Author Topic: Husband cant help looking at beautiful grls even searching on the net  (Read 15601 times)

rygel

  • Guest
Im okay naman with the idea na its normal for guys na mapalingon sa beautiful grls sa malls, church etc.. and although i still get furious, minsan napapalampas ko na. Sabi ko sa kanya, as long as hindi nahahalata nung girl na tumitingin sya kase mapapahiya naman ako nun.. grrr.. pero kanina, he was using the net and i saw him search for "sexy beautiful pinays", lam naman nyang tumitingin ako, at hndi naman sya ng stop,> Parang pinapakita pa nga nya saken , ng cocoment pa sya ng "ay muka pala tong bakla, eto eto kaya.." Ok lang ako at frst thinking it was normal and he was  just having fun.. pero after a while, i found it so PATHETIC. He didnt know these grls , grrrrrr.. so cheap... mahilig talaga sa mganda asawa ko.. fine, normal ata yun, pero nakainiiiiiiiisss!!!

rianne_mallows

  • Guest
hindi ganito asawa ko pero if ever.. ok lang.. para lang siyang tumingin ng porn :P same lang naman yun ..

if mapatingin siya sa maganda sa mall.. ok lang din.. ako din naman napapalingon din sa pogi haha.. eh kung talaga namang head turner eh.. masisi ko ba siya... ::)

naalala ko once sa trinoma may girl naka pukeshorts.. kita na talaga singit.. tuwad pa ng tuwad haay! napapatingin siya.. ako din napapatingin haha.. ;D

« Last Edit: June 14, 2011, 09:59:15 pm by rianne_mallows »

nadialicious16

  • Guest
Lol my experience ako sa ganitong sitwasyon  ;D. Sa mall kami ni husband siempre nakipag titigan sa girl na yun umikot talaga ng 360 ang mga ulo nila eh nainsulto ako kaya hayun kahit ba sa liit kong to eh pilit kong inabot ang ulo nya at binatukan sya. Sabi ba naman sa akin eh "ang seksi kasi at ang ganda nya" aba at talagang hindi nahiya sa akin eh no  ::) Siguro natural na sa kanila ang ganoon na mapalingon at humanga sa mga chix, mabuti na yung hanggang tingin lang sila basta no touch !

carvar_28

  • Guest
pajoin lang ako mga sis..me im not okay with it,as in para akong bomba sasabog if ever mahuli ko tlg..so far wala pa [textspeak!] o di ko [textspeak!] nppncn??

snooky

  • Guest
okay lang tingin

Beauty pageants are all about sexy pretty women but there no problem with that,diba?

heavendreamer

  • Guest
Re: Husband cant help looking at beautiful grls even searching on the net
« Reply #5 on: February 06, 2012, 11:53:54 am »
hindi ko talaga ma-take yung magkasama kami sa mall, sa coffee shop, kumakain sa labas.. tapos may darating na girl, na alam ko tuype nya.. tapos makikita niya tapos maya-maya uunti-untiin niya sisippatin niya.. nandidiri talaga ako! parang hindi ako makapaniwalang siya yun.. kasi I feel so insulted and disrespected. sabi ko nga nakikusap ako, gawin mo na lahat ng gusto mo tutal wala naman akong magagawa kung talgang hindi mo kokontrolin ang sarili mo eh, pero please lang pag nasa harapan mo naman ako, respeto lang wag mo na saking iparamdam na parang basura ako kung tumitig ka sa ibang babae sa harapan ko.. nanliliit ako sa hiya, pakiramdam ko tinatapakn nyo pagkatao ko pag nagtitinginan na kayo..

I'm not sure if this OA, pero hindi ko kasi kilalang ganun ang asawa ko.. 12 years na kaming married.. mag may nakikita siya noong mga magaganda walang lang tapos pag sinabi ko ang ganda noh, tatawa lang siya.. ngayon, hindi lang niya titingnan sisimple siya at sisipatin yung babae maya-maya..

feeling ko kasi nage-ego trip siya eh, pero sana wag naman yung naiinsulto na ko..
hindi kasi gwapo ang asawa ko pero jack of all trades sya.. tama ba yun at mataas ang sense of humor.. pag nagiging kabarkada siya or ka-close talagang hinahanap hanap siya ng mga baabeng ka-trabaho o kaklase niya noon...

ewan ko sobrang sakit, na hindi niya kayang iwasan 2 months ng ganito.. I know tumaba ako, sabi ng mga friends ko I should never feel insecure dahil napaka-pretty and petite ko may dimples pa ako and good personality.. pero yung ang masakit eh, sawa na ata asawa ko sa kin.. at alam ko din malaking factor na tumaba ako.. pero hindi naman yung matabang-mataba.. talaga lang nagkabilbil na ko bec, of age na din nasa 30's na din kasi ako.. sabi nila dapat daw, lagi ime-maintain ang beauty, eh ang dami pa din namang nagkakagusto sa kin.. yun nga lang compared sa dati, malaki na din ipinagbago ko.. super pretty and cute kasi ako noon ngayon kaya ayoko naman masyadong mag-effort kasi hindi naman ako pangit at mabaho, nag-gain lang ako ng konting weight..

ang iniisip ko kasi hindi naman forever na mamemaintain ko beauty ko, as if naman siya bakit ang dami ngang nagsasabi hindi kami bagay when it comes to looks, sobrang laki ng agwat namin...ang wish ko sana is for him to deal with it, mahalin niya kahit pumapangit na ako.. dahil siya tinggap ko siya kung ano lang siya..

right now, ang set-up namin, since hindi ko talaga nakikitang umiiwas na siya, we're still  together pero I told him physically and emotionally, wala na kaming pakialaman.. kung makikipagtinginan siya ng makikipagtinginan sa ibang babae wala ng aasang hindi masasaktan dahil binibigay ko na yung kalayaan na ganun sa kanya, pero wag na din siyang makikialam sa kin kung ano mang emotional or physical attachments magkakaron ako sa iba..I'm so tired pleasing him to stay beautiful para lang lagi siyang ma-please. I want to be loved kahit na ano pa ang itsura ko. Matino akon babae, I kow I don't have to be treated this way.. 

Ms_Candy

  • Guest
Re: Husband cant help looking at beautiful grls even searching on the net
« Reply #6 on: February 06, 2012, 12:52:47 pm »
hubby ko din hilig tumingin, lalo na pag pretty tlaga.. pero bigla niya sasabihin, mas maganda pa din asawa ko.. :)  natatawa lang ako..

heavendreamer

  • Guest
Re: Husband cant help looking at beautiful grls even searching on the net
« Reply #7 on: February 06, 2012, 02:35:43 pm »
ganyan din sinasabi niya dati, pero ngayon talagang patakas ang sipat nya eh.. something's really wrong.. I really think hindi na siya kuntento sa kin kasi nga tumaba na ko.. but I really don't wanna please him anymore because I don't want his shallow attention or his shallow kind of love.. I won't regret losing him if that's the way he is. I'd rather be alone.. kung hindi lang talaga para sa anak ko, nilayasan ko na siya.. pagtitiisan ko na lang muna for my son, ang mahirap lang parang ayoko na talagang magsimba kasama siya.. kaso lang my son will notice kaya kailangan talaga marunong akong magtiis.. hay napakahirap maging ina..

fegloria1954

  • Guest
Re: Husband cant help looking at beautiful grls even searching on the net
« Reply #8 on: February 06, 2012, 06:37:46 pm »
If a husband looks at "sexy women" in the internet, that is NOT innocent.  THAT is engaging in viewing internet pornography.  Surf the net and find publications pointing to the fact that internet porn can cause adverse effects on the marriage relationship, because of many effects.  I prefer not to spell them out here.  Suffice it to say that internet porn reduces your husband's interest in engaging in personal intimacy and sexual relationship with you, the wife.  Add to that the possibility that if you have children, and they see your husband doing that, then there will also be effects on the children.

You may not consider engaging in internet pornography as another form of infidelity but IT IS.

How to you addreess this?

Surf the net.  You will find expert advice on it.

Mommy Fe

k_heart

  • Guest
Re: Husband cant help looking at beautiful grls even searching on the net
« Reply #9 on: February 06, 2012, 11:16:47 pm »
Ah iba na yan, kung naghahanap intentionally sa net. Pambabastos na yan! Iba yung napadaan lang yung girl or nakita sa tv or what ever pero yung magsearch pa talaga! Naku, tuktok sa ulo yan kung asawa ko. Baka ihampas ko laptop nya sa ulo nya.ha!ha!ha!

ishi_08

  • Guest
Re: Husband cant help looking at beautiful grls even searching on the net
« Reply #10 on: February 06, 2012, 11:24:46 pm »
sis heavendreamer, relate na relate ako sayo ah! grr... ako nga sobrang lubog na lubog na sa isecurity... :(

katrinac

  • Guest
Re: Husband cant help looking at beautiful grls even searching on the net
« Reply #11 on: February 08, 2012, 02:01:23 am »
i can still remember, yung may nakita ako na pretty girl,i asked h2b kung nakita ba nya. he said" di ko nakita, at di ko na kailangan tumingin ng iba, dahil kasama na daw ako" i'm thankful na si h2b hindi ganito, and hopefully wag syang magbago. di ko lang alam kung ganyan parin sya 5 to 10 years from now. hehe.

nakakaselos kung nakakaselos. okay lang sana kung sa mga artista, kaso sa mga ordinary na tao, na andyan lang sa mall or makakasalubong somewhere or worse is katrabaho pa,  nakakainsecure talaga. to TS, nakaka lungkot nga yung ganyan, kasi kung ako ang nasa situation mo, baka mag react ako ng di kanais nais. sana naman, kung gusto nya gawin yun, wag naman yung kita mo at sa harap diba? nakakabastos kasi sya in a way kasi.respect naman sana. btw sis, have you talked to your hubby na ba regarding this? alam ba nya na nahuhurt ka? open up mo sakanya, para magawan ng solution . minsan kasi ang mga boys, kailangan pang sabihin sa kanila yan eh. yung mga bagay na nakakasakit satin. para silang bata, kailangan iremind na ganito dapat, etc.  di maganda maging insecure, pero sana wag sila gagawa ng ikaka insecure natin diba? being insecure is one of the worst feeling na mararamdaman ng isang babae. nakakawalan ng self esteem.


hisana

  • Guest
Re: Husband cant help looking at beautiful grls even searching on the net
« Reply #12 on: February 08, 2012, 10:40:13 am »
^
That's so sweet. Happy for you.  :)

In our case, syempre napapatingin sya pag may pretty or overly sexy na dumaan (minsan talaga papansin or scandalous na ang outfit ng ibang girls. I mean, who WOULDN'T look? Pati ako nagugulat, LOL). Pero hindi naman sya yung tipong, "I want her!" Napapatingin lang sandali. So I'm fine with it. Heavendreamer, naiimagine ko yung situation mo and I'd probably feel the same way. Ayoko nung harap-harapan eh nagpapakita ng kamanyakan. It's such a small thing to ask na magbehave naman pag kasama ako no.

Nuriko

  • Guest
Re: Husband cant help looking at beautiful grls even searching on the net
« Reply #13 on: February 08, 2012, 09:54:45 pm »
matagal na issue rin samin yang tingin tingin na yan kahit nung mag bf pa lang kami ng asawa ko. kaya ngayon pinipigilan nyang tumingin sa paligid kaya natatawa ako. hihi, at least nag eeffort na sya :P

may naalala ako na may nakatatandang lalake na nagsabi sa amin na masama raw yung ma insecure ang babae dahil tingin ng tingin sa magaganda ang mga lalake. dyan daw nasisira ang relationship nyo. tingin lang naman daw kasi yun. hindi raw porke tiningnan mo eh mahal mo na raw.
 
hindi na ko nagsalita pero sinabi ko sa husband ko na.. oo, siguro nga hindi mo mahal. pero hindi ba parang makasarili naman masyado sa part nyo kung titingin o nakikipagtitigan kayo sa iba tapos yung wife/gf nio naman ay pipigilan ang sarili na masaktan dahil hindi raw maganda yung ma insecure? eh kung ang source ng insecurity ng babae eh dahil sa sobrang patingin tingin na yan, ok lang ba talaga yun? ang sa akin lang naman, gamutin natin yung pinagmulan ng sakit para hindi lumala. kasi, kung hindi normal yung ma insecure ka, bakit halos karamihan sa mga babae eh ganun? kasi tayong mga babae, we do our best para maging maganda sa harap ng asawa natin tapos makikita na lang natin na parang hindi tayo appreciated. may mga bagay kasi na dapat iparaya ang mga lalake, hindi puro na lang tayong mga babae. kaya ayun, naunawaan nya naman yung point ko. at saka, alam naman nyang nahu-hurt ako at ayaw nya na nasasaktan ako kaya pinipigilan nya na yung sarili nya. :) ok lang sulyap. minsan naman kasi kahit tayo e napapatingin din kasi ang ganda nga naman. pero yung titigan at lingunan, super hindi. alam nya na naman yun, na train ko na sya. haha.

pero kelan ko lang napansin na pati pala sa mga gwapo tingin sya ng tingin. na trauma ata kaya sa lalake na lang tumigin. haha! mahilig lang talaga siguro sa magagandang bagay yung asawa ko kaya nagustuhan nya ko. haha! feelingera.
« Last Edit: February 08, 2012, 09:59:41 pm by Nuriko »

lonelymiss28

  • Guest
Re: Husband cant help looking at beautiful grls even searching on the net
« Reply #14 on: February 10, 2012, 08:57:38 am »
Asawa ko rin nakikita kong mapapalingon talaga sa mga magaganda. ok lang sa akin kasi hanggang tingin lang naman sya eh saka ako rin napapalingon dahil nakakahanga lang ang magand di ba???

Nakakatawa nga dahil one time nagpunta kaming car show kasama brother ng asawa ko then ako ang nagvi-video ng mga cars eh may 2 sobrang gandang hehe...sila ni video ko kasi sobrang ganda talaga eh napansin pala ng bro ng asawa ko sabi sa akin ano ba vine video mo yung mga kotse o yung 2 babaeng maganda hehe sabo ko yung kotse saka yung 2 babae para makita nyo mamaya pag pinanood natin sa bahay yung video. lol!!!

then may reaturant kaming pinuntahan na sobrang gaganda ng mga waitress at receptionist at sobrang iikli ng dress, so pinaupo ko asawa ko yung nakaharap sya sa mga girls then sabi ko sa kanya tingnan mo lang sila parang bayad ka na rin sa kakainin natin hehe.

di naman sumasama ang loob ko pag ganon asawa ko kasi natural sa mga lalaki na visually stimulated sila saka im not his mom na sawayin sya pag may nagagawang di ko gusto not unless lapitan nya mga girls at makipag kilala ibang usapan na yun sa akin. Pero kung tingin lang ayos lang yun.

Kady_14

  • Guest
Re: Husband cant help looking at beautiful grls even searching on the net
« Reply #15 on: February 10, 2012, 09:35:25 am »
Sa akin ok lang din, I guess it's normal naman na mapatingin ka sa maganda and pogi.  :)

Minsan nakakakita ako ng mga guys with GFs na hindi lang sulyap yun talagang nakalampas na yung girl tinitignan pa din nila to the point na insulto na sa GF hehe...

Pero if asawa mo mapapatingin sa pretty girls, consolation na lang nila yun kasi nga "tali" na sila. hehe... just my opinion. Iisipin nila titingin lang naman, asawa mo na ako, Ikaw na asawa ko.

Minsan sa malls, ako pa mgsasabi/magtuturo kay hubs, tignan mo yung girl o ang pretty , simple lang kahit walang make-up... Or minsan sabihin ko, magaling magdala yung girl, bagay sa kanya... mga ganun. hehe... Minsan he'll agree, minsan sabihin nya hinde maganda. KJ lang.  ::)

lonelymiss28

  • Guest
Re: Husband cant help looking at beautiful grls even searching on the net
« Reply #16 on: February 10, 2012, 09:54:17 am »
ako rin sis tinuturo ko pa sa asawa ko na maganda yung babae or sexy. i guess ok lang sa ating mga girls na humanga sa kapwa girls na maganda ang mahirap pag asawa natin or bf ang humanga sa kapwa lalaki...pla-ngak!!!

raquelducanes

  • Guest
Re: Husband cant help looking at beautiful grls even searching on the net
« Reply #17 on: February 10, 2012, 10:33:51 am »
ako naman sis one time nahuli ko sya nag sswiming kasi kami nakita ko sya na nakatingin sa isang girl na sobrang ikli ng shorts nilapitan ko sya tapos sabay baling ng tingin sakin ang sabi ko sa kanya
"daddy ok lang naman na tumingin ka basta hanggang tingin ka lang tska naiintindihan naman kita di mawawala sa lalake yun kesa naman sa kapwa lalake mo ikaw tumingin" tapos sabay ni yakap nya ko hehe sabi nya "opo mommy" may kiss pa hehe

maganda talaga pag open tayo sa mga hubby natin ako kasi kung ano yung nararamdaman ko sinasabi ko talaga sa kanya kaya naiiwasan ang hindi pag kaka intindihan.

lady gwenhwyfar

  • Guest
Re: Husband cant help looking at beautiful grls even searching on the net
« Reply #18 on: February 10, 2012, 11:04:43 am »
yes, it is normal na tumingin ang mga guys sa mga babae. pero there are really guys na kahit sinong babae tinitingnan and i don't like guys like that. For me kasi it's shows breeding and it shows how a gentleman he is.

My first boyfriend, hindi mahilig tumingin sa mga babae. Kaya medyo na culture shock ako sa pangalawa kong boyfriend kasi tingin ng tingin sa mga babae. Ok lang yung napatingin lang e, wag lang titigan. that's a different story.

I just think that if you like someone so much, every one else pales in comparison to the one you like.

hedonista

  • Guest
Re: Husband cant help looking at beautiful grls even searching on the net
« Reply #19 on: February 21, 2012, 09:53:17 am »
Husband ko mahilig sa ganyan pero in person ha like sa office. he calls it "window shopping" kasi titingin lang naman. sabi ko pano pag may nagpa-free taste? he he he

And one time nag away na kami because of the photos he's looking at sa internet...these are pretty and sexy Facebook friends. I checked internet history when i get home. FBI much :)) we work on different schedules kasi.

I think normal sa guys. walg lang sila makikipagkita at magchecheck in kung saan, yun iba na yun. Giyera na yun! :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close