Author Topic: Will you keep loving someone who will never be yours?  (Read 85090 times)

angeluz

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #100 on: January 21, 2012, 12:44:50 am »
Nangyari na sa kin to... I met someone na may eight year relationship na..  childhood sweethearts sila and sobrang close na nila sa family ng isat isa. definitely may same set of friends din sila... nung na meet ko yung guy nandun sila sa stage na rocky na yung relationship and apparently masyado nila sinakal ang isat isa as in yung mundo nila sa kanilang dalawa lang umikot pero i found out na madalas na talaga silang magtalo and super selosa yung girl...

naging friend ko yung guy di ko alam pero magaan loob namin sa isat isa i even give advice pa nga sa relationship nya pero since magkasama kami sa work and magkasabay umuwi nadevelop kami sa isat isa... ang hirap kase na fall na talaga ko sa kanya.. iniwasan namin yung isat isa but merong mga consequence na mag end up na kami palagi yung na aasign sa projects and activities sa office... tapos ayun na sumunod na ang mga tsismis sa office and since medyo goodlooking yung guy meron may crush sa kanya na nagmessage dun sa girlfriend about us tapos madami na din akong narereceive na mga hate messages... as in grabe talaga... people accuse me of being malandi and lahat lahat na yata... hindi ko nakaya yung pressure thinking na kahit kailan never pa akong nagkaron ng relationship and it was my first time na ma inlove ng sobra pero sa maling guy pa.... hayst... nagresign ako para matahimik ang mundo ko and lumayo ako dun sa guy... sobrang mahal ko sya pero i doubt na kaya nya ko piliin againts sa eight year relationship nya.. naintindihan ko naman kaya we both decided na ayusin nya yung relationship nilang dalawa.... kaya i started moving on, nagpalit ako ng number, naghanap ako ng bagong work etc.

pero ewan ko ba siguro meant to ba na kahit wala kaming gawin palaging nagkakaron ng situation which will always bring us together... after a few months na di kami nagkita may naging ka office mate ako na friend nung couple... it turned out na meron din palang ibang guy yung girl and nag break sila... tapos one night i received a message coming from him asking me if pwede sya manligaw... I was the happiest girl that night kase never ko sya nakalimutan and never nawala yung feelings ko sa kanya... now.. almost four years na kami as boyfriend and girlfriend... nag propose sya sa kin last year and few months from now wedding na namin... I cant believe na sya yung first and last na boyfriend ko....

Periwinkle25

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #101 on: January 21, 2012, 12:58:36 am »
^ aww sis, super happy naman ng story..right love at the wrong time which found its way back..Godbless the relationship. At least, wala kang inapakang ibang tao..

patstarr

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #102 on: January 21, 2012, 01:04:13 am »
^^ Aww, super ganda ng story nyo. :)

Mej ganyan din situation ko now, except I'm only at the moving on stage. Ako na mismo lumayo even if I really like him. Hindi ko kinaya yung bullying ng friends nung girl nya. Called me a "kabit" even if we really didn't have a thing. If anything, sya yung nagmmake ng move. Hindi ko naman inentertain. I do like him pero hanggang dun na lang na yun. We know we like each other but walang anything between us. Close lang talaga kami. So ayun, lumayo na lang ako.

Mahirap lang kasi we always see each other since same school kami. Pero that's the thing, I do know na medyo maaga pa and madami pa ako mamimeet in life. If chance brings him back into my life, bahala na. Basta alam ko that right now, I'm doing the right thing.

angeluz

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #103 on: January 21, 2012, 01:14:33 am »
^ aww sis, super happy naman ng story..right love at the wrong time which found its way back..Godbless the relationship. At least, wala kang inapakang ibang tao..

ganun naman yata talaga sis.. sometimes need mo mag decision kahit masakit pa pero if will talaga ni God i think kahit anung gawin mo love will always find its way awww...  :)

angeluz

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #104 on: January 21, 2012, 01:24:06 am »
^^ Aww, super ganda ng story nyo. :)

Mej ganyan din situation ko now, except I'm only at the moving on stage. Ako na mismo lumayo even if I really like him. Hindi ko kinaya yung bullying ng friends nung girl nya. Called me a "kabit" even if we really didn't have a thing. If anything, sya yung nagmmake ng move. Hindi ko naman inentertain. I do like him pero hanggang dun na lang na yun. We know we like each other but walang anything between us. Close lang talaga kami. So ayun, lumayo na lang ako.

Mahirap lang kasi we always see each other since same school kami. Pero that's the thing, I do know na medyo maaga pa and madami pa ako mamimeet in life. If chance brings him back into my life, bahala na. Basta alam ko that right now, I'm doing the right thing.

Some people can be cruel specially sa ganyang situation sis yung iba kase ang bilis mag accuse kahit di nila alam kung an u ba talaga yung nangyayari... don't mind them basta you know na wala kang ginagawang masama diba....


koalaa

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #105 on: January 21, 2012, 06:25:03 pm »
Mahirap pigilan ang feelings kung na inLove ka talaga :(

zy

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #106 on: January 22, 2012, 04:04:21 pm »
Sis Angeluz, grabe naman kinilabutan ako sa kwento mo! Naluha din ako ng konti kasi na-touch talaga ako sa love story nyo. Habang binabasa ko nga ang post mo eh iniimagine ko situation nyo. Feeling ko para din ako nanood ng movie. Grabe talaga! I'm so happy on how things ended up! Inspiring! :)

About the topic, siguro in the first place kaya may question na ganyan kasi deep inside us alam natin that there is something wrong sa napi-feel natin. Madalas pa nga jinu-justify pa natin para maitama lang ang napi-feel natin. Hindi naman napipigilan ang love. Mahirap yun. Kahit anong gawin, pigilan man or hindi, sa tingin ko ay masakit pa din pareho. Pag pinigilan kasi, masakit at mabigat sa dibdib. Hindi naman natin maco-control ang situation kung kelan meron biglang something na mangyari that will remind us of him. Syempre titibok ang puso at masasaktan ka habang tina-try na pigilan. Kapag naman hindi natin pinigilan at pinabayaan lang natin ang sarili natin to continue on loving him, hindi natin alam what's in store for us. Buti sana kung katulad ng nangyari kay Sis Angeluz ang ending. What if masayang ang buhay mo dahil sa pagmamahal mo sa kanya. Masarap magmahal pero walang kasing sarap if it's reciprocated without limitations. :)

In short, I also don't know what to do if I were in this situation. :-[

lonelymiss28

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #107 on: January 24, 2012, 06:05:50 am »
No, I will give it to somebody who is more deserving. why waste my time!!!

blackvalley23

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #108 on: January 30, 2012, 12:50:33 pm »
hahaha.. i knw..it's so hard to love someone who could never be ours... it hurts a lot! but i wish one day our path will cross again .. sa tamang panahon na pwede na natin mahalin

abuanddiego

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #109 on: January 30, 2012, 02:03:16 pm »
If I love someone but he can never be mine, I will let him go kahit masakit. Feelings naman can go away, from intense magsusubside din yan lalo na pag naputol na ang contact. Ang kalaban talaga dito is yung sarili, kung magpapadala ka sa emotions, and pagpaparamdam nya, that's why asking for strength is important. I believe na dadating din yung time na makakalimutan natin sila but we need a conscious effort to do this lalo na kung di talaga pwede yung relationship. Sabi nga nila, wag ipilit ang ayaw.
« Last Edit: January 31, 2012, 12:36:10 pm by abuanddiego »

bestfriendnijerome

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #110 on: January 31, 2012, 07:45:57 am »
^Grabe sis, sapul ako dito sa sinabi mo ah. For 3 years now I've been trying to let go and move on, so far hindi ako successful kasi may contact pa rin...if I will be completely honest, hindi rin kasi 100% ang efforts ko to let go....ang hirap kasi soooobra....please pray for me mga sis. Sana magkaroon ako ng enough willpower.  :(

abuanddiego

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #111 on: January 31, 2012, 12:42:06 pm »
^Kung hindi enough ang willpower mo sis, no one can help you kahit ipagnovena at ipagdasal ka pa namin sa lahat ng santo ;D Change should come from within, dapat willing ka to do everything if you wanna see change, eto yung sinasabi nating conscious effort. Alam mo dapat kung ano ang nilalaban mo, and no mater what happens, kailangan marunong kang magremind sa sarili mo, because not everytime may tatapik sayo ;) If I may ask, bakit may contact pa rin kayo?

bear_touch

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #112 on: February 02, 2012, 11:37:28 am »
Kung gusto nating pasukin to, we should be emotionally prepared. Mahirap ito sa isang paraan na alam nating may matatalo. Masakit at mahihirapan ka lang mag move on kung alam mong wala ding patutungan ang isang bagay na ginagawa mo at papasukan

bestfriendnijerome

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #113 on: February 02, 2012, 02:32:09 pm »
^^ Because we work in the same place. Move in the same circles. Godfather of my baby.

purpleblush18

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #114 on: February 02, 2012, 09:30:35 pm »
Been there, done that.  I swear super hirap at masakit talaga sa puso.

Pero I've learned my lesson, I won't waste my time and feelings for someone who doesn't deserve it at the first place.

rc1023

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #115 on: February 04, 2012, 04:21:20 am »
minsan kasi its easier said to say never or no kasi nga syempre ganito [textspeak!] sitwasyon pero pag [textspeak!] situation eh andun na sa harap mo syempre naman yung feelings mo eh mahirap pigilan or icontrol kasi syempre puso eh pero in the end naman choice mo pa din to either keep on going or let go and be happy..

in my situation kasi nanligaw yung guy, actually he wasn't my type talaga at all, kaso nung tumagal super nagkaron din ako ng feeling sa kanya kahit na nong pigil ko kaso ang masakit kasi nung time na un was i felt na love ko na siya nung time na nagpapaalam na siya kasi nasaktan ko nga nman siya so parang for a time syempre bitter ako ts bigyan after nun narealize ko galit na pala ako kasi nga of course nasaktan niya ko kaso nung i chose to move on na biglang ngdwell ako sa mga positives tapos un ang dame kong natutunan ts after that narealize ko [textspeak!] even after everything i love him still pero andun na [textspeak!] acceptance na he's happy with someone else :) he tried to keep in touch naman and be friends kasi sabi nya saken nun hindi lahat ng magbf/gf nagmamahalan pero pwede kang magmahal ng tao kahit na hindi kayo :) so ayun for a time meron [textspeak!] kaso after awhile naisip ko nahihirapan na ko mgmove on kasi nga anjan pa din sya i still feel yung care nya tapos un one day i decided to cut the communication and after sometime eh nakamove on nman ako and im happy again..

siguro [textspeak!] point ko lang eh may mga tao lang talaga na dumadaan sa buhay naten na minsan binigay [textspeak!] ni god hindi para makasama mo siya but more like matuto ka sa kanya at magkaroon siya ng space sa puso mo... tanggap ko na na we're not really made for each other and im happy for him bec. happy na din siya.. i dont know with the others but for me i love him still and i'll always love him kasi nga diba sabe nila eh sa buhay naten lahat maraming taong darating pero merong isa sa mga yon na forever ng magststay sa heart mo kasi nga there's this part of you na naging bahagi na siya.. so im proud to say nman na he's that guy for me kasi mabait naman siyang tao [textspeak!], no regrets at all :D

daydreamer

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #116 on: February 12, 2012, 11:55:11 pm »
I can totally relate in this situation. I'm secretly inlove with this guy for more than 3 years. I don't have the guts to confess this to him (unless he makes the first move). Hehe. We're good friends, we belong to the same circle of friends, we both work in the same company, same department and same team and lately, he became my immediate lead and so I guess that's the deciding factor for me. We can never be together. Its so hard to move on but I'm still trying...convincing myself that maybe we're really better off to be just friends. But I know that time will come to  heal this broken heart and I know someday...someone will deserve this love of mine. :(

JEAN_NICE

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #117 on: February 15, 2012, 09:24:43 am »
sa karanasan ko ngaun di ko pa masasabi yan.. though sinasabi nila mali na tlaga pero i dont want to let him go pa di ko pa kya.. maybe sooner or later pag nagkaron na ako ng lakas ng loob.. o baka nag hihintay ako sa wala.. alam kong di sia buong sa akin kc may mahal siang iba.. pero minsan sinasabi ko.. sana ako nlang,,,  :(

ivy u.

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #118 on: February 16, 2012, 05:22:19 pm »
^ for me no..ayoko mabuhay sa nakaraan kung may plano naman pala si god para sakin..bibigyan ka ng mas higit sa kanya at mamahalin ka habang buhay..

life is too short..pahalagahan ang sarili..

krnmprl

  • Guest
Re: Will you keep loving someone who will never be yours?
« Reply #119 on: February 27, 2012, 09:59:08 pm »
i think wala naman akong masyadong choice. awa ng diyos hindi naman ako masyadong masasaktan and i get to keep my dignity intact after all these.

we met a few months ago. we work for the same company. may steady relationship siya. serious. 5 years na sila. ang tanong na lang kung kelan ikakasal. kahit kasi ganong pagmamahal mo ang hirap baguhin ng isip ng isang taong nakaset na kung sinong pakakasalan niya at makakasama habambuhay. yung hindi na tinatanong ang sarili kung sapat pa ba yung nararamdaman niya dahil lang 5 years na sila at yun na ang nakasanayan.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close