lyn, hinding hindi ako matatakot sa lechon! kurutin ko pa balat niya. haha! yii! mailista nga sa "to eat" ko yung lechon. :-)
pwede naman walang tenga or pisngi ang tokwat baboy. punta nga ako almaya mamaya. sana may tokwa na. :-)
diba pag may bungang araw daw, wag pakakainin ng mangga para hindi dumami. tsaka oo nga, paliguan mo ng fissan na prickly heat.
ysa, natatawa ako sayo. siyempre gusto ka nilang kasama dahil ikaw ang financer. kahit ako naman, gusto kong kasama yung maglilibre. hehe.
mahal ka ng nanay mo, hindi lang siya expressive sayo.
puro problem ah. di tama na pati anak mo madamay sa problema niyo. kung ganyan mangyari sakin, ay nako, tiisan blues kami, ilalayo ko mga anak ko sa kanila. (knock on wood). actually, isa lang ang dapat layuan ng mga anak ko. hehe. "you know!" sabi nga ni pacman. hehe.
speaking of favoritism sa mga anak, isali niyo si mil.
kaye, solution dyan, mag aral ka na din magdrive, para ikaw na gagamit ng car niyo.
about PT, wait ka pa 1week, ulitin mo pag wala pa rin mens. hanggang wala ka pa mens, ulitan me every week. actually, wag mo na hintayin kasi nakakadisappoint. sabi nga nila, habang hinihintay mo yan, hindi dadating, pabayaan mo lang. in God's time, sabi nga nila, ibibigay din sayo si baby.
nung kay jade nun ilang beses ako umiyak bago siya nabuo. :-)
hi mav! yup, masarap papakin at pulutan ang tokwat baboy noh. sarap!
ang hirap ng tanong mo ah. sakin pasok na pasok yung tanong mo. pareho pamong girl yung sakin, kaya kung ano meron sa isa, dapat meron din yung isa.
natural nalang yan e, inggitan. kaya para maiwasan, kung bibili ka ng pasalubong o kahit ano, dapat dalawa agad para hindi naiinggit yung isa. sa case ni jing at jade, wala pa naman masyado dahil malaki age gap nila. magkaiba sila ng gusto. si jing lahat ng mamahaling gamit naibigay sa kanya, hanggang ngayon. si jade naman okay na okay sa second hand, mga gamit dati ni jing, yun ang nilalaro niya.
pag nagrequest si jade, madaling ibigay dahil kaya naman ng budget, minsan mahal din napipili pero binibigay pa din, dahil ganun din si jing nung maliit pa. e tapos sasabay din si jing ng request na napakamahal din, minsan hindi na namin maibigay, ayun, dun na magseselos. bakit si jade binili yun kahit mahal, madidinig mo na yan. hehe. kaya butas na butas ang wallet ng daddy nila, mapagbigyan lang.
baka sabihin niyo kunsintidor kami, kahit mahal binibili. paminsan minsan lang naman yan, like pag birthday, christmas, o kaya kamuka ni jing pag mataas ang grades may prize kami sa kanya.
atsing joy, sarap ng swam mais. tapos may dahon ng sili. nyaman! kumakalam na sikmura ko.
hi ging!