Good morning mommies!
Maaga pa pero i-share ko lang, nagngingitngit kase ako sa inis! ito kaseng si yaya maid, nagsabi sakin kanina umaga na need na daw niya umuwi kesyo ang tatay daw eh nakausap niya kagabi sa phone (sabay ask if naririnig ko daw ba na may kausap siya kase maingay sya sa room nya, duh care ko?) and punta dito manila to work. So since magwowork ang tatay dito, kelangan daw siya umuwi so and so kase wala magaalaga sa kapatid! Duh? malaki na kaya 2 kapatid nya na naiwan sa probinsya. And haler, as if naman need siya dun eh may kuya naman siya at kapatid na unemployed
Naiinis ako hindi dahil aalis siya kundi naainis ako sa rason niya just to go home, or just to get rid of her employment here. As if naman pipigilan namin siya di ba? eh no no sakin ang maglambing ng kasamabahay if gusto na talaga umuwi. Okay na sana i-direct to the point na she wants to go home kase ayaw na niya, mas tanggap ko pa yun. Nowhere sakin ang magsinungaling para maintindihan ko.
Kaya naman siya nagsabi na uuwi na siguro is because lately, napapagalitan na ni hubby and ako eh minsan naiirita na sa kanya din. Why? Pano ba naman, na check point ni hubby ang paglalaba. Naku po, karambola pala mga damit. Pinagsama sama sa Washing Machine. Bottom line, may mga polo si hubby na nasira!

Syempre, sino ba naman ang di magagalit di ba? eh di naman basta basta presyo mga yun. Tapos ako naman, naiirita kase if for example I tell her na sa sat ako punta sa ganito or sa sat ako buy ng ganito, kala mo secretary ko yan na mag remind. Naiirita ako! Yung akala mo eh di mo alam na may lakad ka or may bibilhin ka!

Gosh!In short, palpak na siya lately and nagiging pakialamera.
Ewan ko ba bakit ang mya yaya maid, ganyan! I don't want to belittle them pero kala mo naman eh kagandahan ang buhay sa probinsya. LOL! Inis na inis eh! I used to hear pa minsan one maid dito sa floor namin sabi eh, kainis amo ko...kala mo kung sino! Eh mas malaki pa ang bahay namin sa probinsya ah! LOL! The nerve noh?! Ayaw pala mag work as maid eh, bakit nandito!
So yun, dun ako naiinis na gagawin pa reason ang tatay para makaalis dito! Kala mo eh inapi api namin! Eh normal lang naman sa amo na mapagsabihan siya lalo na if sunod sunod ang palya ng ginagawa and may nasisira na. Dati di sya nagsasalita or siguro ganun nga siya, dedma kahit pagsabihan...pero now baka napuno na din kaya outlet niya eh, uwi na lang. It could have been better sana eh if di nagsinungaling! Kaso nagsinungaling pa sa rason, I hate it!

On the lighter side...hirit lang ako! May early meeting ako kanina and di ko makita ang "headset" ko! I told her to look for it. And after ilang minutes sabe, "Ate, baka naman naiwan niyo sa Pampanga yung - EGGSET niyo!" ----- LOL!

Okay that's all, thank you!