watch now

Author Topic: Baby Due on July, August, September 2011 IV  (Read 102822 times)

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #20 on: June 07, 2011, 06:36:36 pm »
^thanks sis! hirap kapag may mga complications.
kaya ma sisses, take extra care talaga. :)

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #21 on: June 07, 2011, 06:57:17 pm »
thanks mga sis. sabi ng OB ko, kapag pumutok na ang panubigan, may discharge na blood at may mucus na lumabas, pumunta na daw ako agad sa kanya.. kapag daw kase water ang unang lumabas, wag daw muna mag expect na magkakron ng contraction agad. kapag daw kase napatagal pa bago ko sinugod sarili ko sa ospital at nag dry labor ako. stat CS na ako nun. scary!

purplesassy

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #22 on: June 07, 2011, 07:32:09 pm »
don't worry sissie, God provides :)

Di ako productive the whole day, nakahiga lang ako maghapon at nag ipad. I can't work kase intense yung back pain ko and di ako mapirmi na nakaupo, sumasakit yung tyan ko :(

Tea97

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #23 on: June 07, 2011, 08:57:53 pm »
ang bilis ng panahon - God bless sa mga mommies na malapit na manganak - dami namin natutunan sa inyo. To sis blueberrycheesecake - ang ganda nga ng mga shots mo, gusto ko rin mag pakuha ng ganon. Hahaa, ang hirap lang kasi where we are, sobrang balot kami ng sweaters so hindi halata ang baby bump.

to sis ana mimi - God bless, I'm sure may dalang swerte si baby mo, wag mo na masyadong isipin ang pambayad.

to sis purplesassy - may pregnancy pillow ka ba to support your back? Can't help much with the back pain, ang tinuro lang sa akin na exercises target leg cramps and wrist pains (similar to carpal tunnel syndrome). It helps din to get up from your seat once in a while, pero kapag intense pain na, get your doctor to help out.

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #24 on: June 07, 2011, 09:29:21 pm »
Tea97 & purplesassy : thanks mga sis, alam ko naman na si baby ang may dala ng swerte ko. haay. sakit nanaman ng sternum ko. si baby kase dyan nanaman sumisipa. grabe talaga. hirap ako huminga/.

purplesassy

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #25 on: June 07, 2011, 09:56:08 pm »
Sis Tea97 grabe minsan inaatake ako ng Carpal Tunnel talaga kase 12 hours ako sa computer, pero lately ok ok naman na, di na umaatake :)

kyrie26

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #26 on: June 07, 2011, 10:02:55 pm »
nakakuha na ko ng stability ball, upuan ko dapat. it will help daw sa pelvic muscles and posture. kaso ang tigas pala nya sa simula. it gets softer after a few days pero sa simula, after an hour ko nakaupo sa kanya, sumakit na din buttocks ko. ganun din naman sa bed.

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #27 on: June 07, 2011, 10:13:25 pm »
OB told me na simulan na ang squatting exercise para daw sa pag-iri.hehe.. i'm gonna do that as soon as mag start na ang leave ko next week Friday! di ko na maantay

pompz

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #28 on: June 08, 2011, 08:59:12 am »
sis ana mimi hindi ka lang nag iisa ako yung maternity pay ko dito sa office pinapagawa ko na ng magamit ko muna sa school supplies ng mga bata, kaya problema on the day na manganak ako, pero di ko na proproblemahin yun, I know God will provide, God is so Good, minsan di ko alam san nanggagaling ang pera pero we survived.

ako mga june 20, mag bebelly dancing , nakita ko kasi si rhea sa unang hirit nag belly dancing ang mga bunsti maganda din daw kay baby, hehe

rapids

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #29 on: June 08, 2011, 09:44:07 am »
pa attendance lang mga sis..

34 weeks na ako, konting sandali na lang :)

medyo busy ngaun, renovation ng bahay namin saka pasukan ng mga bata.

mahirap talaga pag pampaanak na pag-uusapan. Sa amin mag-asawa ako ang nagbubudget, kaya I'll make sure na nakaready na ang pambayad bago ako manganak para di na mamroblema hubby ko, baka kasi imbes na maiyak kasi may bago kaming angel,eh maiyak siya kung san kukuha ng pambayad ng hospital. Iniisip ko nga din if ever na ma CS uli ako sa public na lang ako manganganak since affiliated ang ob ko at malinis ang public hospital dito sa amin, almot 40k din kasi matitipid ko malaking pera na din. pag NSD na lang ako sa private, di naman kasi ganun kalaki ang bill compared sa CS. Di na rin kasi ako takot na experience ko na ma CS at NSD. parang gusto ko na lang magpakapraktikal.


kookimaster

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #30 on: June 08, 2011, 10:53:30 am »
haay. kami problemado pa sa pampaanak ko. haay. i know help will come. baby may come out anytime na din

Hi Sis! Try mo kumuha ng Green Card sa Makati Med. :) alam ko around 18-20k yata for NSD and 34.5k for CS. *without complications* Just go there and ask where HSP (Health Service Program) is, tapos pag nandoon ka na, get a number dun sa guard sa labas ng Room 1. Pag tinawag ka, you'll be interviewed by a Social worker,

1. If you have work
2. If you have a healthcard
3. Do you have a private doctor in Makati Med (dapat wala)

Basically the questions are just to check if you qualify for the Green Card. Yung requirements na hihingin sayo will be based on your answers din pero eto yung nasa list of requirements (usually hindi lahat to nirerequire, depende sa social worker na nakausap mo ano ichcheck nya sa list) :

1. 2pcs 1x1 ID
2. ITR (yours or kay hubby)
3. Certificate of Indigency (kinukuha yata to sa munisipyo)
4. Photocopy of Philhealth card (or healthcard, if any)
5. Recent 1 month payslip (if you have work)

Ako ang hiningi sakin, yung ID Pics, Payslip tapos since may Maxicare ako, ni-require na magprovide ako ng certification from our HR na exluded ang maternity benefits dun sa Maxicare namin.

Tapos pag okay na requirements mo, punta ka lang ulit for the interview M-F 8-12nn and 1-4pm ang sched nila. usually pag complete na requirement mo, bigay din sayo yung green card that day.

Also, makakatulong din siguro if hindi ka masyado cute or mukhang prepared that day. ;-D

Medyo Madami tao kasi marami kumukuha and nagpapcheck up pero konting tiis lang :) For future use, pwede mo din siya magamit for any procedure other than maternity related concerns. 30% ata ang bawas for major procedures. and libre check up din for any concerns. :)

Hope this helps. :)

pompz

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #31 on: June 08, 2011, 12:38:28 pm »
tama sis sayang ang pera kaya dapat bukos sa maging NSD tayo maging healthy din si baby :) hirap talaga pag naiwan pa ang baby sa nursery additional payment na naman :( kaya sana I bless tayo ni God na maging maayos ang lahat ng babies na dinadala natin!

fatgirlslim

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #32 on: June 08, 2011, 12:57:29 pm »
thanks mga sis! mas maganda sana if malaman kagad para mahanda ko sarili ko. so far sa last ultrasound ko eh nasa tamang gestational age si baby then yun body ko di gano nagchange except yun tyan lang. ang worry ko lang is GDM. sana mamaintain ko blood sugar ko until manganak.

pero lately ang bilis ko magutom, 1-2 hours lang gutum ako kagad huhu. medyo nasusunod ko nman yun GDM diet ko pero hirap parin.

^sis depende sa history mo din yun. saka may iba na normal ang sinasabi pero last minute nagiging cs din.

Ako kasi kaya alam kong cs na ako kaagad dahil uterine didelphys ako, and kelangan cs talaga dahil masikip ang lalabasan ni baby, plus naoperahan na din ako due to ovarian cyst kaya no choice ako kundi cs.


fatgirlslim-korek it depends on your history... sa built ng katawan mo, sa laki ni baby... may mga emergency CS din kung cord coil si baby or may ibang nakitang complication sa mismong delivery...

ako as of the moment NSD naman daw ako sabi ni OB, kaya advice na nya din ako wag palakihin si baby na lalagpas sa 6.3lbs... ate kasi is 6.3lbs nung pinanganak ko eh...

rapids

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #33 on: June 08, 2011, 01:45:26 pm »
Sis fatgirlslim, keep on praying lang na maging normal delivery mo. Ako hindi ko ineexpect na
masi-CS ako sa second ko, kasi yung eldest ko nakaya ko naman na normal kahit 6.7 lbs siya, wala naman akong naging problema sa pregnancy ko, even sa mga lab test.

prolonged labor ang reason kaya ako na CS, tapos sabi ng OB ko dahil daw yun sa cord coil.

jhenrheign

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #34 on: June 08, 2011, 01:52:54 pm »
korek, pray lang tayo ng pray and wag masyado ma pressure...

Etong pregnancy ko na to medyo naging mahirap for me because of complications, good thing lang naaagapan lahat, and i don't end up being hospitalized... Hubby is always saying na kakayanin ko lahat to... Im so happy lang na kahit malayo sya pinapalakas pa din nya yung loob ko... Kaya im really praying na he will be home na pag mag give birth na ko kay baby and di na din sya ma extend sa work nya...

fatgirlslim

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #35 on: June 08, 2011, 02:03:29 pm »
^^^ thanks mga sis! super pray talaga ako at nag nonovena din ako pati pa misa sa church. lagi ko rin si baby kinakausap na di nya pahirapan si mommy pag labas, na wag rin maglaro sa coil at isang ire lang hehe.

talaga palang at the last minute maraming possibilities. hirap din kase ng first time mommy, di ko alam kung ano ieexpect kaya nagwoworry talaga kaya gusto ko rin paghandaan. kaya dinadaan ko nalang sa dasal talaga.

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #36 on: June 08, 2011, 02:12:45 pm »
yun na nga e, minsan masarap nalang maging praktikal. pwede naman ako manganak sa public, kaya lang kase may issues ng sepsis before at may mga issue pa ng ninanakaw yung mga baby. katakot. alam ko naman na magiging OK din ang lahat. ilang araw nalang at  magkikita na din kami ng baby ko.



jhenrheign

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #37 on: June 08, 2011, 02:17:11 pm »
^sana sis, makahanap ka na ng hospital mo para all is set na pag manganganak ka na... goodluck and have a safe delivery...


--
I love the weather today... ang dami kong tulog...haha!
« Last Edit: June 08, 2011, 02:27:44 pm by jhenrheign »

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #38 on: June 08, 2011, 03:00:32 pm »
yup, sarap nga ng weather today. super. masaya naman ako kase natapos na din yung baby shower ko nung monday. literal na nag shower ako kase nag swim kase ng mga friends ko. share ko lang yung mga pics ko. haha

http://www.babypics.com/jobelleonor/a705

fatgirlslim

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 IV
« Reply #39 on: June 08, 2011, 03:49:34 pm »
^ nice pics sis, ang galing mo naman makakuha ng shot ng ikaw lang! wala akong talent sa ganyan hehe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close