watch now

Author Topic: What will you do if your MIL accidentally dropped your baby in the pool?  (Read 14782 times)

anneG

  • Guest
I had this experience last mother's day May8,2011 when MIL dropped by 10mos old baby :-[

j27

  • Guest
ano ba nangyari sis? im sure hindi naman nagswiswimming si mil with the baby noh? so, naglalakad sila sa pool side tapos nahulog yung baby sa tubig? aw!

kung ako yun, kukunin ko ang baby ko at hindi ko na pahahawakan sa kanya. sinasadya o hindi, pag baby ang pinag uusapan, kailangan palaging may extra care.

anneG

  • Guest
we went to Dos Palmas nung mother's day(me, hubby, MIL & baby)si hubby walang inatupag kundi matulog ng matulog kaya ang laging magkasama is me, MIL & baby..breakfast time, naunang kumain si MIL tapos kinuha nya si baby sa akin para makakain naman ako..dinala niya sa pool area akala ko iikot ikot lang sila dun, ayun pala ang ginawa pinagtatampisaw si baby sa pool until now di niya masabi kung ano position nila, kesyo na outbalance daw siya kaya nahulog sila..naunang nahulog si baby kesyo naiahon naman daw niya agad..take note hindi marunong mag swimming si MIL at si baby hindi pa nakakapag lakad mag-isa she's turning 10mos pa lang that time..sobrang nagalit ako kasi wala na siyang inatupag gawin all the time kundi kunin ng kunin sa akin si baby hindi naman pala niya maaalagaan ng maayos..i rant my anger in public nag post ako ng comments sa FB para malaman ng mga relatives niya na victim din anak ko ng pagka careless niya. I live with them eh, after the incident hindi na umuuwi si MIL sa hse, dun na sya sa isang hse umuuwi.

j27

  • Guest
guilty ba? anyway, wala naman bang bukol or sugat si baby? kung wala naman, buti nalang. dahil kung meron, dagdag pa sa ikakagalit ko yun. lalo kong iiiwas sa kanya anak ko. ano naman reaction ng hubby mo? siyempre nanay niya yun, hindi niya masisi noh?

ano ba yun, kid's pool o adult pool? ikaw naman diba, hindi ka marunong magswimming, lalapit kaba sa pool? e kung mahulog ka dun? lalo na, may dala pa palang baby. katakot ko nalang. kahit umupo lang ako sa gilid ng pool hindi ko gagawin lalo na may hawak akong bata.

maganda naman pala ang intentions ni mil, kaya niya kinukuha sayo ang baby mo, para magawa mo ang gusto mo, like kumain, or maligo. i live with my inlaws, too. wala akong yaya. minsan ganyan din ang nangyayari samin nung baby pa mga anak ko. kukunin niya sakin or babantayan para makakain ako or makaligo. ako naman, bibilisan ko para ako na ang magbantay sa anak ko.

madalas, tinatanggihan ko yung offer nila na, "sige kumain kana or maligo, babantayan ko muna", ang ginagawa ko, pag tulog na anak ko, tsaka ko ginagawa ang gusto ko, with matching silip ng silip sa baby para alam ko kung gising na o tulog pa.

1choi_ko9

  • Guest
aww i feel for you sis. But you have every right rin naman na magalit. :(

I remember one time, eto naman yung anak ko na mag 2 years old, hindi accidentally but sinasadya ihulog ng pamngkin ko na lalaki sa pool! Ang galit ko rin ha...sobra! Kase pinaglaruan ang kawawa kong anak. Ang story is, 3 na lalake pamngkin ko na sa pool. Yung anak ko tapos yung yaya nya. Yung sia ko pamangkin I think 18 sya that time nasa taas ng pool tpaos yung dalawa ko pa pamngkin nsa pool mismo. Kinuha sa yaya yung anak ko maglaro daw sila (nasa pool si yaya). Kinuha ng pamnkin ko na nsa taas ng pool tpos ang sabi sa 2 ko pa na pamnkin (na nasa pool) saluhin daw anak ko. Tapos hinulog bigla! Ng ganon ganon lang. Ang katwiran pa nila like sayo, kinuha naman daw nila agad! GAwd! Kaba at Galit ako nun! Hindi magisip ng tama yung pamngkin ko ng tama considering 18 years old na yun that time!!!

Kaya sa case mo sis, I can't say anything. Ang consuelo na lang siguro sis, hindi rin ginusto ng MIL mo malamang ang nangyari. Accident lang talaga. :(

emmrie

  • Guest
Oh my gawd sis 1choi_ko9, Kung sa akin nangyari yan, nako ewan ko na Lang Kung may muka pa siya ihaharap sa mga nandun dahil bubungangaan ko talaga siya. Hindi naman Laruan yung bata para ihagis ng ganun ganun lang. Grrrr!

Sis anneG, I think your MIL didn't mean to do that naman. Ganun na siguro pag matatanda na. talagang na-a-out of balance. Kasi yung ibang tita ko natutumba na Lang basta. Sign of aging na rin kasi yun. Pero siyempre you have the right na magalit pero wag naman sobra siguro. Better talk to your MIL na, I'm sure hindi niya gusto yun. Talk to your hubby din, bakit kasi tulog siya ng tulog! Hehe! Hope your baby is ok after that incident.

rianne_mallows

  • Guest
i understand your situation.. pero yung ipost mo pa sa fb to intentionally humiliate yung MIL mo.. dont you think you've gone a little too far? hiniya mo na nga in public eh.. pati ba naman sa cyberworld?

accidents happen.. hindi sadya.. pero nangyari.. you got upset, narelease na yung anger, hindi naman siguro nagmalaki pa si MIL mo.. siguro naman nagsorry at siguro naman sincere.. remember apo niya din yon at hindi niya gusto mapahamak..  dont you think it's time to move on?

kita mo na .. si MIL pa umalis sa sarili niyang bahay ha.. mind you ikaw/kayo nakikitira pero siya ang nag-adjust. mabait pa nga yang MIL mo eh.. hehe kung iba yan.. sa pinaggagagawa mo baka ikaw pa pinalayas
(sabi mo "i live with them" not "they live with me")

twelvth_goddess

  • Guest
I agree with Rianne_Mallows. While you have every right to get upset, I think it's not right that you posted this incident in your FB to announce it to the world. In the first place, I'm sure hinde sinasadya yan ng MIL mo and she's probably just as traumatized with the incident as you are. Nagkataon lang siguro na sya ang may hawak sa anak mo at hinde ikaw pero honestly, kahit naman gano tayo kaingat sa anak natin, accidents can still happen.

I understand your anger, kung ako yan, kahit mama ko pa yan, talagang magagalit din ako. Syempre hinde mo din masasabe kung ano yung pwedeng mangyari sa bata diba. Pero I think masyadong offensive yung ginawa mong pag-post sa FB to the point na parang nabastos mo na sya. Sana you can look past your anger and isipin mo din na apo naman nya yon and hinde naman sya siguro ganon ka-sama na ihuhulog nya on purpose yung bata. I-respect mo pa din MIL mo. Chaka sis, remember, ikaw ang nakatira sa kanila. Tapos sya ang hinde umuuwi sa sarili nyang bahay dahil pinahiya mo sya. What does it say about you? :)

prettysummer

  • Guest
To be honest with you sis, the thing you did about your MIL is very disrespectful :-\

Nakakainis talaga ang nangyari sa anak mo, I'm a mother of three kids that's why alam ko din na nakakainis pag may hindi magandang nangyari sa anak ko BUT

Sabi mo nga kinuha niya yung baby para makakain ka so she have a good intention naman.
Yung ibang lola nga walang pakialam sa
apo niya o sa manugang niya. Di niya naman siguro sasadyain
na ihulog ang sarili niyang apo sa pool.

Ano ang stand ng husband mo sa pangyayaring ito? Nagalit ba siya sa mil mo? Nalaman niya ba na nagpost ka sa internet about this incident?

Paano kung magpalit kayo ng sitwasyon ng husband mo, ang mother mo ang di sinasadyang nakadrop ng baby mo sa pool ng hindi sinasadya then yung husband mo galit na galit. Nagpost din sa net about it. Pinaalam sa relatives mo ang pagkacareless ng mother mo... What will you feel?
« Last Edit: June 14, 2011, 09:32:39 am by prettysummer »

twelve5

  • Guest
Accidents do happen even if you are the most careful person on earth.

Your MIL's intention was good. Im sure she didnt like what happened to your baby.

Things could have gotten much worse.  Just be thankful that your baby was ok.

Learn to forgive. She's still your MIL... next time give her less responsibility nalang if you're not comfy pa rin with her taking care of your baby.

chasiderwin

  • Guest
mga sis wag naman natin masyado kunsensyahin si sis anneG, dala na rin ng nararamdaman niyang galit kaya nakapag post siya sa fb, hindi natin siya masisisi oo, kanya-kanya tayo ng pag-uugali, may mga taong kayang magtimpi sa kabila ng nararamdamang galit ay pinapairal parin ang matinong pag-iisip at hinihimay kung ano ang nangyari at pwedeng mangyari sa magiging reaksyon.

Pero may ibang tao na may pagkakataon din na sa sobrang galit na nararamdaman hindi na nakikita ang tama sa mali at naiisip kung makakasakit ng isa o higit pang tao, ang importante lang mailabas kung ano ang nasa loob niya ng mga oras na yun at wala ng paki-alam sa pwedeng mangyari.

Sa ngayon nakita na ni sis anneG kung ano ang kinalabasan ng nagawa niya, hindi mo na mababawi pa kung ano ang nangyari na, ang mahalaga nagsilbing aral hindi lang sa mil mo kundi sayo narin mismo kung ano ang nangyari. Kung nag post ka man sa fb ng hindi maganda regards sa mil mo, at nakuha mo naring unawain siya at patawarin (kung napatawad mo na), pwede ka rin naman mag post sa fb ng kung ano na ang nararamdaman mo sa ngayon, pero ang mahalaga makapag-usap kayo, ikaw bilang ina at siya din bilang ina, walang nanay na gustong masaktan ang anak diba, lahat tayong mga nanay gagawin ang lahat para sa mga anak natin, kayang isugal at isapalaran lahat para sa anak.

Hope malaman namin sis anneG kung ano na ang update sayo at sa mil mo.

twelve5

  • Guest
^ i dont think "kunsensyahin" was the real intention of the posters here. The objective was to make her see things from another point of view - with less emotions involved.

 we all wish her well. When the dust settles, they can start to patch up all the hurt feelings.
 :)


MauiGS

  • Guest
Inisip kong mabuti yung tanong.... naiyak ako  :'(
IMHO, understandable yung initial reaction mo anneG and saludo ko sa MIL mo na in a way- naiintindihan ka din nya at hindi nya sinalubong yung "galit" mo pero ngayon na medyo nag-subside na yung incident and emotions... time to forgive, move on and heal na din :) Nobody wants an accident to happen and be thankful na walang naman effect kay H yung incident (not hurt nor anything) talk to your MIL and ask for her forgiveness- be humble enough to admit na may mali ka din namang nagawa... yung na-post mo sa FB, delete mo na and post ka naman ng positivity para ma-equal out :)

mommycute46

  • Guest
agree to sis chasiderwin, wag natin kunsensiyahin ang ating sis dito.

Besides, the FB incident happened already, and sis anneG did it unintentionally, so with her MIL. So the sympathy should not be given to the MIL alone. Lets criticize her if she did the FB posting without any reason at all. What she did is just an initial reaction of a protective mother.

« Last Edit: June 14, 2011, 11:14:50 am by mommycute46 »

rianne_mallows

  • Guest
wala namang nangongonsensya eh ;)

yun nga lang one month ago pa daw yung issue.. parang ang tagal namang galit niyan.. hindi pa ba tapos yan? parang ganun lang yung reaction ko :P

move on na.. bati bati na.. nakakasira ng ganda eh haha.. (from petrang kabayo movie/vice ganda)

mctina_20

  • Guest
i think thats a big oopps.. totally understandable to get upset, mad even. spur of the moment tirade? still acceptable.. putting it on facebook? it kinda says a lot about you.

I think it all boils down to respect.

Im sure your mother in law was more than terrified of what happened. And so were you. Im wondering whats your husbands say on this incident?

anneG

  • Guest
Yes, i live with my in-laws and that house doesn't either belong to my MIL we're on the same level na nakikitira lang din siya. If i was given a choice i've never wanted to live with them, si granny lang ang nagpupumilit na dun kami tumira.

Quiet lang si hubby, natural nanay niya yun eh pasalamat na lang at buhay yung anak ko..
Accident is accident, ang opinion ko naman kasi there are certain things that can be avoided. Nakapag travel na kami with my family but not even once may nangyari sa anak ko.

ang nakakasama ng loob alam niyo kung ano? ni hindi siya nag sorry, dun lang siya sa baby ko sorry ng sorry, quiet lang ako all the time kahit sobrang galit na galit na ako nag-aantay ako ng SORRY pero wala, dun siya sa anak niya nag sorry. Wala naman kaso sa akin yung pagkain kasi may high chair and portable crib naman na provided si dos palmas i can take care of my baby..talagang kinukuha lang ng kinukuha sa akin yung anak ko..And the next day, breakfast ulit i warned her not to go near the pool again, maayos ang pagkakasabi ko as in maayos talaga..pinolosopo pa ako kung saan daw sa pool sila pupunta? sa gitna or gilid?

I know posting in FB would mean something, humiliate? yes..ang intention ko is makarating sa mga kapatid niya para pagsabihan siya, siya lang ang very unique sa kanilang magkakapatid..lets say balahura siya..I know the consequence of what I did, everyone can call me disrespectful its ok with me. merong isang aunt na nag warn sa akin long time ago na wag ko ipagkakatiwala yung magiging anak ko sa MIL ko na experience niya yung pagka balahura..this experience confirmed it. I

@j27: sis its an adult pool.
@rianne_mallows: yes, 1 month ago na nga..hindi na ba puede i-share yung experience dahil "past" na siya?

thanks for reading! moving on....
« Last Edit: June 14, 2011, 02:32:41 pm by anneG »

grumpybear

  • Guest
Furious would be an understatement siguro if nangyari ito sa akin. And I probably would never entrust care of my child with my MIL EVER AGAIN unless nakabantay din ako mismo. But I probably would not have posted anything on facebook.
I guess I'm not understanding why there was an opportunity for the MIL to watch over your child again the following day. Hindi ka ba nadala?

chasiderwin

  • Guest
may katwiran naman si sis anneG na magalit, kung sa akin din mangyari yun, ang paghingi ng sorry nakakabawas ng sama ng loob kahit paano, pero kung hindi talaga mag sorry sayo ibang usapan na yun, kung ako for sure hindi until now hindi parin ako makakapag move on, at hindi ko na ipapalapit o ipagkakatiwala ang baby ko sa mil ko ever, hanggat hindi niya ako kinausap at nagpaliwanag kung bakit at paano ang nangyari.

Kanya-kanya talaga tayo ng opinion, depende sa nakakaramdam at kung sino talaga ang nakaranas, need natin na respetuhin ang mga in-laws natin dahil sila parin ang magulang ng asawa o boyfriend/girlfriend natin, pero dapat din nila tayong irespeto para irespeto din natin sila, may times din naman kasi na porket in-laws, akala sila na lang lagi ang tama at magaling (may kakilala ako ganoon), hindi rin marunong rumespeto sa mga daughter & son in law nila (thanks God at hindi ganoon ang mil ko). Andoon na tayo na kahit ano pa ang nangyari dapat di mawawala ang paggalang at pagrespeto sa kanila, pero hindi sa lahat ng panahon dahil may panahon din na dapat matuto din silang irespeto at igalang tayo bilang asawa o girlfriend/boyfriend ng anak nila. Magulang din sila ramdam din nila ang nararamdaman natin.

Minsan hindi tayo nakaka pag move on dahil hindi natin matangap ang nangyari at dahil wala rin tayong makuhang matinong sagot sa nangyari. Sana din mag sorry si mil kay sis anneG para kahit paano  mabawasan ang sakit na nararamdaman niya hindi yung mamimilosopo pa, IMO lang naman

aquacharly

  • Guest
The MIL should have had enough sense to not go there coz it is  an adult pool.  Usually, di ba, an adult goes into an adult pool with a baby - up to adult shoulder height with  another adult out of the pool, ready to get the baby when handed out of the pool. 

The gall to not apologize to the mom/Anne, in my opinion ha. 

If ANNE had  to resort to FB Posts to make her MIL realize her carelessness -- so be it. that's her call, she is the one who knows how stubborn or careless her MIL is.  As she posted - she has moved on on this -- so she must have dropped posting about the topic on FB.   As with everything, this too shall pass. But good, her  MIL knows now that ANNE will not tolerate careless handling/care of her babe.  Mahirap kasing pabayaan lang until a disaster occurs. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close