good aftie mga diyosa!

sa wakas natapos na rin ako mag backread pero sort of pinadaanan ko lang kasi i have to print our invites after ko dito para kahit paano mabawasan yung ipiprint ko. gusto ko na kasi maipamigay by 2nd week of june.
kaice: wow, ang saya siguro mag ayos ng house no? tapos nakakatuwa kasi kayong dalawa magkasama palagi.. magkikita after work, sabay magbi-breakfast, sabay matutulog, sabay maliligo? LOL! joke lang sis! grabe ganda ng SDE mo, umpisa pa lang kinilabutan na ako, ganda ng
pagkakagawa.. elibs talaga ko, cute ng props nyo.

emotional stress: ako rin nafi-feel ko ito. kahit isipin kong parang gusto ko nalang itigil kasi ang hirap, iniisip kong mas gusto kong matapos na siya kasi masyado ng maraming preparations ang nagawa. lalo na yung pagsabi ko sa dad ko na umuwi siya. nagpabook na sila kaya wala na talagang atrasan itey mga teh!

keri lang, siguro talagang ganun lalo na working din tayo at the same time.. ako halo-halo na pumapasok sa isip ko and super dami kong nakakalimutan lately. magpoprogram sa morning, bibyahe ng malayo pauwi then pagdating ng house, halos hindi ko na maisingit yung wedding preps, kahit yung mga DIY ko.
ang saya naman, pupunta kayo ng divi.

i went there yesterday, naghanap kami ng brother ko ng costume para sa prenup namin. gusto ko talaga kasi naka angel wings kami kaya kahit medyo mahal, nag order talaga ako. sa mga sis natin dito na gusto rin ng ganitong concept, i'm willing na ibenta yung wings after namin gamitin, para hindi masayang and para sulit.

wedding preps update: nag apply na kami ng marriage license kanina sa manila city hall. sayang hindi kami umabot sa morning na seminar kaya dun kami sa pang 1:00PM. ayos na rin kasi nagpunta kami ng paco park (thanks sis kaice for recommending!) while waiting for the registration sa seminar. sa may kalaw pala yung office na pagkukuhaan ng permit, ok na ok kasi 1k lang yung fee.

ganun pala yung seminar.. hindi ko makalimutan yung video na pinakita nila yung paglabas ng baby sa urethra.. ouch! nakakatakot lang! tinanong tuloy ako ni h2b kung ayaw ko na raw ba manganak.. sabi ko, kakayanin dahil gusto kong magkaanak, saksakan nyo nalang ako kako ng maraming anesthesia.. hehe!
HELP! saan ba ako makakahanap ng murang white goddess/grecian dress? kailangan ko kasi para sa angel costume namin.. yung parang ganito:
http://www.promperfect.co.uk/mall/promperfect/customerimages/products/IMOWHI.jpghttp://www.wedding-hair-down.net/wp-content/uploads/2011/05/goddess-wedding-gowns.jpg (ito mas type ko yung nasa right, hindi kasi ako gifted kaya hindi ko bet yung sa left, LOL!)
pasuggest naman po kung anong mas ok.. knee-length or long gown? ang mamahal kasi ng mga nakikita ko sa mall.. tapos bihira rin yung all white kaya medyo nahihirapan ako maghanap. tia!