^mommy, tagal ka! sayang! hehe. ako ngayon ako mamimili ng mga pampasalubong, pakonti konti at eto na nga, wala sa kalagitnaan ng buwan e malapit na ako ma-zero balance. hehe. kahit hindi ko alam kung kelan maiuuwi yung mga yun. hihi.
hi mitch! mabuhey din! :-)
^jihan (blowfish, tama nga ba?), hindi na tayo nakapag eb dito sa dubai. hehe. nung nagvacation dito si lyn (imnuttz), nagkita kami sa mirdif, biglaan. hehe.
^ice, nakalimutan ko sagutin q mo. wag ka muna magpamasahe ngayong preggy ka. tsaka nalang yan. lalo na sa bandang likod. hindi ko alam kung bakit bawal, baka siguro parang maging hilot at mapaanak ka ng di-oras (hehe, nanakot?). pero hindi, sabi nila, wag nga daw magpamasahe kapag buntis. baka maapektuhan si baby. anyway, mas importante naman si baby kesa sa ginhawa ng katawan mo sa masahe diba. in the end, ikaw pa rin masusunod. :-)
^lyn, si jing nun, nagwiwiwi ako, e humawak ako sa tyan ko, talagang nakahulma sa tagiliran ko, parang chicken wings na biglang tumukod sa tyan. ano kaya yun, tuhod o braso? hehe. nahawakan ko pamo. pero hindi ko tinulak. ang sakit na nakakakiliti ha! hehe. tsaka silang dalawa ni jade naninipa ng ribs tsaka dun sa may malapit sa peks*ng. napakasakit kuya eddie! :-)
hindi ako masyado mahilig sa gadgets e. si jing tsaka si jay, sila ang laman ng emax, jumbo, sharaf, plug-ins dito. :-)
nga pala, binebenta na yung house namin sa clark. lilipat na daw kami lahat sa baguio. dati kasi yung lupa sa baguio ang binebenta. ngayon nabaligtad ang mundo. dun na magpapatayo ng bahay.