga need ang baptismal certificate sa most schools, lalo na kung sa catholic school mo ie-enroll, isa siya sa requirments. Sa passport naman, hindi naman need, kasi nung pinapassport ko ang anak ko, birth certificate lang hiningi sa akin, pati nung kinuha ko siya ng visa. =)


Okay nga lang sana kung sipon, kaya kong tiisin ng hindi nagte take ng meds, kaso pag ubo kasi, super iritado ako.. Hindi naman ako makapunta kay OB, dahil sa bagyo, baha dito sa amin now.


Buti nga yun sis, bigay bigay na lang, kasi pag labas ni baby, dami gastos, lalo na pag nag school na siya ha ha =)



sis NUtz, welcome sa thread =)

kyrie26

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #395 on: July 26, 2011, 02:22:04 pm »
^sis, naka one week na ako down with a viral infection. nung monday, sipon lang sya pero super sakit ng troat ko and inflammed. my ob gave me additional vitamin c, tapos gave me reseta in case magka phlegm daw the next day. sabi nya magtake lang ako ng meds kung may phlegm. as for the inflammation, lozenges daw kasi wala naman phlegm pa. the next day naman, no phlegm pero lumala sipon kaso clear pa din. wednesday dry cough with colds. thursday, ayun nagsneak in na ang phlegm. friday, we got the medicine na sa reseta. zegen- max use daw sabi ni ob is twice a day, with meals, tapos no more than 3 days ang gamit. so 6 capsules lang ang nasa reseta namen.

friday, saturday and sunday ako nagtake nung gamot. huuuge improvement since i started taking. kahapon halos wala na. today eh di na barado ilong ko but sometimes stuffy sya. tapos konting konting konting ubo na lang.

ms_ldr

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #396 on: July 26, 2011, 03:07:48 pm »
ako naman ilang bes na nakakafeel na parang sisipunin, sa mdaling araw masakit lalamunan ko pero pag gising the next morning wala na. singhot singhot lang ako yun lang. tapos pag sa office ako parang im sooo tired, masakit katawan wala naman ako ginagawa, actually nasakit na yung bottom ko kaka upo, pero wala naman ako mapaglakaran dito sa ofis. pagdating ko naman sa house im so active  ;D Thank God dahil di natutuloy sipon at ubo ko kasi mukang mahihirapan talaga ako, mahirap na nga matulog sa gabi diba? so hope you feel better soon snowball and kyrie26

emgee1180: ako marmaing ugat sa dibdib as in!

b3bang: magandang idea yan malaking preggy pic sa wall, kya lang iniisip ko baka ask ng panganay ko wala akong pic nung sya pinagbubuntis ko  :(

welcome nutz_17! kung nag aalala ka na baka malaki ask your OB or sonographer pag sa US mo, kung normal weight ba yung baby mo. last time nagpacheck up yung babaeng nauna sakin as in ang liit ng tyan kala ko mga 5 mos lang yung pala 8 mos na sya, naisip ko naman kasi petite sya eh ako ang lake ko. so mukang depends sa built rin ng katawan.

any of you guys putting on something sa nips to make it softer pang prepare sa pag breastfeed?

anybody knows online shop sa pinas to buy preggy clothes or blouses?

applec16

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #397 on: July 26, 2011, 03:29:10 pm »
^sis, ako I just use lotion/oil sa nips para hindi mag-dry.  As for online shop, you can try fabnaima sa multiply.

Anyone here who used pobox na?  Yung largest box ba nila same as the largest box ng LBC?

chofontanilla

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #398 on: July 26, 2011, 03:49:31 pm »
ganun ba, kami kasi ni hubby hindi catholic so ayaw namin pabinyagan, yung mga in laws ko naman gusto kasi sila ang catholic, confusing..

kailangan palang maglagay ng something sa nipples natin para lumambot? ano nilalagay niyo? di ko pa natry yun eh.

ms_ldr

  • Guest
Re: Baby Due on October, November, December 2011- Thread 2
« Reply #399 on: July 26, 2011, 04:51:27 pm »
^need natin maglagay para pag nagbreastfeed tayo medyo ready na yung nips, nung first time ko kasi nagsugat pa sya kahit i used vaseline lang sa night or medyo late na nung naglagay ako. ngayon wala pa ko nilalagay almost 28wks na ko. pero nakikita ko na yung mga butas sa nips at nagbago na yung itsura nya. vaseline na lang ulet gagamitin ko.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close