Jai, Grayce - re: my FA cousin - if you have specific item/bag na gusto pacanvas just let me know tanong ko magkano presyo nya

jai - received your pm sa venue, i also want to look into that place kasi diba accessible yun kahit sa commuters, pag dun kasi sa clubhouse sa village ng parents ko di nakakarating my friends from Malabon nalalayuan yata. hmpf.
NESZ - san ka sa malabon? and dyan ka ba lumaki? san ka nagschool?

re: yaya treated as bff, nako.. ako trial and error before, ang dami nang dumaan na yayas sakin at nasubukan ko na iba iba klaseng pakikisama (BFF, so-so, stricto, etc) ...hanggang sa nakuha ko na ang tamang timpla. sa pagiging chismosa, buti hindi ako madaldal, at si hubby nakikinig naman sakin na mag iingat sa mga sinasabi or pinaparinig sa katulong kasi di ka sigurado sa takbo ng isip ng mga yan (si hubby kasi di lumaki na may katulong sa bahay)
re: banyo - di ko yata keri na share banyo kasi favorite place ko sa bahay ay banyo. 2 units namin kaya dun sya sa kabila nagc-cr.
re: kama - maselan din ako sa kama ayoko na pinapatong sa kama bag ko, toys, etc.. kaya off limits din yun na uupo or hihiga sa bed.
milette - re: breastfeeding. ako nung preggy ako goal ko 1 year talaga or more. until paglabas ni baby na colicky (buti wala na ngayon), mabaliw baliw ako muntikan na yata ako magka post partum depression..feeling ko wala na kong silbi aside from feeding baby as im glued to her, etc. Nakakapressure din kasi yung mga info and stories na nagather ko when i was preggy diba may mga mommies talaga na successful sa pag-bf ng matagal and we get this notion na parang it'll be a breeze sa pag-abot ng 1 year. pero madami talaga obstacles along the way, kaya ako to keep my sanity, i take it 1 day at a time. masaya na ko to hit 3 months, 4 months, 5 months, and so on..di ko muna ina-assume na 1 year agad kasi nakakabaliw at nakakapressure isipin. basta enjoy lang the moment.

re: house and lot project - dahil dyan sa pagbabasa sa usapan nyo na yan naisip ko na wag muna sundan (or wag nang sundan) si baby upto next 5-7 years. hehe.
maui - congrats! Eat well! I'll pm you my fb
jen - ingat sa pag-invest ng seminar kay yaya gawa ka ng "bond" baka pagka-seminar sabay alis si yaya..sayang naman investment mo at sa iba nya gamitin.