watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11  (Read 73803 times)

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #40 on: May 20, 2011, 10:08:41 am »
Jai, yung sa Fast 5.. si Dom si Vin di ba? si bryan di ba sinagot nya na 'I know nothing about my dad?'.. tama ba?

Dito sa amin bawal magloko ang yaya.. ipapahold ko sya sa immigration.. hahaha.. bitay sya!

Marcia, yung 'iniwan ka ng mommy mo' na line ng yaya.. pasalamat ako at hindi ganon si yaya.. sa aspect na ito medyo maswerte ako kasi nadidinig ko sa ip cam kanina sabi ni yaya "did you know that mommy kissed you before she went to the office? but you didn't wakey wakey".. yung mga ganung kind words namemelt ang puso ko at gusto ko yakapin si yaya.. haha.. but then again, reward na lang ulit..

Binenta ni yaya lahat ng mga magazines ko at naka $6.30 din sya.. sabi ko sa kanya na iyon..

Lisa, ako tinatakot ko si kyle sa mga naka military na suot dito :D sabi ko ayaw nila ng batang malikot at nagli-litter.. strict talaga kasi dito kaya kelangan meron din kinakatakutan pero ayaw ko ng takot sa doctor/dentist.. sa pulis, militar ok sakin.. sa snakes hindi sya takot eh.. sa animals natutuwa sya kahit ano pa iyan..

domestic diva

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #41 on: May 20, 2011, 10:12:06 am »
Morning friendships!

Dati talaga nahihiya pa ako to explain to HH about hygiene. Naku ngayon, hindi na! Straight to the point na ako. "Ayoko ng mabahong kasama kaya kayo may mga toiletries plus nakatipid na kayo kasi hindi na kayo bibili ng mga basics." Pag may tira akong mga napkin, I sometimes give them the open and unopen packs. Sosyal. Naka-whisper pa sila ngayon.

I buy my uniforms for the house under the escalator of GH basement. Cheapest na sa akin yon.

And it's really important to tell them what time sila dapat naka-ready na for baby or for the house. Kung 7am , dapat tapos na sila mag-breakfast and ligo. Para klaro. Kung hindi, sasabihin nila "akala ko".

Maui: congrats! (((hugs)))

Lia: love ko talaga ang Huggies Natural Wash. Tear free formula pa siya. I got it pa from the S&R sale. I wasn't able to get the lotion kasi cetaphil cream talaga si J.

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #42 on: May 20, 2011, 10:13:24 am »
Nesz - goodluck sa may edad na yaya. I personally don't want a matanda na yaya maid. May ganyan ako na maid dati pero stay out, naku hirap pagsabihan at laging ang gusto nasusunod. In the end, I let go na pero tumagal din siya ng mga almost 2 years ata.

Maussie - ewan ko ba! feeling lang talaga! di naman ako well dresser, ayaw lang talaga magmukhang yaya  ::) as in! gusto eh mapagkamalan na kapamilya namin not as yaya maid, that's why. Pero di ba, even if they copy how you dress and all, if you see them in malls/anywhere with amo/s...you can still pin point who the yayabels are? kalurky! sometimes, I'm thinking baka she wants siya mapagkamalang amo! LOL!  ;D Ouch naman sakin yun! Kaso lately lang, I think she knows na where to put her shoes kase napagkamalang pokpok  :P  :P  ;D

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #43 on: May 20, 2011, 10:15:35 am »
Maui, congrats!

Grace, i got huggies natural wash din nung sale sa s&r. i will try on b pag naubos yung aveeno.

Jen - kaloka nga ang maid mo grabe!

RE uniform ni yaya - ever since kasi no uniform si yaya maid kasi dati ayaw niya eh hinayaan ko na lang. pero pansin ko paikli ng paikli ang shorts eh dito sa condo madaming guards, janitors, etc. so ngayon sinisimulan ko na siya ipa-uniform. hinay hinay though so ngayon uniform lang pag lalabas. sabi ko kasi kailangan kasi mas malinis at mas comfortable para sa trabaho niya - may nakita akong yaya dati taas ng taas ng jeans niya kasi pag yumuyuko para kausapin or whatever and bata eh nakikita ang crack niya. ew naman diba. so sabi ko uniform para comfy for work.

next project ko sa yaya maid, uniform sa bahay. gusto ko din kulots gya nung kay grace. and ang reason din is para di naluluma damit niya. at ayaw ko ng shorty shorts niya kasi. eh ang dami namang benchiko sa legs.

si yaya maid din pag naghandle kay babay kailangan laging nakapusod ang buhok. ayaw ko ng nakalugay o ponytail lang kasi baka makaya makain pa ni b buhok niya no. so yana, pusod lagi. at dapat laging maikli ang nails. at pag kinarga si b gapat laging may lampin na pangsapin na abot sa arms. mamaya yung lips ni b nakadikit sa upper arms niya. eh.

no-no din sakin humiga sa kama. pati sa couch! at dito samin may swimming pool - bawal ang maids don so di ko din siya pinapa-swimming.

Grace, i want to buy those crocs-like shoes din for yaya. akala ko sa greenhills lang meron. meron pala sa SM, i will check. how much are they? and what color did you get? my yaya's uniform is white pants and gray/white striped top. gusto ko syempre bagay. now she wears black flats that my mom gave her but i think not comfy for long walks and for standing up for long periods.

neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #44 on: May 20, 2011, 10:17:24 am »
Pia, ang swerte mo sa yaya mo.. Papalagay din ako ng cam as if naman malaki bahay namen! haha!

Kay St, Raymund din ako nun.. Tried and tested na sa family namen ang pag novena.. Lahat ng boys sa family namen sa mother side hiling kay St. Raymund puro kasi girls lahi namen kaya lahat ng kapatid ng mama ko may tig iisang boy :) Included si G sa request na boy.. Gusto ko kasi talaga boy.. :)

Warning - while you were typing 2 new replies have been posted. You may wish to review your post.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #45 on: May 20, 2011, 10:20:04 am »
anxious nanaman ako. i have to get ready kasi i have to leave at 11 for my fgd in makati at 12. tpapos glorietta ako to get my batchel then my parents' house to fetch b and yaya maid. mamayang gabi na ang dating ko sa bahay. madami akong mam-miss na chika at malamang haba ng backread ko mamaya.

grace ulit, i've been meaning to go to greenhills nga to check that stall sa baba ng scalator. yon ang naalala kong store ng maids uniforms. so mura pala talaga. i might go nga soon and to buy na din her shoes.

maui_chie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #46 on: May 20, 2011, 10:20:40 am »
Maui - girl, at dahil nakita ni hubby yung test kanina, siya na magiging errand boy ko..hehe. buti nga at madami tumutulong sa prep ng for august. konting isip na lang..ang nakaka-stress e kung paano ako makakapunta ng divilandia! hooray! hehe. hopefully e hindi naman maging maselan ang paglilihi ko, just like with my AJ. :)

Jen - idol ka talaga ni yaya?!? haha..kaloka si yaya mo ha..

Rata - thanks sis..I'll do that novena prayer. :) salamat.

Grace & Lisa - thanks mommy. :)

Nesz - kung gusto ko ng girl, kanino ako hihiling at magnonovena?? :)

ratacutie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #47 on: May 20, 2011, 10:22:47 am »
Jen - agree ako sa may edad na yaya.  Lalo na pag little boys. Baka di kayanin. Mahirap yung mga yaya na hindi accept na yaya sila (kung ganun na ayaw nyang mapagkamalan na yaya...eh duh? yaya nga sya! get a grip! >:(), kasi it increases the probability of them wanting more and getting more (without authority).

Nesz - naku, pag laki ni G baka mahirapan na si yaya.  Note, ka-age ko yan (almost). Ako hirap na hirap na maghabol kay Destructo. **hingal*hingal* ang drama ko.

Lisa - agree on the lampin.  Yung mga yaya ni Destructo, ganun, meron silang baby blanket na naka sapin sa kanila before they can carry Destructo. Pero pag nakahanap na kami ng yaya ulit, baka pa discontinue ko na kasi hindi naman na masyado kargahin si Destructo.  Otherwise, kawawa naman yung yaya.  Mabigat si Destructo eh.  Nakuha ata size ni M.


marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #48 on: May 20, 2011, 10:22:59 am »
Good morning!

RE pananakot sa kids.  Nakupo, guilty ako dito.  Sometimes, pag sobrang kulit at likot ng mga boys ko (ibang level ang kalikutan nila, I swear), ang panakot kong lines: "I'll tell Daddy/I'll call Daddy/Daddy will be the one to give you a bath/make you sleep/ fill in the blank"; "Kuya guard does not like magulo kids so please behave?" or a variation of that.  Ayoko talagang gawin but when we're in a public place, that's my resort.

Momai, OMG!  Nabanlian ako ng yaya ko noong 5 or 6 years old yata ako ng kumukulong tubig from the pot (wala kasi kaming water heater sa bahay).  Sinugod ako sa St. Luke's burn unit.  No scars at all.  Kaka-trauma for you!  Ako kasi very hazy ang recollection ko sa nangyari pero my mom and tita who was the one at home when it happened, na-trauma.

Grace, pareho tayo ng source ng maids' uniform!  Sa Shoppesville basement nga pinakamura.  Tapos, puwede ka pang bumili ng tops para hindi mukhang paulit-ulit ang uniform or kung matino pa ang pants, yung tops na lang ang papalitan. ;)
Nesz,  sige, magkita tayo sa Monday.  Same place. ;)

Maui, congrats!

Jen, dapat talaga daanin mo na lang sa humor ang antics ni yaya mo kundi makukunsumi ka lang at magkaka-wrinkles!

She reminds me so much of my old yaya na naging mayordoma pa namin until nag-Dubai siya last year.  Nakupo, ang mga bags niya 9 West (pinaglumaan ko or ni cousins).  Humihingi sa akin ng old makeup ko (lipsticks usually at pressed powders that hit the pan na ayoko kasi magsimot) at marunong mag-order sa Starbucks o di ba?  Pinapagalitan pa ako or si mommy.  Tapos, since alam niya mga kuwento sa pamilya namin, nakikisabat pa paminsan-minsan sa usapan.  In short, naging atribida nga.  Ito ang maid that we treated as part of the family at kaya nga I swore hindi na ko magiging ganoon ulit kasi nga prone to abuse kapag masyadong kapamilya ang turingan sa HH.

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #49 on: May 20, 2011, 10:23:36 am »
Marcia, good girl ni Dana.. meron syang kusa.. si kyle namin ay nauutusan na din.. sometimes meron din sya kusa and favorite nyang gawin ay magtapon ng crumpled paper..

On Ipis, lamok, tinatakot ko si kyle dyan.. para sakin ayaw ko na hindi sya takot dyan kasi sa sobrang curiousity nya, gusto nya hawakan.. kaya sabi ko, they bite and it's very very painful.. he doesn't like the feeling of feathery something sa balat.. i want him to be scared of something.. something reasonable..

Jai, ano email add mo? PM mo sakin :) send ko sayo now..

finish ko lang itong BR ko then send ko na sa inyo..

skipper

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #50 on: May 20, 2011, 10:29:25 am »
maui congrats!

jen naku may ganyan na HH ang MIL ko dati idol naman ang SIL ko. as in!! lahat din ginagaya from hairstyle to clothes. aba pati ba naman minsan na naglalampaso ng sahig nakasilip ang g-string nya! ang loka ginaya pati g-string ni SIL lol!

marose sarap kasi pakinggan kung sakali atty michelle hehe, diba atty marose :) o sosyal! :)

re: yaya may dumating na bagong yaya kami from the province 19 years old. sabi may experience pero parang wala sa short observation ko kagabi.mahilig kasi mag kangaroo si francis or yung nag ja jump jump pag hawak na nakatayo. hindi firm ang pagkahawak nya parang sa knees bumabagsak yung pagtalon instead sa feet tsaka ayun nauntog na sa laruan nya (na medyo hard kaya inalis k na) in other words parang hindi pa ganun kasanay eh napakalikot na nitong si francis. di ko tuloy alam kung magsisisi ba ko na dapat yung experienced na yaya na lang kinuha namin though alam ko kasi yun after mag 1 yr ng bata umaalis na kasi medyo may edad na at di na kayang humabol habol. eh pag ganun mahihirapan na naman si francis papalit palit ng yaya mangingilala na naman. as you may be aware yung unang yaya nya tumagal ng four months tapos nagnakaw sa amin. yung second yaya 1 mo nagpaalam mag day off di na bumalik. both from MTC agency kaya nadala na ko sa agency. minalas lang siguro kami ng yaya na napunta sa amin.


liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #51 on: May 20, 2011, 10:32:38 am »
di ko pala nabati... congrats maui_chie!!!

ako tinatakot ko si gianna sa guard/pulis..to no effect.. kesehoda sya..hay!
ayaw ko din na sasabihin ng yaya na iniwan ka na ni mommy.. or sasabihin ng yaya na wag na umiiyak kungdi aalis siya (yaya).. ginawa nung dati kong yaya yon pinagsabihan ko sya.. tska tinatakot nya sa plastic ipis.. yung ginugulat nya.. natuwa kami nung una kasi diring diri yung bata pero naisip ko na hinde maganda yon.. so i bought a pack of those plastic creepy crawlies (may fly, dragon fly, all kinds ng insects and bugs) and scattered them inside the room.. tapos pinakita ko na dapat hinde matakot dahil i can touch them.. mula noon hinde na sya takot..pupulutin nya pa and ikaw ang tatakutin nya.
ewan! lalake yata ang anak ko eh

yung uniform sa greenhills sa ilalim ng escalator maayos yung plain lang..tsaka capri pants..
gusto ko din bumalik dun kasi maganda yung uniform nila .. appreciated ng yaya pag capri pants kasi pag nagpapaligo sila hinde na mababasa ang pants nila..

neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #52 on: May 20, 2011, 10:34:53 am »
maui - kami kasi nun candle tas lagyan blue ribbon tas 9 days namen dinasal ni ex hubby then after nine days ako nalang araw araw.. Siguro lagyan ng pink ribbon.. Di ko sure ha! Pero nasa intention ng novena naman siguro yun.. Ala naman mawawala pag tinry mo :) Kung boy ok din kasi blessing naman yun :)

maussie- yun nga mega hingal siguro ang new yaya ko pag tumatakbo na si G.. pero at least di na ko hirap.. lalo na sa pag eat sa resto.. hahaha!

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #53 on: May 20, 2011, 10:36:44 am »
Lisa - same tayo sa dapat ayos ng yaya maid pag karga ang bata. Naka-pony ang hair, no long nails with cloth sa may shoulder or to any na naka-lean si Y.

Hay naku, kakaloka talaga yaya maid ko! sabi ko sa inyo eh, dami ko nakakalokang chika about her. Siguro naman pag tumagal tagal samahan natin, you will get to meet her. Paki-kilatis na lang!  ;D

Marose - si yaya maid din binibigyan ng niece ni hubby ng kung ano anong make-up or gamit! kapalagayan loob niya one of hubby's niece kase ka-age. Gusto ko sana sawayin kaso baka sabihin masama ugali ko. Pero kutob ko, yaya maid tries to dress really really nice kase may "sort" of inggit siya sa niece ni hubby. LOL! Eh haler naman! kakainis maids di tanggap na maid sila. Dilemma pa na as amo lagi mo isipin na wag i-offend kase baka sabihin na di naman ako kayamanan. Oh well!  ???

Michelle - natawa ako! may kauri pala my yaya maid!  ;D Re yaya na 19...my maid is turning 18 this year pero matured ang kilos and magisip (sa pagka matured nasosobrahan na). LOL! Sabi eh experienced din kase namasukan sa Baguio and nagalaga ng 4 kids, of which dumating daw siya dun sa amo na 2 weeks old ang baby  ??? So she said (kase buntis pa lang ako ng dumating ito), wala daw prob kase experienced siya. Pero syempre as days goes by, kwento kwento what she does...how she changed diaper and all. And napag-agreehan namin ni hubby to teach her how to do things right, especially taking care of Y. Pati correct manners and all, if kelangan ulit ulitin, gawin. But right now kase, ako pa din lahat kay Y...change nappies, ligo time, padede (kahit formula) etc etc, karga lang talaga pag masyado na sya matagal gising (pahangin sa hallway) and I need to work na. Basically, assistance lang sa pag-abot ng ganito ganyan, yun ang role niya pag kay Y. Turuan niyo na lang si 19 years old maid, madali sila matuto promise if willing and able naman.

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #54 on: May 20, 2011, 10:38:40 am »
Tin, same lang taste ng butter cake sa butter loaf. ;)

Michelle, feeling ko minsan nakakatanda kapag ina-Atty. ako haha.  Pero medyo tanggap ko na ngayon na senior na ko talaga.  Ang mga new grads na lawyers dito, Ms. Marose or Atty. Marose ang tawag sa akin. :)

Hay, sana okay naman si 19 year-old yaya mo.  Tutukan mo na lang sa training kasi based on my experience, ang below 25 years old na yaya ay wala pa talagang kaalam-alam, or may alam pero hindi papasa sa standards natin.




skipper

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #55 on: May 20, 2011, 10:41:14 am »
buying a house/condo - parang now is a good time kasi ang baba ng interest 5.75% lang sa HSBC or East West yan ang may pinakamababa na interest. nung nag loan kami nasa 9.75% tapos tumaas pa to 10.5% sa UCPB so nilipat namin sa HSBC tamang tama may promo sila lahat ng misc fees free so parang credit card lang nilipat ang loan so nakatipid din kami ng halos 3k per month. sayang din ilang milk na to ni francis :)

savings - we invest sa mutual fund. yung sa min is philequity, gsis kinabukasan fund (philam) and mitf (kung tama pagka alala ko which is metrobank) ang return nya parang min 15% p.a. compounded which is double your money in 5 years. like yung na invest namin say if 400k nasa 700k na ngayon wala pa 5 years. so yung interest nitong investment is paying off the interest ng loan. sobra pa kasi 15% vs 5.75%. yan ang turo din sa amin if your money can earn more interest then it's ok to borrow (loan). yung house kasi namin gawa na from our savings nung ni loan namin. nakatipid kami kasi si hubby ang gumawa contractor kasi sya. sya din gumawa ng office namin hehe :) i regret nga pala not investing sa mutual fund last year bago election kasi ang return ngayon is 40%-50%. imagine kung nag invest ng P1M e di P1.4M na. dami na mabibili yun! i learned all of this pala kay colayco from his books.

sa rich dad poor dad naman different train of thought ang sina suggest dun is to rent na muna tapos invest the money elsewhere then when it is earning enough dun pa lang bumili ng house.

sorry super delayed reaction na naman hehe kuya cesar sa pag reply

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #56 on: May 20, 2011, 10:43:17 am »
oh my momai! shocks! natapunan ng kape ang baby mo??? my gulay!!!!

Congratulations Mauie!!!! nasa position DAW para maging girl or boy? hahaha.. hindi ako sure.. check mo din chinese calendar :D tugma naman sa amin dito.. (so far sa mga kilala kong nag try nun)

jen, idol na idol ka nga ni yaya.. parang etong ex yaya ko.. bumili ng perfume na katulad ng sakin! kakainis!!! nagbigay kasi ako ng 100 nung bday nya.. aba pinambili ng perfume ng loka.. asar!

Nesz, maliit lang din itong house namin dito.. Gusto ko lang talaga naririnig sila and napapanood when im at work.. kaya walang lusot si yaya.. so far, for the past 1yr 6months, hindi ko pa sya nadidinigan na nag bad mouth sakin..

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #57 on: May 20, 2011, 10:46:56 am »
Michelle, I want to learn more about mutual funds.  Ikaw pala ang dapat kong tanungin hehe. :)  PM kita one of these days. ;)

I am also starting to read up on stocks. 

May friend ako from Citi Wealth management, siya lagi ang tinatanong ko about investments.  Kailangan talaga ito ang next na i-project ko.  May konting extra funds kami from the sale of our condo last year.  Ililipat ko siguro sa MF.

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #58 on: May 20, 2011, 10:47:50 am »
Lia - gusto ko din ng capri pants for yaya maid ko! Yan gusto ko for her pambahay naman kase di nagsho shorts ito at mapeklat! Eh laging naka pajama!  ;D I want sana white shirt (no print) and capri pants at home +tsinelas na lang. Then pag lalabas, white/beige/gray plain shirt+decent pants and crocs or rubber shoes pag lumalabas.

Marose - tama ka dyan sis! madali matuto pag bata pa ang yaya maid. And they tell may alam, pero di papasa sa standards. Yan naman okay kay yaya maid ko kahit feelingera, madali turuan and di mapilit sa gusto.

Also, san ba may yaya training seminar? gusto ko ipa-attend tong si yaya maid ko para alam niya proper way to take care of babies/kids dahil nga echos ang alam niya.

Pia - hahaha! oh di ba? at gagayahin pa ang amoy! wala kase naman sila alam sa mga perfume etc kaya kung ano makita, yun ginagawa. Parang yung body wash ko lang yan eh! aba, gagaya pa sa amoy ko pagkapaligo  :P

Michelle - pag di kame natuloy dito sa project bahay at nakakainis pag 1 banyo pag condo (wala budget pag mas malaking condo...patay na sa MA), ayusin ko VUL for Y.

skipper

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 11
« Reply #59 on: May 20, 2011, 10:49:04 am »
jen oo baka magkamag anak sila haha parehong nakiki -in sa family.

marose sige hindi na atty hehe.wala naman sa looks mo na senior :) pangarap ko lang yun nung bata pa talaga pero di ko yata kakayanin ang ilang years ng study hehe

re:uniform pala ng yaya ang pagka explain ko kagabi sa new yaya ni francis is kailangan yun para malinis. kasi ang bata prone sa sakit etc etc. i bought yung mga scrub suits mura lang cotton na meron 6 pairs buti kahit papano kasya

pia ang swerte mo kay yaya baka may kapatid yan hehe. pahingi din ako ng worksheet mo p.m. kita sa fb mas madalas kasi ako dun. eto na siguro ang last post ko for the day. may meetings na :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close