remember yung excuse ni sil about mr muscle? kaninang umaga meron nanaman sa side ng bath tub, this time, konti lang siya, mga isang kutsarita na yellow. tapos basa ang sahig ng cr at rug. iniisip ko kung kakatok ako sa room nila para tanungin siya kung nag spray siya ng mr muscle. e busy sila, kasi pareho sila magwowork ng hubby niya, nagreready sila. ang ginawa ko, kinuha ko phone ko, tinext ko agad si sil. e pagkatext ko, narinig ko na yung pinto, umalis na pala sila. eto yung conversation namin:
me: nag spray ka ba ulit ngayon ng mr muscle?
(tagal magreply, nagtext ulit ako para mahabol, baka pumasok ulit sa bahay since kasasara lang naman ng pinto hehe)
me: sana tiningnan mo muna yung cr
(hindi bumalik, at hindi pa rin nagrereply)
ang ginawa ko, sinabi ko kay mil since andun na siya sa sala.
me: mommy, pwede po kayo nalang magsabi kay sil, yung hubby niya umiihi sa bath tub
mil: nano? sige sasabihin ko mamaya. teka asan ba, winash mo naba?
(e hindi ko winash dahil kailangan may makakita dun at baka sabihin e nag iimbento ako, isinama ko sa cr)
pinakatitigan pa. tapos sabi niya, "tsk tsk, wag mo linisin, wag mo muna papapasukin mga bata dito". e nung lumabas naman kami ni jing, babawalin ko sana pumasok dun e nilinis naman pala ni mil.
tapos maya maya nagreply si sil.
sil: ah oo, di kasi ako naligo . linisin ko nalang mamaya.
(maniniwala kaba, nag spray kapurit lang? ano malilinis nun? dapat pala tinanong ko kung san siya banda nagspray, para nahuli ko e)
me: sure ka? mukang wiwi e. may p*bic hair pa. (sarcastic ng dating noh)
sil: ok paki spray nalang, clean ko cr mamaya ha. hindi na niya (hubby niya) gagamitin yang cr na yan.
me: pero sinabihan mo naman siya noh? kasi kahit nung time na sinabi mong mr muscle yun, talagang umiihi siya sa bath tub. kahit nung andun pa daw sa kabilang house sabi ni jay kasi nakikita din niya. pasensiya na pero kahit ako nakita ko na din siya nagwiwi dun kasi hindi niya sinara ang door.
sil: oo joyce, pasenciya kana ah. hindi na siya iihi dyan kahit kailan ne. wag ka mag alala pag may pera na kami aalis nalang kami ne. pasensiya ka na.
(parang hindi nagpantay ang tenga ko sa sagot niya. dinadramahan pa ko. pinapalabas pa na pinapalayas ko sila? arte!)
me: simple lang naman, wag kamo iihi sa bath tub. baka sabihin mo nagseselan ako e hindi ko naman bahay to. may mga anak naman kasi ako, kung si jing lang hindi naman huhugasan yun, baka mga mahawakan pa. lalo naman si jade. yun lang naman, kaya wag ka magsalita na parang naaapi ka at nagbobossy ako.
sil: ok joyce pasensiya ka na, kinausap ko na siya.
me: sorry din. wag sana sasama loob niyo. (sinasabi ko lang naman totoo).
kagaling nila magsalita tungkol sa pakikisama, ako lang ba dapat makisama? sabi nila nun, kanya kanyang linis ng pinag gamitan sa kusina. pero hanggang ngayon naman, si mil at sil nag tatambak pa din sa kusina. nagdadabog pa sila pag naghugas ako tapos hindi ko sinali mga kalat nila.
sa banyo naman akala mo silang mag asawa lang gumagamit, walang pakialam kung nadudumihan. samantalang pag kaming mag anak ang gumamit ng banyo, pwede ka mahiga sa sahig, kahit madikit ang balat mo sa lababo hindi ka mandidiri dahil hindi kami lumalabas na basa at madumi ang cr.
tapos nung nagkita kami ni mil, sabi niya, "nilinis ko yung dumi sa cr niyo para hindi kayo mandiri". if i know, hindi naman niya kokomprontahin talaga yung mag asawa mamaya pagdating. ipapahiya ba niya yung sarili niyang anak? ofcourse not! pagsabihan man yun sa harap ko, style lang niya yun, kunwari magagalit siya. pakitang tao nanaman. ugali nila na yan, kabisado ko na.