watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14  (Read 74930 times)

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #260 on: June 08, 2011, 12:57:45 pm »
hahahha.... grabe punong abala.. gusto ko nga din sana kumuha ng dessert table ni Emz kaya lang late nako nagdecide at booked na sila :(

go go go Jen, hahaha happy preps!

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #261 on: June 08, 2011, 01:00:05 pm »
by the way, kelangan ba may AVP pa sa bday? kung kelangan mag DIY na lang ako.. ano kaya ang magandang software?

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #262 on: June 08, 2011, 01:05:25 pm »
Kung madami ka side entertainment sis kahit wag na lang pero if sentimental ka, pwede din  ;D Ang saya kaya balikan ang time na pregnant ka till nag 1 year old!  :)

Re photobooth - di pa ako nag confirm kay Janice. Haha! May certain budget kase ako for Y's birthday pero mukhang lagpas na talaga. LOL! We'll see!  ;D

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #263 on: June 08, 2011, 01:12:17 pm »
Lalagpas talaga! Haha.. Pikit mata!  ;D

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #264 on: June 08, 2011, 01:17:25 pm »
Talaga! pikit mata sabay kapit! LOL!  ;D

Jai - PM ko sayo email address ko para din dun sa checklist for HH ha. May darating kase ako sa Sat na bago. Yipee! Sana matino ito! Crossing my fingers!  :P Ka-text ko yesterday, mukhang jejemon! Kung ang yaya ni Weng eh may "teH" with "H", ito naman eh walang H - ganito lang "Te" - hahahaha ;D

Re yaya maid na sinungaling sa rason, ayun nga eh di buking na nagsinungaling nga. Malas niya! Last night, kinausap na namin ni hubby. Dinuscuss namin lahat sa kanya, so yun okay naman. Medyo yabangan pa nga eh. LOL! But well, we need to wish her luck. Sabi ko kay hubby, palagpasin na lang natin kase masyado tayo marami blessings na narereceive. Siguro talagang ganyan, she doesn't know what she's missing. Hahatid na namin siya sa Bus Terminal ng Saturday morning, tapos pick up namin yung new one after  :D


marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #265 on: June 08, 2011, 01:44:24 pm »
Jai, happy birthday to V!  Welcome to the wonderful and challenging world of having a toddler. ;)

Re AVP, wala akong talent pero natutuwa akong manood ng AVP kapag may birthday.  Hindi ko lang kaya gumawa. :(

Jen, good luck sa party preps!  Nararamdaman ko ang excitement mo.  When in doubt, do!  (context:  kung may idadagdag na detail sa party) Kunsintidora ako.

Momai, good boy ang son mo.  Ilang taon na siya?

Sa school ng kids ko, provided by the school ang snacks.  The school bills us at the end of the month.  Kapag absent or hindi kumain ang bata, walang charge.

Imbiyerna ako sa yaya ng kids ko!  Nag-text at 10:50 at sinabing hindi pa siya nakakasakay sa jeep.  Eh 11 am ang dismissal ng mga kids.  Ang bilin ko, dapat umalis na siya ng house by 10 am para maaga sa school.  Sinasamahan niya kasi sa school bus ang mga anak ko.  Suspetsa ko, nag-mok-up na naman kaya late nakaalis ng bahay.  Tama nga ako!  Tumawag pala si husband around 10:30 at nandoon pa siya.  Kakagigil!   First time mag-ride ng school bus ng mga bata na walang kasama, except the driver and bus mother.  Bonggang-bonggang taray ang mga text ko sa kanya!

Mabuti na lang mababait ang mga staff sa school ng kids ko.  Tumawag ako sa school administrator at binilin kong isakay niya sa bus ang mga bata kapag sinundo na.  At mabait din ang bus mother pati driver.  Mabuti na rin may kasabay na silang classmate +yaya ng classmate nila na taga-amin din.

Strike two na si yaya at sasabihin ko mamaya sa kanya, isa pang strike, out na siya.  Tingin ni husband hindi seryoso sa trabaho.  To think na mas mataas than the normal wage ang bigay naming salary sa kanya + SSS pa niya according to our agreement.  Tsk tsk...

cloudcean

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #266 on: June 08, 2011, 01:47:07 pm »
hello everyone! I'm Jazz, mom to 8th month old twins Chloe and Zoe. hope i'm welcome here. :)

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #267 on: June 08, 2011, 01:47:52 pm »
Hi Jazz!  Welcome!  I am a mom of twin boys naman.  Ang saya ng twins di ba? ;D

MauiGS

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #268 on: June 08, 2011, 01:53:39 pm »
Jai, gusto ko din quickly! Ngayon ko lang nalaman, pwede pala sila sa party kaso hindi kko ma-imagine ang presentation kung dadalin nila na prepared na(?) Happy Birthday to V!

Marose, kaloka yang si yaya mo! Mukha ngang hindi seryoso sa trabaho :( baka ang gusto lang eh makipag-date dun sa postman tsk tsk

Jen, party preps mode activated! :)

Hi Jazz! Welcome :) Sarap naman, twins ang sa'yo-- double happiness

cloudcean

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #269 on: June 08, 2011, 01:58:25 pm »
thanks marose..yup ang saya ng twins minsan nagtatawanan na lang sila bigla.. :) nakakawala ng stress..

re yaya, kaninang umaga natakot ako ng grabe yung si Chloe kasi nahulog sa bed namin iniwan kasi nib yaya dahil dala niya si Zoe hay buti na lang at mababa lang ang bed namin at face ang tumama pero according to my twins pedia observe ko daw si Chloe for 24 hours if naging lethargic, sobrang sleepy and if magprojectile vomiting siya dalhin daw agad c Chloe sa hospital for possible CT Scan. 3 days pa lang sa amin si yaya and for 8 months hands-on mom talaga ako kaya nagalit talaga ako dahil walang incident na nangyari ng ganyan nung ako ang nag-aalaga..hayy..

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #270 on: June 08, 2011, 02:00:47 pm »
hi Jazz? welcome!

Jen, na send ko na sayo ang checklist

marose, nakakaimbyerna ang mga yaya/hh na ok ka naman sa kanila at lalo yang ganyan sayo na maganda compensation tapos pumapalpak. dapat nya ma feel na seryoso ka at yung can let her go kung hindi sya umayos.

maui: oo nga e. nasa chiller lang daw yung mga drinks

nasend ko na ang final reminfer "ala teaser" sa mga nag confirm na pupunta. naaddict kasi ako gumawa ng mga DIY na teasers, invites and save the dates. LOL

cloudcean

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #271 on: June 08, 2011, 02:02:16 pm »
thanks maui and jai :)
yup double happiness..double expenses din hehe

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #272 on: June 08, 2011, 02:02:45 pm »
naku Jazz. bakit iniwan sa crib? delikado na talaga ang mga ganyang age kasi maikot na. sana sa crib na lang nilapag or sa floor sa mats

cloudcean

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #273 on: June 08, 2011, 02:06:39 pm »
yun nga kinakagalit ko jai tig-1 naman ng crib yung twins ko e bakit kelangan pang sa bed niya ilagay...

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #274 on: June 08, 2011, 02:10:17 pm »
sa crib talaga safest si baby.. lagi ding bilin namin yan. sa crib ilagay lagi lalo nung nahulog din si V sa high chair/booster seat... thank god OK si Chloe.

cloudcean

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #275 on: June 08, 2011, 02:12:28 pm »
thank God talaga ok si Chloe medyo namaga lang yung right cheek nilagyan ko kaagad ng ice pack..

pinkcoyote

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #276 on: June 08, 2011, 02:21:46 pm »
hi Jazz, welcome!

Jen, jai - dahil sa inyo nabubuhay dugo ko sa party planning at nai-stress din dahil binabantayan ako ni hubby haha.. Nung isang gabi sabi nya budgetan ko lang daw yung party ng --K sumakit ulo ko, nag ipon ng lakas ng loob at malumanay na sinabi na pang-catering lang yung sinabi nyang budget! LOL ano kala nya sakin magician hehe..so sabi ko yung sinabi nya yun na lang share nya, the rest ako na..so goodluck to me ahahay! So last on the list ko ang extras like photobooth and foodcarts.

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #277 on: June 08, 2011, 02:27:22 pm »
hahhaa.. naeexcite din ako for your Sam.. ngayon kasi more on kaba at nerbyos nako.. hindi na excitement.. hahahaha

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #278 on: June 08, 2011, 02:34:22 pm »
Hi Jazz! My daughter's name is Zoe too :)

Si Zoe ko din nahulog na sa bed. We took a nap in my mom's room kase para isang ac lang gamit namin that afternoon sa house. Zoe and I slept at the other bed, mejo mababa lang naman but she woke up before I did and crawled her way towards the edge of the bed. Eh my nephews were also playing inside the room that time and she got excited when she saw them. Nasa edge naman ako ng bed non kaso andon na pala sya sa paanan ko. Nung narinig ko yung kalabog and yung biglang iyak nya, naalimpungatan ako bigla and nagsisigaw ako. Good thing mababa lang naman yung bed and mejo padded si Zoe kaya parang mas nagulat sya kesa nasaktan. She didnt get bruises or scratches naman and when I picked her up and had her latch on me, nag-stop na sya.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 14
« Reply #279 on: June 08, 2011, 02:38:45 pm »
National zero flights ng Cebu Pac ngayon. Kaso wala naman kameng plans to go out of town anytime soon :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close