watch now

Author Topic: Annullment thread 3  (Read 176809 times)

bruce_lyn

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #20 on: June 21, 2011, 10:08:03 am »
hi sis brucelyn!  :) i know expert ka na about annulment because you've been there na. may question lang ako, parang nabasa ko kasi to sa mga posts mo before about annulment...is it true na possible na yung marriage license ng isang couple na naka indicate sa marriage certificate nila, sometimes eh nakaregister na sa ibang couple? and if mapatunayan na di sainyo yung number na yun, pwede yun gamiting grounds for annulment kasi the marriage is void from the start? thanks in advance sis!  :)

HI sis yes para malaman mo iverify mo sa local registrar kung saan ini apply ang marriage license kung nakapangalan sa iba nauna sa inyo pwede kang mag file ng nullity of marriage. ang annullment meaning valid from the start ipapa walang bisa mo thru psychological incapacity grounds. ang nullity from the start void ang kasal pero still need ifile sa court at hindi basta magpapakasal sa iba.

bruce_lyn

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #21 on: June 21, 2011, 10:09:00 am »
ano ang question mo sis?

bruce_lyn

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #22 on: June 21, 2011, 10:10:32 am »
how true na 2 years of being separated from each other will be harder for an annulment to be granted kaysa 5 years? may kinalaman ba ang number of years na magkahiwalay kayo sa paggrant ng annulment? mas madali ba talaga if mas matagal na kayong hiwalay?

HI sis depende pa din sa lawyer mo.kung paano nya irerepresent ang case mo. mayron nga client lawyer ko one year pa lang nakakasal na annulled ang marriage :) as long as hindi kokontra ang ex mo sa filing all will go smoothly.

bruce_lyn

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #23 on: June 21, 2011, 10:14:28 am »
ako din may question about annulment regarding my parent's separation. 8 yrs na silang walang communication or hindi nag sasama kasi my mom is working abroad for that long. magiging madali lang kaya sa kanila ang process ng annulment since parehas silang agree at pipirma ? how long will it takes at mahal kaya? magkano ba usually nagagastos sa pag papa annul? after ma i-grant ang annulment,pwede na ba sila ulit magpakasal? thanks mga sis.

hello sis di ko napansin name mo?remember me sa boracay thread?hows australia hehe mag fifile na din pala parents mo goodluck

KVsWahmmy

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #24 on: June 21, 2011, 11:40:48 am »
hi! just a question po sa mga na-annul na ang marriage... my brother-in-law kasi recently got remarried, and according to him, the previous marriage was already annulled.

I just recently got to talk to my orig sis-in-law and according to her aware sya na gusto na magpa-annul ni brother-in-law ko, pero she NEVER signed any papers, but she received na lang a notice just recently na anulled na ang marriage nila.

I'm not sure how it happened, pero hindi naman posible na ma-annul na walang pirma ng both parties right? If this is the case and my SIL was saying the truth, how on earth was my BIL allowed to remarry? Puede ba sya magdemanda? The unfortunate thing here is wala din kami nakitang papers kasi itinago ni BIL sa family na magpapa-annul sya, at nalaman lang namin na ikakasal sya a week before the wedding. Winner. >:(

Also, pag sa annulment po ba included ang clause about responsibility sa kids who are minors(one turning 8 and the other turning 7 in October)? They have two kids kasi, and they're living with MIL, I just wanted to make sure they will be well provided for since either parents will be living at my MIL's home na with the kids. (kawawang mga bata).

Thanks po in advance!

crybaby05

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #25 on: June 21, 2011, 07:28:35 pm »
sis betsky, pashare din ako ng details :)

crybaby05

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #26 on: June 21, 2011, 08:58:11 pm »
Pwede ba ko magfile ng annulment kahit nasa abroad yung asawa ko?

riaenvodka

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #27 on: June 22, 2011, 12:33:45 pm »
hi mga sisses...i also know someone who could facilitate such annulment. medyo may kamahalan nga lang ha....but i guarantee na ok sya....

shoutingwind

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #28 on: June 22, 2011, 02:22:46 pm »
Alam ko pwede. Papadalhan naman yan ng summons to appear in court. Pag di sya sumipot edi mas ok.

Meron naman baligtad, yung nag file ng annulment ang nasa ibang bansa. So everytime may hearing at kailangan ng appearance, uuwi sya. O diba doble gastos. :D

realshaddy

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #29 on: June 22, 2011, 03:21:16 pm »
^ how much sis? and how long kaya?

bruce_lyn

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #30 on: June 23, 2011, 08:44:16 am »
Pwede ba ko magfile ng annulment kahit nasa abroad yung asawa ko?


pwedeng mag file but since your ex is in abroad at pag nalaman ng korte yun ang steps na gagawin ipapa publication ang case nyo. medyo dagdag gastos at oras. I am not sure kung more than or 2 mos after maserved ang summons at malaman na wala nga sya saka publication. and since me publication naman at syempre kung di pa din uuwi si ex mo. after the publication continuous na ang mga hearings. then once lumabas ang decision  if granted ipapublish pa ulit yun at pag di pa din nag contradict si ex then walang kontra ang osg then final na annulled na.


PM me explain ko sayo.

bruce_lyn

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #31 on: June 23, 2011, 08:59:23 am »
hi! just a question po sa mga na-annul na ang marriage... my brother-in-law kasi recently got remarried, and according to him, the previous marriage was already annulled.

I just recently got to talk to my orig sis-in-law and according to her aware sya na gusto na magpa-annul ni brother-in-law ko, pero she NEVER signed any papers, but she received na lang a notice just recently na anulled na ang marriage nila.

I'm not sure how it happened, pero hindi naman posible na ma-annul na walang pirma ng both parties right? If this is the case and my SIL was saying the truth, how on earth was my BIL allowed to remarry? Puede ba sya magdemanda? The unfortunate thing here is wala din kami nakitang papers kasi itinago ni BIL sa family na magpapa-annul sya, at nalaman lang namin na ikakasal sya a week before the wedding. Winner. >:(

Also, pag sa annulment po ba included ang clause about responsibility sa kids who are minors(one turning 8 and the other turning 7 in October)? They have two kids kasi, and they're living with MIL, I just wanted to make sure they will be well provided for since either parents will be living at my MIL's home na with the kids. (kawawang mga bata).

Thanks po in advance!






HI sis. Based ko sa sharing mo ang sagot ko ha ( note: I am not a lawyer my opinion is only my opinion and based sa experience ko at pagiging mausisa hehe)


Kung Wala talagang na recieved ang SIL mo na summons and mga notices of hearing habang on going ang case nila. I am guessing ginawan ng diskarte ang case
nila. Maaring sa ibang bahay at ibang tao ang napirma ng summons and notices. or baka naman me ibang nakaka recieve sa SIL mo at pirma ng pirma?(just assumming)

but punta tayo sa una pwdeng ganun ang ginawa? sa iba pina rerecieve kaya naturally diretso ang mga hearings at natapos at na grant ang annullment.


kung gusto ng SIL mo ma verify kung san nag file at malalaman ang mga nilalaman ng decision. kumuha sya ng MARRIAGE CERTIFICATE nila ng ex husband nya.sa gilid ng marriage cert mababasa mo kung kailan na grant ang decision? san court?sinong judge?

Next steps. Punta sya sa court kung san nakafile ang case. Pwde syang humingi ng certified true copy ng decision dala na lang sya ng ID for verification. pag nag ask gusto kamo nya ng another ctc since respondent sya karapatan nya to have her own copy.


next. Sa CTC ng decision mababasya ng SIL mo ang mga steps na ginawa. kung sino ang psychological? (wag lang syang mashock kung siya ang pinalabas or si ex or pwdeng both) ano ang marital history? kelan nag file?At saan address ang ginawa para irecieve :-) from there she can make an action. kung pwdeng mag demanda YES kung talagang hindi sya ang nag recieve at hindi  dun ang address nya. (she needs a lawyer to do this)

You can also read from the decision about the childrens support (I just hope me conscience naman BIL at naglagay sya ng financial support at sa custody pwdeng sole or both)

Kung wala naman plan ang SIL mo na maghabol then Okey lang. Pero kung walang nakalagay na support sa decision well. takutan na lang (joke) kausapin si ex at explain sa kanya na she knows her legal right at pwede syang maghabol  para mapawalang decision at pwdeng makapag demanda ng falsification.kaya I am sure papayag yan si BIL kasi kung totoong nag fake sila ng mga documents.mananalo ang SIL mo.

I just wish sa ikakasaya ng lahat ang decision ng SIL mo. Good day!
« Last Edit: June 23, 2011, 09:06:23 am by bruce_lyn »

bruce_lyn

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #32 on: June 23, 2011, 01:29:29 pm »
been there done that. may alam din ako 4 to 6mos but dapat walang kontra ang isat isa

yac01

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #33 on: June 23, 2011, 09:39:05 pm »
Hi,

My friend needs help so I'm posting this for him. Here's the story:

Girl got pregnant. So both of them decided to get married (civil wedding). Boy has connections inside the city hall so he just got the marriage contract, went home and signed the papers along with the girl. In short, walang nag officiate na government official sa kasal nila.

Now, they both want to get an annulment. But I think this is a ground for nullity of marriage (null and void) since wala namang nag officiate sa kasal nila. My friend wants to know if kailangan pa ba magfile ng annulment and go through the long expensive process or merong easier way and less costly?

Thanks in advance.
« Last Edit: June 23, 2011, 09:55:57 pm by yac01 »

euwie

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #34 on: June 24, 2011, 03:19:39 am »
^ sis, sa pagbabackread ko, null and void yata kasal ng friend mo. and, parang nabasa ko na dapat pa rin ifile and hindi makakapag asawa ulit basta basta. dapat kasi yata may nag officiate ng kasal. binasa ko rin yung link na nasa page 1 about family code. sumakit mata ko and ulo ko e :)

question pala. sabi ng colleague ko, dapat ang marriage license ang nag fill out ang ikakasal. kasi sabi ko sa kanya, super rush ng civil wedding ko. as in pagdating sa venue, pirma na lang namin ang kulang. tapos, ang address ko pa, iba. para daw mapayagan kami na magpakasal sa manila. sabi nya, null and void daw kasal namin? kasi daw dapat kami ang nag fill out ng application at hindi pinapasulat sa kahit kanino lang. wala lang, nabother lang ako.

sabi pala ng asawa ko, wala daw kaming marriage license. marriage contract nya pinirmahan namin. nasa ibang bansa kasi ako that time tapos sya nag asikaso lahat. e nakita ko sa family code, void and voidable ang marriage kapag walang marriage license. ayan nabother na talaga ako
« Last Edit: June 24, 2011, 05:17:21 am by euwie »

nadialicious16

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #35 on: June 24, 2011, 08:43:45 am »
Hi sis bruce, oo  naman naalala pa kita ikaw pa hindi kita malimutan ano ! :) Ok naman ang buhay dito sa Australia yun lang medyo miss ko na ang Pinas lalo na ang Boracay. Anyway sis, oo mag papa annul na parents ko this year. Ang laki nga ng magagastos 200k singil ng lawyer 1 year process ito. Hay buhay ..

yac01

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #36 on: June 24, 2011, 10:16:52 am »
Hi euwie,

Yan din ang naisip ko. Void from the beginning ang kasal kasi according to this:

The Family Code of the Philippines

Those solemnized by any person not legally authorized to perform marriages unless such marriages were contracted with either or both parties believing in good faith that the solemnizing officer had the legal authority to do so;

Since walang nag officiate sa "wedding" nila, it means void un for the start right? Eto ngayon tanong ko, ano na ang kailangan nyang gawin para maghiwalay na sila legally? What are the steps needed to be done?

bruce_lyn

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #37 on: June 24, 2011, 11:10:28 am »
Hi,

My friend needs help so I'm posting this for him. Here's the story:

Girl got pregnant. So both of them decided to get married (civil wedding). Boy has connections inside the city hall so he just got the marriage contract, went home and signed the papers along with the girl. In short, walang nag officiate na government official sa kasal nila.

Now, they both want to get an annulment. But I think this is a ground for nullity of marriage (null and void) since wala namang nag officiate sa kasal nila. My friend wants to know if kailangan pa ba magfile ng annulment and go through the long expensive process or merong easier way and less costly?

Thanks in advance.

hmm kung mapapatunayan na wala talagang nag officiate pero parang mahirap yun. maybe check mo if nag apply sila ng marriage license kung wala nullity kung meron re check kung sa kanila nga ba nakapangalan talaga ang marriage license,

nagsama ba sila ng matagal?nagka anak? kung walang mapapatunayan na mali sa mga requirements ng kanilang kasal annullment ang need nilang ifile

bruce_lyn

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #38 on: June 24, 2011, 11:17:18 am »
^ sis, sa pagbabackread ko, null and void yata kasal ng friend mo. and, parang nabasa ko na dapat pa rin ifile and hindi makakapag asawa ulit basta basta. dapat kasi yata may nag officiate ng kasal. binasa ko rin yung link na nasa page 1 about family code. sumakit mata ko and ulo ko e :)

question pala. sabi ng colleague ko, dapat ang marriage license ang nag fill out ang ikakasal. kasi sabi ko sa kanya, super rush ng civil wedding ko. as in pagdating sa venue, pirma na lang namin ang kulang. tapos, ang address ko pa, iba. para daw mapayagan kami na magpakasal sa manila. sabi nya, null and void daw kasal namin? kasi daw dapat kami ang nag fill out ng application at hindi pinapasulat sa kahit kanino lang. wala lang, nabother lang ako.

sabi pala ng asawa ko, wala daw kaming marriage license. marriage contract nya pinirmahan namin. nasa ibang bansa kasi ako that time tapos sya nag asikaso lahat. e nakita ko sa family code, void and voidable ang marriage kapag walang marriage license. ayan nabother na talaga ako


sa pagkakaalam ko it's ok naman kung ang fill up iba as long as tama lahat ng nakalagay na informations and at the same time signature naman talaga ng mga ikakasal ang pirma. Wala din naman problema kung sa ibang lugar kayo nagpakasal  as long as may marriage license na valid pa pwedeng magpakasal kahit saang lugar. Icheck mo sis baka ang  ang ginawa sa marriage license nyo pinalabas na you were livin in for five years kaya  kahit hindi kayo kumuha ng marriage license valid ang kasal nyo.


kung walang mag rereklamo both sa inyo kasal pa din kayo. may kwento ako nun may kinukuha ako sa LCR narinig ko ang registrar kausap ang mag asawa mag aabroad ang guy at walang record sa NSO kasal nila so kumuha sila ng copy sa Local civil registrar nila para iparegistered sa NSO ang copy at dun nakita na  lapse na pala yun marriage license nila ng nagpakasal sila hehe


gulat si girl almost 5 or more na ata silang kasal. sabi ng registrar o single pala kayo both eh. sabi ng guy ngee antagal na namin 4 na anak. sabi ano pong gagawin namin/ registrar pakasal kayo ulit ako ninong hehe

yac01

  • Guest
Re: Annullment thread 3
« Reply #39 on: June 24, 2011, 01:13:38 pm »
hmm kung mapapatunayan na wala talagang nag officiate pero parang mahirap yun. maybe check mo if nag apply sila ng marriage license kung wala nullity kung meron re check kung sa kanila nga ba nakapangalan talaga ang marriage license,

nagsama ba sila ng matagal?nagka anak? kung walang mapapatunayan na mali sa mga requirements ng kanilang kasal annullment ang need nilang ifile

Haven't talked to my friend regarding the marriage license. Will ask him about this. Just in case, saan puwedeng i-check ang marriage license?

Naisip ko rin nga na medyo mahirap yatang patunayan na walang legally authorized officer na nag solemnized sa ceremony.

Hindi sila nagsama ng matagal. Girl lives with her parents along with the baby. Boy lives in a separate house. Minsan, natutulog yung girl and baby sa bahay ng boy. Siguro on weekends lang. Hindi natutulog yung girl sa place ng boy dahil kasal sila. Natutulog lang doon for the sake of the baby. So from the start, doomed na yung marriage. It was all about the baby.

Yung marriage contract pala, nung inuwi ng boy sa bahay nila para magpirmahan silang dalawa, pre-signed na. So kumbaga, naka-sign na ang mga "witnesses" as well as the "government official".

Naisipan niya palang kumuha ng CENOMAR or CEMAR. Kapag lumabas ba na SINGLE siya, ibig sabihin walang bisa talaga ang marriage contract na pinirmahan nila at technically single siya from the start? Pag ganito ba, hindi na niya kailangan pumunta sa court para sa declaration of absolute nullity?
« Last Edit: June 25, 2011, 12:20:06 am by yac01 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close