watch now

Author Topic: MIL taking care of baby  (Read 7250 times)

aneke

  • Guest
MIL taking care of baby
« on: June 17, 2011, 09:53:13 pm »
I'm now back to work, my baby is 4 months old and my MIL takes care of him. She sleeps with my baby at night para di na kami mapuyat ni hubby sa pagpapadede. So I only get to play with him when I arrive from work, yun ay kung gising pa si baby. Otherwise, sa umaga na lang bago ako pumasok, at yun ay kung gising na si baby :( During weekend, nakakasingit ako ng konti sa pagaalaga, but I have to do a lot of chores, kasi mula nang kasma namin si MIL, hubby doesn't help me in the house anymore. I'm afraid na hindi na ko makilalang mommy ng baby ko. Lalo na, MIL takes care of him as if sya ang nanay, like when he was crying, me and hubby was beside him, tapos sabi ni MIL, tahan na baby dito na si Mama. (She doesn't want to be called lola) Hindi na ko makatulog sa gabi kakaisip sa posibleng mangyari eh, na di ako makilala ng baby ko habang lumalaki sya. Anong dapat kong gawin?

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: MIL taking care of baby
« Reply #1 on: June 18, 2011, 02:25:30 am »
Ikaw ang nanay, lagi mong iisipin yan. Kahit na gaano pa ka-close ang MIL mo sa iyong anak, ikaw pa din ang may last say kung anong gusto mong mangayari. And you're experiencing major adjustment from being a full time mom to a working mom. Ganyan dina ko noon noong naiwan ang baby ko sa nanny. I think you have to slow down a bit. Think of things that are more important to you. Spend more time with your baby pag wala ka sa office and let you MIL do some of the chores. I think she will understand. Ask your hubby to help or demand him to help para maalagaan mo ang anak mo. Or kung pwede mong gawin ang trabaho pag tulog na si baby, don mo gawin. At alam ko malaking sakripisyo ang paggising sa gabi pero kung ito ang way para maging close kayo, padedehen mo siya either late night or early morning, its not an excuse na mapupuyat kasi anak mo yan e. walang puyat-puyat :) at lilipas din yan, matutulog din siya ng derecho in a few months.

Ang baby kasi mas close sa taong lagi niyang nakakasama at naamoy kaya normal lang na hanap-hanapin niya ang MIL mo, i dont think she's a threat. But assert your role as a mom also.

aquacharly

  • Guest
Re: MIL taking care of baby
« Reply #2 on: June 19, 2011, 11:02:21 am »
^you are sooo right there, ANEKE MUST MAKE TIME for her baby.

(sorry for the weird indentions, tht is [textspeak!] happens when I correct my spellings on my IPad - madalas kasi sa bilis,  hindi mag register a letter pressed.  :(. ).


1st things 1st-  do not let the current situation  slide.  In a posiive manner, ANEKE, ask your husband to go back to helping  you.  Sabihin mo - his mom is not a yaya,  you are not a maid, and you want to spend good time with the baby  and him. Say you  appreciated and loved him more for  his help before, puede ba magtulungan ulet?  Do not let that big baby off the hook. Or else some years down, you will wonder baket ikaw lang pag problema pinag- uusapan, at ikaw lang sumasalo ng additional family responsibilities.    So maaga pa lang, do not let him get away with it.  You married him to have a happy life, hindi parang maging unpaid  sex provider and maid.

Now, that MIL of yours, pag sinabi nya sa baby si "Mama" sya .. For ex., Imelda name ng mom mo --
whether alive or dead, refer to your mom as "Mama Imelda" ( who used to live in Malacanang, or
whatever).  Or, call your MIL si "Mama Pretty"or "Mama Ganda"  ... Whatever ikakikilig nya but
differentiates you.  Refer to yourself as Mommy.    (Alam mo, ok dn Mamita tawag k MIL)

At the height of my separation pangs from my baby, when I had to  go back  to worK like you, ANEKE,  each morning, I sent off my babe with her midwife yaya to my mom's house - salon and house lang buhay ng mom ko ha, andun pa our dear old yaya na mas mahirap sabihan quesa mom namin. Lol. eh
di ang daming tao gusto maging center of my baby's  universe!  Basta pag uwi ko, after a brief hug and
 kiss, I shower and get hold of my baby.  Whatever  I was doing, kasama ko sya, we talk - este, I talk,
The baby listens.  I make her feel important to me, kahit mag tantrums si husband. Ang sa kin, your time is at a later hour.  So ganun, ANEKE, when you are home. .. Take care of your babe, and gently
steer your MIL to take care of HER big baby, or to rest.  DO NOT DEFAULT (to her.)

At night, my babies sleep with me, until they ask to sleep in their own room.  Mahirap kasi mapupuyat
ka (but less as they grow) and you wake up earlier. But you can ease the burden by preparing ahead.
Like me, how did I survive with 3 kids in our bedroom?  Each kid had a midwife yaya.  Pwes, kanya
kanyang bottle and sterilizer sets yan.   Easily distinguishable, kahit pikit both my eyes.    Each yaya
better prep everything in our room before we all settle in for the night, para kahit duling ako half asleep - Taktak lang ng pre-measured milk for whoever's bottle - voila!  Ok na kaming mag-iina.    Pag nagsabay mag alboroto sa gabi -  there are times like that - ah, we have 2 rockers in the room. Hubby
has to get up and do his share.  To this day, ewan ko how I survived that. Full business load ako noon,
as always to this day. 

ANEKE, you gotta act NOW.  What is worth keeping requires a lot of work  - your son's  love for you. 
Work on it parang maliwanag sa anak mo, nobody loves him more than you do.. Kahit na somebody else
spends more time with him. 
« Last Edit: June 19, 2011, 11:13:17 am by aquacharly »

aneke

  • Guest
Re: MIL taking care of baby
« Reply #3 on: June 20, 2011, 04:56:42 pm »
Wow! you two have really great advices, thank you so much. Now I can see clearly and I don't want to let my chance slip away para mas makilala akong nanay ng baby ko. Well I have to share this, before the weekend nagpakulay ng buhok si MIL, so sabi ko I'll take care of my baby through the weekend para di nya maamoy yung dye. At first nag-agree sya, pero nung gabi na, sabi nya wag ko na daw kunin di naman daw maamoy. Buti na lang itong si Hubby nakinig sa kin na sabihin sa nanay nya na sa kin muna si baby. Tapos nung nagaalmusal kami, pinapaliwanag ko na dapat nang dagdagan ang gatas, pero di sya nakikinig, kasi daw baka mabigla. Sabi ni hubby sa nanay nya, pag may sinasabi ako tungkol sa baby sundin na lang nya wag na kontrahin, at makinig sa pinapaliwanag ko para maintindihan nya. Hehe siguro natutulilig na si hubby sa kin kakareklamo tungkol sa nanay nya. Sinabi ko kasi na pag may pinapagawa ako sa kanya for baby (like stretching ng leeg kasi nakikiling si baby), hindi sinusunod, kelangan pa si hubby ang magsabi sa kanya para sumunod sya. Ayoko sanang maging pangit ang relasyon namin ni MIL laso may katigasan din ng ulo lagi syang may sariling diskarte. Anyway, from now I'm going to be assertive lalo pag dating sa anak ko. And thank you so much sa mga payo nyo :)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: MIL taking care of baby
« Reply #4 on: June 21, 2011, 02:08:15 pm »
Aneke, there is a price that we have to pay for wanting to be a mother and a career woman. While your MIL is such a big help to you, you should still assert yourself as the mother of your baby. Ngayon kase na baby yan parang mejo ok pa na close sya sa MIL mo, pero pag malaki na yan at umiyak and sa MIL mo pumunta and hinde sayo, ang sakit non ah.

Anyway, I totally symapthize with you sa pagka-kontrabida ng MIL mo pagdating sa ways mo on your baby. My mom is like that too, nanay ko pa yan ah. Palibhasa kase dito kame nakatira sa kanya. But at the end of the day, ako ang nanay, ako ang masusunod. Katwiran ko, kahit new mom lang ako, hinde naman ako t**** or ga** para ipahamak ang anak ko. There's something to learn everyday and I want to go through those things na hinde ako dinidiktahan.

So yon, try to spend as much time as you can with your baby. Oo nakakapuyat, believe me, that has been my biggest sacrifice dahil 10 hours ang tulog ko everyday but now I get by with 5-6 hours or even less pa pero I'm happy that way. Mabilis lumaki ang mga babies, sayang ang oras.

And your husband, talk to him nicely and tell him  na he has to do his share. Onga, hinde yaya or maid ang mama nya and mahiya naman sya kung iaasa nya sa lahat sa kanya.

aneke

  • Guest
Re: MIL taking care of baby
« Reply #5 on: June 21, 2011, 03:40:29 pm »
Oo nga sis, ayokong mawala ang time sa kin na baby pa ang anak ko. At totoong masakit pag nangyari nga na imbes na sa kin pumunta ang baby ko pag umiyak eh sa lola nya. Well I talked to hubby yesterday about sa pagtawag ng Mama instead Lola. Just like other husbands, he said I was being so ridiculous. But I told him the instance nga na naging masakit sa kin yung nangyari when his mom said to my baby, andito na si Mama tahan na. I think naintindihan nya naman kahit paano (I hope). Ngayon naiisip ko nga, kung hindi ako susuportahan ng asawa ko sa pag-assert ng sarili ko as nanay sa anak ko, eh bahala na kung magkainisan kami ng MIL ko. Kesa naman sa magkasundo nga kami pero malayo naman ang loob ng baby ko sa akin. I just can't stop thinking how she laughed and how happy she was while telling the story about her other apo, who really prefers her than the mom and dad pag andun ang lola sa kanila. Sa nanay nung bata siguro ok lang kasi nanay nya naman yung lola. But in my case, kahit nanay ko yun, ayoko pa rin ng ganun. I really think it's wrong to make the baby learn na sya ang MAS ok magalaga at hindi yung mga magulang. And it's really relieving to know na hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito. Salamat uli mga sis.

puzzicato

  • Guest
Re: MIL taking care of baby
« Reply #6 on: July 20, 2011, 05:29:13 pm »
for me dapat kahit mapuyat ka, when you go home, dapat ikaw ang katabi matulog. parang iba kase dating kung mil mo nagaalaga. kahit pa mommy mo magaalaga. dapat kayo ng husband mo yun. the only time na dapat nagaalaga ang mother in law mo, is pag nasa work na kyo. may kilala kc kame ganyan pero [textspeak!] yaya naman ang katabi (na yaya din ng nanay nung baby). parang dating walang pakialam sa baby.

and ask your husband to share chores w/ you.  [textspeak!] kahit [textspeak!] gawin mo, kung pati pagtulog ang lola ang kasama, di tlaga magiging malapit sa yo bata. ni hindi mo alam panu mo papatahanin ang baby and kung [textspeak!] needs nya. and sigro kung kaya magwork ni husband and support the family, id rather resign to my job.pero  you really need to make an effort. dapat every day kayo katabi ng anak nyo. bgo kayo umalis chaka nyo lang ibigay sa mother in law mo.  kc kahit na tawagin ng lola ng baby mo ang mil mo, it doesnt change their relationship. sya padin ang kinikilalang mommy dahil parati sya ang kasama

a_y_e_n

  • Guest
Re: MIL taking care of baby
« Reply #7 on: August 10, 2011, 06:29:30 pm »
naku, nangyayari saken ngayon to. since back to work na ako, sa MIL ko muna si baby. hirap kame night shift si hubby tapos ako madaling araw ang pasok. mabait naman si MIL, di naman sya nakikialam masyado kay baby. she's just "too esthusiastic." kapag darating na kase ako, gusto nya sa kanya pa din si baby para wag daw kame mapagod ni hubby. mabait nga eh. kaya lang ok lang talaga saken na mag-alaga sa anak ko kahit pagod ako. ako lang talaga ang paranoid na baka maging mas close si baby sa lola nya instead saken or baka makalimutan agad ako ng baby ko.

myles_away

  • Guest
Re: MIL taking care of baby
« Reply #8 on: November 08, 2011, 11:33:15 pm »
Mga sis, ask ko lang your opinion. Im giving birth with my second by feb. Iniisip ko pano yun eldest ko, who just turned 1. si Mil kasi, pag nagbilin ako, hindi yun ang ginagawa. Yun gusto nya nasusunod. Nagsusumbong un yaya.  HIndi  ba maging issue if I tell her we'll bring my daughter sa mom ko since hubby agreed na din we'll stay sa parents ko when i give birth. Shes telling pa naman the yaya na parang wala daw ako tiwala sa kanya. Which is true naman coz  hindi sya marunong coz puro yaya un mga anak nya before. Thank you so much in advance!

justin3

  • Guest
Re: MIL taking care of baby
« Reply #9 on: November 15, 2011, 05:48:02 am »
"The Hand That Rocks The Cradle Is The Hand That Rules The World"

siguro naman, i need not be a parent para magbigay rin ng POV ko ano? ;)

aneke - how's your baby na sis? 9mos na sya?
baka nakaligtaan ko lang basahin... do you breastfeed your baby?
nagtataka lang ako kung ano meron sa mother's milk maliban sa health benefits na dulot, pero an hour a day with your baby sucking your nips would surely create a bond na HINDI maibibigay ng MIL mo ever.

wag mong pagselosan MIL mo. don't ever say something bad against her lalo na sa harap ni hubby. kahit na 1hr a day lang kayo magkasama ng baby mo, di mawala ang pagkilala sa yo na nanay habang lumalaki sya.

alam mo, mas ma-swerte ka nga na ang nag-aalaga sa baby mo ay MIL mo. di ibang tao. 12.5% ng dugo ni baby, dugo ni MIL. (sinisweldohan nyo ba si MIL?,,, wala lang ;))
sigurado ka na safety palagi si baby. di ipapahamak yon ni MIL. alam mo ba na may mga yaya na pabaya pag wala ang amo? nahulog na sa hagdan, nakalunok/nakainom na ng  kung anik-anik ang alaga, di pa sasabihin sa amo sa takot na pagalitan.


so what kung maging (mas) malapit sya sa lola nya kesa sa yo? baliktarin mo man ang mundo, lola pa rin si MAMA, at ikaw lang ang nag-iisang INA.
Hayaan mo na si lola, amoy-lupa na yan, malapit nang kunin ni Lord. Be generous enough to let her spend her remaining days enjoying her apo.

At wag kang matakot sa pag-alaga/pagpalaki ni MIL sa baby mo ha? Kasi kung ano man ang result nun, it’s the same way (or improved version pa) ang pagpalaki nya sa anak nya na pinakasalan mo pa. ;)

yon lang! :)

aneke

  • Guest
Re: MIL taking care of baby
« Reply #10 on: November 16, 2011, 01:54:01 am »
Syempre sis I appreciate the fact that we can trust my MIL with taking care of my baby. Pero syempre iba ang pakiramdam ng first time mommy na gaya ko, especially during that period nung mga ilang buwan pa lang ako nakakapanganak. Paranoid talaga ako noon as in naluluha ako pag naiisip ko na magiging mas malapit sa iba ang baby ko kesa sa kin. Now I think I'm a bit more adjusted, or should I say, mas nakakapagpalagpas na ako.

Sa ways ng pagaalaga naman,marami kasi akong gustong way sa pagaalaga, na gusto ko sana ganun ang gawin nya. Pero ang reailty nga eh hindi ko maipagawa kasi may sarili syang diskarte. Isang simpleng halimbawa, ako ayokong turuan ng salita ang baby ko na gaya ng pa-pa (kain), mamam (inom). Kasi gusto ko kung tuturuan ko magsalita ang bata, e di yung tama na. Pero sya ganun ang pinaparinig nya sa baby ko so yon ang matututunan ng baby ko.

BTW bottle-fed ang baby ko e, I hope I got that advice earlier, to bring him to suck kahit saglit everyday


justin3

  • Guest
Re: MIL taking care of baby
« Reply #11 on: November 16, 2011, 03:37:13 am »
^visit this thread sis   
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,251541.msg6764771.html#msg6764771

pareho kayo ng problem ni TS dyan. parents nya mismo ang karibal nya.  ;D

mmm... ayokong kumontra sa yo sis ha? it's just me... sounds like you want to impress yourself through your baby. ;)
if you are worried sa tinuturo ng MIL mo, then teach your baby kung ano ang gusto mo pag kasama mo sya. don't worry, wala sa vocabulary ng baby mo ang word na "confusion". lahat ina-absorb nila yan. kaya nga mas madali magturo ng iba't-ibang language sa mga bata kesa umabot na sila ng teens.

share ko na rin... before ako nag 5yrs old, 4 languages na ang maintindihan ko (though di ko maisulat and use to communicate ang 3). di pa uso ang TV nun ha?... and i knew how to play Chess before i learned how to write my ABCs. i was 3-4 then.
leechee! samantala, kung kelan ako tumanda at tumagal sa Baguio, "basit" lang na Ilokano ang nalaman ko. pati na Bikolnon, "dikit" lang. >:(

di ako parent ha? ...but i have 9 pamangkins and 1 apo as references. :)

glamorosa_09

  • Guest
Re: MIL taking care of baby
« Reply #12 on: November 17, 2011, 08:52:19 pm »
Hindi ba talaga threats ang mga MIL?

Kasi ako as a first time mom, paranoid din dyan. Lalo na't pag nabasa mo yung mga MIL stories dito, na si MIL na yung front liner at yung mom nasa background na lang. Plus yung mga apo na na-iispoil ng mga grandparents, tipong pag di pinagbigyan ng mga magulang lalapit or magsusumbong sa grandparents. Tapos may ibang grannies na kinukwestyon pa yung pag pagdidisiplina ng mga magulang sa anak.

Kaya tuloy ngayon ineexert ko talaga ang authority ko as a mother, kasi medyo strong personality din ang MIL ko at si father in law ay may pagka-makulit. Kasi ayaw ko rin magkaron ng parenting conflict in the future, dahil paniguradong may mga pagkakaiba sa parenting styles.

chimera29

  • Guest
Re: MIL taking care of baby
« Reply #13 on: November 17, 2011, 10:59:01 pm »
Pajoin po ha. Opinion ko lang nasa MIL mo yun on how they will respect your role as the mother to your child. Ako kasi yun pagdidisiplina ko pa din ang iniinsist ko and nirerespeto naman ng MIL ko yun. Same with my mom because we live with them.  ;) Or maybe I'm just lucky hehe na di MIL from hell mom ng hubby ko. Luvy dovy talaga kami.
« Last Edit: November 19, 2011, 02:44:41 am by chimera29 »

nicoletta

  • Guest
Re: MIL taking care of baby
« Reply #14 on: December 21, 2011, 12:17:02 am »
I'm learning so much here. I don't have a baby parin but one day I will and I would want rin for my baby to want to be w/ me.

gelticyado

  • Guest
Re: MIL taking care of baby
« Reply #15 on: January 19, 2012, 10:25:41 am »
mga sis ako din back to work na din ako... what we do ni husband is ang mother ko ang nagaalaga kay baby when we go to work inaalalayan lang siya ng yaya. Then after work namin ni hubby bonding moments na sa gabi pag gising pa si baby and i give my baby a massage pag gising pa siya. we talk and we sing for him para maremember niya ang voices namin ni hubby. then at night kami din ni hubby ang katabi niya matulog salitan kami sa pagpapadede at paburp sa kanya. sa ngayon ganun ang routine namin...si hubby din ang nagsterilize ng mga bottles niya ayaw niya ipagkatiwala sa iba. madali lang din naman makapagadjust sis basta tulungan lang kayo ni hubby.

ecnarfoj

  • Guest
Re: MIL taking care of baby
« Reply #16 on: January 19, 2012, 01:31:01 pm »
Ang ganda ng mga advice ng mga working mommies. :)
Tama talaga na we have to make time eh. Kasama sa pagiging nanay yung mapupuyat ka.
Tama din yung humingi ng tulong sa asawa mga asawa natin para magawa natin yung role natin as mothers.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close