lyn, muntik na ako naduling. dalawang parlor nakita ko. hehe. hay naku, pagkagising ni jade kanina, nag aya din agad sa beach yung lolo niya. silang tatlo nila jing nagpunta sa beach pagkatapos nag almusal. pag uwi nila mukang apple yung dalawa, pulang pula mukha sa init! buti hindi na sunburn.
sinigang na talakitok naman ang samin. fish diet kami. kaninang umaga daing na bangus, tanghali naman sinigang na talakitok at konting prito para sa sawa na sa sinigang. :-)
dinner namin bongga! roast beef at lamb, with matching roast veggies. may bisita kasi sila mil at sil, yung kapatid ng asawa ni sil nag visit galing pinas.
ate joyz, ako naman parang gusto ko ng IPAD, para maiba naman. :-) aysus, manggagamot pala. akala ko mangga na indian mango, nangasim ako. :-)
ysa, mas masarap ang sinigang na tilapia kesa sa bangus. mahirap kainin ang bangus e. :-)
about baon naman sa outing, bumili ka nalang ng mga butul pakwan at balitog. para mas mag enjoy sila. wag na chips. patago nalang yung sa baby mo.
kaye, okay na din na sinabi mo sa hubby mo yun. kusang lumabas sa bibig mo. oo, masakit sa part ni hubby mo, though its true naman na kayo ang agrabyado kaya kailangan mo kumontra. car niyo, gastos niyo tapos nagcocommute kayo? ngek! bat hindi ko nga ibebenta yun kung ganun ang drama. di bale sanang makigamit sila, pero pag kailangan niyo car, or sabi mo nga, hindi pa masyado marunong magdrive si hubby mo, edi sana man lang isinasabay kayo, kesa kayo pa yung naiiwan. yiii! nabigla lang hubby mo kaya ganun reaction niya. siyempre kinontra mo siya, ganyan din naman si hubby. e pag naman ganyan, hindi niya ako kinikibo, edi wag! sino ba gumawa ng away.
good night! :-)