^ naku, sad to hear that. OA ha, birth certificate e kahit naman sa birth cert, di naman nakalagay don name ng kapatid a, hehhe, order of birth lang sa pagkakaalam ko.
tama ka don, alam mo, me mga cases din dito sa KL na nagrereklamo na ata kasi nga nagpa-authenticate daw sila ng invitation letters, etc. pero ended up na di pa rin pinayagan ng IO umalis yong ininvite.
E pupunta sister ko ulit dito next next week, naku ha umayos ang IO, e kapatid ko malamang call center slang na naman gagamitin non, hehe. Minsan, unahan mo lang at wag ka papasindak, deadma sila e. Last time naman na pumunta siya, di rin authenticated ang invitation letter na binigay ko, pinakita lang niya Company ID niya. tapos ang tanong daw sa kanya, bat daw magkaiba ang airlines niya papunta at pauwi. sabi daw niya, 'e yon yong nakuhang flights ng ate ko na sale!'. pero dito daw, no questions siya. Ngayon, pinapadala ko na rin sa kanya yong copy nong approval ng leave niya para la masabi ang mga IO natin.
Nakwento ko na rin to dati, nong last time na pabalik ako dito mag-isa, ang haba na ng line, kasi meron isang lalaki na ininvite ata for travel, etc, pinakita lahat ng documents kasama mga bank statements pa ata nong nag-invite, dami pa rin tanong, etc. ang tagal na, yong foreigner sa likod ko, sabi niya, why is it taking so long daw e complete papers naman daw yong guy sa may IO. It doesn't happen daw sa ibang countries na pinupuntahan niya.
Actually, dapat nga ang mas mahigpit yong airport of arrival hindi yong airport of departure.