Author Topic: How to handle infedility of your partner?  (Read 76858 times)

shinta

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #60 on: September 01, 2011, 05:49:21 pm »
shinta - sis why would you want to know the gory details? Dba ikaw na pinili, bakit sasaktan mo pa ang sarili mo about the details?  And how would you know that the "other woman" will tell you the truth?  What if she just want to come out clean at idiin ang husband mo?  Sasama lang ang loob mo sa husband mo at mahihirapan kang magheal.  Parang lalagayan mo lang ng kalamansi ang isang sariwang sugat.

Mahirap mag move on, I know I been there (or should I say I'm still there) pero what can we do? Di mo naman mahiwalayan ang asawa/bf/partner mo, because of various reasons.  Like in my case, I have kids, annulment is costly, I have a reputation to protect and he's actually a good husband, erring but still better than some guys I know.

Sa iba pang sis who are in this situation, weigh your options, can you separate with your husband? can you leave your kids? is his sin outweighs the good in the relationship?  Mahirap dba? pero ganyan talaga part yan ng pag-aasawa, marriage is not all rosy may mga problema talaga, pwedeng financial, pwedeng emotional, pwedeng physical.  Problem lang yan hindi yan ang kabuoan ng relasyon nyo.

gusto ko kasi masiguro that he chose me because he loves me and not because we're married and having a baby. although, yun naman ang sinabi niya sakin, parang i want to confirm it. kasi if only the marriage will keep us together, i'd rather let him go na lang and be with the one he loves.

kinausap ko din yung girl, we exchange emails. i don't think she lied naman. she didn't know kasi that he's married. she didn't even know his real name before magkabukuhan. hubby used a fictitious name. the girl is very decent and nice. hindi naman siya naghahabol kay hubby.

i was able to tell her what hubby told me about their relationship. and parang si girl pa yung nasurprise at nasaktan kasi meron siyang may bagay na ngayon lang nalaman. it wasn't my intention naman to hurt her. i just want to know if we know the same story. we stopped communicating na. sabi niya she'll share her side of the story din pero parang nag-hesitate na siya.

tama ka sis na mahirap talaga, especially if you're married. akala ko, when this happen to me, i can simple walk away and let go of him. isa din kasi ako sa naniniwala na cheating is unjustifiable. pero ngayong nangyari na, ang hirap hirap pala. it's not a simple case of forgiving and moving on. i also have to live with the fact na na-inlove siya sa iba at learn to trust him again.

mstina

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #61 on: September 01, 2011, 06:07:26 pm »
in our case hiniwalayan nya naman yung girl. ako pinili niya. alam ko kasi nakita ko sa facebook nasa abroad na yung girl and may ibang boyfriend na ngayon. but pnagtapat niya sa akin, na kaya ako ang pinili niya kasi naawa siya sa akin and ako ang asawa. he thought he could teach himself to love me again pero wala na daw talaga.

shinta

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #62 on: September 01, 2011, 06:20:18 pm »
^ yun din ayaw kong mangyari sis, na pipiliin ako because we're married. kung wala ng love, di bale na lang. he's free to go.

pero sabi niya ako talaga mahal niya, although he had feelings for the girl, it's not the same as he has for me. kaya, ngayon we're still trying to work it out and move on from all these.

pero ang hirap, di ko maiwasang masaktan pa din.

yssayjayla

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #63 on: September 02, 2011, 11:52:09 am »
shinta - sis why would you want to know the gory details? Dba ikaw na pinili, bakit sasaktan mo pa ang sarili mo about the details?  And how would you know that the "other woman" will tell you the truth?  What if she just want to come out clean at idiin ang husband mo?  Sasama lang ang loob mo sa husband mo at mahihirapan kang magheal.  Parang lalagayan mo lang ng kalamansi ang isang sariwang sugat.

sis, tama ka. wag na kausapin si "other woman" kasi you wouldn't know din who's telling the truth at lalo lang makakagulo ng isip ito and mauuwi lang uli sa confrontation between you and husband. when i stopped talking to his ex-kabit, i realized medyo natahimik na rin ako kahit papaano. and nag-start din mag-heal kahit papano. kasi the more i talk to her, the more na nagiging tense ang mood namin ni hubby. so ayun, i realized in order to really forgive him is to let go of bad vibes na din.

pressany

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #64 on: September 02, 2011, 02:09:38 pm »
^hurting, healing and moving requires conscious effort on our part.  We should choose to be happy and avoid self-inflicted pain.  Masakit na nga yung niloko ka, wag na nating saktan pa ang mga sarili natin.  Ako, when it happened to me, nagalit din ako, nainsulto at napahiya na kaya pa lang gawin ito sakin ng asawa ko.  I was so proud before, always saying na hindi nya kayang gawin sakin ito.  Alam ng mga friends and relatives namin na "nakajackpot" sakin si husband but still nagawa pa rin nyang magfall sa iba.  Humbling experience din sakin.   

Ang naging masakit pa sakin, ang mga relatives ko pa ang nag-sabi sakin, kase nga all the time bulag na bulag ako ng paniwalang hindi nya ko kayang ipagpalit sa iba.  Hindi sa pagyayabang, alam ko where I stand compared to my contemporaries, pero ang infidelity wala yan sa ganda, talino at success.  Hindi yan beauty contest, na pag maganda ka safe ka na at hindi ka na magluluko ang asawa mo.  Sabi ko nga napahiya talaga ako na ang kinalokohan ng asawa ko eh isang babaeng below me in every aspect.  Pero ganyan talaga ang buhay, gusto ko mang iwan eh hindi pwede kase nga may 3 buhay na dapat akong iconsider.  I don't want my kids to grow up in a dysfunctional family so I have to suck it in. 

@momentum - sis, I don't know what's worse, yung emotional, physical and emotional battery or yung infidelity.  Basta sis, to keep you sane, don't blame yourself.  Whatever s*** your husband is into, it's his choice not yours.  You can help him out of the rut his in, only if he asked you to help.  But if not, let him figure out the way out of his situation.  Concentrate on being a good mom and "the better" person.  Hinga lang sis, matatapos din yan.

super bratinella

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #65 on: September 02, 2011, 07:02:28 pm »
^Sis, God will make his way. Pray hard for the strength and be strong for your daughter.

guilleanne

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #66 on: September 03, 2011, 01:45:32 am »
Sis momentum. I just wanna give you hugs. Lam mo sis my brother akong bading, yung bading na hindi nag crocross dress, yung mukhang lalake talaga, pogi like paolo bediones type! hehe.. Pero openly gay sya. And I have met his friends, actually a lot of his friends kasi close naman kami magkakapatid and part na samin yung pinapakilala yung mga kaibigan, some or well a dozen of them are closet queens, have wife and kids, one time pa nga nasa house namin sila kasi New years eve and birthday ng baby ko, wife called the bading and sabi nasa office pa sya and won't make it home for new years eve! grabe! and sarap paputukan ng kwitis sa mukha! Another one isang seaman na nanliligaw sa kapatid ko, bading rin, kakaloka kasi seaman din asawa ko! at may asawa din si seaman bading ha.

Well sis, pray ka lang. God will show you the way.

p0g1ng

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #67 on: September 03, 2011, 02:42:42 am »
momentum - ang haba ng post mo sis ha? pero binasa ko lahat.

actually, i really don't have to read all your post. hanggang entry "nov 2008" lang, tapos na ang kwento.
anyway, your story may serve as a lesson/warning sana sa mga sisters natin na mag bf-gf pa lang, nakakatanggap na ng lahat ng "ally" abuses.

kadalasan, nauuna talaga ang abusuhin ka verbally. kung ipagsiksikan mo pa ang sarili mo, ayan susunod na yan ang abusuhin kang physically, mentally, emotionally... pati financially.

bilib rin ako sa yo sis ha? ang tibay mo. imagine, 2008 pa, umabot ka pa nang 2011. ;D

wag mo na ipagtanggol ang magaling mong asawa ha? don't enumerate his good qualities as if parang naghihinayang ka ha?

my payo? eh ano pa? eh di hiwalayan mo na?... sino ang kokontra dito? ;)

ang lakas ng grounds mo for annulment. yung psychological incapacity marami pang chechebureche yan. nandyan na ang homosexuality... eh ano ngayon kung "top" gay sya? bakla pa rin sya. he's still into homosexual activity.
kung ipa-drug test mo yan, malamang positive rin sya sa drugs.  gayong palagi nyang kasama si 'adik'? possible bang di shomushongki yan? kaya naaliw syang umbagin ka dahil malamang sa kakagamit nya ng 'bato'... at ang adik, magaling magsinunggaling/gumawa ng kwento, maka delihensya lang pambili ng bato.

nasa "monster husband" thread ka rin di ba? but you didn't post your story there... now i'm telling you, you married a monster as well. so what if he is the father of your daughter? nanghihinayang ka? aba, aba, puucha! anong klaseng ama ang gawing kasangkapan ang walang kamuwang-muwang na anak nya para lang makahirit ng datung sa bakla? >:(
buti na lang mahina at ang signal ng karma kaya 'karma unsent' ;D ...malakas lang angels ni baby.

eto na naman tayo... "ang dali-dali magpayo if you are not in that situation thing"

well, try recalling your decisions for the last three years, puro sablay. (i don't have to enumerate it)
kaya siguro it's high time na para makinig ka na sa payo ng iba. not just my advice. try mo rin advice ng iba. weigh it. if majority sounds the same, yon na ang sundin mo... wag mo na sundin tinitibok ng puso mo, baka ikapahamak mo na yan.

update us here kung ano nanangyari sis ha?... wag ka lang basta na lang mawala sa GT ha? iisipin ko na something worst nangyari sa yo nun.
>
>
>
>
>
to all sisters who want to ANNUL their marriages. raise your right hand!
(yung pwede pa mahilot ang kasal, di kasali ha?) :)
i know two places where the rate/expenses is much, much lesser than the NCR rate. mas mabilis rin. within six months, single and ready to mingle ka na naman uli. may CENOMAR pa;)
(di gawang Recto o Avenida to ha?... legit to oy.) ;D

heavensent

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #68 on: September 03, 2011, 04:12:53 pm »
@momentum - i agree with pog1ng, better leave him for good, what he did to you is too much, i know its easy to for me say since I'm not the one in your situation  but please find the courage to do it since ikaw din ang nagsusuffer at the same time yung daughter nyo..

2 yrs old na daughter mo right? I think mahirap sa part nya yung papalit palit ang environment..

lilstar

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #69 on: September 03, 2011, 05:30:56 pm »
Grabe talaga these days, papangit ng papangit ang mga kabit. sakin, kamukhang kamukha ni Kirara na may twist ni Imang. Like sis pressany said, sobrang di ko kalevel ng bitc* na yun..

Oh well, ok na kami ni hubby ngayon. pero sobrang napahiya din ako at nainsulto, kasi akala ko di din sakin maggawa ang ganun. pero nangyari na. Ayoko naman maexperience ng anak ko ang broken home. O sige one more chance. But this time, I'm stronger. Baka di ko na alam kung anong pwede kong gawin kung mauulit pa. Til now, masakit pa din pag naalala ko. Pero mahal ko e, di ko madedeny yan. Pero sabi ko nga sa kanya, di sapat ang pagmamahal. Sana iningatan nya yung tiwala at pagmamahal ko. Mahirap kasi ibalik ang tiwala..

I'm still sad, pero kailangan ko paglaban for my son.

chofontanilla

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #70 on: September 05, 2011, 11:20:03 am »
what will you do if hindi mo alam na may asawa pala bf mo before mo siya nakilala, hindi sila nagsama ever and hindi na sila nagkikita in 10 years. then ngayon nabuntis ka niya nalaman mo lang na may asawa pala siya nung nabuntis ka na and haharap na kayo sa parents mo. the whole family nila alam na may asawa siya pero hindi lang sinasabi sayo?

ano gagawin niyo?

airwaterfire

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #71 on: September 05, 2011, 11:28:37 am »
@momentum: (offtopic po) hi! after reading your napakahabang kwento from here to the other topic, all i can say is better mamuhay kayo ng daughter mo nang kayo lang. hindi magandang effect yan to your daughter especially babae anak mo. baka darating ang panahon maging history repeats itself. sana wag lang. i'm sure kayanan mo yan. marami nga mga single mom na nakaya nilang palakihin anak nila ng maayos. magaling yong hubby mo. pwede siya maging best actor sa famas. sorry ha for the mean words here.(sumakit dibdib ko kakabasa)

heavensent

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #72 on: September 05, 2011, 11:36:15 am »
@momentum - I agree with airwaterfire, ang galing umarte nyang asawa mo, pag isipan mo muna mabuti yung magiging desisyon mo since hindi lang ikaw ang maapektuhan kundi pati yung daughter mo..

feeling ko even yung mom ng hubby mo sobrang sawa na sa pag aaway nyo, and sis kung gusto makipag reconcile ng hubby mo dapat sya ang pumunta sa inyo not the other way around, parang ikaw lang kasi nag eeffort na magkausap kayo. kung ayaw pabayaan mo siya, let him know na kaya mong tiisin na hindi siya makausap.

and please sis wag ka masyado magpapaniwala sa mga sinasabi ng hubby mo, ang galing nya gumawa ng script, grabe artista na script writer pa..

sorry kung na offend kita sa mga sinabi ko, im just trying to enlighten you.

witchme000

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #73 on: September 05, 2011, 02:38:43 pm »
its been a month and 17 days since nahuli ko si hubby na may other woman sya. nakita ko sa cp nya na magme-meet dapat sila the following day. i confronted him pero sabi nya di daw sya yun nag text nun. nakigamit lang daw yun officemate nya. lalaki talaga. ang lame lame ng mga excuses. nag empake na ko ng gamit namin ng baby ko na 3 months old pa lang ngayon. pinigil nya ko. wag ko daw sayangin ang relation namin sa hindi naman totoong bagay. to make it short, nagpapigil naman ako. tinapon nya ang 2 sims nya. magpapalit na daw sya ng number. then di sya pumasok the following day para daw di ko sya paghinalaan na ime-meet nya nga yun girl at dinate ako at binili ng kung ano ano. then kinagabihan di ko alam bakit parang may nagsasabi sa akin na iopen ko ang ym nya. hinulaan ko password nya at nahulaan ko naman agad. then i saw sa archive nya un flirty conversations nya with different girls na obvious na nakilala nya lang tru chat pero ang pinaka sobrang nasaktan ako ay dun sa isang girl (lets call her S) na base sa usapan nila y nagkikita na sila at may nangyari na sa kanila. sobrang sakit pa, terms of endearment namin yun din ang tawagan nila. di ko na natapos magbasa dahil sobrang sakit na ng mga nababasa ko i confronted my hubby again this time mas violent na ko. sinuntok ko sya ng sinuntok. tapos again, nag deny na naman na di daw sya yun. hello! alanganing oras like 12midnight may makikigamit ng pc namin at ng email ad nya!?? pero di ko talaga sya napaamin pero sorry sya ng sorry at magsimula daw kami ulit. ayun nagpaayos na naman ako.
pero di pa din ako maka move on kasi tinatanong ko sya kung ano ang closure nila nun girl sinasabi nya na walang closure kasi wala naman nangyaring ganun. ginawa ko everytime na mag cr sya browse ko cp nya. then one night may nabasa ko sa sent item nya. tinext nya yun friend nya (girl) pero i knew her. ang sabi nya sa text is "wag ka na mag message sa asawa ko sa fb at napaka selosa nun. saka dito ka na lang sa new # ko (# which i dont know) magtext at sa email ad ko na to ka mag email. the email ad is nun ko lang din nalaman. so ayun, ginawa ko i tried na iopen ulit yun email na yun which is naopen ko naman. siguro gusto talaga ni God na malaman ko na ang lahat lahat kasi di ko alam ano pumasok sa isip ko at napa download ako ng new version ng ym which is kahit saan pc sya gumamit ay nasa save yun lahat ng conversations. so nabasa ko mga conversations nya with S. nagsorry sya na di sya nakadating nun magkikita sila kasi daw nawala daw cp nya napilayan pa sya kaya di sya makaalis ng bahay. at na trauma na daw sya mag cp so dun na lang communications nila muna. which made me think na single ang pakilala nya dun sa girl. then pinipilit nya un girl na magkita sila and punta dun sa secret place nila kasi daw miss na miss na nya. sobrang sakit sa akin nun. parang gusto ko pa na sinaksak nya na lang ako. then nagkasundo sila sa date ng pagkikita nila. binigay nun girl yun cp# nya para daw call sya ng hubby ko the night before ng pagkikita nila. ang ginawa ko, nagkunyari ako na ok kami ni hubby. nagpaka extra sweet pa ko at lahat lahat ginawa ko baka sakali mapabago ko isip nya at di na makipagkita kay S. until dumating yun day na magkikita na sila. pumunta din ako dun and meet S. i waited for 30min na dumating si hubby pero di pa sya dumating. so nilapitan ko na si S and nagpakilala ko na wife ni hubby. in fairness to S. mukang victim din sya ni hubby kasi ang alam nya single si hubby. i called hubby at sinabi ko na kasama ko ngayon si S. hanggang sa ni-off na ni hub un cp nya para di na ko maka call. then S and i talked and she promised na lalayo na sya. sorry pa ng sorry. hiyang hiya daw sya. pero sinabi nya na tinawagan din sya ni hubby nun gabi to confirm yun pagme meet nila. nasaktan na naman ako. akala ko naman nakunsensya na kaya di dumating yun pala late lang.
pag uwi sa bahay, nag usap kami ni ulit ni hubby. sabi ko sa kanya sabihin nya lahat saken this time walang kasinungalingan. at kung gusto nya pa na maayos kami or maghiwalay na kami. nag open naman sya. sinabi nya lahat ng ayaw nya saken which kung tutuusin ay sobrang babaw lang. like ang higpit ko daw kasi that even pagbasketball nya ay di ko sya pinapayagan. kaya tru chat daw dun sya parang nakakuha ng mga makakausap. i still say sorry to him. and told him na next time pag may ayaw sya sa ginagawa ko ay sabihin nya saken. that i want na di lang ako wife to him but also a friend. i asked him if he love S. sabi nya nun una daw prang nafall sya dun sa girl kasi sobrang bait pero nun lumabas na anak namin narealized nya daw na naaawa lang sya kay S. si S kasi may 2 anak sa lalaki na hiwalay din sa asawa. iniwan nya lang daw kasi hindi sya mapakasalan. S told me that. so ayun nagkasundo kami ni hubby na simula na naman kami ng maayos. and mga sis, that time mas naging maayos na pakiramdam ko kasi nag open na sya.
but last saturday naisipan ko na tingnan wallet nya and i saw a piece of paper na nakasulat dun un cp # ni S. i dont know kung ico-confront ko sya kasi baka di naman sya magsabi ng totoo. i texted S and asked her kung nagtetext pa ba sa kanya or call si hubby. sabi nya hindi daw and if ever ay di nya na ientertain. and that i have her word.
pero mga sis naguguluhan ako. i always check his wallet and cp everytime i got a chance so i know na recent lang nya nilagay un # ni S sa wallet nya. kahapon nga naramdaman ni hubby na iba na naman ako. nilambing nya ko at sinabi nya na this time daw ay totoong nagbabago na sya and that all marriage daw nagdadaan sa ganun. pero pagtiwalaan ko daw sya at good man na daw sya ngayon. that he loves me and our baby. what will i do mga sis? naguguluhan ako. iconfront ko ba sya or hintayin ko na lang na may makita ulit akong evidence?
sorry sa mahabang post. i just need advice. wala kasi ako piangsabihan nito kasi ayoko masira ang image ni hubby. sobrang good husband pa naman tingin ng family and friends ko sa kanya. ganun din ng family nya. thanks mga sis.
« Last Edit: September 05, 2011, 02:49:06 pm by witchme000 »

heavensent

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #74 on: September 05, 2011, 03:11:35 pm »
^sis, be strong, as of now wag mo muna confront si hubby, wait until mas may strong ka na evidence and don't trust S too much, pwede din kasi na hindi siya nagsasabi ng totoo sayo and blinded din siya ng love nya for your hubby..

peterp

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #75 on: September 05, 2011, 03:15:43 pm »
there are people who treat infidelity as an instant deal-breaker.  For me, it's a very immature way to deal with the situation.  Try to treat it as a symptom of an underlying  problem.  The go after the problem instead of wallowing in hurt.

Even relationships need to get back up on their feet when they get knocked down.  IF they are worth getting back up for.

witchme000

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #76 on: September 05, 2011, 03:24:30 pm »
thanks sis heaven. gustong gusto ko na iconfront si hubby pero pinipigil ko talaga sarili ko kasi nakipag ayos na nga ako sa kanya eh so i must do my part din. talaga lang ang hirap hirap makalimutan ng ginawa nya though nakikita ko naman din na nag eefort si hubby. he's forgiven pero i cant forget that he cheated. tapos makikita ko pa na sinulat nya at nilagay sa wallet nya yun number nun girl.

witchme000

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #77 on: September 05, 2011, 03:27:24 pm »
there are people who treat infidelity as an instant deal-breaker.  For me, it's a very immature way to deal with the situation.  Try to treat it as a symptom of an underlying  problem.  The go after the problem instead of wallowing in hurt.

Even relationships need to get back up on their feet when they get knocked down.  IF they are worth getting back up for.

what do you mean peterp? that confronting him of what i discovered on his wallet is immature? ganun ba? pero kasi naman, bakit tinatago nya pa yun # nun girl? ano yun? gusto nya lang?

airwaterfire

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #78 on: September 05, 2011, 04:27:18 pm »
@momentum: ok lang binasa ko rin naman lahat para detailed talaga. well, may isa pa nga pala akong na notice, pag pupunta ka ba sa bahay ng    SOON-TO-BE EX-hubby mo is magiging intimate kayo? di ka nandidiri sa kanya? i believe stop going to his place and move on or pag pupunta ka make sure may kasama ka or may tao sa bahay nila. baka biglang pasukin ng demonyo ang utak ng lalaki at mapatay ka pa, paano na ang daughter mo. imo, focus on your daughter instead. i mean focus, let your daughter be the center of your attention and love.
regarding sa nanay ng xhub mo, alam na niyang hindi na magbabago ang anak niya at ayaw na niyang makisawsaw kaya iwas iwas nalang siya.

officebusters

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #79 on: September 05, 2011, 06:31:48 pm »
sobrang sakit talaga as in parang gusto mo na lunukin ng buhay yong asawa mo sa sobrang galit lalo na kapag yong kabet ay mas maangas pa sa yo. kung kaya mo pa tanggapin ang asawa mo despite sa mga ginawa nya be it yon nga lang masalimoot na yong pagsasama kasi wala na yong tiwala.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close