I lived in a dorm for 5 years. Kasi 5 years yung course ko. Dorm sa Baguio pala ito.
Okay naman experience sa akin ng pagstay ng dorm. Until 9:30pm ang curfew kaya medyo kampante parents ko dati. Di naman ako pasaway na anak kaya bawas iyon sa worry ng parents ko.
In my first year, every week akong umuuwi sa bahay namin sa province kasi homesick talaga ako. Miss ko yung room ko, parents ko, etc. Isa pa, boring sa dorm namin dati. Wala man lang TV etc. As in aral lang.
On my 2nd year, once a month na lang ako uwi. Hehe.. Neenjoy ko na nito ang Baguio. Isa pa, marami na akong college friends na kasama sa pamamasyal ganun. On my 3rd year until 5th year, madalang na ako umuwi kasi kasama ko na rin yung younger sister ko sa pagdodorm. Sa iisang room lang kami. Isa pa, kakatamad ng umuwi every weekend. Mon to Sat ang pasok namin kaya nakakapagod talagang umuwi sa province. (ang sipag ko pala nung first year kasi every week tlaga

)
Marami akong natutunan sa pagdodorm.
Una sa lahat ay natuto akong maging independent. Dito talaga ako natuto ng mga gawaing bahay. Magluto, maglaba, maglinis, maghugas ng pinagkainan, etc. Six kasi kami sa isang room. Then yung style ng dorm namin, bawat room parang apartment stlye. May sariling CR sa room, kitchen, study area, changing rooms. So sa room namin, may sched ng paglilinis. Part na rin yun ng pakikisama. Yun pa pala, dapat pag magdorm ka, marunong kang makisama. Lalo na kung katulad kong marami kayo sa isang room. Ayun nga, may sched kami ng paglilinis. Sa monday toka si ganito na maglinis ng banyo at magkarga ng tubig (hirap kasi ng tubig sa Baguio). Tuwing tuesday si ganito, wed si ganyan, and so on.
Naranasan ko na ring manakawan. So ingat din. May bago kaming roommate then after a week, nawalang parang bula. Dala na yung mga pera namin.
Sa mga roommates ko naman, iba-iba talaga ugali ng tao. So yun nga, makisama ka na lang. May super lakwatsera akong roommate dati. As in yung every night, past midnight uwi at nakainom. Hahaha... Galit na galit tuloy yung nagmamanage ng dorm dahil ito yung naiistorbo sa pagbubukas ng gate at beyond curfew hours na rin. Pag inaaya ako ng roommate kong ito dati ng lakwatsa, tumatanggi na lang ako. Though marunong akong makisama, alam ko naman limits ko at until saan yung pakikisama na gagawin ko. Yun lang, self-control at disiplina din. Pag malayo kasi sa magulang at walang nagbabantay, tendency nito ay sinasamantala ng estudyante ang freedom na ito. Marami akong roommates na ganito. Pinauwi ng magulang sa province kasi nalamang hindi pala nag-aaral. Puro bagsak ang grades. Worst, yung mga perang binibigay pambayad sa tuition at rent ng dorm, di pala binabayad. Naaawa ako sa parents na ganito ang mga anak.

Natuto din akong magbudget. Kasi my parents will give me allowance weekly then monthly for the utilities and rent. Bahala na ako kung paano ko yung gagastusin. So I learned how to handle money talaga. Magkano grocery ko, for the food, etc.
Masaya magdorm. Dami mo kasi mamemeet talaga. Daming experiences na good for growing and maturing as a person.