watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8  (Read 78301 times)

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #340 on: May 09, 2011, 11:22:16 am »
jen..
pag nag-enroll ka.. play and learn class yon.. 4 classes yon..yan yong L2, L3 or  L4 classes..tapos they will also give you parang 5 or 10 play coupons .. yon yung free play..all ages ang maglalaro sa play area..

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #341 on: May 09, 2011, 11:29:59 am »
Lia, nasanay siguro si G sa matamis na milk kaya ayaw ng fresh milk.  Hindi ko alam kung ano ma-advise ko kasi nag Gain Plus Advance din naman ang mga anak ko from 1 year old to 2 1/2 years old.  Matamis din yun, amoy pa lang matamis na.  :) Bale, at first sa umaga ang fresh milk then sa gabi ang formula.  Pareho naman nilang gusto. Kaya hindi rin ako nahirapan i-switch sila sa fresh milk.

Siguro kasi nasanay din sila sa breastmilk na matabang kaya wala masyadong objection sa fresh milk.  Iyan lang naiisip kong reason.

Ano nga ba ang recommendation kapag 1 1/2 na ang bata?  Ilang ounces ng milk?  Mga kids ko kasi ng ganyang age, 3x a day plus morning and afternoon snacks pa kung kumain ng solid food pero malakas pa rin sa milk, mga 3-5 8 oz. bottles a day.  Gradually, as they began to eat more meals consisting of solids, humina ang milk.  Last year, at 3 years old, once or twice a day na lang sila mag-milk.   Now, pahirapan painumin sa milk. I took away the bottle na kasi last December. I just try to fill up their calcium requirements by offering them fish (galunggong is rich in calcium and protein), green leafy vegetables, ice cream (bad, I know).  But ang pedia kasi nila hindi naman sinabing kailangan may milk pa everyday.  Kailangan ko nga ito i-research soon. 

I used to give fruit juice and Yakult.  But these are sweet and might ruin their teeth (am super OC with teeth).  Nawala na kasi ang Fruitini sa market eh.  My tita sent us organic fruit juice from the US, ang brand ay Honest Kids.  We bring that as baon kapag may lakad kami.  But generally, they drink water lang.

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #342 on: May 09, 2011, 11:32:23 am »
gusto ko na din mag fresh milk. pano ko ba gawin yun? parang i-parallel ko yung fresh milk and formula?

yung gym play coupons ba transferrable? benta nyo sa kin (ng mura) yung iba, para kapag may EB maka join kami :)

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #343 on: May 09, 2011, 11:43:14 am »
Weng, sinubukan lang namin at first sa umaga tapos cold yun.  Summer month ko yata in-introduce.  Kung sabagay, hindi rin sanay ang kids ko na niwa-warm pa ang milk.  Noong super liit pa lang sila ganoon pero mga 6 months onwards hindi na kami nagwa-warm ng breast milk.  Ang formula, sa regular temp. na sterilized drinking water (Dr. Edwards) lang tinitimpla. 

Ang advantage pa ng fresh milk, buhos ka na lang.  Wala ng timpla timpla.  Puwede sa bottle or sa sippy cup na.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #344 on: May 09, 2011, 11:48:44 am »
Grayce, ang daming nice talaga. I bought the dress at Details. Meron pa sana ko isang like na dress don kase almost 6k sya, naloka ko so deadma na. I forgot na kung anong brand sya, tabi-tabi kase sila don diba? At ang isa pang nakakaloka eh may tulo sila dun sa store, hinde pala tulo, as in ulan din kase ang lakas, sa may middle part pa ng store.

Tin, I hope you and your family are safe especially Kenzo. Dito din samin bumabaha pero sa labas lang. Isang beses lang pinasok ng bongga ang house, nung Ondoy. Kaya may phobia na din kame sa bagyo at ine-evacuate kagad namin ang mga cars kase yun ang nadali samin last time.

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #345 on: May 09, 2011, 11:59:08 am »
marose..
ang milk nya ay enfragrow a+... when i taste it.. hinde matamis..lasang kalawang ang gatas na yon..basta di sya masarap..
eh sa panlasa ko ang freshmilk eh matamis.. :P i love drinking cowhead.. usually kaya ko umubos ng 1 liter carton in two sittings.. noong buntis ako..iniinom ko yung may omega 3..
ang pineapple juice pinatry ko nung weekend.. isang sip lang ayaw na..naasiman kasi weehhehe.. ako tuloy umubos...

i'll try again na magbigay ng cowhead.. in tetra lang buy ko muna..para di sayang..

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #346 on: May 09, 2011, 12:06:45 pm »
Lia, paano mo siya in-offer?  Sa tetra pack or binuhos mo sa bottle?  Noong una kasi binuhos ko sa bottle. 

Tapos, walang seremonyas.  Hindi ko sila binigyan ng warning na "here baby, try some fresh milk" basta binigay lang.  Noong una, si Marty nanibago, nag-iba ang mukha pero in-offer ko lang ulit.  Si Milo, wala ng paligoy-ligoy pa. ;)  Mas madali talagang pakainin ang second-born kong si Milo than my first-born Marty. :D

Yung pineapple juice, try mo i-mix sa water para hindi gaano maasim.

Oo nga pala, nag-Earth's Best organic fruit juice din ang kids ko noon, yung nasa extra-small tetra packs.  Pati Apple & Eve and Hansen.  Pero namamahalan ako kaya when I discovered Fruitini, nag-Fruitini kami.  Kaso, wala na kong mahanap na Fruitini ngayon. :(  Sabi ng friend ko na taga Del Monte Phil. mahal daw kasi ang Fruitini, it's made by Tipco in Thailand.  Wala raw kasing kaparehong ingredients na local. 

Bumili ako ng Tipco, exactly the same flavor as one of the flavors in Fruitini.  Ayaw ng mga mokong.  Big box kasi ang Tipco na binili ko tapos salin sa baso.  Pero pag Fruitini, nasa small tetra pack kasi siya at may picture pa kaya enjoy sila.

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #347 on: May 09, 2011, 01:01:45 pm »
naka tetra pack lang na small tapos straw..
sige next time isasalin ko sa bote...tsaka kunyari kinakanaw ko pa siguro..kasi pinagmamasdan ako nun kapag gumagawa ng milk eh.. alam nya na bagong kanaw ang milk nya..

we also give her earths best na juice box.. mahal.. pero mas okay kasi di sya matamis.. tipco is also good ibinibigay ko din yan sa kanya kaso palaging wala ng stock sa landmark even sa makati supermarket.. teka ma-try nga sa tropical supermarket baka meron
sometimes nagkakaron ng fruttini sa s&r.. nakabili ako noon ng 2 packs....pero last time na nagpunta kami wala na..

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #348 on: May 09, 2011, 01:16:26 pm »
Grayce, stay put ouchless ponytails, meron. Bumili ako. :)

Maui, well, sa ebay.com sabi vintage ang clips pero meron naman pa sa shopwise na readily available so i guess di naman vintage talaga.  :-\

Ako oblivious sa hangin at ulan kahapon. Unulan kasi pagdating namin sa house tapos nagkulong na kami sa kwarto at nag-aircon so di ko na dinig masyado.

6 months na si b today. Nag-nap, ginising ko ng 1030 kasi maliligo na akp non and get ready for work eh gusto ko na mag-picture with the butter cake para makakain ako bago pumasok. Ayon, serious ang pictures. Ayaw mag-smile. :(

Re fresh milk, gusto ko din talaga mag fresh milk na si b at 1 year old. Sana hindi ako mahirapan sa transition. Pero so far naman, ok siya sa paiba-ibang milk. Ngayon kasi my ebm is not enough for one feeding kasi 60ml/2oz na lang. So pagkaubos niya, follow up na agad ng 60ml/2oz na formula. Di ko alam kung di niya ma-notice ang difference sa taste o talagang ok lang. Similac kasi amly lata/kalawang din. Then we switched to stage 2 milk na din last week nung naubos yung similac. Walang style style sa transition. Basta nung naubos ang similac, sunod ba feeding gain na. May nabasa kasi ako dati sa ibang thread hinahalo ang 2 kinds of formula for "easy" transition daw.

Pero pansin ko lang nas malabnaw ang gain than similac kaya ang bilis niya maubos. Kaya niya 180ml/6oz sa first feeding. 10-12 hours kasi matulog yon sa gabi kaya pag-gising niya gutom na gutom. Her other feedings during the day, 120-150ml lang, di niya maubos ang 180.

Sana when it's time to switch to fresh milk, ganyan din kadali ang transition.

ratacutie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #349 on: May 09, 2011, 01:26:54 pm »
Happy 6th month B!

Belated happy mother's day to all the moms here.

Hindi pa ako nagbaback read. Busy pag weekends (no yaya). At grabe stress ko yesterday sa buhos ng ulan.  We went home early pa from Antipolo to Paranaque via C6...kasagsagan yun ng lakas ng ulan (3:30PM). Dasal lang ako ng dasal ng Memorare.  Buti nakatulog na yung mga bata. Grabe ang baha everywhere.  Dapat bago umuwi, dadaan kami sa pinapagawang house to observe if may baha parts malapit sa amin...hindi man kami maka tuloy kasi sa France pa lang lampas hood ng mga sedan. While naka SUV naman kami, ayaw i-risk ng husband ko kasi kasama namin mga bata.  Umuwi na kamisa house, dami pa ring roads baha, including our street (but hindi umabot sa house namin).  We had to go through a circuitous route to avoid the flooded streets.  By God's grace, naka rating naman kami ng maayos sa house. Grabe. Kala ko Ondoy ulit (although hindi rin kami na-affect ng Ondoy).

Marose - for kids 1-4 years, milk intake should be 24-32 oz. according to the American Academy of Pediatricians.

Problema ko nga ngayon, parang walang gana mag dede si I. Takaw takaw nya dati.  What do you guys do when your kids don't like to drink their milk bigla? Si G, naiintindihan ko, kasi may konting cough now, so no gana din sya.  Pero si I, ewan bakit walang gana.  :(

simplykristine08

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #350 on: May 09, 2011, 01:36:41 pm »
Marose, hindi ko pa sis nababasa yung reply mo. Sorry. Will check later. Baka nakukulitan ka na sakin :(

Pedia asked me kung nag lactose free ba si K dati, and sabi ko yes. Baka kaya nagconclude sya na possibleng ganun? Ngayon palang mapapa urinalysis, if positive, tomorrow kelangan na magpa urine culture.

Enfagrow A+ din ang milk ni K. Few weeks before sya mag 1yo, pinatry ko ng fresh milk, Anchor ang binigay ko. Ayaw nya :( as in halos hindi inuubos ang milk, konting tikim lang then ayaw na. Kaya nagformula ulit ako. Ngayon naka lactose free na muna sya, hindi na sya ulit sumusuka. Buo buong milk ang sinusuka nya before.

Mommies, okay naman na kame. Pero naglilinis pa rin kasi mataas talaga yung tubig. Nung Ondoy hindi kame halos binaha eh. Sana ayos din kayo lahat, mommies.

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #351 on: May 09, 2011, 01:59:31 pm »
Rata, thanks. :)

buti hindi namin naabutan ang baha! Kakapasok namin sa gate nung bumuhis ang malakas na ulan. Nako. Kaya dapat talaga may SUV eh, kahit papano better than a sedan. Eh we decided pa naman not to buy another car muns kasi we want to buy a lot na. Kaya pala pagdaan ko sa france kanina madaking lupa at bato sa gilid. Isip isip ulit.

Luz pala, regarding pediasure. Uhm. Sabi ni hubby kasi though may allotment sila na 1 box per brand per month, dahil kasi humingi daw ang abbot ng sulat from his dad with proof na apo nga si b, parang he's not kampante to buy pediasure din sabay ng pagbili ng gain ni b. I hope you understand. Baka daw kasi masilip or something, mahirap na. Sorry. :(

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #352 on: May 09, 2011, 02:08:15 pm »
hello mommies! belated happy mother's day!

super busy weekend and ngaragers kasi 80th birthday ni MIL nung sat so pagud to the max nung sunday ay 11th month ni V. . kahit masama ang panahon nanood pa din kami ni hubby ng pacqiuao dito lang din malapit samin timog area kaya kahit masama panahon, sugod kami ni hubby :) .. first time ko nanood.. nakakexcite pala pero medyo boring nga yung fight kahapon.. mas maganda sana pag mas maraming action.. hahahha...nagmeet din kami nung gagawa ng damit namin si V sa birthday nya sa June sa may Nagtahan.. my gosh naman talaga ang ulan.. grabe..nakakaloka..

re milk, naka enfapro a+ din si V ngayon, nagasawa na alng sya bigla sa NAN HW nung mag 10 months sya.. so far so good naman pero hindi mataba tingnan si V sakto lang gusto ko sana bachingching heheh.. ayaw naman ni hubby lol.

nagpunta ako ng St. Luke's kanina kasi naman tong backpain ko grabe talaga hindi ko na kaya :( nagpaclearance muna ako sa surgeon kasi naoperahan ako sa gall bladder last year (1 month after giving birth) e malapit sa area na yun masakit.. buti sabi hindi naman daw. yung ortho naman nag reseta ng pang relax ng muscles and pain relievers .. at mag exercise daw ako.. hahahhaa.. kasi weak daw ang back.. nagtanong pa kung san ako nag gygymm. so nag alibi ako na takot pako maggym kasi naoperahan ako.. lol.. pero naggygym naman talga ako on and off lang :( tinatamad lagi :( so ito na next project go back to the gym at mag back exercise galore daw ako.

nagpunta na din ako OB sinulit ko na while i was there :) so PS na din and tinanong ako re cervarix sabi ko nagkadalwang shots lang ako, kasi nagbuntis nako.. sabi nya OK lang daw ituloy sa last dose and no need to start again.. any feedback on this sis? kasi feeling ko naman kelangan ko ulit mag start sa stage 1 :)

nagpunta na din ako sa DR hahaha tinanong ko yung mga records ni baby like footprints, etc dko pa din kasi nakukuha.. ang tagal tagal na.. hindi daw nila mahanap so tatawagan na lang ako.. pag dinerecho daw kasi sa NICU at may dextrose na si baby mahirap kunin footprints so check pa nila sa records section.. sana naman mahanap nila yun.

it's good na OK na kayo tin :) just like lisa, dko masyado napansin na bagyo pag sa bahay kasi nakakulong na.. pero nung nasa daan kami.. ang lakas nga :(

hi rata, ilang months/yrs na si I?


liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #353 on: May 09, 2011, 02:15:39 pm »
jai..
if you dont mind me asking... bakit tinanggal gall bladder mo.. na-infect na ba sya? may stones ka ba noon? di ka hirap ngayon? or iwas fatty/oily food ka ngayon?

si hubby kasi meron polyps pa lang..pag nag over eat sumasakit ang likod..fatty liver pa.  2009 sya na diagnose with polyps.. gusto ko na ipatanggal kasi may health card naman kami kaso ayaw ni dr. ona that time eh ngayon parang madalas sumakit.. kaso everytime papa check up kami di naman nya kino-=complain sa doctor.. nabubwiset na nga ako eh..

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #354 on: May 09, 2011, 02:44:21 pm »
hi lia.

dahil sa gallstones ko na unang na diagnose nung 23 yo ako, that time gusto na nung surgeon operahan.. sabi ko wag muna maliit pa naman.. hanggang sa pabalik balik ako sa ER pag sumasakit.. kala ko din hyperacidity hanggang yun nga last year, hindi ko na talga kaya, na ER ulit at sabi nung Dr, (same doctor ito kaya natawa ako) hanggat hidni ko daw pinapanggal ang bato babalik at babalik ako sa kanya para sa pain killers..at mas delikado pag aantayin ko pa na bumara yung bato.. so ayun nagdecide na kami ni hubby na magpaopera.. we opted for the laser ba yun kaya maliliit lang hiwa.. ang hirap that time kasi naglalactate pako.. ang sakit sa dibdib :(

ang tagal ko sa OR.. sabi mga 1-2 hours lang.. pero inabot ako 6 hours.. kasi maga na daw gallbladder.. kaya i suggest na wag an antayin na mamaga ng sobra kasi mas mahirap tanggalin.

after ko maoperahan parang humina yung pangtunaw ko, pag kakain ako ng super fatty foods, asahan ko na after few hours, ilalabas ko na kagad.. haha... pero other than that, ok naman :) feeling normal pa din ako :)

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #355 on: May 09, 2011, 02:55:40 pm »
thanks jai..
si hubby kasi chicken magpa-opera eh.. :P
yun din ang suggestion nung doc sa asian nung tinakbo namin sya doon nung 2009.. kaso si f-inlaw hinde trusted ang doc doon kaya nilipat namin sa sa NKI.. doc kasi ni f-inlaw si dr. ona.. eh sabi ni dr. ona wag muna kasi bata pa sya tsaka polyp pa lang at hinde pa bata.. noong 2010 pag ultrasound sa kanya polyp pa rin pero dumami..
hinde kumakain ng taba si hubby, hinde mahilig sa salty food, hinde rin kumakain ng gulay, hinde  umiinom ng alcoholic drinks, nor does he smoke..pagkain lang talaga ang bisyo nya..

gusto ko na pa-operahan sya.. laparascopy ba yung ginawa sa iyo?

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #356 on: May 09, 2011, 03:01:16 pm »
yes. yung nga laparoscopy.. they did 3 insertions.. then yung pang apat ay para sa excess blood kung may lalabas man para iwas clot.. sa gallstones pala ako magkakahiwa sa tyan hindi sa panganganak.. hahahah...

kung ayaw pa ni dr. ona, baka hindi pa din kelangan.. sabi nga nila, iba pa din kasi pag complete pa yung organs mo  ;D

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #357 on: May 09, 2011, 03:09:41 pm »
Jai, Gardasil ang brand ng HPV vax ko eh. Listen to your OB na lang.  She knows best. :)

Laparoscopy ba ang ginawa sa iyo?

My mom had kidney stones and she had one kidney removed in 2001.  Naka-maintenance meds siya kasi prone talaga siya magkaroon ng stones tapos ingat sa diet.  Daming bawal na pagkain.

Maussie, re milk intake, my gulay!  Bagsak ang mga anak ko.  I need to work on this.  Nag-preliminary research na ako re calcium requirements of a four year-old.  Kailangan nga mag-milk.  Mabuti at mahilig sa cheese ang mga bata.

liyapot

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #358 on: May 09, 2011, 03:19:21 pm »
ay jai..
ako, cervarix and hpv vax ko..same thing ng nangyari sa iyo.. naka 2nd dose ako ng hpv vax tapos biglang nabuntis ako (dapat march ang 3rd dose ko eh feb buntis na ako).. noong una sabi ng ob ko baka back to zero ako (at that time P6000+ pa ang isang shot) so sabi ko walang magagawa kasi unexpected nabuntis kami... so ayun.. pero during the course of my pregnancy kasi nag tanong tanong yung ob ko pwede naman daw na after manganak yung 3rd shot mo.. basta within 1 year daw nung last shot mo effective pa din ang vaccine.
so ayun ang explanation sa akin..so 2 or 3 weeks after giving birth nung check up ko na sa OB binigyan na ako ng last shot ng HPV vax ko.. so far di pa ako nakakabalik sa OB ko..

sachism

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 8
« Reply #359 on: May 09, 2011, 03:58:28 pm »
thanks. pero balak ko sa office kunin kasi 2,000 lang.. kay OB kasi 2,500.

re gymboree, bumili din ako nung coupon :) pwede pala mag trial class? :)  may nakapagtry na ba ng trinoma or shang or rockwell (meron ba)?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close