watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11  (Read 73802 times)

momai

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #80 on: May 20, 2011, 11:19:55 am »
re pananakot: guilty din ako dito. lalo na pag sobrang tagal kumain ni J. minsan 2 hours inaabot bago matapos. nagsasalubong na ang almusal at tanghalian eh. sa mall din pag hindi nakikinig o sumusonod, naipapanakot tuloy namin yung guard. ayaw din sanang gawin kaya lang dun lang nag behave eh.

Marose, Pia and Rata, yes, natapunan ng bagong kulong kape si J nung 2009. 2 yrs old siya nun. sabi niya nauhaw daw siya kaya nagpunta sa dining, itong si yaya naglagay ng dede/bote sa ref kaya natalikod siya kay J. ayun, nakita na may tasa sa table, eh yun ang kape ni yaya hindi niya nilagay sa hindi maabot ni J. pagkuha ni J, natapon sa kanya kasi napaso siya sa tasa. buti hindi nagkaron sa mukha. sa leeg, braso at likod nagkaron ng sugat. hindi ko makalimutan nung nasa ospital kami habang nililinis ang sugat niya, sabi niya sa amin ng dad niya, "daddy, mama hindi ko kaya, masakit" naku, parang gumuho an gmundo ko. wala kasi kaming magawa ni huuby nun kundi umiyak na lang eh. sobrang naawa kami sa kanya. yung ang pinakamahirap na 3 days for us. pero ngayon ok n asiya. lagi niyang pinapakita yung sugat niya sa mga tao, tapos sasabihin niya na iba na ang kulay. nagiging kakulay na kasi ng skin niya eh. nai-post yun ni hubby sa FB niya. hindi ko lang maibigay ang link sa inyo kasi wala pang kaming FB dito sa office. mayang lunch time pa. sabihan niyo ko kung gusto niyo makita para post ko dito.


emeenem

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #81 on: May 20, 2011, 11:20:04 am »
Maui, diba hindi na magchachange ang gender ng baby mo kasi nabuo na? Pero ang alam may kinalaman daw fertility ang gender ng magiging baby.

Marose, sila AKT pa rin ba may ari ng Makati Skyline? Fave name partner ko noon si PSP (Pantaleon). Super bait nya sa akin. May nakaaway ako dati na Junior lawyers. Banggitin ko sa EB pag naalala ko. May affair kasi! LOL!

Marose uli, ano gamit nilang dye sa Basement?

Yung yaya ko ngayon binigyan ng mom ko ng uniform at isuot daw kapag lalabas. Hindi naman sinusuot. Tapos pag nasa mall kami, habang naglalakad, nasa likod siya pero super layo. Feeling ko ayaw mapagkamalan na yaya. Lech! Kaya di ko na lang sinasama. Tsaka bonding time namin ng anak ko yun. Time away from yaya.




ratacutie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #82 on: May 20, 2011, 11:22:34 am »
Nesz- may credit card sila? Loyalist ako ni Jesi Mendez eh (since HS pa ako sa Jesi na ako nagpapagupit, make-up, lahat haha). Pero kasi nga no time at wala silang permanent blowdry...parang type ko yun.  Gusto ko rin paupit ng konti kasi hirap ako now sa long hair. Mainit.  Magkano kaya pag shoulder length? bka pumunta na ako mamaya haha

maui_chie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #83 on: May 20, 2011, 11:23:41 am »
Pia - naku girl, kung tama ang calculation ko is nasa 23-25days pa lang ito! haha. pero pagpray ko yan na maging girl, but if it is another boy, keri lang, bonding na sila ni kuya AJ.  ;D

Grace - oo yata, yun na ang gender nya nung nabuo ang baby. :) kaya since hindi ko pa alam, pagpray ko muna. haha :) Based din sa mga nabasa ko, at naituro sa kin, may kinalaman nga daw yung fertility/ovulation day sa magiging gender.  ;)

na-sad naman ako sa pagpapaganda ng hair.  :( lols!

emeenem

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #84 on: May 20, 2011, 11:24:07 am »
Momai, heartbreaking yung kwento mo. Naalala ko yung post mo sa isang thread dito. Nagcomment ata ako doon. Inis na inis sa yaya. Siya pa rin ba yaya mo ngayon?

Ka FB na ba kita?

neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #85 on: May 20, 2011, 11:25:29 am »
maussie may mga friends kasi ako sa 3rd kaya madalas ako dun :) yup may CC sa studio fix :) OO punta ka na inquire ka lang.. pero di pako nakakapag pa permanent blow dry dun ha.. pero yun ang suggested nia kesa rebond :)

jen studio fix na permanent blow dry is 3k for short hair :) haircut is 1.2k pag si alex carbonell, pag si hermes 350

sam sa concepcion.. st james ako :)

marcia - re: gender.. God's will pa din naman yun.. Miracle siguro can happen though nabuo na naman talaga yun.. :)

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #86 on: May 20, 2011, 11:27:53 am »
Maussie, nakakatamad na ang rebond.. had it twice.. nakakatuwa nung una pero kasawa na din..

Marose and Nesz, thanks sa suggestion.. sige mag inquire ako sa kanila.. kung san mas mura dun ako..

Nesz, ang ganda pala ng hair mo! excited nako magmukang maayos at bumalik na sumpa ng buhok ko..

neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #87 on: May 20, 2011, 11:32:32 am »
pia pie- plantsado hair lang yan :) pramis pag di binlowdry magulo.. hehe! o OC lang ako.. Gusto ko kasi perfect :) nag pm ako sau :)

pinkcoyote

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #88 on: May 20, 2011, 11:33:06 am »
gusto ko yung permanent blowdry! interesting!

hi nesz! sa icps naman ako batch 99 :)

ratacutie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #89 on: May 20, 2011, 11:34:45 am »
Called Studio Fix na, range daw is 3.5-7k and 4 hours pala yun! haha. Sabi ko baka cut na lang muna. Hindi naman ako naka sched nh half day haha.

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #90 on: May 20, 2011, 11:35:48 am »
Marcia - LOL! I can relate sa sobrang layo ng distance para di mapagkamalang yaya. Ako din, madalang na lang namin dalhin yaya maid kase nga feelingera  ;D

Nesz - thanks sa clarification sis!  :) Goodluck naman! gusto ko mura lang, LOL!

Sam - ay oo nga ano? O cya, saka na nga lang pag siguro naka 1 year na.

Pia - korek sa parehas na amoy! close kayo?  ;D


neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #91 on: May 20, 2011, 11:38:28 am »
jen - ala atang murang permanent blow dry kasi.. rebond kasi ang parang havs ngayon :)

maussie- naexcite ka masyado.. pero kumpara sa basement mura na din! at compared sa rebond na malawalis.. go na!

satumom

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #92 on: May 20, 2011, 11:40:31 am »
hello mommies, 2 days lang ako di nakapagbasa thread 11 na...and 12 pages na BR.  Di ko carry :)  konting BR lang ako.

maui, congrats congrats, sana girl na yan :)

gusto ko yung topic about hair. more more more...sagwa kase ng hair ko masyadong limp :(  kaya di ako pwedeng pumasok ng di nag blower or hair straightening iron, effect- super dry hair.

yaya uniform - since tita ko na malayong kamag anak ang yaya ni yuel, di na namin pinag uniform kase kahit pano kapamilya na din turing namin.  So far, ok naman sya reklamo ko lang is sobrang matakaw sya as in food consumption ko in 1 week e pang 3 days lang nya..

Warning - while you were reading 36 new replies have been posted. You may wish to review your post.  - grabe na itow :) di na ko makasabay sa chikahan :)

neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #93 on: May 20, 2011, 11:41:48 am »
sam - kabatch mo ba sila jona de jesus?

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #94 on: May 20, 2011, 11:43:15 am »
Kim, noted ang white case..

Momai, nakakaloka.. ang sakit sakit sa loob nun.. so nasabon nyo si yaya i guess? nako kya iyang mga naabot ng bata specially knives, mainit na kaldero, mainit na tubig dapat alerto tayo lahat.. hindi natin alam ang reaching powers ng mga bata.. sigh :( nalungkot ako.. naawa ako kay baby.. buti na lang bumalik na sa dating kulay...

Marcia, arte ni maid ah! ang layo layo maglakad.. ano sya? stroll sa mall ang beauty?

Maussie, sa Jessie Mendez, near Greenbelt ako nagpaayos nung binyag ni kyle.. ok naman.. hindi ako mukang ibuburol sa makeup na ginawa nila.. at hindi mukang geisha sa pictures.. hahaha

Nesz, papagupit muna ako bago mag perm blow dry.. kasi til bra line ang hair ko..

momai

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #95 on: May 20, 2011, 11:52:25 am »
Marcia, naalala ko na nag comment ka dun sa post ko dati. hindi na siya ang yaya namin ngayon. pinaalis din kaagad, inantay lang mag umaga tsaka hinatid ni MIL sa terminal sa cubao. hindi kasi marunong pauwi sa kanila eh.

Pia, nasigawan siya ni hubby nung nalaman ni hubby yung nangyari. hindi ko na alam kung ano ang mga nasabi sa kanya. buti hindi siya nasaktan.

actually hindi na namin siya nakita kasi nung dinala na sa ospital si J, hindi na kami pinauwi sa bahay. baka daw kasi masaktan namin pag nakita namin yung yaya. 2nd degree burn pala ang inabot ni J nun. grabe talaga.

pinkcoyote

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #96 on: May 20, 2011, 11:52:57 am »
nesz- jona de jesus.. hmm parang hinde. pero familiar (sensya na tumatanda na hehe) batch ko erik santos. hehe

re: hair - mommies i like the sound of permanent blowdry i swear pag nakakalabas na ko ill have that.

dati kasi mommies, you know si qt_ben? sya nag-aalaga ng hair ko dati gtalker sya na nagrerebond.. eh nasa US na sya ngayon huhu :( galing magrebond nun, parang 'permanent blowdry' natural ang dating.

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #97 on: May 20, 2011, 11:56:44 am »
Gusto ko na din ng permanent blow dry!  ;D Parang volume recond ito di ba?

Momai - naku kawawa ang baby mo. Si hubby, nilinaw niya sa yaya maid na if nabukulan or something happens to why under her care, bubukulan din daw niya si yaya maid or the equivalent  ;D Strikto siya dyan! pati sa kagat ng lamok! kaya takot na takot si yaya maid na makagat or magalusan ang unica hija.

Sam - nakikita ko yun si qt_ben dati, magaling nga siya! though, di ko na-try ang service niya. Nagbalak lang  ;)

domestic diva

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #98 on: May 20, 2011, 12:00:32 pm »
Momai: I feel for you and baby.. wawa naman.. ((hugs))

May maid akong pinalayas at minuramura ko din ang agency (hindi ako nagmumura ng tao unless family ko ang nasaktan) kasi nagsumbong ang other maid ko (thank God she did!) because the yaya I got from the agency, naiinis pala sa anak ko. Sa sobrang inis niya dahil sinusundan siya (hello! yaya siya diba), she got the iron and held it near my dd's face. Buti na lang hindi gumalaw ang dd ko or else sunog mukha niya. When I found out, grrrr! Abot sigaw talaga ako. Ako nag-impake ng gamit niya (sinalin pa niya mga BBW lotions ko sa empty shampoo and lotion bottles) at pinalayas ko siya. Then I called up the agency.  The replacement told me that kahit hindi yaya, pinipilit nila ang mga applicants na HH to become yayas or whatever position is in demand. Grrr..

I also had a cook/maid that didn't want to be accept her working position. Nahuli ko lang siya na she was giving away all my pyrex after baking it with baked mac sa mga barkada niya! Kaya mo 'yan? Press release pa niya hindi siya cook. Nagaaral daw ng HRM!

Marcia: tinatawag ko si mimay pag malayo siya maglakad sa amin. Mabilis kasi maglakad family ko. When we eat out, I let her order anything naman. At home, they eat what we eat. Pag kulang, I tell them to make another viand for them but I always make sure they have also.

Orientation din, I tell them hands off ang mga pagkain ng mga kids ko kasi sa kids ko 'yon. Even hubby and I don't touch our kids' food. Kaya patas lang. They have no reason to touch it unless offered to them by the kids.

Hay, my hair.. I wish it would go back soon..

pinkcoyote

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #99 on: May 20, 2011, 12:08:41 pm »
Grace - mahirap nga yung pinilit lang na maging yaya nung recruiter/agency. kaya ako pag nagpapakugha sa province pinapasabi ko talaga kung ano ba work -- yaya ba or all around, etc. kasi nagkaron na ko ng dati na yaya na kine kwentahan ako sa trabaho. naku nakakagigil. eh pinapahanda ko lang naman yung lunch ko, di nya daw trabaho yun. in short-pinauwi ko na.. the pamasahe charged to experience na lang.. isa lang kasi ibig sabihin nun, wala talaga sa loob nya magwork pinilit lang sya nung tito ko sa province na magwork for me. eh mahirap pagka ganon baka kung ano gawin kay baby pag nagmood swing si yaya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close