Author Topic: How to handle infedility of your partner?  (Read 76727 times)

heavensent

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #100 on: September 24, 2011, 10:52:31 am »
^naku sis ang hirap nga nyan.. wala ka ba relatives dito sa manila?maybe its time para sabihin mo na sa parents mo yung totoo, yan is kung final na yung desisyon mo na makipaghiwalay kasi mahirap talaga yung sitwasyon mo..

december

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #101 on: September 24, 2011, 12:32:55 pm »
5am na sya bumalik ng bahay, kinausap nya ako.  ang sakit ng mga binitawan nyang salita, na shocked din ako sa mga narinig ko, sa sobrang shocked di na ako nakapagsalita.  before sya magsalita binigyan nya ako ng 15thou ito ang mga salitang sinabi nya:

**o pera pamasahe mo diba gusto mong umuwi sa inyo, sige mamaya din umalis kana ha.  nabubuwisit na ako sayo PI mo.  lahat naman ginagawa ko para sa pamilya na ito (pertaining sa pera na pinapasok nya sa bahay), pero ikaw hinilila mo ako pababa (dahil sa nagkwento ako sa kaisa-isa kong bff).   sa negosyo natin di ka na nga nakakatulong pabigat ka pa, minamalas ang negosyo ko dahil sa katangahan mo.  pagmay pinapagawa ako sayo, di mo magawa ng tama kasi lagi kang absent minded.  ano ba ginagawa dito sa bahay ha?  mag-fb? magbabad sa femalenetwork na yan na nagsusulsol sayo?  puro lang kaartihan ang alam mo.  PI malas ka sa buhay ko, ikaw magpapabagsak sa akin.  wag na wag ka ng magsasalita ha na gusto mo ng umalis, gawin mo!     

then pumasok sya sa kabilang room, ako naiwan sa sala nakatulala pa rin, ni hindi ako umiyak parang namanhid buong katawan ko.  matagala ako na nakaupo lang sa sala ni-rewind ng utak ko lahat ng mga sinabi ng husband ko then ito na naman sya after one hour ata lumabas ng kwarto nagsasalita na naman.  dagdag na naman ng sakit ang mga sinabi nya:

**mas maganda ng malayo tayo sa isat-isa kasi wala din mangyayari sa atin dahil dyan sa ugali mo PI mo.  magpapadala nalng ako ng pera sa inyo at ako na ang bahala dito mas aasenso ako kung wala ka, pabigat ka talaga sa akin.  pagnandun kana magpaka-pokpok ka doon.  alam mo ikaw di ka nababagay maging asawa ng opisyal, bagay sayo pang-enlisted personnel lang.  ikaw ang sisira sa career ko.  sa mga negosyo nga natin humihina na kasi binubwisit, pi ikaw ang nagpapmalas dito.  imbis makatulong ka, pabigat ka pa!

this time tumulo na mga luha ko, hindi ako humahagulgol pero basang-basa sando ko sa mga luha ko.  kahit pinipigilan kong umiyak, di ko talaga mapigilan ang pagbagsak ng luha ko. 
 

chofontanilla

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #102 on: September 24, 2011, 12:50:40 pm »
sis i feel for you. naiiyak din ako habang binabasa yung nangyari sa inyo.

para saken mabuti mong gawin prove to him na hindi ka talaga ganun. alam mo kung sino ka, alam mo na mabuti kang tao at hindi ikaw ang masama, nakikita ni God lahat kaya siya na bahala sa kanya. mabuti na din yung ginwa mo na hindi ka nagsalita. Just be strong, for you and your babies. Women are born to be strong and brave so alam ko kaya mo yan.

heavensent

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #103 on: September 24, 2011, 01:00:59 pm »
^^sis, i don't know what to say, sobrang masakit yung mga sinabi nya kahit ako naiyak..

i also don't know what to do kung ako yung nasa sitwasyon mo, pag umalis ka parang pinatuyan mo kasi na may point siya sa mga sinabi nya kaso pag nag stay ka naman ikaw naman nahihirapan at nasasaktan.

bakit ba kasi niya nalaman na sinabi mo sa bff mo?

smoothie

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #104 on: September 24, 2011, 01:22:08 pm »
i'm so sorry to hear that sis. ang sakit ng words niya.

ako siguro if i was in your situation. i would leave. total sinabi na niya yung saloobin niya. ako kasi i would rather leave the relationship kaysa ipagsiksikan ko yung sarili ko kung hindi naman ako mahal ng tao.

and nasabi na niya na magbibigay na siya ng sustenso, kaya okay na sa akin yun. basta dala ko anak ko, okay na ako.

pag nakaalis na ako, i would give time to myself. dito ko na papakita na mali ang mga sinabi niya.

kasi kung mag stay din ako, baka maulit ng maulit lang yan. paano magre- recover ang self-esteem mo kung kasama mo yang taong yan.

heavensent

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #105 on: September 24, 2011, 01:29:30 pm »
^you have a point there sis, much better nga siguro kung umalis nalang siya kesa naman ganyan..

december

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #106 on: September 24, 2011, 02:06:48 pm »
salamat po mga sis sa mga advices. 

kung pwede nga lang ngayon din aalis na kami ng mga anak ko kahit mag-bus lang kami para madala ko lang si bunso (may nerbyos sa plane) kaya lang yung isang kasambahay ko nagbakasyon pa, sa 28 pa ang balik.  at kilangan ko muna kausapin doon sa school ng anak ko na i-transfer ko sya ng school sa 2nd sem.  kinausap ko na ang 9yrs old kong panganay na maiiwan muna sya dito habol nalang sya katapos ng 1st sem.  nag-iyakan kami kasi ayaw nyang magpaiwan at namumugto din mga mata nya kasi nadinig nya pala lahat ng sinabi ng daddy nya sa akin.  kung intayin ko pa ang sem break nila mga after 1 month pa kami makaalis. 

sya ang nagloko pero bakit ako ang ginanito?  parang nawala na ang issue ng pangangabit nya, parang ako pa ang lumabas na may kasalanan.  at ang baba at ang bobo tingin nya sa akin, magpaka-pokpok nalang daw ako dun sa amin.  parang utang na loob ko pa na pinakasalan nya ako, na pinaaral nya ako pero hindi ako pokpok, virgin ako nung nakuha nya ako.  di ko alam kung bakit nalagay ako sa ganitong sitwasyon, imbis sya itong magpakumbaba kasi sya ang nagloko pero bakit ako pa ngayon ang lumabas na masama.   at kahit anong gawin ko maghahanap pa din yan ng ibang babae kasi sabi nga nya di ako bagay sa kanya, bagay lang ako sa mga tauhan nya so meaning diskontento talaga sya sa akin.


bakit ba kasi niya nalaman na sinabi mo sa bff mo?
tumawag kasi si bff then tinanong ako ni hubby sino kausap ko then sabi ko si joan (maid of honor nung kasal namin), sabi ni hubby kausapin daw nya then ito naman si bff nagtanong kung kumusta daw ang honey nya.   pero nagtawanan lang naman yun sila sa fon di ko alam dinibdib pala ng hubby ko na nagkwento ako sa iba.   kami lang daw dapat mag-asawa ang dapat makaalam dun kasi nasisira daw sya.

guilleanne

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #107 on: September 24, 2011, 07:08:34 pm »
lam mo sis december damang dama ko lagi yung kwento mo, it's not like I know you personally or that we are close, talagang affected ako sa story mo. and i worry about you ngayon.

narinig pa pala ng anak mo yung pinagsasabi sayo ng asawa mo and for sure nasaktan sya.

Sis we are strong, we are made to be strong, strong to fight for our marriage but also very strong enough to survive and raise our kids alone.

Sis your husband does not respect you anymore, ang baba ng tingin nya sayo. Alam mo praning yang asawa mo. at tingin nya napaka hopeless mo at napaka dependent mo sa kanya kaya isip nya kahit anong gawin nya nanjan ka parin para tapaktapakan nya, etc.

Lam mo sis our family is all we got. you go back to your family, kahit ano man nangyari for sure tatangapin ka nila, they don't have a choice youre family e! kaya tumakbo ka sa kanila. You need the comfort of your family and friends and kids.

tungkol naman sa skul sis, don't wait for second term. grade school ba sya or high school? the school will understand your situation, wait till monday and let them know. they'll figure out how you can transfer agad, this happened to my step kids and also to my sister nuon, bigla syang nilipat in the middle of the school year. wag mong iwanan anak mo, baka ma brain wash yan.

And sis don't feel hopeless, natatakot ka kasi feeling mo naka depende ang buhay mo sa asawa mo. kaya mo yan. maraming paraan. ganyan din mom ko she was a housewife pero nakapag college sya, yung last year ng marriage ng parents ko meron kaming hardware store at bantay si mommy, nung una yun ang negosyo nya kaso pinasara ng uncle ko na kapatid ni dad. ginawa ni mommy una nag benta sya ng avon, later on naging secretary sya sa isang forwarding company, in 3 years time sis sya na ang operations manager. motivated kasi si mommy.

sis for your sanity, find the courage to leave. malay mo pag wala kana matauhan din ang asawa mo.

In my family sis, my parent's separation was the solution, if they haven't separated we might have grown to be disturbed adults. abusive din kasi ang daddy ko nun. but now we have a wonderful relationship with him and my step mother, and my dad after a few years realized his mistakes, you know until know he sends monthly allowance to my mom and is even spending for my mom's house renovation, because my dad now respects her very much.

stronger_me

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #108 on: September 25, 2011, 06:26:20 pm »
sis, i feel for you. i was also cheated on and though we are still together, di ko pa din kayang magpatawad.

I know it's hard, pero you start by telling your parents. Ako, ayaw ko din sabihin at first kasi kasundo nila husband ko. Feeling ko sisisihin pa ako. Pero it was my mom's words that gave me the most strength. She told me that i can do it. She had faith in me when, even i, already lost faith in myself.

Even my siblings gave me their full support. Kaya nakabangon ako. I'm still a work in progress but i know that the only person i can rely is myself.

Believe me, sa una parang gumuho talaga mundo mo. But that is not true! Kaya natin ito. Everything happens for a reason. Yun nga lang, di pa natin alam sa ngayon what that is. God will never leave us. I've hit rockbottom but i am still here. God, my kids, family and friends give me strength.

If ever you need someone to talk to, pls pm me. I am willing to listen...

Pray hard, di NIYA tayo bibigyan ng dalahin na hindi natin kaya...

I will pray for you sis, be strong for your kids...







« Last Edit: September 25, 2011, 06:38:02 pm by stronger_me »

justin3

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #109 on: September 25, 2011, 07:07:23 pm »
december - ako nanggigigil na dyan sa uuungas mong asawa ha? basahin mo, napakahaba to. >:(

eto, you have to accept na na tapos na ang pagsasama nyo. sagad-buto na ang katarataduuuhan nya.
wag mo nang ikatwiran na kaya ka tumagal kasi ayaw mong mapahiwalay ang mga anak nyo kasi hinahanap nila ang tatay nila, coz you're not helping them... palagay pa natin na kaya mo pa ang mag paka-martyr kasi manhid ka na... sa tingin mo, are you giving your kids a healthy environment? NO!
sa age ng panganay mo, 9-10, ang lakas na ng pakiramdam nun kahit na di pa naririnig ang mabahong bunganga ng tatay nya. [they're not his own blood anyway di ba? sya nga may sinumpaan pa sa tapat ng Dyos nya nung ikasal kayo (sa church kayo kinasal di ba?) eh, ano ginagawa nya sa yo? kaya di malayo na e-itchapwera nya mga anak nyo pag nagka-anak sya sa mga kulasisi nya --- i'm sorry for bursting your bubble sis. isa pa lang to.)... kuha ka muna ng tissue dyan pampunas sa siiip... luha mo ;D

ano daw, ikaw sisira sa career nya? ooogag sya ah. ibigay mo sa akin ang pangalan nya at ako ang sisira.
why does he know about GT? alam nya account mo dito? binabasa nya posts mo? banat, ipabasa mo sa kanya ang post ko na to.
foooonyeta sya, KAYA DI MANALO-NALO ANG AFP SA MGA KALABAN DAHIL SA MGA UUUNGAS NA OFFICERS KATULAD NYA!
ano ba sya, PMAyer? anong class? baka OCS o Reserve Officer lang sya, na graduate ng memorial college, at kaya pumasok sa AFP dahil di makahanap ng trabaho kasi bulok na school ang pinanggalingan? >:(

di sya karapat-dapat mag Military Officer kamo. BASTOS SYA! baka ganon sya ka-b0b0 at di nya alam na he is in violation of Articles of War 96 (conduct unbecoming an officer and a gentleman). pwede ma-court martial yang oogag na yan.

tandaan mo, ang likas na babaero DI SINISIRA ANG PAMILYA, sa halip, DINADAGDAGAN NYA ANG PAMILYA ;D  eh, ang oogag mong asawa, ano ginagawa? tinatakwil ka na nga eh.

tablahin mo na nga sya sis, ipatanggal mo na nga yan sa serbisyo. the AFP don't need such Officers. mga uri nya di makatutulong sa IPSP Bayanihan ng AFP. ano ba rank nya, senior Captain o Major na? pag natanggal yan sa service, his case would serve as a lesson/warning sa ibang officers na di pa nabubuking ng mga asawa. di mo man maramdaman, but siguradong maraming military families kang natulungang ma-save. really. kakalat sa buong HPA-AFP yan eh.

now, let's talk about your exodus to Durianlandia. ;)
with 15k budget... at 3k, makakuha ka ng ng one-way ticket. why not ask a sibling/kin back home na sunduin si ate. at 9k, makakarating na si ate sa Davao. yung remaining 6k would be enough for you and bunso to reach Davao via ferry/RORO.
wag ka nang bumili ng de-latang biskwit pang lamay as pasalubong. ;D 
travel light. bring only documents, pictures and don't forget the alahas.

eto mas masaya ;D

bago kayo umalis ni baby, bili ka ng red spray paint. vandalize the walls of your house/unit. wag ka magsulat ng love letter ha?  :D (mas maganda kung gabi kayo makaalis para pati sa labas mag painting ka). write something na ikahiya nya sa mga kapitbahay nyo at sa buong FtBoni.
sirain mo lahat ng uniforms nya pati lahat ng accessories, shoes. (he is not fit to wear those anyway). tingnan natin kung ano gagawin nya. ang saya-saya siguro ano? ;D

pustahan tayo, ipagkalat nyang nasiraan ka ng ulo kaya ginawa mo mga yon. but don't worry, timbrehan mo lang ako. with my clout at HPA, masasapawan ang kwento nya. ang dami ko atang bubuwit at butiking alaga dun ;D ;D ;D

Goodluck sis!

by the way, napuntahan mo na ba si Mrs CGPA?... malamang hindi. try mo puntahan, pasama ka sa isang Officer's wife na kakilala mo.



stronger_me

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #110 on: September 25, 2011, 07:21:10 pm »
justin3, galing mo! Tama ka, minsan kelangan na talagang umaksyon. Swerte ang sis natin na merong katulad mo na todo suporta. Basta [textspeak!]'t-anuman, just think of the children's welfare.

msTiKtac

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #111 on: September 25, 2011, 08:30:00 pm »

sis december ---  ang yabang ng asawa mo. sya pa ang mali, sya pa ang g@go!  akala mo kung sino, porket officer, ganyan ang ugali.  ang baba ng tingin sa yo, he's pushing you away kasi halatang sawa na sya sayo at gusto na ng bago, malamang para makasama ang mga kulasisi niya!!!   

ayaw pala nya masira sa iba, pero may lakas syang maglandi for xx no. of years... naku, walang bay@g yan!!!  b0b0 ang asawa mo!  pano ba naman, ibang ulo ang ginamit nya!  ang ulong walang utak!!   >:(

hay kumukulo ang dugo ko sa asawa mo ah... hindi pinaparami ang mga ganyan.  letche, taxes ang pinangsusuweldo sa kanila, tapos bastos lalo na sa pamilya!  dapat nga tanggalin sa serbisyo para matauhan.  >:(

Sis, mag-impok ka for yourself, o di kaya magtrabaho ka, para layasan mo tong walang utak mong asawa... at baka matulad pa ang mga anak mo sa kanya.   kung anong nakikita ng mga bata sa bahay, sinusunod yan.  kaya lumayo kayo! 

cutejotor

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #112 on: September 26, 2011, 10:39:27 am »
hindi ko akalain na nowadays, ang mga kabit pa ang mga super tapang! abah, parang nagandahan cya sa sarili nya! it happened to me 2yrs ago. my hubby was assigned away from me. but i visited him every 2 months. he had made friends and i also befriended his friends of course. i met this girl(one of the girl friends ng hubby ko, they were close, parang little sis nya), she was 21 then (but b4 i knew her age, akala ko magkasing edad lang kami kasi mas matured na cya tingnan sa age nya.. im 5 yrs older that her pala)

i never expected that lil sis will be my karibal. hahaha grabe, cya pa ang nag amin sa akin sa namamagitan nila ng hubby ko! tinawag pa nya ako ng laos, loser at kung ano-ano pa! grabe, ang kapal nya! may tupak talaga cya! kasi when i talked to her boardmates, gusto daw cya matulog na nakahubad! nagpunta cya sa boarding house ng asawa ko, nagpakaawa na dun daw cya patulugin kasi close na daw ang boarding house nya. naawa naman mister ko, at dun cya pnatulog. baka hinubaran cya ang mister ko, alam mo naman ang lalaki. kahit gaano kapangit ang body ng babaye( im proud to say na mas maganda pa ang katawan ko sa kanya kahit may 2 kids na ako), maging maganda yan sa dilim, lalong lalo pa inaakit ang lalaki.

hindi ko alam kung bakit asawa ko pa napagtripan nya. dahil ba, may magandang work asawa ko at mataas ang sahod. baka sa isip nya, pagnaagaw nya ang asawa ko, maging maganda future nya. or baka happy cya na makawreck cya ng home dahil lumalaki cya na wala ang mga magulang nya? whatever her reason was, HINDI CYA NAGTAGUMPAY. pinatawad ko asawa ko kasi nakita ko naman ang effort nya to save our marriage. ngaun, i never felt so happy and fulfilled to have 2 handsome sons and a loving, caring and supportive hubby.

to the girl who tried to ruin my marriage and to snatch my hubby away from me - SORRY, MAS MAGANDA KAYA AKO SAYO! NYAHAHAHAHA seriously, sana makahanap ka ng lalaking TUNAY na magmamahal sayo. wag kanang magmahal ng may asawa, BAD YAN! Kung nasaan ka na ngayon, JAN KA NALANG and ROT, OK shebalengleng? :P

jennyg

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #113 on: September 26, 2011, 12:25:09 pm »
everybody deserves a second chance but they should not take it for granted. And you should really talk about it especially when he will doit again the next time. make arrangements with him.

heavensent

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #114 on: September 26, 2011, 01:46:16 pm »
@momentum - wag ka nalang umasa ng sustento sa kanya, kaya mo naman yata buhayin mag isa anak mo, baka lumabas kaw pa naghabol at napilitan lang siya..

freeswan

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #115 on: September 26, 2011, 03:46:04 pm »
so eto nga ang question. you found out that he's cheating, what's your response?

a. confront him and leave. no more second chances sayo.

or

b. sabi nga ni carmi martin sa No Other Woman, lumaban ka at bawiin mo ang asawa mo from the kabit?

paano pag may children involved or paano pag wala kayong anak kagaya nga dun sa movie?

honey_iya

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #116 on: September 26, 2011, 03:59:21 pm »
^Kung walang children involved,no second chance. kung may anak naman,it depends kung gusto magpabawi ng husband. kung mas gusto dun sa kabit,fine ;D

heavensent

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #117 on: September 26, 2011, 04:01:02 pm »
^^depende din yan sa guy sis, gustuhin mo man na bawiin ang asawa mo kung ayaw na niya sayo may magagawa ka pa ba?

pwede mo sila kasuhan at paghiwalayin pero magiging masaya ba kayo together?

I am willing to give him another chance kung ipapakita niya na karapatdapat siya bigyan ng chance pero kung parang wala lang, wag nalang, i'd rather be alone with my daughter than spend the rest of my life with him miserably..

justin3

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #118 on: September 28, 2011, 01:22:29 am »
with or without kids, please naman mga sis, pag nahuli/na-confirm nyo na nag cheat ang hubbies nyo for the first time, pagbigyan nyo naman. patawarin nyo. baka nakantyawan lang ng dabarkadz, naging mahina, na-curious. after that, do everything to strengthen your marriage. mag-usap kayo, mag counseling, mag honeymoon uli. tingnan mo rin sarili mo, baka napabayaan mo na, baka wala ka nang time sa kanya, baka naging nagger ka na, naging pabayang wifey.
pag nag cheat pa sya uli at gusto mo pang pagbigyan uli... hay nakows! bahala ka sa buhay mo.
(pag bf mo lang, once lang dapat, no second chances)


sa case ni december, if nasubaybayan nyo ang case nya, recidivist na yung hubby nya. noon pa yan, mag 3yrs na ata. 

pahabol!... kung very, very rich si hubby, pabayaan mo na. awayin mo na lang ang kabiiitch pag tumangkang makihati sa kayamanan ni hubby. ;D

iheartb

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #119 on: September 29, 2011, 09:32:26 am »
@cutejotor - actually most of the kabits feeling maganda talaga, at feeling nila walang sinabi sa kanila yung mga asawa. Siyempre taas ng ego ng mga yan, imagine super pretty na si wifey tapos nagkagusto pa sa kanya si hubby. Pero hindi nila alam, laman tiyan lang sila ng mga asawa natin :)

good for you dahil na-realize ni hubby ang worth mo :) keep the fire burning!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close