Tin, sa may Scout area ang Estrel's. Malapit sa St. Mary's na school. QC as usual.
Hindi ako mahilig sa sans rival, pero alam ko rin kung saan ang Betty's. Basta pagkain, alam ko LOL.

Grayce, sa El Nido (Lagen resort) kami nag-honeymoon ni hubs. Pang-honeymoon talaga! Walang tv sa rooms.
Sa Chocolate Kiss, gusto ko din aside from the devil's food cake, yung Kahlua butter cake. Sarap! Noong unang nagbukas iyan sa UP, nasa law school pa ko. Halos every day, kumakain kami diyan. Nakakain na rin ako sa Morato branch nila.
Speaking of T. Morato, if you like cheesecakes, masarap ang cheesecake sa Taste of L.A. Marami din restos along T. Morato and the side streets. Ang latest kong napuntahan is Cerchio.
Lisa, re teething, mga kids ko nag-erupt ang first tooth nila when they were 11 months old yata. Naku, hindi ko na-record.
My gulay, ang baby book ng mga kids ko na nakatago sa box, yellow na ang pages. At wala pang entries!
Maussie, I love Classic Confections! Sarap ng kape doon (Illy). Masarap ang Nono's chocolate oblivion at lemon torte, pati ang butter cookies and almond crunch. Happy place ko yun. Kapag sad or stressed ako, I'd go to CC and have dessert and coffee, minsan kahit mag-isa lang ako okay na ko doon.
My officemate is Baba Ibazeta's cousin. I also inquired sa kanya for my wedding cake. Kaso, December at hindi na niya kaya isingit sa sked niya ang cake. Sa Bizu naman ako nagpagawa ng wedding cake, yung strawberry shortcake. Noong binyag ng twins, sa Bizu kami kumuha ng dessert buffet. Simot!

Nasa Greenbelt 5 ang Classic Confections kaya accessible sa mga taga-South.
Lisa again, mag-oorder nga ako ng custaroons para sa birthday ng kids.
Hay, dami kong work, maghahabol ako sa party planning. Next month na kaya.