hi sis! I'm just new here! let me just share you my story. I had a fling with an office-mate who already has a girlfriend. Babaero siya actually halos lahat ng gusto niyang babae nakukuha niya. I fell inlove with him pero hindi niya alam. Then, nabuntis ako. Hindi ko sinabi sa kanya dahil sa inisip ko na masasaktan din lang ako thinking na hindi naman niya ko pananagutan. On my 5th month of pregnancy, nabalitaan kong buntis din yung girlfriend niya.
Nanganak ako and decided to raise my baby alone. Hindi ko parin sinabi sakanya.Kuntento na kong minamahal siya sa malayo kasi alam ko may sarili narin siyang pamilya. Then dumating yung time na nagtanong siya kung siya ba ama ng baby ko. Hindi ko napigilan sarili ko and I told him the truth.
Ngayon, we have the most complicated set-up. Palagi kami magka text. Nagkikita kami ulit whenever possible. At sinasabi niya na mahal na mahal niya kaming mag ina. Mahal na mahal ko siya kaya pumayag ako sa ganung set up. But then, masakit umasa. Masakit isipin na at the end of the day, sa totoong pamilya niya siya umuuwi. Hindi pa sila kasal and sinasabi niya na wala pa silang balak magpakasal. Wala pang nakakaalam sa family niya na may anak siya sa iba.
Masaya ako sa thought na mahal din niya ko, na mahal niya kaming mag ina. Pero, ang sakit maging pangalawa lang.. Iniisip ko minsan kung dapat pa ba ko umasa na someday kami parin ang magkakatuluyan.. Or i need to let go na.. Ang hirap..=(
Mahirap talaga sis yung ganyang situation...in my own opinion sis, better if kaw na lang maginitiate ng move..yes masakit pero time will come na matatanggap nyo rin yung situation.
Be strong always and ask for God's guidance.
Share ko lang yung story ng bff ko...
Si bff naging owner ng isang gas station sa province and she met yung sales executive ng oil company na yun na nakaassign sa area nila. Married na si bff for 3 years pero wala pang anak while si sales executive, single pero may girlfriend (long distance). At first, medyo supladito at supladita ang dating, akala ni bff hindi sila magkakasundo ni sales exec pero ito pala ang magiging start ng story nila...
Nagsimula sa patawag tawag ni sales exec sa office ni bff, asking something hanggang nagumpisa na maging close sila. Si sales exec nung nasa Manila, nagulat si bff na tinawagan sya nito at sharing na nabored sya at ngawit na sya kakaupo..syempre si bff wala naman malice sa kanya, siguro ramdam nya na sa kanya natutuwa si sales executive kasi masarap kausap. Minsan nagshare rin si sales executive about sa work nya na kakastress at nauubusan minsan ng pasensya. Hanggang minsan nagshare si sales exec ng quotes at ganun din si bff. May times na niyaya nya si bff sa hometown nila kung may time at ipapasyal daw sya nito at ang kanyang hubby.
Pero eto na ang turning point...hindi ngayon maintindihan ni bff kung ano ang nararamdaman nya, kung "crush" lang ba ito or "in love" na sya sa sales executive. Panay kwento ni bff sa akin ang experience nya kay sales executive, kahit naiinis sya, pero may halong kilig pa din once may reply na sa text or twag using his prepaid cellphone. Hindi alam ni sales executive about sa feelings ni bff. Love na love nya hubby nya pero dumating sa point na minsan di maiiwasang maisip ni bff si sales exec. Patingin tingin sya sa picture nito sa cellphone at pc. Inamin rin ni hubby nya na nagseselos na ito sa sales executive kasi palagi raw sila magkatext at usap sa phone. Syempre for bff, kahit kinikilig sya, wlang masama kasi need yun sa trabaho nila. Share nga rin ni bff nawawalan na rin sya ng 100% love kay hubby kasi unti unti nahuhulog ang loob kay sales exec.
One time may family occasion at ininvite nya si sales executive (kasi friends silang dalawa), napansin ni hubby nya na buong occassion eh tingin ng tingin si sales exec kay bff, kung saan makapunta ito, panay sunod. Tinatawag si bff ng hubby nya pero deadma ang dalawa, parang sarili raw nila ang mundo. After ng event, ang sabi ng hubby nya, kumukutitap daw ang mga mata ni sales executive sa yo. Ramdam yata ni hubby nya na may pagtingin si sales exec kay bff. Malakas daw ata pag lalaki mismo ang nakaramdam kung may something.
Ngayon hindi na alam ni bff ang gagawin nya...kung aaminin ba nya ang nararamdaman nya kay sales exec kaya lang baka mamaya iwasan na sya nito at mawala yung spark. But she want to stay as friends. She even like daw to add his boss sa fb pero baka isipin stalker sya. Pero kahit iwasan nya ito, hindi maari basta basta kasi boss nya ito. Narealize din nya na hindi sila pwede sa isa't isa kasi may asawa na si bff and may gf na si sales exec (long distance).
Kung kayo sa kalagayan ni bff, ano gagawin nyo?
Thanks for reading sisses.