watch now

Author Topic: What will you do if your MIL accidentally dropped your baby in the pool?  (Read 14796 times)

cruxito

  • Guest
ang mga babies naturally marunong lumangoy yan... kaya if baby ko aksidente nahulog sa pool... kahit sino pa gumawa nun. tingnan ko na lang siguro kung may bad effects sa baby ko... pero kung sa pool side nahulog... naku po! kainaman... promise hindi nila magugustuhan ang kayo kong gawin intentionally :D

sonncza

  • Guest
parang mahirap makitira sa MIL mo kung may galit, kaya siguro di umuwi sa house nyo. nakakaawa naman sis yung nangyari sa baby mo eh, pero nung nagpost ka sa fb mukhang ikaw ang napasama kung ganun. oo nga magaling ang babies magswim kasi nagswim sila sa tummy ng mommy

anneG

  • Guest
Furious would be an understatement siguro if nangyari ito sa akin. And I probably would never entrust care of my child with my MIL EVER AGAIN unless nakabantay din ako mismo. But I probably would not have posted anything on facebook.
I guess I'm not understanding why there was an opportunity for the MIL to watch over your child again the following day. Hindi ka ba nadala?
how can i stop her? bigla lang siya tumayo tapos kinuha na si baby, kaya ang resort ko na lang was to eat real fast and to remind her not to go near the pool..anong napala ko? pinolosopo pa ako, parang nananadya naghahanap ng ayaw.

anneG

  • Guest
parang mahirap makitira sa MIL mo kung may galit, kaya siguro di umuwi sa house nyo. nakakaawa naman sis yung nangyari sa baby mo eh, pero nung nagpost ka sa fb mukhang ikaw ang napasama kung ganun. oo nga magaling ang babies magswim kasi nagswim sila sa tummy ng mommy
sis, akala siguro ng mga sis dito sobrang sama ng pinost ko sa FB, I just said in my status na ito ang most unforgetable 1st mother's day ko sa buong buhay ko so far, a not so nice experience..then some friends/relatives ask why? sinabi ko lang na nahulog si baby ni MIL yun lang at wag ng mag eexpect na may part2 pang trip na kasama siya..Etong baby ko kasi 2nd baby ko na, i lost my 1st child due to miscarriage kaya sabihin man na OA ako true naman..matindi tindi rin yung depression na nangyari sa akin before ayoko ng maulit uli.

before the incident hindi na naman talaga si MIL umuuwi regularly, mas prefer niya together w/ my SIL dun sa isang bahay napadalas na lang (every other day) uwi niya before the incident para malaro yung anak ko.
« Last Edit: June 14, 2011, 08:09:35 pm by anneG »

anneG

  • Guest
ang mga babies naturally marunong lumangoy yan... kaya if baby ko aksidente nahulog sa pool... kahit sino pa gumawa nun. tingnan ko na lang siguro kung may bad effects sa baby ko... pero kung sa pool side nahulog... naku po! kainaman... promise hindi nila magugustuhan ang kayo kong gawin intentionally :D
sis yan din ang akala namin naturally marunong lumangoy pero hindi eh, sa poolside siya nahulog.

@aquacharly - sis, nagkita pa tayo dito..from bag forum to family issue hehe. You're right i stopped posting right after it happened, CARELESSNESS ang gusto ko lang i-emphasize buti na lang din isang area lang sa dos palmas ang may wifi, i really can't post and post.
« Last Edit: June 14, 2011, 08:23:44 pm by anneG »

rianne_mallows

  • Guest
ah ok.. hindi pala nagsorry.. hindi mo agad sinabi hehe.. saka ganun lang naman pala post mo.. padaplis lang..

iba kasi dating ng first post mo eh.. now we know the real score..

kung ako nga ikaw baka ginawa ko din yan haha.. akala ko naman nagsorry man lang sayo.. mahirap nga naman magpatawad ng taong hindi naman humihingi ng tawad..

anneG

  • Guest
@rianne_mallows - sis, isang sorry lang sana na maayos tapos na eh..yung mahiya man lang siya sa akin at saka ayaw niya pabigyan ng money yung staff na tumulong sa kanila..nalunod yung cellphone nung tao kasi di naman life guard yun eh napadaan lang sa area then nakita sila tumulong.

sonncza

  • Guest
ah, kala ko nga mean words eh, kaya hindi umuuwi sa inyo, sorry, sa post mo kasi parang hinde umuwi kasi may sinabi ka sa FB.

rianne_mallows

  • Guest
^yup.. i know what you mean.. mapride si MIL mo ha.. ayaw magsorry sayo pero sa anak niya nagsorry... oh well.. wala na tayong magagawa sa ugali niya..

sana kahit ayaw niya binigyan mo ng pakunswelo yung tumulong na staff.. malamang sa hindi, hindi naman irereimburse ng hotel/resort yun eh.. kawawa naman yung tao hehe..

hayaan mo na siya.. think of it as a blessing na din in disguise.. at least now, pwedeng hindi mo na ipahiram si baby mo ever.. at hindi ka pwede questionin ni hubby mo..

anneG

  • Guest
ah, kala ko nga mean words eh, kaya hindi umuuwi sa inyo, sorry, sa post mo kasi parang hinde umuwi kasi may sinabi ka sa FB.
hindi naman, nilabas ko lang yu ng galit ko pero wala akong mean words na sinabi talagang ang sa akin lang may accident na maiiwasan kung nag-iingat akala kasi ng iba malikot baby ko kaya nahulog sa pool, hello! di pa nga nakakapaglakad mag-isa may kasamang able bodied adult kaya ako mas nagalit.

kaya din ako pa yung nagtataka kung bakit di umuuwi, galit kaya umiiwas? kasi nung nag training ako sa SG for 3 days umuwi or rather pinauwi ata ni hubby para may kasama si baby pag wala ako..di pa talaga nadadala sa nanay niya eh tsk tsk! kaya ako nag post dito kasi gusto ko malaman kung si MIL pa ba ang may karapatang magalit, kasi ang basis ko yung hindi na pag-uwi.

anneG

  • Guest
@rianne_mallows - sis binigyan naman ni hubby, sabi ko nga kung ayaw nila magbigay ako na lang magbibigay at sa akin pa pinahanap yung staff.
sabi ni hubby accident lang daw yun, sure daw siya mag-iingat na lalo nanay niya..sis silang 3 magkakapatid midwife ang nag-alaga at nagpalaki, ano nga naman ang alam ni MIL sa pag-aalaga sa bata hehe

anneG

  • Guest
@chasiderwin - thanks sis. tama ka. isang sorry lang would mean alot, kasama na dun yung pag respeto niya sa akin bilang ina ng bata. kaso her words against my word, sabi ni hubby ang sabi daw sa kanya nag sorry daw sa akin..ang natatandaan ko lang talaga kay baby sorry ng sorry sabi ni hubby sasabihan daw niya nanay niya na mag sorry para matapos na daw..asan naman kaya ang sincerity dun?hehe..sabi ko too late na


grumpybear

  • Guest
how can i stop her? bigla lang siya tumayo tapos kinuha na si baby, kaya ang resort ko na lang was to eat real fast and to remind her not to go near the pool..anong napala ko? pinolosopo pa ako, parang nananadya naghahanap ng ayaw.

I would've said that I'd rather not have her watch over the baby in light of what happened the day before.

prettysummer

  • Guest
Sis Anne kaya maraming nagreact sa post mo kasi naman di mo naman kinuwento lahat pati yung paghingi mo ng opinion mo tungkol sa di paguwi ng mil mo. The first thing that comes in my mind when you said you wrote in FB is you rant and humiliate her... Hehe.. Sorry naman sa pagka exaggerated ko :)

Kung careless si mil ko mas gugustuhin ko pa na wag na siyang umuwi. Yung mil ko hindi naisasama ang mga kids ko sa mall, last time gusto niyang isamang magwatch ng movie sa SM ang 7 yrs old daughter ko. Hindi ako pumayag kasi pag nawala o may nangyaring accident for sure sisihin ko sarili ko kasi pumayag akong ipagkatiwala yun daughter ko sa mil ko. So never talaga.


sonncza

  • Guest
baka sis nahihiya sya sayo sa nangyari, mapride lang talaga MIL mo, minsan kasi nahahalata sa face naten na galit talaga tayo diba. sana magsorry nalang siya. wala ka naman  pala ginawa intentional na ipahiya siya eh, kaya wala ata siyang reason para magmukhang inaapi, feeling lang niya

anneG

  • Guest
@sonncza - sana nga konting hiya at hindi galit ang reason, anyways bahala siya.
@prettysummer - ay sorry naman kasi feeling ko baka ma bored yung readers kung lahat lahat talaga ipopost ko ang haba haba na hehe..actually sis mas ok din nga na di na umuuwi kasi dati every time umuuwi siya late na, tapos pupuntahan si baby sa room namin kukunin lalaruin pag sleepy na si baby saka ibabalik sa akin kumusta naman past 11pm na, puyat si baby puyat din ako to think may work pa ako the next day..pag-uwi ko kasi from work hands-on na ko kay baby exit na si yaya.
@grumpybear - sis, if it was that easy i could have done that. last saturday we were in a party ganun na naman when she arrives she was getting my baby's attention but the kid doesn't like to go with her mapilit siya, infront of her relatives kinukuha..ako yung pinagmumukhang madamot sa apo niya.

rianne_mallows

  • Guest
dami mo palang issue sa MIL mo hehe.. kung ako yan kausapin ko si hubby.. sabihin ko
your mom's being a real pain in the a$$.. deal with her

cinnamoroll

  • Guest
Sis from the sound of it eh may alitan na kayo ng MIL mo even before this had happened. I get you. Hindi ko din paaalagaan kids ko sa MIL ko.

chasiderwin

  • Guest
sabi ni hubby ang sabi daw sa kanya nag sorry daw sa akin..ang natatandaan ko lang talaga kay baby sorry ng sorry sabi ni hubby sasabihan daw niya nanay niya na mag sorry para matapos na daw..asan naman kaya ang sincerity dun?hehe..sabi ko too late na

kahit mag sorry pa si mil kay baby, wala pang muwang yung bata kung ano ang nangyayari, at kahit di na sabihin ni hubby kay mil na magsorry dapat magsorry siya sayo sis nung una pa lang, tayo nga kung nakakasakit ke sinasadya o hindi lumalabas agad sa bibig natin ang sorry.

Minsan may mga taong ma pride na wala namang basehan para ipairal, porket sila ang mas matanda sa atin o mas nakaka-angat.

MOVED ON minsan mahirap gawin at tanggapin lalo na kung masyado tayong nasaktan at nakikita natin na parang balewala lang sa taong nagkasala o nakagawa ng mali sa atin at sa mga taong  mahal natin.

zaza

  • Guest
kausapin mo si hubby about your galit/inis in your in-laws, kasi bali-baligtarin mo man ang mundo, magulang ng hubby mo yan e.. siguro hindi naman sinasadya ang nangyari, wala namang gustong mapahamak ang bata lalo na ang baby e..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close