Hello mga sis! Good morning! Thank God at tapos na ang bagyo! Kahit walang patid ang ulang nung mga nakaraang araw, di yun sapat para mawalan kami ng adventure! Stressed pero enjoy!

After my shift last Friday, pumunta kami sa SM Sta. Mesa para kumuha ng birth certficate. Date na rin kami ni h2b, kumain sa paotsin at nag- ice scramble. Quality Time lang namin habang pinapanood mga tao sa food court. LOL!

Then diretso sa Shangri-La pala i-meet mga HS friend ni h2b para bumili ng gifts for their barkada nilang ikakasal. Then dinner at the Ledge. Inabot kami ng almost 6hrs sa dinner na kasamihan ang puro chikka! I love it! After dinner, nauna na kami ni h2b umuwi kasi wala pa akong tulog. 24hrs na naman akong mulat! Kaso, di kami nakarating sa bahay dahil sobrang lakas ng ulan! Ilang baha ang nilusong ng kotse namin, ayun! umusok ang makina. Pahinga ng konti sa may Kalentong, then drive ulit si h2b nakarating naman kami sa Stop & Shop pero di pa rin makauwi dahil baha sa Pureza at Anonas. So nag-checkin na lang kami. di pa nag-subside ang baha kinaumagahan, kala namin di na kami makaka-attend sa wedding. nasira pa 2 gulong ng kotse namin, kaya stressed din si h2b, cashout agad ng 8k para maayos.

10am na kami nakauwi, eh 1pm ang kasal. Good thing di na umulan since nung tanghali! Sobrang thankful kaming lahat especially the couple na kinasal! It was one of the nicest wedding i've been to, sobrang solemn & everybody's happy!
carmichael18, kaice - mahal nga yun bridal car! 4k yata pinakamurang nakita ko, sayang to think na twice mo lang namang sasakyan, im thinking na after the ceremony, kotse na lang namin ang gamitin.
michiness, princessrio - that's what i have in mind mga sis, sidecar. sana makahanap kami nun sa area na yun. nag-iipon na ko ng mga lata pangsabit sa sidecar namin. LOL!
vincris, health.gal, ez4gotten, michiness - sa july 16, pwede kayo mga sis? yun na sana latest date ko kasi saktong 6mos na lang yun before our wedding. start ko na diys ko immediately.
mafiapenguins - di na kami mag-theme sis. hehe! yun wedding na inattendan namin kahapon, walang theme pero sobrang ganda! sa music lang may twist kasi madami silang retro sa playlist. pero career pa rin ang sidecar
kiz_me1109 - that's for 120 heads sis? gora na yan!
ladyblossoms_14 - welcome sis!
Long read na naman! Have a blessed Sunday everyone! Mwah!