Author Topic: How to handle infedility of your partner?  (Read 76763 times)

p0g1ng

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #40 on: August 29, 2011, 11:59:57 pm »
oy, wala pang guy talker dito ah. :)
anyway, bahala kayo sis if you follow my advice. depende rin kasi sa situation; how you treat each other ni hubby; at sa mga personalities nyo kung kaya nyong gawin.


this may sound humurous, pero malay nyo maging effective.

wake your hubby (smiling) with the best oral job you have given him. in between his oooohs and aaaahs, with your free hand, hold the razor-sharp knife (you've kept the night before) with its blade near the base of his thingy.
pag natauhan sya, at nakita ang hawak nyo, don't worry, limited ang galaw nya. di kayo mahampas ng unan nyan o gagawa man sya ng anong bagay na ikakagalit nyo.

smiling, asked him if he is familiar or knows Lorena Bobbit. (ang boo-boo naman nya kung di nya kilala yon, kahit ba naman almost 20yrs ago na nung sumikat si Lorena)

don't worry kung di nya nga kilala si Lorena. sa pagkakataon na yon, he'll get the message. you mean business. bahala kayo kung mag litanya pa kayo at mag drama. pero wag na, baka mapitik nyo pa ang kamay nyo at maputol pa si junior (na ayaw nyo namang gawin). contunue with what you are doing na lang. ;D 

basta, this happened sa colleague ko ages ago. late 90s, mainit pa rin ang issue nun kay Lorena. actually, di nya wife ang gumawa nun but his kabit # 5 na naanakan nya. grabe ang naging psychological effect sa kanya.  ewan ko kung naging impotent na sya nun o sadyang nagbago na talaga. ayaw na sumama sa mga boys night-out kahit na may lusot pa eh.


wag nyo na ring sugurin ang mga kabits mga sis. baka may mag video, sisikat pa kayo sa YouTube. masisira lang ang poise nyo.
worst, baka kapwa pa nating GTalker ang kabitz. ;D ;D ;D

mslcgrey

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #41 on: August 30, 2011, 12:40:59 am »
^ that is one funny story....
 for me naman, ang sabi ko lang sa bf ko if i found he cheated on me...i could give him a chance to redeem himself BUT i also told him na may ugali ako na gumaganti.... so if kaya niya na may possibility na magcheat din ako then gawin niya but he also have to give me the same courtesy na tanggapin if ever magcheat ako (that is if mahuhuli ::))
well, to be serious naman... if magbf/gf pa lang kayo, mas madali kasi wala pang legal commitment..wala pang kids to consider unlike if you are married, for sure it is harder... so my advice if first offense let's give the guys a chance to redeem themselves but after a long panliligaw uli sa'yo...wag yung patawad kaagad...but if it is the second time... ah di na yata tama na magtiis ka pa... just make sure he will give his financial support then dun na sya sa mistress niya... you don't deserve a guy who don't value you....
but siyempre.... let us do what we can do to avoid this problem... kasi usually ang mga guys excuses yung di na nag-aayos yung wife nila unlike before... tumaba na or something like that... so sa atin, meron din kasi tayong responsibility na maging desirable sa mga husband natin and vice versa....

babyjapnurse01

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #42 on: August 30, 2011, 01:44:33 pm »
^ sorry to hear that, sis. just wanna ask, pang ilang beses na yang again na yan sis? and did you try to confront your hubby na about it?

k_heart

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #43 on: August 30, 2011, 01:54:23 pm »
Medyo mahirap nga ang ganitong kaso. Mas madali magpayo pag wala ka sa place nung humihingi ng advise pero confronted with the problem in real life, medyo mahirap magpakahinahon at mag deal.

babyjapnurse01

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #44 on: August 30, 2011, 02:02:17 pm »
^ true. ako nga di ko parin makalimutan how t@nga I was na hindi ko manlang nahalata before kung bakit ayaw pahawak manlang nung ex ko yung phone nya. :D yun na pala yun, he was hiding something, meron pala siyang girlfriend talaga, and he ditched her (ng walang closure) because of me. syempre because walang closure and nasa states si girl, umaasa padin sya na sila padin even if they dont talk that much anymore.

when i found out by accident, i confronted my then-BF about what i discovered, he chose me over his girlfriend but it chose to end it nalang with him, ayoko ng ganung ugali eh, quesehodang ako pa pinili nya.

bottomline, it was really hard para mag move on, pero kinaya naman kahit matagal. and i know it will be twice as hard (or mas mahirap pa) kung kasal na kayo and may kids pa. i can somehow relate because my biological cheated on my mom a lot of times when they were still together, kaya ramdam ko yung pain ng mom ko. :(
« Last Edit: August 30, 2011, 02:04:40 pm by babyjapnurse01 »

zaechi

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #45 on: August 30, 2011, 02:13:33 pm »
naisip ko nga noh.. what if yung mga kwento natin dito eh gtalker pala [textspeak!] kabit, or yung other woman!! haha

well.. i guess mahirap.. alam niyo naman mga sisses may babae din kasi alam na ngang may sabit ang hilig pang kumabit. as if naman diba!


babyjapnurse01

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #46 on: August 30, 2011, 02:19:51 pm »
^ actually meron nun dito sis, i forgot lang sino yung isang girltalker na legal wife and sino yung girltalker na kabit. kabit knows who legal wife is while si legal wife hindi alam kung sino yung kabit. ka-stress pag ganun. LOL

heavensent

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #47 on: August 30, 2011, 02:54:25 pm »
mga guys talaga mas malalandi pa sa mga babae minsan...

p0g1ng

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #48 on: August 31, 2011, 01:11:50 am »
^anong minsan lang sis? ALL THE TIME kamo. kaya nga multi-billion dollar bisnis ang porn industry eh.
isipin nyo na lang mga sis ha, dito na lang sa NCR... ano ang ratio ng night clubs/girlie bars as against sa clubs na tinatangkilik ng mga girls. WALA! (yung gay bars? eh puro bakla naman ang mga parokyano dun. may mga cougars na pumapasok pero iilan lang.)

ilan ang men's magz (like FHM, UNO) as compared as girlie magz. WALA. kung meron man, bakla population pa rin ang market.

sa crime, wala kang mabalitaan na policewoman nang rape ng lalaking inmate o congresswoman nang rape ng minor na lalaki.
wala kang mabalitaan na female politician o gov't official na nagregalo ng lalaki sa boss nyang kapwa babae.

sa madali't sabi, malalandi at malilikot talaga ang mga Pinoy kesa sa mga Pinay.
magalit na kayo kung magalit, basta, naging commodity na ang mga babae. noon pa. yan ang totoo.
want me to cite mo examples?
(bago kayo magalit o mapikon sa akin, pagsabihan nyo muna ang lahat ng lalaki sa pamilya nyo ha?) ;D

kung may guy talker man na kokontra sa sinabi ko, malamang nagpapa-pogi lang sa inyo mga sis.



^^^kaya sabi ko wag sumugod sa mga kabitz at baka kapwa GTalker rin. ang dami kaya dito. yon nga lang, maraming threads na kasi ang nawala dito eh. ;D
pero pag nagkataon, ang saya-saya siguro sis ano? ;D



k_heart - it's not always that way sis. but kadalasan, yung mga nagpapayo (di lang dito sa GT), kaya madaling magpayo, kasi malinaw ang pag-iisip nila (namin), di magulo, di bulag. nakikita nila/namin ang pattern at possibleng kasadlakan ng may problema. something na di makita ng person concerned. example lang sis ha (most common problem yan dito):

          GT sister is into a toxic relationship. MAHAL NA MAHAL ang guy. in the process of martyrdom na sya. either si guy ay married, si guy ay addict, binubugbog sya ni guy, etc, etc.

          pustahan tayo, lahat ng GT member dito magpapayo na hiwalayan na si guy. Madali lang sabihin di ba? pero yon naman talaga ang nararapat na gawin ni girl. right? but if you are the girl concerned, and just because lab na lab mo si guy, NAPAKAHIRAP talaga gagawin at sundin ang mga payo. kasi nga di mo nakikita ang actual picture, yung possible next thing na mangyari. kasi nga magulo ang utak mo. you are blinded by love. maraming IFs and BUTs. oha?

kaya nga ang iba dito (sa ibang threads) ang sarap batukan talaga. hihingi-hingi ng advice. binigyan ng sound, reasonable advice, para naman sa ikaka-ayos ng buhay nya, ayaw naman sundin, sige pa nang sige sa kalokohan. Grrrrrrrrrrrrr! ;)



as for my Lorena Bobbit advice here, kaya nga sinabi ko na depende sa situation eh... like, how can you give your hubby a good morning bj kung isang-daang taon na pala kayo di magkatabi pag natulog?  ;D ;D ;D


k_heart

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #49 on: August 31, 2011, 01:31:08 am »
^Thanks Bro! Bro ka ba or sis? Anyways, i don't need naman payo kasi hindi naman nambabae yung mister ko or hindi ko lang alam.ha!ha!ha!

But i have been also in a situation nung single ako, na yung ex-bf ko haa infidelity problems. Syempre pinayuhan ako na lumayo sa lalakeng ito, which i did naman after a while. So i know naman the feeling ng isang girl na may manlolokong bf. Dahil may kasama kang feelings, mas mahirap ng konti sumunod ang utak at lalo na kung may pamilya. Torn na yung babae in keeping her family intact at keeping her sanity and pride intact.

Usually hindi ako halos nagpapayo sa GT (except for make-up problems,ha!ha!), kasi, usually din naman yung mga humihingi ng payo, they have already made up their mind  and just seeking confirmation or affirmation kung ano na yung napagdesisyunan nila.

k_heart

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #50 on: August 31, 2011, 01:32:41 am »
Medyo na o-OC ako sa spelling ng Infidelity!

babyjapnurse01

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #51 on: August 31, 2011, 01:39:19 am »
^ ako rin! :D haha! :D

******

minsan may mga threads na gusto ko talaga mag-reply and mag-payo, kaso pag nakikita ko yung threadstarter na jinajustify pa kung bakit nya tinotolerate ang lokolokong BF or asawa nya, nawawalan na ko ng gana, kasi alam kong dadating lang sa puntong mababara ng threadstarter lahat ng magrereply by saying -- Mahal ko eh. Ang hirap iwanan. :D

tablado na lahat ng magrereply nun kahit pa gano kasensible ang advice mo hehe! :D

k_heart

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #52 on: August 31, 2011, 01:45:42 am »
^Amen sis Jap! : )
Ano ba ang ginagawa nating 2 sa thread na ito? ha!ha!ha! Long holiday kasi, di ako masyado busy kaya nagbabasa naman ako ng ibang threads na bukod sa make-ups.

shinta

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #53 on: August 31, 2011, 10:51:37 am »
ok lang ba if makipag-usap ka pa sa other woman, if she's willing naman. just to verify kung totoo ba pinagsasabi sa'yo ng bf/hubby mo? minsan kasi kahit ikaw na yung pinili, parang di pa rin enough. kaylangan mo talagang malaman yung totoong nangyari.

heavensent

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #54 on: August 31, 2011, 11:05:26 am »
^naku sis wag masyado magtiwala sa other woman kasi baka may hidden agenda din yan..

pressany

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #55 on: August 31, 2011, 11:36:42 am »
shinta - sis why would you want to know the gory details? Dba ikaw na pinili, bakit sasaktan mo pa ang sarili mo about the details?  And how would you know that the "other woman" will tell you the truth?  What if she just want to come out clean at idiin ang husband mo?  Sasama lang ang loob mo sa husband mo at mahihirapan kang magheal.  Parang lalagayan mo lang ng kalamansi ang isang sariwang sugat.

Mahirap mag move on, I know I been there (or should I say I'm still there) pero what can we do? Di mo naman mahiwalayan ang asawa/bf/partner mo, because of various reasons.  Like in my case, I have kids, annulment is costly, I have a reputation to protect and he's actually a good husband, erring but still better than some guys I know.

Sa iba pang sis who are in this situation, weigh your options, can you separate with your husband? can you leave your kids? is his sin outweighs the good in the relationship?  Mahirap dba? pero ganyan talaga part yan ng pag-aasawa, marriage is not all rosy may mga problema talaga, pwedeng financial, pwedeng emotional, pwedeng physical.  Problem lang yan hindi yan ang kabuoan ng relasyon nyo. 

mstina

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #56 on: September 01, 2011, 04:22:01 pm »
^pano gagawin mo sis pag sinabi na ng asawa mong hindi ka na niya mahal. ok lang sa kanyang hindi kayo maghiwalay but nagpapaalam siyang hahanap at hahanap din siya ng iba kasi nga di ka na mahal. he's a good provider, a good father, a good person in general except for that. what would you do?

i chose to let go. masakit kasi mahal na mahal ko siya pero mas masakit kung titiisin kong meron siyang iba. i want to have a chance to find someone who will love me the way i deserve to be loved. :(

pressany

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #57 on: September 01, 2011, 04:56:18 pm »
^if the you can't live with a "friend" or have a platonic relationship, since that I think is what the guy wants (sabi nga nya di ka na nya mahal), it's time to move on.  Kesa naman ang pakiramdam mo binabastos ka na nya or magpakamartir ka sa isang relasyon na isa lang ang nagmamahal.  Keep whatever is left between you (friendship, respect, etc.) and live your own life.  There is no way you can force someone to love you the way you want to be loved.

Nasa sa iyo pa rin ang desisyon to either leave him or live with him.  In your case you choose to leave him and seek your new destiny.

I've known people who stayed "married" even if what they have is platonic relationship.  They choose to live together and even get old together but during their youth, they both seek out other partners.  Iba iba ang buhay may asawa, may forever inlove, may magkaibigan lang, may married out of convenience.  May ibang babae namang martir. 

heavensent

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #58 on: September 01, 2011, 05:05:01 pm »
^same here sis, kung ayaw na nya at hindi na niya ko mahal I will also choose to let go, mas mahirap kasi pag ganun..

mstina

  • Guest
Re: How to handle infedility of your partner?
« Reply #59 on: September 01, 2011, 05:43:51 pm »
oo nga mga sis mahirap talaga. we tried to make it work to the point na akala ko ok na kami. but then we had a long and serious talk and pinagtapat nya wala na talaga. i cried and cried pero di na ko nagalit. naubus na kasi yung galit ko. we parted ways peacefully and nag-usap that we would try to remain friends para sa anak namin. although i told him wag muna ngayon. i need to get over the pain muna.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close