watch now

Author Topic: 2011 BRIDES XV  (Read 85424 times)

lopira

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #500 on: May 25, 2011, 10:30:25 am »
karmie - kami nga baka wala pa bilhin, canvass canvass lang siguro. pero ang target talaga namin is yung mga fabrics. tapos gusto ko rin tumingin ng pang-DIY stuffs pero di ko pa alam ano-ano ba i-DIY namin haha! para lang alam ko kung saan pupunta if ever mag-start na ko. may madadaanan din ba tayong nagtitinda ng mga luminaries? okay lang sa amin kahit alin mauna. pero mas prefer ata ni ria ang ongpin para daw may ma-schedule pa siya lakad after. kung may time pa sa afternoon pwede mo na rin siguro discuss sis yung sa OTD package niyo? :)

kaice - ano ba mga kelangan ko para makapagsimula sa DIY? ::) zero idea! haha!
« Last Edit: May 25, 2011, 12:20:10 pm by lopira »

RiaLity

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #501 on: May 25, 2011, 10:34:34 am »
Hello hello magandang umaga!

kaice: talagang may separation anxiety ha! Siguro nga mararamdaman din namin yan after our wedding.

mafia: Sana di kayo abutin ng ulan. Good luck!

lopira: ay naku like ko din yang luminaries na yan sis! Actually naka-save siya sa wedding folder ko at pati yung pomanders like na like ko! Kaso isip ko na masyado ng malaki ang gastos kaya wag na mag-pomanders siguro, least priority ko kasi yang flowers.

carmi and lopira: aba! tayong tatlo pala! Actually wala din ako masyado bilhin na gusto ko lang sumama haha. Si h2b naman, ang habol lang is yung food trip sa Ongpin/Divi! haha What time ba tayo?

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #502 on: May 25, 2011, 10:39:55 am »
^^ sis alamin mo muna kung anong gusto mong iDIY.. ano bang mga materials nun, iresearch mo na.. but just a heads up, hindi lahat ng DIY eh makakatipid.. minsan mas mahal pa nga siya..

mag rant lang ako...
kakatawag ko lang sa p/v namin to confirm yung prenup namin sa June 9.. tapos kumuha ako ng leave form at nagfile, tapos hindi ako pinayagan!!! waaaaa!!! hindi raw bang pwedeng sa hapon yun.. sabi ko gagabihin na kami kasi papamake-up pa ako, tapos may pasok pa kinabukasan.. sabi ko na book na namin, keber daw.. kami raw ang client kaya kami dapat masusunod.. ipa-move daw namin sa p/v yung date.. o di ba?!!! yun sabi ng manager.. nung lumapit ako sa supervisor ko, ask niya kelan kasal ko, sabi ko sept 10. kako mag-leave din ako ng sept 9.. baka raw hindi rin i-approve yun kasi every 3 months lang pwede mag-leave.. nagleave na ako ng June, October pa ulit ako pwede magleave...siya nga raw, nakabook na for hongkong trip hindi pinayagan, yung isa kong kasama MOH sa wedding ng best friend niya, hindi rin inaaprove yung leave.. mga g@g* lang!!! grrrr!!!

sabi ko sa GL ko, wala na ako pake kahit bawasan nila yung incentives ko.. kasi maliban sa pay mo per day, babawasan ka pa ng P50 per class pag umabsent ka.. kumusta naman, 28 classes ako!!! so times 50, wala na akong kinita!!! sabi ko basta aabsent ako sa sept 9 sa ayaw nila't sa gusto..

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #503 on: May 25, 2011, 10:51:03 am »
ria and lopira: san kayo mangagaling? ako sa lawton.. pwede tayong magmeet sa church ng san lorenzo.. may plaza dun sa gitna, kung galing din kayo ng lawton..

as much as possible maaga sana.. mga 10 or 11am kung gusto niyo mag-ikot.. kung pupunta tayo sa divi after eh, maglalakad lang, kasi mas matagal kung sasakay.. dahil sobrang sikip ng divi pag saturday..

re luminaries.. may mabibili ka niyan, pero hindi ganyan na ganyan ang itsura.. para saan ba sis? I suggest bili ka na lang ng parang old skul na lampara sa may tabora marami, tapos lagyan mo na lang ng maliit na candle.. pwede yung centerpiece or basta pang display sa reception..

lopira

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #504 on: May 25, 2011, 11:04:27 am »
karmie - hanep din naman pala yang employer niyo! talaga namang every 3months ang leave?! eh benfits yun di ba? anuber!

re DIY.. ang plano talaga namin eh yung mga stationeries kami na lang gagawa tapos dahil nainspire ako kila kaice gusto ko rin sana yung beads at candles at bible at guestbook! haha! okay lang naman kung di pa muna kami makabili, parang EB na lang natin yun if ever bonus na lang na malaman ko kung saan kami lalarga pag decided na kami sa mga designs ng DIY namin :)

re luminaries.. pwede rin lamps sis.. gusto ko kasi ilagay sa aisle ng church yan :) tapos kunti na lang flowers para di ganun kamahal package. tapos after ng ceremony dadalhin naman sa reception for additional centerpiece. dual purpose! :)

re divi.. manggaling kami ng sta. rosa, laguna. baka lawton din ang baba namin. yung san lorenzo church ba sis eh yung nasa divi na church?

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #505 on: May 25, 2011, 11:21:13 am »
lopira: yung san lorenzo yung malapit sa Juan luna sa divi at sa ongpin.. dadaanan yung ng jeep na papuntang divi galing lawton..

hmmm... gusto mo rin ba ng pomanders instead of floral arrangement na pang church? kasi yung flowers sa church, kung calla lily lang gagamitin, mura lang dapat yun.. mas mahal ang mums na gagamitin mo sa pomanders... pwede naman, buy clear, tall vases, yung parang pillars or kahit mas mababa ng konti tapos pa-arrange mo ng calla lily.. o kaya yung sinasabi ni anj sa akin, puro baby's breath lang.. fillers lang yun kaya sa tingin ko mas mura yun.. wait lang hanap ako ng pic..


gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #507 on: May 25, 2011, 11:37:17 am »
naku true yang DIY na yan..gusto ko sana gumawa ng paper pomanders...bumili ako 1pc na styroball, tissue paper (yung magandang papel hindi pang toilet hihi) tas floral wire...amahal aabutin ang isa..so scrap na ang idea na yan LOL  ;D

lopira

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #508 on: May 25, 2011, 11:55:34 am »
mas mahal pala ang pomander kahit button mums lang gamitin? :-[ gusto ko nga rin yang baby's breath kaya lang di ba mas mahal aabutin kasi marami? kung pomander kasi isip ko 10pcs lang tapos luminaries na yung iba. pero nice yung 1st pic ng baby's breath sis! ganda! :)

princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #509 on: May 25, 2011, 12:11:38 pm »
carmi - yan ang rason kung bakit ako nagresign! ;)

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #510 on: May 25, 2011, 12:40:08 pm »
lopira: 10 pomanders? hmm, pwede rin naman 10 na vases ng baby's breath.. fillers lang naman yung, kaso hindi ko alam kung magkano yun eh.. hehe ikaw ang bahala sis, kung ano mas maganda para sayo.. kasi pov ko lang, ang pomander, mukha lang maliit pero maraming bulaklak ang kailangan dun.. :)

rio: hay naku naiimbyerna nga ako eh... kung meron lang akong ibang source of income, tatablahin ko na naman to.. kaya ayoko naman ng ganon yung attitude ko di ba? mahirap naman na resign lang ako ng resign.. hehe malakas ang loob ko ngayon kasi mag-aasawa na ako.. hehe may sasalo sa gastos! hehe  :D

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #511 on: May 25, 2011, 01:56:38 pm »
@carmi naku magresign ka na dyan! (B.I hahaha) karerin mo na lang yung WC, pagiging florist, and designer  ;D

lopira

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #512 on: May 25, 2011, 02:06:59 pm »
ayan na! nagpaparamdam na si chedeng! lakas ng ulan dito makati, di na namin makita yung ibang buildings from here sa office.. keep safe mga sis! let's pray for everyone's safety..

RiaLity

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #513 on: May 25, 2011, 02:13:27 pm »
lopira: may nagquote sa akin for 12 pomanders (3 dozens roses each with fillers pa daw) 7k sis. kaso nasasayangan kasi ako, sa 5k meron na akong full church decor nun.

Lawton din kami mangggaling pero di ko alam ang San lorenzo. Lopira: gusto mo kita na lang tayo sa Lawton tutal pareho tayong from Laguna :)

carmi: sakit sa ulo yang Manager mo! Naku nandadamay lang siya kamo kasi siya hindi pinayagan!

glitz22

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #514 on: May 25, 2011, 02:13:53 pm »
gusto ko rin nyang baby's breath, kahit bouquet nga, gusto ko sana nyan. kaso di ko alam kung may papayag na florist na gawin yun kasi baka masyadong mura for them.

maulan na rin dito sa QC!

RiaLity

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #515 on: May 25, 2011, 02:38:31 pm »
glitz: oo yun din naisip ko. Baka di sila pumayag or baka naman magmukhang masyadong tinipid pero like ko din sana yan!

lopira

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #516 on: May 25, 2011, 03:00:10 pm »
ria - ang mahal naman sis, 7k?!? gumuho ang pangarap ko! haha! siguro ask ko na lang din yung florist kung pasok ba sa package ang pomanders for church. gusto ko kasi yun para pwede dalhin sa reception tapos hang na lang for added styling di ba? pag mahal talaga, ask ko naman yung baby's breath. pag di pa rin hanap ulit ng ibang set-up hehe..

re divi: sige ria, pwede tayo meet sa lawton. karmie, if you want sa lawton na tayo magkita?

RiaLity

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #517 on: May 25, 2011, 03:20:42 pm »
yes! 7k pomanders pa lang yun! kaya gumuho din ang pangarap kong pomanders e! Sige sis lawton na tayo kita? 10am or 11am? Tapos food trip tayo dun haha yun ang inaasam-asam ni h2b e lol

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #518 on: May 25, 2011, 03:30:40 pm »
okay sa lawton na lang.. hehe kaso san ang food trip dun? hindi ko kabisado kainan dun eh

lopira

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XV
« Reply #519 on: May 25, 2011, 03:57:54 pm »
mga sis, okay na ba yung 9k for church and ento? though di ko pa alam kung pasok yung pomanders dyan hehe.. yung luminaries kasi P50/piece daw sa florist kaya balak ko tingin sa divi baka naman may mura para mabawasan pa yung 9k. at least kung bibili kami luminaries or lamps sa divi sa amin na yun hehe.. pero hintay ko pa rin yung sinasabi ni sis hot_lalai na florist baka mas mura pa yun :)

karmie, ria, go kami sa food trip na yan! ;D pwede siguro tingin muna tayo ng rings till lunch time then food trip galore na!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close