watch now

Author Topic: Immigration officers, how to deal  (Read 140374 times)

phurple0515

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #240 on: October 03, 2012, 12:36:59 pm »
nakakainis nga yong ganon, ang dami daming tanong sa yo, na kahit personal na di naman dapat itatanong e tinatanong pa.  masyado sila.  ibang countries nga, wala naman tinatanong na esp. pag marami ka ng countries for travelling.  sa atin, mas malaki pa discrimination sa kapwa pinoy kesa pag foreigner ang nasa harap nila.

Cocoyow

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #241 on: October 03, 2012, 04:19:18 pm »
^true that sis! Hay may ugali talaga ang pinoy na basta may power e inaabuso, tingin nila e kaya na nila lahat.. Sana makatyempo sila ng mapapahiya sila..

phurple0515

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #242 on: October 03, 2012, 05:00:56 pm »
^ di naman natin sila pwedeng awayin na mga commoners kasi criminal act daw yon hahaha!

Happy Mom

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #243 on: October 03, 2012, 07:41:54 pm »
I had a bad encounter with an IO nung papunta ko SG, yearly i travel abroad for vacation and first time ko may nag question sakin. Dko alam na issue pala ang walang work. Kasi 5x nako naka travel e wala pang nagpatigil sakin. So ayun, he asked where is my roundtrip ticket, saan ako mag sstay, ano gagawin ko sa sg,aba sabi ko syempre mag babakasyon. I showed him my universal studios ticket and booked hotel voucher. Tinanong nya ko ulit saan daw ako nag wwork, sabi ko im not working, sabi diretso daw ako dun sa isang room for questioning. Parang wth? Yung kasama ko na dun mag wwork e hindi hinold, tapos ako na magbabakasyon dun yung knwestyon. I dont even look like an ofw para mukang mag tnt dun haha. So pumunta ko sa room, yung babae dun parang nagtaka pa sabi bakit ka pina hold? Sabi ko i really dont know. Sa totoo lang nakaka discriminate ginagawa nila. Gusto kong sampalin ng pera yung lalake at sabihin na anong magagawa ko kung madami akong pera at gusto ko magbakasyon. She asked, do you work? I said no. Where do you get your money,so i answered her. At sabi ko, ayun kasama ko. Hinihintay ako ng friend ko. Tapos biglang sabi nung guy, ah may kasama ba sige ok ka na. Bw*set lang! At the first place nung papunta pa lang ako sa kanya, kasabay ko na yung friend at pinaatras nya lang ako and sabi one at a time so dapat common sense na magkakilala kami. Anyway funny thing pa, yung guy na nagpatigil sakin nakita ko sa national geographic ch. sya din yung nagpa stop ng pinoy dun, akala nya illegal naman ginagawa. kinda muka syang bi. never nako pipila sa kanya ulit. Centennial airport to by the way..

sis, pano ba istura ng ofw? pag ofw ba mag ti tnt na?

Cocoyow

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #244 on: October 04, 2012, 03:26:32 am »
^hi sis happymom, panget pagkakasabi ko im sorry. What i meant to say sana is hindi ako mukang magttrabaho dun o maghahanap ng work without papers. no offensemeant to ofw's my mom is working abroad also..

marssie

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #245 on: October 04, 2012, 03:41:02 pm »
Nakakainis nga kaya mga immigration officers na yan, minsan pati yung requirements nila di mo maintindihan, like affidavit of support.  Pag nagpapapunta kami ng visit visa dito sa middle east kumukuha kami ng AoS sa Philippine Embassy dito, so papadala namin sa pinas yung original at pinapared ribbon para maipresent sa IO and it will serve as invitation letter na nga rin. Kung tutuusin di naman kailangang ipared-ribbon pa rin, pero dahil nga may mga IO na ginagamit na dahilan na hindi nakared ribbon ang AoS para di ka paalisin,ayun pinapared-ribbon nalang namin para less abala.  Pero may mga IO naman na, scanned copy lang ng affidavit of support tinatangap naman nila  ::)

bluez

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #246 on: October 05, 2012, 09:31:30 am »
lagi ako sa naia 2 and 3 ok naman mga IO hehe infairness sa naia 3  may 2 gwapong IO
dun talaga ako pumila sa cute  ;) ;)

Happy Mom

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #247 on: October 06, 2012, 04:04:01 pm »
hi Cocoyow, ok lang. medyo nagulat lang ako sa pagka deliver  ;) ofw kasi ako. napaisip tuloy ako. kasi wala naman pinagkaiba ang pagbibihis ng ofw sa hindi ofw.

on topic. marami na rin ako na witness na naharass ng mga IO. yun mga nakakatabi ko na window pag umaalis ako. minsan magtatanungan pa ang mga IO, sasabihin nila sa katabi nilang window, papa alisin ko ba to o hindi? tapos sasagot yun isa, bahala ka kung gusto mong paalisin, kung hindi, e di hwag sabi naman ng nasa kabilang window.

tama si sis marssie, dito sa ME, dami affidavit na hinihingi.

mitch2526

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #248 on: October 19, 2012, 11:51:25 am »
Sharing my experience.

Nung 2009 magisa akong papunta ng singapore, still looked like a college student then. Well technically oo student pa pala ako nun. nyway, yung immig officer sa terminal 3, hinold ako sandali kasi dangerous daw magtravel magisa, baka daw matraffic ako.

So had to tell them na may kamaganak ako sa sg, dun magsstay, at babalik rin naman ako kasi ngastudent ako.

So we had to call my family sa sg, obviously sg phone, so medyo ok na sa immig. Hinayaan na ako magtravel.

Sombasically sa akin di nila inisip na di ako babalik ng pinas, baka lang daw matraffic ako.

So sa mga single lady travellers na under 20, i suggest maghanda na ng phone num ng kamaganak or friend, or magtodo grown up outfit n makeup. At mamili ng immig officer na hindi masyado matanong sa iba. Hehe. :)


prettynvain

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #249 on: October 19, 2012, 01:51:17 pm »
sisses, di po nila iniisip na mag-ttnt pag hk at sg lang.. kundi magwowork sa bar lalo at bata ka pa at may itsura.. remeber sg at hk maraming nagwowork sa bars they'll come as tourist at icoconsume ang stay para magwork illegally with that kind of job.. pag sa ibang country na, dun sila nag-iisip ng possible tnt cases.. so please wag sana nating maliitin ang mga ofw's natin..  kasi they will think tour tapos            mag-isa ka lang? or pwede ring maghahanap ng work..

kaya they always ask for your work.. para they know na talang tourist ka nga lang na magbabakasyon and wala nang iba..

sis amethyst028, she can bring a copy of your tickets para pag na-question siya sabihin na nauna kayo dahil nung nagbubook kayo nagloloko yung website. families ko rin, they'll be in sg ng nov, 9 pax sila at nahuli yung 3 kasi nga promo ticket yun di kami makabook ng sabay sabay na 9pax.. iccheck lang nila kung talagang naka-alis nga kayo at nauna lang..

sis harlet, for canada yes. unless you'll be staying with your relatives.

harlet

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #250 on: October 19, 2012, 02:10:26 pm »
sis prettynvain,

ok, i booked for a hotel and print the reservation paper....now, if hindi lako magtse-check in, at hindi ko kinansel ang booking, me problema ba kaya sa card na idineclare ko? baka kasi bawasin nila yung equivalent ng amount na pina reserve ko....thanks ulit... :)

nageinna

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #251 on: October 19, 2012, 02:12:52 pm »
share ko rin experience ng brother in law ko. last year ata yun, mainit immigration sa media that time kasi naging issue yung pag payag nila paalisin nun si ramona revilla. early am flight ni BIL together with his friends papuntang malaysia. hiwalay hiwalay sila sa pag pila sa immigration. yung friends niya kasi from province galing, batangas. and first time to travel abroad kaya ayun kabado. nauna si BIL sa pila sa immigration, ok naman lahat, he was only asked the usual stuff like saan nagwowork, ano gagawin abroad, etc. ok na sana siya, then the IO found out na magkakasama sila nung kaibigan niya. dun nag duda si IO. kasi wala pang past travels yung mga friends niya, si BIL naman once sa HK. ayun pinapunta siya sa isang room. pinakita niya IDs niya, employment cert. etc. nung nakita ID niya, sabi sa kanya, bakit daw mukhang bago lang daw yung ID niya. baka bagong pagawa daw. sabi ni BIL ahente naman work niya, hindi naman niya ginagamit ID niya kasi hindi naman required isuot since fieldwork naman siya. then tinanong saan siya nagwowork. pinakita niya employment cert niya. then sabi ni IO bakit daw hindi niya makita sa internet yung company ni BIL. bakit walang website daw hinanap niya sa google. heller? google talaga? eh kung yung pagiging legit ng company yung gusto niyang siguraduhin dapat sa goverment agencies siya nagveverify like SEC diba? hindi sa google! then hinihingian pa siya ng passport copy daw ng boss niya. kung taga dito daw ba sa PH. kamusta naman ano naman kinalaman ng boss niya sa pag alis niya diba? hindi naman pwede sa tuwing aalis siya ng bansa sasabihin niya sa boss niya, "boss pwede paxerox passport mo" sinong boss naman papayag dun? kung gusto nila iverify kung legit yung work and company ni BIL there are ways. hindi kung ano ano hinihingi nila. in the end, si BIL din sumuko sakanila. hindi na lang umalis. kasi pinapaikot ikot lang daw siya. kung ayaw ka talaga nilang paalisin, gagawa at gagawa talaga ng paraan yung mga yun para di ka makaalis.  ::)

prettynvain

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #252 on: October 19, 2012, 02:24:38 pm »
sis prettynvain,

ok, i booked for a hotel and print the reservation paper....now, if hindi lako magtse-check in, at hindi ko kinansel ang booking, me problema ba kaya sa card na idineclare ko? baka kasi bawasin nila yung equivalent ng amount na pina reserve ko....thanks ulit... :)

that i am not sure. pero ang alam ko yung iba they will charge 1night. and actually sis, you need to cancel it baka ibawas sa card mo. or better yet, contact the hotel directly. mind if i ask, bakit ka magpapa-reserve tapos icacancel mo lang pala? para ipakita lang sa mga immigration officer? san ka ba mag-sstay? kung sa friend or relatives, why not just ask them na bigyan ka ng invitation letter. it's better to tell the truth than ma-hold ka sa immigration kasi pati ticket mo baka masayang diba.

harlet

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #253 on: October 19, 2012, 02:54:42 pm »
^actually sis, tourist ang pasok, attend sila ng conference sa vancouver.... oo kasi baka from there tawagan ng immigration ang hotel kung totoong me reservation, eh kung cancel ko before the arrival at tumawag nga sila, malalaman na cancelled. so i guessed, gamitin na lang ang reservation....

thanks, sis....

prettynvain

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #254 on: October 19, 2012, 03:05:32 pm »
^good reason ang conference as long as merong papers for that like invitation sa conference, etc. and yes, gamitin na lang reservation. baka kasi i-charge tapos di magamit sayang naman.

bluez

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #255 on: October 19, 2012, 03:40:50 pm »
sis nageinna what terminal yang encounter ng bil mo? what airline?
isang ticket lang ba sila lahat or individual?
grabe naman mega google pa si IO sana di sila sumuko at pinaglaban nya na talagang tourist lang sila..
 importante din na presentable ka at confident sumagot.. pang asar nga pag ganyan sayang lahat ginastos..

harlet

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #256 on: October 19, 2012, 04:13:03 pm »
^^oo sis gamitin na lang, anyway, mura lang naman yung hotel na kinuha ko....salamat, salamat!!!! :)
andiyan ka ba sa canada sis?

vain_kixie

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #257 on: October 19, 2012, 04:46:44 pm »
Nasigawan na pala ako one time ng woman IO sa NAIA. Flying to Seoul, my dear mother went before me, hindi ko napansin na tapos na siya, I was texting. Ayun sinigawan ako ng IO, as in sigaw talaga di ko alam if napansin ng iba. I forgot her exact words but she said that it's not allowed to text and that I have no respect for her. I said sorry and she never said anything after that. Then off I go to Korea. Never again did I use my phone the moment I step into the immigration pati locally. Tama naman kasi siya, I don't do it in a foreign land tapos dito text text ako.



nageinna, nako grabe naman yan IO na yan. Sayang yung ticket nila. Hindi ba abuse of power yung ginawa nila sa BIL mo?!

nageinna

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #258 on: October 20, 2012, 09:23:00 am »
@sis bluez terminal 3 sis cebu pac. they got their tickets on promo but still mahal pa rin and sayang talaga nagastos. isang friend niya nakatulala nga daw after nung incident. pag uwi sa batangas naiyak nalang daw sa mom niya. take note lalaki pa yun ha.

@vain_kixie sad to say ang dami talagang nasa higher positions na nagpopower trip. malas din siguro that time natapat pa pag alis nila nung nasa spotlight yung immigration natin. ang dami daw nila hinold that time eh.

riandrew

  • Guest
Re: Immigration officers, how to deal
« Reply #259 on: October 20, 2012, 08:32:13 pm »
i flew to SK last week, first time ko uilit magtravel abroad after the dreaded Bali incident. ;D

sa naia3 napansin ko mejo matanong yung IO kung saan ako nakapila. nagsilipatan yung mga tao sa "nicer" looking IO to be safe - pero i chose to stick with the matanong masyado na IO. after the alleged "drug mule" experience, this IO wont surely break me now. hehe

sa SK, bukod sa hassle free, meron pa akong nice experience. nung nakalagpas nako sa final xray before leaving the airport, sinabihan ako ng Korean offical na "philippine tourists are very good". aaww, heartwarming. sa airport palang naffeel ko na ang warm welcome ng korea! ♥

 

Latest Stories

Load More Stories
Close