Maui - congrats sa new baby! Pray ka na ng novena to St. Gerard and St. Raymund of Nonatos for a safe delivery and healthy pregnancy.
Hay OA ang BR ko ha pero natapos na. At yan ang inuna ko, hindi pa ako nakakawiwi since pagdating ko sa office haha.
Re yaya:
Jen - OMG hindi kaya single white female drama ng yaya mo? That's so scary! Meron akong exfriend na ganyan (hence the
ex friend). Hanggang kwento ko about my ex boyfriend, kwinento nya sa iba, pero as
her kwento. Ok ba?
Dati, we used to buy rubber shoes and uniform for the yayas. Kaya lang parang inassociate namin sa malas sa yaya kasi pag sinimula nilang suotin, after a few months umaalis haha. Hanggang sa ninakaw na ng ibang yaya yung mga uniform (including rubber shoes) na binibili namin. Dati, hanggang white shirt na pang suot nila sa house, we used to buy. Sa papalit palit na yaya, masyadong magastos haha. Kaya now, as long as they look decent, clean and presentable, ok lang. Hindi naman kami ma-mall masyado and we usually just go to houses of families pag lumalabas kami so, hindi rin naman ganun ka kailangan. Except nga pag sinasamahan si G sa school.
Re: Aveeno v. BB - mas natural ang ingredients ng BB than Aveeno. But we really used both for both babies hanggang mag 2 si G noon. Si Destructo, hanggang maubos yung supply ng Aveeno, tapos BB, hanggang ngayon naman BB pa sya for his shampoo.
Grayce - sige, dear, thanks.
Jai - hindi pa kita friend sa FB.
Re HH/Yaya - naku, hindi ko kasi kaya isipin that we use the same banyo minsan. Well, the maids quarters sa house ng parents ko, siempre may sarili silang banyo. Sa house under construction, meron din. Nainis nga ako kasi parang naliliitan ako sa banyo ng maids.

Pero sabi ng Mom ko and ni M, as well as the one in charge pf the plumbing sa house, ok na daw yun. Oh well. Naku, ayaw ko rin na umuupo or humihiga sila sa kama namin. Maselan ako sa ganun. Kahit na naka bed cover. kasi galit na galit nga ako pag humihiga sa kama si M na galing sa labas. Feeling ko all the germs napupunta sa kama...kahit na naka bedcover naman kami. hehe. Maids/yayas pa kaya? Kaya talaga lock ang MB pag wala kami sa house doon sa new house. Pero I will also make it a point na rule yun sa yayas na they cannot lie down on the beds of the kids, upo siguro, kung hindi maiwasan, puede. Pero intention ko is dun lang magnap ang kids sa family room. Bibilhan ko na lang sila nung mini foldable sofa bed-cushion. Meron na si Destructo pero si G, I need to find a bigger one kasi maliit na sa kanya yung for kids.