watch now

Author Topic: Immigration officers, how to deal  (Read 140069 times)

greyzie

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #460 on: May 02, 2013, 02:23:05 pm »
though i haven't had a bad experience sa mga IO's natin, nakakainis lang yun experiences na ikinu-kwento dito. ang nangyayari "guilty until proven innocent" while we are supposed to be a democratic country. 

rave21lala

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #461 on: May 02, 2013, 02:39:29 pm »
^sabi nga nung lawyer sa dzmm, navaviolate na daw yung right to travel. parang ang nangyayari kailangan mong patunayan na hindi ka mag-tnt sa pupuntahan mo. may nagtanong kasi sa kanya pupunta raw yung girl sa thailand tapos nung tinanong ng IO kung saan siya magstay don, sabi nung girl sa kuya niya which is yung pinsan niya. tapos naoffload siya kasi wala naman daw sa computer yung name nung pinsan niya na lumabas ng bansa pero nakausap din nung lawyer yung pinsan, nasa thailand talaga siya. sabi nung lawyer di naman daw natin problema kung wala sa computer yung name nung pinsan but the fact na andon talaga siya at siya ang pupuntahan nung girl dapat daw pinayagang umalis.

chefron

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #462 on: May 08, 2013, 09:00:59 am »
sa dmia ako dumaan last week, ok naman kase nakita nya may tatak ng ibang bansa yung passport ko, kumbaga hindi ko 1st time to fly...naoverheard ko yung sa katabing interview, sabi ng IO baka daw hindi mamamasyal yung girl kundi pupuntahan lang ang bf or what...nasa isip ko, eh ano kung puntahan yung bf, bawal ba? parang OA lang din sila mag question. pagdating naman sa bansa na pupuntahan mo ni hindi ka nga ininterview.

nettai

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #463 on: May 08, 2013, 09:16:55 am »
^ Hay I agree... Kulang na lang parang pang-job interview/Binibining Pilipinas na yung mga tanong nila.

Mga tinanong na sa akin na napa-WTH ako:
- Magdadiet ka ba dun? (Oo na mataba ako, pero does it mean na di na ako pwedeng magbiyahe?)
- Ano meaning ng ECE? Saan ka nag-aral, ineng? Nakapag-graduate ka na ba? (Oo, may "ineng" pa talaga)
- Nasaan ang mga magulang mo? (Jusko, 25 na ako, bat mo tinatanong sa akin yan?)
- Nasaan ang allowance mo? (Eto pang isa, malabo na ata ang mga mata nila)
- Naghahanap ka ba ng boyfriend dun at mag-isa ka lang? (OB Trip kaya mag-isa lang ako)

All asked by immigration officers in Terminal 3 for the last 8 months. Napapatawa na lang ako pag tinatanong nila yan; desperado na ata maka-quota.
« Last Edit: May 08, 2013, 09:19:46 am by nettai »

ceejhei

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #464 on: May 08, 2013, 09:21:31 am »
^ napaka unprofessional ng question nila ah. ano yan basta may maitanong lang? im surprised if they will ask what did we have
for breafast? dinner? lunch. hahaha

nettai

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #465 on: May 08, 2013, 09:39:18 am »
^ Yun nga eh, may maitanong lang. LOL!
I'm still waiting for the day na tanungin nila sa akin, "What's the meaning of life?"

Kaya minsan swerte ako pag may celebrity na nakalinya, dun na lang ako pumipila. Sa mga ganung encounters ko wala silang pakialam sa mga susunod sa pila -- tatak agad, walang tanong.

chefron

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #466 on: May 08, 2013, 09:44:36 am »
eh diba S line ang sa immigration, wala kang choice to choose kung kanino ka IO matatapat?

nettai

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #467 on: May 08, 2013, 09:50:14 am »
^ Yan yung sa nagtatatak di ba? Dun sa Terminal 3 palipat-lipat ako ng pila, kung saan mabilis. :O
Unless kung marami talaga ang tao (usual flights ko kasi gabing gabi na eh; company usually chooses Ceb Pac LOL) -- pag ganun may tao na nag-aassign kung saan ka papipilahin.
« Last Edit: May 08, 2013, 09:52:08 am by nettai »

chefron

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #468 on: May 08, 2013, 09:56:17 am »
the last time we travelled using 5J or terminal 3, s line pa din sya, so kung sino unang matapos dun ka, di ka pwedeng mamili, morning flight amin

nettai

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #469 on: May 08, 2013, 10:03:24 am »
^ Pero mahaba yung pila, sis?
(Last flight ko kasi last April, usual 5J flight, almost 10pm nandun ako, halos wala nang tao. Random officer na lang pinipili ko.)
« Last Edit: May 08, 2013, 10:25:40 am by nettai »

xhawie0131

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #470 on: May 09, 2013, 01:21:17 pm »
hi mga sissies..share ko lang experience ko sa immigration...

nitong May 2, 2013 lang, me  and my family (hubby & 12yr old and 6yr old kids) were bound for HK via Cebu. We are from Davao pa. I was confident na ok na mga dala kung travel docs..id/return ticket/itinerary and booking voucher. This is our 1st time to travel abroad by the way. Nung nasa immigration na, madaming bakanteng counter so nag iisip pa ako saan ako pipila kasi pipili ako ng mukhang mabait na IO  :D . Then, nakita kami nung IO na girl at kinamay kami at doon nalang kami pumunta sa kanya. I had filled up all the dismebarkation forms. So since, i'm currently working in a government, i put a government employee as my occupation. Not knowing na they have these restrictions pala if you're a government employee. They asked me if i have a Certification of Employment and the Authority to Travel. The thing is, i am not really a government employee. I am not a regular or having a plantilla position in the government. I am a mere Job Order/Contract of Services auxilliary worker of our city which means there is no employee-employer relationship. Eh nasanay ako na yan nilalagay ko eh. If alam ko lang, housewife nalang sana nilagay ko. Wala akong mapakita sa mga hinihingi nila. My only proof is my J.O. ID na not the usual ID na maliit. ID namin yung malaki na naka laminate lang, signed with our Mayor at the back. I was reiterating na actually i am not a regular government employee. That is why i have this ID na malaki. ID's of regular employees were maliit lang di ba? Saan raw ang proof ko na totoo ang ID ko. Hinanapan ako ng GSIS ID, I said..”paano ako makapag GSIS eh hindi nga ako regular employee”, Walang imik at pina punta kami sa room at antayin nalang raw namin ang Supervisor. Buti nalang delayed ng 1 hour ang flight namin na 10:45pm. After about 10mins. wala pa ring supervisor na dumating. May nakasabay pala kami doon na mag-asawa, ang babae Public Teacher wala rin syang Authority to Travel. Di na ako mapakali, naawa na ako sa mga anak ko, ang eldest ko napaiyak na at ang isa naman nakatulog na sa may bench sa front ng table ng IO Supervisor na hindi ko alam kung saang lupalop pa kaya sya. After 15mins, wala talaga - ask ko yung parang OJT doon if darating pa ba ang supervisor, not sure parin. Parang ang labo, in my mind gagawin ko talaga ang lahat para lang maka alis kami. Lumabas ako sa room at nandoon si hubby chika2x nya isang IO doon. Ang sabi nung boy na IO wala syang magawa kasi discretion na nung girl na IO (na napuntahan namin na IO). Kinausap ko talaga hindi ko tinigilan, kami ni hubby. Sabi ko “maawa naman kayo sa anak ko umiyak na at ang isa nakatulog na..” He even told me pa na tawagan ko mayor namin para ma fax ang documents ko.. Hello??? ganun lang ba kadali yun? at sa ganoong oras pa? Napaka imposible naman ata...Hanggang sa lumapit na yung IO namin kinuha bigla ang ID ko at pinakita sa ibang IO. Inis crutinize nila ID ko kulang nalang gamitan nila ng magnifying glass, para talagang mga timang!  :o Ask ulit nung isang IO saan daw ang GSIS ID ko. Sabi ko ulit “wala nga akong GSIS kasi nga hindi nga ako regular” sabay simangut and nababagut na sa tanong nila..ayun, kinuha nung IO namin ang mga passport.. Dali-dali kaming pumila ulit sa counter nya, kinarga ni hubby ang 6yo ko kasi tulog nga.. hay, nabunutan ako ng tinik sa dibdib lalo na yung natatakan na! Sobra nakaka kaba talaga....it's just so unfair lang na gaganunin ka nila na you have all the capacity to go abroad naman and hindi ka mag tnt, lalo na boung pamilya pa kami. So ayun, nakaka inis lang naawa tuloy ako doon sa mag asawa kasi mukhang na offload talaga sila kasi di ko sila nakita sa waiting lounge till boarding, eh same lang ang flight namin....

chefron

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #471 on: May 09, 2013, 02:04:36 pm »
required talaga yan sa government employee...baka kase mag awol

xhawie0131

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #472 on: May 09, 2013, 02:15:17 pm »
^ kaya nga sis, now ko lang nalaman yan..i have no idea talaga. .buti nalang na proved ko talaga na hindi ako regular government employee...  :D

minnie99

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #473 on: May 09, 2013, 06:19:50 pm »
Naku sis, sana nakapagtanong ka dito, ako rin contractual pero hindi ko nilagay na govt employee (nilagay ko yung job title ko :) ). Pero ready ako with my contract, naka-highlight pa ang phrase na hindi ako empleyado ng gobyerno. :)

Nung galing ako SG, sa NAIA3, sabi nung girl IO "Nagwowork sa Singapore?" di ko alam kung san nanggaling yun, lol. Siguro sa dami ng stamp ko na SG (I've been to SG 4x na in 2 years). Sino daw kasama? Sabi ko friends.

Baka may maitanong lang kaya nagtatanong. :)

littlemissbiatch

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #474 on: May 09, 2013, 06:48:41 pm »
^ Yun nga eh, may maitanong lang. LOL!
I'm still waiting for the day na tanungin nila sa akin, "What's the meaning of life?"

Kaya minsan swerte ako pag may celebrity na nakalinya, dun na lang ako pumipila. Sa mga ganung encounters ko wala silang pakialam sa mga susunod sa pila -- tatak agad, walang tanong.

agree re: celebrities. one time nakasabay ko sa pila si dingdong dantes (sabay kami sa magkatabing IO). eto yung time na nagpalit ng embarkation card, tapos hindi ko alam na meron pa pala dapat i-fill-up sa likod. ang bait-bait sakin sinabi nung immigration officer na "uy, may nakalimutan ka". pinahiram pa ako ng ballpen lol. i'm pretty sure kung wala ako kasabay na artista nasigawan na ako ng bongga.  ;D


ubengbaka

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #475 on: May 09, 2013, 09:17:22 pm »
sa dmia ako dumaan last week, ok naman kase nakita nya may tatak ng ibang bansa yung passport ko, kumbaga hindi ko 1st time to fly...naoverheard ko yung sa katabing interview, sabi ng IO baka daw hindi mamamasyal yung girl kundi pupuntahan lang ang bf or what...nasa isip ko, eh ano kung puntahan yung bf, bawal ba? parang OA lang din sila mag question. pagdating naman sa bansa na pupuntahan mo ni hindi ka nga ininterview.

Actually yun naman ang lagi kong sagot, to visit my fiance. Tapos follow up question kung Pinoy sya at resident ng HK. tapos tatak na agad. Pero next week ko pa lang mararanasan ang DMIA IOs, first time ko lilipad from there. Bilang praning ako (bec I heard mas mahigpit ang IOs dun), i got myself a postal ID, NBI clearance and birth cert from NSo haha. I even asked my bf to send me copy of his IDs.

So far experience ko sa T3, okay naman, lagi halos wala pila sa immig.

hanlim

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #476 on: May 17, 2013, 07:27:50 pm »
ang mangyayari, gaganda pa ang bansa natin dahil magkakatrabaho sila sa ibang bansa na malaki ang sweldo na dito ay di sila makahanap ng trabaho o kaya nakukuba na sa work pero maliit pa rin ang sweldo.

yung mga pamilya nila dito na pinadadalhan nila ng sweldo ay gagaan din ang buhay kahit papaano.

so pakisabi dyan sa IO friend mo, wag syang masyadong mahigpit, pag may documents naman, hayaan na. di nila trabaho ang discretion nila kung sino ang aalis. trabaho nila ay MINISTERIAL. wala silang karapatan na mag decide at mag judge.

also, pakisabi sa friend mo, na yung pinaghihinalaan nila, HINALA pa lang yun, so sana tratuhin nilang mabuti ang KAPWA PINOY nila na nagpapasweldo sa kanila.(taxes).

pagtuunan nila ng pansin ang mga drug courier, mga tatakas sa batas, and terrorists kamo, yun ang may totoong may impact talaga sa ikasasama ng pinas.

I don't think you're really thinking for your countrymen, sis, since there are worst cases than not having a job -- and that's having the wrong job at the wrong place with the wrong people. Okay, so say they do get jobs there in Malaysia or whatever, but for what price?

As long as the immigration is assured you are in good hands abroad or at least in good financial, psychological, physical capacity yourself, you'll probably be let go. No need for documents or any other interviews. Pero if your life would be on risk and you had no one with you to ask for help, well... things are not looking good for you.

Please stop thinking angrily for a second and try to see the relevance of the officers, try to listen to the relevance of their questions. You say they have no right to decide and judge? Actually they do. And it's not only within their rights, it's also within their powers to do so.

Hindi po sila mang-o-offload ng hinala lamang, dahil kung ganon, maaari silang i-reklamo at kasuhan sa korte. At walang tao ang may gusto nito. Ano naman po ba ang makukuha nila kung ang isang Filipino ay ma-o-offload?

I am very pissed when this kind of argument comes up: "kami ang nagpapasweldo sa iyo". Do you think just because you pay taxes you have the right to be treated exceptionally? Government employees pay taxes too. And a lot more. But don't worry, they know the kind of service they entered when they applied for this. Just don't shove it in their faces that you're the one paying their salary, because then that would mean they're also paying for THEIR salary which would just make things awkward. Anyway, MOVING ON.

And rest assured, I'm sure they're also doing screening on arrival, you're just not very concerned about that cause you're a Filipino and you don't get the same interviews as with a foreign national. Tandaan: they're strict to Filipinos on departure, and stricter with foreigners on arrival :)

Godspeed.

Cookiemonster11

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #477 on: May 19, 2013, 05:38:51 am »
Mga sis, I will be travelling to hk with my mom and dad who are both unemployed and has no source of income whatosover, Ill be paying for all the expenses. Would this be a problem? baka hingan sila ng company id or other docs

ckay

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #478 on: May 20, 2013, 02:53:04 am »
^
I don't think they'll ask pa. Traveled with my mom before and been to HK 3 times, ask lang nila where are you staying and how long. Wala na iba.

melmedrano

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #479 on: May 20, 2013, 09:53:24 am »
^^ oo sis, hindi sila hihingan ng company ID unless you state that they are employed. Passport would suffice for them. At saka tama si sis ckay, ang pinaka itatanong lang ay kung saan kayo mag stay dun. Ako nga nung sinabi ko kung saang guest house ok na sila ako lang ang nagpa-bibo na nag present ng reservation ng guest house. But then, magdala ka na rin para sure.

Yung alis namin last May 12 sa clark, ok naman... walang naging problem sa mga IO. They are nice.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close