gandang monday morning, mga kagandahan...
grabe, ang kulet ng weekend na 'toh. hindi na kami napirmi sa bahay...
friday: right after work, waddle away agad sa megamall to meet rei para sa aming initial detailing, na nauwi sa chikahan para sa pre-nup, over dinner sa amici. aliw lang, kasi talagang sinabi ko sa kanya na puro cocktail dresses lang ang betsung ko, no long gowns kahit sa entourage. most of our date, chikahan galore lang.

saturday: missed Kaice's wedding, hindi kasi ako nagising... sorry. left house before lunch, may plan palang mag dad's si h2b, kaya ayun, kamusta naman ang 2 oras sa dads. sashimi lang naman ang habol ni h2b dun, eh 40Php lang naman ang difference nun sa ultimate buffet, so nag ultimate na lang kami. okay lang din naman, kasi at least full tank ako sa pagiikot. kaya naman nung nagkita kami nila bff rio, sss, and kikay, para lang akong buntis na naghihimas ng chan :p after namin maghiwa-hiwalay, punta sa fair, ikot-ikot, tapos hinanap ko si summer ng vrc para lang magpakita. wala na rin naman kasi kaming hinahanap, aside from sa make-up. hindi na rin ako nakapagpatrial make-up kasi mejo hindi feel ni h2b maghintay. looks like okay na si h2b dun sa mga nitry ko before. after the fair, nagmovie kami ni h2b. ok yung Priest, pero hindi masyadong nakontento si h2b. taas naman kasi ng standards nun sa mga movies na galing sa comics eh. pero okay naman sya sa akin. bitin lang. tapos hanap kami ng damit nya para sa pre-nup sa department store. nakabili kami ng white na long sleeves, na sya na ring gagamitin nya sa wedding. ako pumili nun

bumili rin kami ng gloves ko. tapos ng text yung friend ko nung college, may dinner (na ang totoo ay inuman) daw sa bahay nila kasi bday nya. syempre gora kami. ayun, umuwi akong basag. eh, tagay-tondo naman kasi yung pinaikot nila eh, ang lakas pa nung timpla. ang sweet lang ni h2b, kasi ni-take care nya ako.

*kilig*

sunday: dahil may hang-over, mejo tanghali na kaming gumising. nung umaga, pagising-gising ako kasi masakit yung chan ko. hindi na rin ako pumasok sa class ko (kasi napag-alaman ko na hindi pala ako officially enrolled at dahil jan, ieenroll ko na lang sya next sem). nagpabook na lang ako ng van para sa pre-nup namin, tapos pumunta kami ng cubao ni h2b para maghanap ng necktie sa saizen at kung
[textspeak!]-ano pang gagamitin sa pre-nup.
hayz, long read na, ito... huling hirit:
re slumber party, saan at kelan ito? maganda sana yung walang pasok kinabukasan :p
re hindi normal na PMS, naku teh, ngayon lang ba ito? malakas ba ang flow? pag hindi na kaya, gora na kay doktora
kabute mode on...