Ola Mommies!!!!!
Jai, my gulay! nalaglag si baby mo sa high chair..! kainis yang yaya na yan ah! mabuti naman at ok sya.. but if you feel like there is a need to get a second opinion, gawin mo.. medyo mataas ang high chair sa pag bagsak.. you're welcome! (para doon sa list)
On booster seat: hindi ako comfortable na gamitin sya.. dahil ganon nga.. kung kaya na ng bata ang chair, malalaglag sya pati sa chair.. kaya yung high chair ang gamit talaga namin noon.. mas effective pa kung sa lap na lang nakaupo..
Michelle, nung newborn si baby ay Safety 1st bath tub gamit nya.. pero masyadong na shallow kaya nung crawling stage na sya, may nagregalo sa kanya ng tub na good for up to 3yrs old.. til now nagagamit pa din nya iyon.. local brand sya dito.. Farlin ang brand.. pero minsan na lang nya magamit.. most of the time, nakatayo na syang pinapaliguan and sa potty seat sya umuupo.. meron non slip mat pala din kami sa tub.. sa balde din kami like Tin pag minsan.. enjoy sya dun.. (pero standing walking stage na si baby nito)
Grayce, i really wish kasabay kitang nanganak.. i badly needed BM that time... nanghihinayang tuloy ako.. hayaan mo, i'll try to ask around and will let you know..
MauiG, sayang hindi kami na pwede sa stroller category.. haha.. di naman kami pwede sa run kasi may history ng asthma si kyle.. sayang..
Ate Grace, on Billabong.. nagulat ako sa presyo nila ha.. yung shorts na nabili ko last time $53.. ganon pala presyuhan nun.. halos 1,700 pesos..
On RL shirts, kakatingin ko lang last weekend kasi meron nagpapatingin na friend ko dyan sa atin.. at grabe!!! around $90-$120 nga! kaloka.. tapos yung shoes na nabili ko doon na $34 lang, dito ay $190.. haha.. my gulay!
Marose, si kyle naman into Disney Cars ngayon.. Thomas pa din ang lagi nya nilalaro pero nadagdagan na ng Cars.. pero parang leading to Superman and Spiderman na sya soon...
Sam, ang calamansi sa tuhod para pumuti.. ako naman calamansi sa UA

Kim and Nesz, napicture-an ko ang mga case shades nyo.. iupload ko sa FB and then tag ko kayo.. let me know which among those ang gusto ninyo..
On buffets: hindi sa akin sulit kasi kain ibon lang ako.. small meals na frequent ako nasanay.. si bong ko ang mahilig sa buffet

sulit sa kanya..
Van, yung nagsarado na account affected ka ba? Di ba yung company mo si Asiapac? yung mga cable rise tama ba?
Marcia, hindi ko alam na nauna pala ang Fast 5 sa Tokyo Drift.. hindi ko napanood ang Tokyo Drift kasi..
Tin, baka ka natrankaso sa sobrang lungkot mo at umalis na si hubby dubby.. parang kailan lang.. haay.. kelan ulit balik nya?
Dette, agree ako with Northface.. that's what we use as our laptop bag..