watch now

Author Topic: Nakakapanghihinayang.  (Read 9492 times)

BacMook

  • Guest
Nakakapanghihinayang.
« on: May 02, 2011, 05:16:20 pm »
Hay.. Gusto ko lang magkwento. Hehe. Wala kasi ako makausap.

Okay, I had a bf, too bad kasi naka-2months lang kami (yeah, suki ako ng short term relationships).  :-\
Halos mag-2weeks na kaming break.

Nag-away lang kami. Inaway ko sya, maliit na bagay lang. Pero halos nadadalas din kasi.
Tapos magmonthsary pa kami nung last na inaway ko sya. Simula nun pinaparamdam na nya saken na wala sya sa mood. 2days na ganun. Pero nagkita kami after 2days ng away, he said okay na sya pero paguwi nya wala eh, balik pa rin sa dating matumal na text. Kaya nagsuggest ako na sabi ko tama na, pahinga muna tayo. Kasi nahihirapan din naman ako diba. Hindi ko na sya makausap ng ayos, tulad nung dati. Although kasalanan ko, pero hello? Hanggang kelan ba nya balak pahupa-in yung sama ng loob nya, diba?

Wala na kong balita sa kanya ngaun. Kasi hindi na sya nagpaparamdam, kahit kamusta man lang wala e. Gustong-gustong-gusto ko makipag-usap sa kanya ng personal, kahit sabihin na naten na last usap na namin yun, basta gusto ko magkita kami ulit. Magkabalikan man o hinde. Kasi gusto ko tignan sya sa mga mata nya, feeling ko dun ko malalaman kung talaga bang hindi na nya ko mahal at kung talaga bang wala nang pag-asa.

Pero siguro hindi na kelangan, kasi obvious naman na eh.
Hindi nya ko pinigilan nung time na nagdrama at nagpaalam na ko sa kanya. Thru text pa din kasi hindi naman nya sinasagot calls ko nung gabing yun. Kinabukasan na sya nagreply, tulog na daw sya nun at nawalan ng load. Ewan ko kung totoo or alibi.

I mean, ang point ko lang kung mahal nya talaga ko, hindi naman sya agad-agad aayaw kung sakali mang nakita nya yung "bratt side" ko.

Nung time na pinapakita ko sa kanya na gusto ko pang maayos.. Sabi nya pati din daw sya hindi nya maintindihan sarili nya. Feeling daw nya hindi na kami magiging masaya pag naging kami ulit.
Magkikita pa rin naman daw kami and pupuntahan parin nya ko, we can be bestfriends daw. (KALOKOHAN!)

Pero ang hindi ko lang talaga maintindihan bakit biglaan? Samantalang ramdam ko naman na mahal na mahal nya ko before kami mag-away. Actually inaamo na nga nya ko nun eh, kasi ayaw na nya palakihin. Ganun sya everytime. Pero ako lang tong matigas at gusto pa rin makipag away, siguro nakukulangan lang din ako sa lambing nya.

Sya lang yung lalaking nagbigay ng ganung affection saken. Sya lang yung lalaking iniyakan ko ng ganto. Siguro nga talagang na-fall out of love nalang sya saken. Hay, ang bilis ng pangyayari. Kung kaya ko lang ibalik, sana hindi ko na sya inaway nun. De sana nakapagcelebrate pa kami ng 2nd monthsary namin together!

Gusto ko pa rin sya :( Kasi madami akong pinagsisisihan simula nung naghiwalay kami.
Parang wala akong nagawa para sa kanya. Parang puro sya na lang.  :-\ Sobrang nanghihinayang ako kasi okay na kami sa family ng isa't isa. In fact yung sister nya nga nagtext pa nung isang araw kasi gusto daw nyang magkaayos pa kami, kasi gusto ako ng family nya.

First time ko din magpakilala ng BF sa dad ko, and thank God coz it turned out okay. Kaya sobrang hinayang talaga nararamdaman ko. First time ko din nasabi sa sarili ko na "I think it's gonna last." Kasi puro short term nga lang naging ex's ko diba.

Good catch na kasi sya eh :( Boyfriend material talaga. Kaya lagi ko sinasabi kay GOD na sana bigyan nya pa ko ng 2nd chance to be with this guy, and I promise to be good na. I promise to let him be the center of our relationship para everything will fall into their right places.

Sana anytime soon, contact-in nya ko. :)
Yun lang happy na ko..

princess27

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #1 on: May 02, 2011, 07:33:29 pm »
HI sis,

Nakakarelate ako sa post mo.  Kase naman, mahirap talaga pag may pinanghihinayangan kang alam mong nagkulang ka kaya yung isa sanang magiging napakagandang relasyon ay napurnada dahil sa pagiging brat mo.  Naging sobrang maldita rin kase ako dun sa past relationship ko (my first love).  Siguro, use your memories in order to better your self when you get in a new relationsip na lang. Ganun kase ang ginawa ko. Hmm.... in my case, though I want to ask him for a second chance, I don't think that it would ever be the same...

Goodluck sis, hope you would feel better na....

krnmprl

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #2 on: May 02, 2011, 07:36:55 pm »
ambilis naman nyang umayaw. wala na yun te. hanap kang iba. plenty other fish in the sea.

BacMook

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #3 on: May 02, 2011, 08:48:10 pm »
Thanks girls.


Haay sisters. As much as I want na kalimutan nalang sya, di ko pa rin magawa.
I always ended up praying and hoping parin na sana bigyan pa ko ni God ng 2nd chance.
I know nothing's impossible with God, prayer ko nga tonight na sana ipanaginip nya saken kung ano yung gusto nyang gawin ko para lang pagkatiwalaan nya ulit ako and bigyan pa ng chance.

Suguro kapag nagkabalikan kami, hindi ko na sya papakawalan. Sya na siguro yung gusto ko maging asawa  :-X Namimiss ko na sobra yung love and affection na binibigay nya saken.

Actually ngayon there's this guy na nasa getting-to-know each other stage kami.
He's nice. Alam nya rin yung about sa ex ko kasi isa sya sa mga kinekwentuhan ko nung time na kelangan ko ng kausap. Actually nuon palang pinupursue na ko nitong guy na to. Pero siempre I always say NO to him kasi love ko bf ko.

Prayer ko lang din na sana kung sakali mang babalik si ex (kung sakali lang naman), sana sya pa rin yung love ko. Kasi ang ironic kung babalik sya tapos may love na kong iba :(

Tama si sis princess, ang hirap kapag may regrets.. :-\

wanderlustnix

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #4 on: May 02, 2011, 09:11:48 pm »
i don't think he's coming back sis...

please remember this... as in i'm telling you... totoo ito. bear this in mind, every time you meet a guy you like...

if he wants you, he'll let you know... ASAP. no excuses, no delays...
ang lalake, pag gusto ka... gusto ka. walang paligoy-ligoy... walang excuses... paparamdam niya yun sa'yo. at pagpipilitan niya ng husto ang sarili niya para maging bf mo.

i know this hurts... but in this case, i think yung ex mo... it's either ayaw na niya sa'yo or may iba na siya. sorry... kasi kung gusto ka niya maging kahit kaibigan man lang, he'd make an effort. pero parang wala ka nang naririnig from him. dapat ndi ikaw gumawa ng move... dapat siya. kasi dun mo mapapatunayan kung talagang gusto ka niya or ndi.

i suggest you move on... find a man who'll love and appreciate you. meron yan... lahat ng babae natatakot na baka pag nakipag-hiwalay sa bf, ndi na makakahanap ng magmamahal sakanya. pero trust me... meron. merong lalakeng mamahalin ka ng buong-buo at ndi ka iiwan sa ere. promise.

ReservoirDogs

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #5 on: May 03, 2011, 11:16:06 am »
I agree with sis wanderlust, if ayaw na ng guy, ayaw na talaga nila, whether you've been together for a long/short time. Naalala ko yung situation mo sa nangyari sa amin ng ex ko.  Away din kami ng away (but the reason was different 'coz he was lying and he cheated on me), until nagsawa na yung ex ko sa mga away.  He did not bother texting or calling me for a week.  Until I decided to break up with him kasi ano ba namang klaseng relationship yun.  I thought hahabulin nya ako, but unfortunately he had another gf na.

Anyway, guys like uncomplicated relationships, while girls like to overcomplicate stuff, lol.  As much as possible, if may mga maliliit na bagay na pwede palagpasin, wag na mang-away para di lumaki ang problem.  Mga babae kasi every little detail hindi pinalalagpas, syempre it takes toll on guys too. 

I wish you luck sis.  If he ever comes back, just remember to let get go of little things.

BacMook

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #6 on: May 03, 2011, 12:05:30 pm »
Thanks sisters :)

I totally agree with u girls.

Ako din yung tipong nang-aaway kapag nakukulangan ako or naghahanap ako ng lambing. Siguro nasa genes na ng mga babae yun. While yung mga lalaki naman, yes, ayaw nila ng puro away. As much as possible gusto nila puro good vibes lang.

And yeah, alam ko namang hindi na sya babalik. Sobra lang din kasi siguro akong naging attached sa kanya, so talagang nalulungkot ako everytime naiisip ko sya at naiisip ko yung moments namin together.

And here comes a guy na nagpapasmile saken ngayon. I know it's unfair to compare him with my ex, pero minsan di ko talaga ma-avoid.  :-X

Like, yung bf ko student palang so palaging on-the-go, palagi ako sinusundo dito sa bahay after school or pag walang pasok. Samantalang itong si new guy, busy sa work. Feeling ko pag naging kami, once a week na pinakamadalas na pagkikita namen.

Ayoko pa naman yung feeling na may bf ka nga pero parang wala naman kasi busy sya or wala syang time :( Gusto ko palagi kong nakakasama, at least 2 to 3x per week. Hehe.

ReservoirDogs

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #7 on: May 03, 2011, 01:59:47 pm »
Ako rin sis, ganyan minsan. Nang-aayaw pag naiinsecure, lol.  Pero I try to be mature now that I'm in a different relationship.  Pag naiinis ako, I try to talk to my fiance why I'm annoyed.  Explain muna ako para maintindihan where I'm coming from.  Mga lalaki kasi they can't decipher subtle clues, kailangan ipukpok sa kukote bago maintindihan, lol.  Pero kapag sobrang inis, chaka ko ginagawa ang deadly silent treatment.

Re: sa new boylet mo, good luck sis! :)  If your problem is yung schedule, well you can spend weekends naman siguro together, di ba? 2x a week din naman yun, lol.  Or you guys can meet near his workplace para kahit sandaling oras lang eh makasama mo sya. :) Unless, studyante ka pa?

BacMook

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #8 on: May 03, 2011, 02:32:34 pm »
LOL. Very true!  :)

Thanks sis!
Looking forward to know this guy more :)
Sana maging maayos na.. Jusko. Ayoko na magpaiba-iba ng boyfriend.
Sana naman may mag-tagal na. MAY MALI BA SAKEN?  ;D Tsk.

Yah, for sure meron, kaya ang dapat kong hanapin is yung kayang i-embrace at punan yung mga pagkukulang na meron ako  :)

BacMook

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #9 on: May 05, 2011, 07:43:48 pm »
Mga sis. Kinokontak nya ko ulit. Di ko alam dapat kong gawin at maramdaman.
I need your advices  :(

isobel

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #10 on: May 06, 2011, 10:12:16 pm »
baka na-turn-off. frankly, who'd want to be with someone na nang-aaway parati over petty things? nakakapagod naman.

now that he has contacted you again, if you want to get back together with him, just remember that it takes two to make a relationship work.

princess27

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #11 on: May 07, 2011, 06:17:57 pm »
wow sis macbook, [textspeak!] kinontak ka nya ulit?
kinilig naman ako sayo bigla, yey!!!
kwento mo update mo kame sis ha.

basta wag kang masyadong pahalata na headoverheels ka pa rin sa kanya, just a piece of advice lang naman. hay...since love mo naman talaga sya, i hope that he also loves you still, enough to work on getting you back. goodluck! ;)

BacMook

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #12 on: May 09, 2011, 03:02:42 pm »
sis isobel, yep sis naturn-off nga siguro sa ugali ko  :( sabi rin kasi ng sister nya that my ex needs extra understanding and patience because deprived sya sa affection ng isang babae since lumaki sya na wala mommy nya sa tabi nya.

sis princess hehe, kaso sis mukang hindi naman makikipagbalikan eh :-\

False alarm yata mga sis eh  :( Parang miss nya lang talaga ko and gusto lang nya ko makita. Pero parang wala na sya talagang planong makipagbalikan. Kasi nung tumawag sya di naman nya binanggit na he wants me back. Panay i missyou and i love you lang sya. Tapos tinatawag pa din nya ko sa tawagan namin.

Tapos nagkatext kami yesterday. Sabi nya bakit daw nung tumawag sya parang ayaw ko makipagkita, I told him na feeling ko kasi hindi ka sincere sa sinasabi mo that time eh.
And he responded na, "why naman, gusto lang naman kita makita."

Sabi ko nalang sa sarili ko, aah okay, yun lang pala gusto nya.
Expected ko kasi makikipagkita sya para makipagbalikan. A little disappointed here.  :-X

Then kinamusta ko his lovelife, sabi nya wala daw talaga sasabihin naman daw nya kung meron.
How about mine daw, may manliligaw na raw ba ko. Sabi ko friends lang.

He keeps on asking kung sino daw. Imposible daw na friends lang, for sure may something na raw.
Sabi nya bakit daw ang bilis ko naman daw magdecide magpaligaw. And he asked me kung masaya raw ba ko dun sa new guy. I keep on saying na friends nga lang kami.

Haay ano kaya naging dating ko sa kanya nung nagka clue sya ng ganun? Baka iniisip nun na pinalitan ko agad sya. Tingin niyo mga sis?  ??? Okay lang ba yun?

princess27

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #13 on: May 09, 2011, 08:38:40 pm »
he still loves you, he misses you, kung anuman ang sinabi nya, maybe, sincere naman talaga sya sa sinasabi nya.

does he want you back?yun nga lang, wala syang sinabing ganon diba?pero andon ang parang pagiging possessive nya sayo diba?

hmm...kung ako yan, settled na lang ako sa kung ano ang gusto nyang ibigay sa ngyon...kase alam mo naman na ikaw ang may fault sa pagkakahiwalay niyo diba?gusto mo ba na mawala sya sayo? or wouldn't it be better na maging friends ulit kayo, and maybe, start it from there. show him na nakita mo kung ano ang mga naging mali mo without appearing na ikaw ang naghahabol diba, anyways, nauna naman syang nag-approach e. 

wala namang mawawala diba kung tatanggapin mo kung ano ang gusto nyang sitwasyon or kung ano ang gusto nyang maging kayo diba? baka he also is not yet ready to let you go. and for the moment, gusto mo pa bang mag-inarte?haha, joke lang.

just do what your heart tells you. yun ang magsasabi kung ano ang tama mong gawin.... ;)

BacMook

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #14 on: May 10, 2011, 12:53:12 am »
Haha natawa ko dun sa 'mag-iinarte ka pa ba?'
Of course, not!  ;D Actually naisip ko na rin yan sis. All this time ako naman talaga yung gustong-gusto na magkabalikan kami, bat pa ko magiinarte diba. Haha. Di ko na rin naman kasi ineexpect na magpaparamdam pa sya so nagulat din talaga ko na out of nowhere bigla bigla syang tatawag at mag-iiloveyou, telling me na namimiss nya na ko. Pero syempre kahit naguguluhan ako sa dapat kong maramdaman that time, I know there's a part of me na kinilig at nakatanaw ng liwanag. LOL.

Yup, siguro namimiss lang talaga nya ko and yung pagiiloveyou nya naman siguro dahil kahit papano baka naman may natitira pa din syang feelings for me, not enough nga lang din siguro for him to feel the urge na balikan ako.

About him being not ready to let me go yet, I don't think so. Siguro kahit sino namang ex ganun ang mararamdaman at magiging reaction kapag nalaman mong meron agad umaaligid sa ex mo after ng break-up niyo just 3 weeks ago.

Although I deleted him sa facebook ko, I just found out na naka-add naman pala saken yung girl na pinaghihinalaan kong pine-pursue nya or type nya. Sabi nya friends lang daw sila. Kung dun sa part ng babae siguro oo, hanggang friend lang turing sa kanya. Pero sya hindi eh, kasi kapag nakikita ko mga wallpost nya dun sa girl halatang may something special sya for this so-called FRIEND.

Who knows, baka mamaya madevelop na rin si girl sa kanya, yun pa eh matinik manligaw yun. Hay, namiss ko tuloy nung nanliligaw palang sya saken. Namimiss ko yung feeling na he's crazy over me pa, na ako pa yung nakakapagpasaya sa kanya, na kuntento pa sya saken.  :( Tsk, hano ba yan.

I think they have all the chance na palagi magkita dahil barkada na sila nuon pa eh, siguro they hang out madalas since madami silang common friends coz they live in the same town. Tapos I found out kakagaling lang din sa break up ni girl. Though nakikita ko naman na love pa rin ni girl yung ex nya based sa mga pinagpopopost nya sa FB. Hay, ang hiwaga nga naman ng facebook, tsk. Nagawa ko tuloy mag-stalk nang di oras. LOL.

Nakakaselos, oo. Pero di ko talaga mapigilan tignan profile ni girl eh. Di ko naman din ma-delete kasi baka sabihin pati sa kanya bitter ako. And for me, labas naman sya dito, the battle is between me and my ex lang naman e, hehe.

Minsan I feel okay na rin naman without him. Kaya ko nang harapin yung truth na tapos na nga talaga lahat saming dalawa. Though at times, namimiss ko parin talaga everything about him, naiisp ko pa rin na sana ako nalang ulit, sana ako pa rin. (wow, basha at popoy?)

And maybe one day, kapag kumatok sya sa pinto ko at nakipagbalikan, at kung mahal ko parin sya, tatanggapin ko sya.  :) Haaaay, love, why are you like that? Hehe. Ang baduy talaga ng love, che!

Sorry mga sis, kung masyadong mahahaba post ko. Wala kasi akong napapaglabasan ng mga to eh, dito ko lang binubuhos lahat. Very thankful talaga ko na may mga sis tayo dito na nageeffort magreply  :) Very much appreciated! God bless everyone.

BacMook

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #15 on: May 16, 2011, 07:58:10 pm »
UPDATE: Nagkita kami 3days ago  :-X Sweet pa rin sya sakin. Everytime he's trying to hold my hand, inaalis ko. He keeps on asking "why? di mo na ba ko love? may iba ka na ba?"

I always answer "wala kaya" with a smiling face  :D

Sinasabi nya love pa din nya ko.
Iniintay ko naman mag-open up sya about us being together again, na makipagbalikan sya, pero wala  :) Wala ako narinig na ganun from him.

After nun, di na ulit kami nagkausap or kahit text.

Naguguluhan ako  :( Ano dapat kong gawin?

Msfi

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #16 on: May 16, 2011, 10:49:38 pm »
You still want him, right?

If I were you and I still want us to get back together, then I'll be very honest with him.  I'll tell i still love him and will want to have him back.  But will also tell him that if he doesn't want us to get back together again, I'll ask him to help me.  Help me forget about him and help me move on by letting me go at wag na akong paasahin.  Kasi yun ang mararamdaman ko pag andyan pa sya, and will still tell me he still loves me.

BacMook

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #17 on: May 17, 2011, 11:15:30 am »
^ Hi sis. Yun din balak ko next time na magkita kami (kung may next time pa). Balak ko na maging honest about my feelings, sasabihin ko sa kanya lahat lahat. That I still love and care for him. That there's not even a single day na hindi ko sya naiisip. That I still want him back  :(

Pero I don't think he feels the same way, too. Baka i-reject lang nya ko. Kasi kung gusto naman nya makipagbalikan, sana nuon pa.  :(

Hirap naman ng ganto. Tsk.

angelme888

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #18 on: May 17, 2011, 03:13:01 pm »
I can also relate to your story sis. Kami nga one month lang. Super ok din kami, tapos saktong monthsary namin, nakipaghiwalay siya. Para sa akin, hindi totoo yun bestfriend na yan. You can never be bestfriend to someone you have feelings with at kung wala pa kayong closure, mahirap yan. Move on girl, it's obvious na ayaw na niya kasi wala siyang ginawang way para man lang kayo makapag-ayos. There are many things na pwede niyang gawin pero wala siyang ginawa diba? So be it. May mas deserving pa na tao para sayo.

Wag kang malungkot kung nag-break kayo ng bf/gf mo. Bakit? Kasi hindi ginawa ang break -up para masaktan ka at umiyak. Ginawa ito para ilayo ka sa maling tao na akala mo totoo.

BacMook

  • Guest
Re: Nakakapanghihinayang.
« Reply #19 on: May 17, 2011, 04:19:10 pm »
^ Aww.  :( You're right. Pwedeng pwede nya sabihin agad sakin yun kung gusto nya, pero wala eh.

Anong reason naman ng break-up niyo sis?

Pero tama din si sis Msfi, I'll just be honest to him about my feelings the next time na magkita kami ulit, bahala na kung saan man mapatungo yung mapapagusapan namin. At least may ginawa ako about it. Para na rin siguro wala akong "WHAT IFs".
Kasi sobrang naguguluhan ako everytime he tells me he still loves me and yet he doesn't do anything naman to have me back. :( Parang ang labo lang din diba.
« Last Edit: May 17, 2011, 04:21:43 pm by BacMook »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close