watch now

Author Topic: vietnam guide thread 3  (Read 97342 times)

yby2476

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #400 on: October 12, 2011, 02:11:51 pm »
i guess, na-curious kami, kasi may jollibee sa asia...alam niyo yun...kasi diba sa states may jollibee...so natuwa kami nung nalaman namin na may jollibee...ang kainis siyempre di alam ng mga vietnamese ang jollibee, kasi si chanh, kaya windang siya nung nagtatanong kami kung san banda yung jollibee dun...:-) hinde ko masasabi na pareho, kasi iba rin yung jollibee products nila...mas maanghang yata...at wala sila yung famous spag ng jollibee yata...di ko na matandaan, basta nung nakita namin, ang dami naming inorder sa sobrang pagod...:-) ang gusto ko lang, may mga vegetables yata sila...oo parang ganun nga, compared mo sa jollibee dito...

regarding vietnamese food, hay naku sis, kumain ka ng pho ha? kahit yung sa mga tabi-tabi nila...yung parang mga carinderia nila, hay malinis yung mga yun...at sobrang sarap...yung sister ko, di mo mapapakain sa mga tabi-tabi yan dito sa pinas, pero nung nasa vietnam kami, kumain sa tabi-tabi...:-)

scrapbookjunkie

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #401 on: October 12, 2011, 03:07:45 pm »
LOL! eh baket nga ba kayo todo hanap sa jollibee, sis? nacurious lang ba kayo and you want to find out if it tastes the same as in Manila? or nagsawa ba kayo sa Vietnamese food? or bigla lang kayo nag crave while in HCMC?  ;D

ewan ko. akala kasi namin pinoy ang staff sa jollibee so mas madaling tanungan, yun pala lahat Vietnamese! hahaha  dito nga sa Manila, McDonald's kami, na curious lang kay Jollibee sa HCM!

fruityp0p

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #402 on: October 12, 2011, 09:49:39 pm »
mga sis ano ang mas shorter ang biyahe thailand-vietnam o thailand-cambodia? iniisip kasi namin ni bf yung 3 sana yung puntahan kaya lang parang nakakapagod na. we tried kasi dati KL-SG almost 2 weeks,  pero ngayon gusto namin medyo relax at hindi kami masyado maghahabol sa time :)

Gladz31842

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #403 on: October 12, 2011, 10:06:34 pm »
oh please ingat sa pagkain lalo na sa tabi-tabi. super ZERO hygiene sila dito and rampant ang hepa. normal lang sa kanila picking nose dito anywhere, anytime...minsan may nakita kami nagtitinda ng food, yong ginamit nya spoon pangkain is same spoon na ginagamit pangserve pag may bumibili! minsan naman sisinga then punas sa damit then balik sa paggawa ng food...ganun lang...

barefoot_taka

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #404 on: October 13, 2011, 01:26:51 am »
Ang natantaan ko, they serve AM and afternoon snacks sa bus. And prepare for non-stop Vietnamese and Cambodian karaoke on board!


sis mekong express ba sinakyan nyo? mekong express din kami but we only had 1 snack. ang daya naman nila! yung snack pagka-alis ng bus sa terminal yun na yun snack wala ng iba...ay teka! baka may memory gap lang ako when hubby calls i'll ask him nga.

southpaw

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #405 on: October 13, 2011, 01:59:44 am »
^Interesting yun Jollibee story nyo, blood sistahs! :D Im based in the Middle East and yun Jollibee dito, puro Pinoy ang staff, pero hindi masarap. Yun chicken joy nila ibang iba ang lasa, pati yun palabok. Nakaka-curious nga rin makita kung ano menu ng Jollibee nila sa Saigon.

Sis gladz31842, ganun ba? Ako pa naman whenever I travel lagi ako kumakain ng streetfoods talaga. I'll check na lang muna yun itsura ng pagseserve and ng nagtitinda before buying. LOL!

Sis barefoot_taka, ano yun sinerve na snacks sa Mekong bus? Naaalala nyo?

yby2476

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #406 on: October 13, 2011, 09:42:46 am »
oh please ingat sa pagkain lalo na sa tabi-tabi. super ZERO hygiene sila dito and rampant ang hepa. normal lang sa kanila picking nose dito anywhere, anytime...minsan may nakita kami nagtitinda ng food, yong ginamit nya spoon pangkain is same spoon na ginagamit pangserve pag may bumibili! minsan naman sisinga then punas sa damit then balik sa paggawa ng food...ganun lang...
-sis gladz, kunsabagay, may point ka rin...kailangan careful na lang...buti nung kumain kami sa tabi, eh di naman sumakit yung tiyan namin...:-)

sis mekong express ba sinakyan nyo? mekong express din kami but we only had 1 snack. ang daya naman nila! yung snack pagka-alis ng bus sa terminal yun na yun snack wala ng iba...ay teka! baka may memory gap lang ako when hubby calls i'll ask him nga.
-sis, ang pagkaka-alam ko din, 2 snacks yun...teka tingnan ko nga sa fb pictures namin...:-) kasi kinuhanan ko ng pictures yun eh...ang sarap ng meryenda...:-)


Gladz31842

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #407 on: October 13, 2011, 07:43:39 pm »
^yes sis ingat please. Pero [textspeak!] ang sarap talaga ng food nila no? We had a helper na local or awhile mga 3 months and ginawa namin syang cook since dalawa naman sila tapos anbgsling pa magluto, grabe ang sarap naman talaga ng food nila. Taga probinsya pa man din :)

yby2476

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #408 on: October 14, 2011, 08:37:10 pm »
yes,masarap nga ang food nila no? kasi kami mahilig kami sa mga gulay-gulay, kaya at home kami sa foods ng vietnam...

barefoot_taka

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #409 on: October 14, 2011, 10:09:49 pm »
Sis barefoot_taka, ano yun sinerve na snacks sa Mekong bus? Naaalala nyo?

bread/pastry and water. lagi naman bread. basta nasarapan ako dun sa donut and bread nung byaheng HCMC to PP namin.  :)



-sis, ang pagkaka-alam ko din, 2 snacks yun...teka tingnan ko nga sa fb pictures namin...:-) kasi kinuhanan ko ng pictures yun eh...ang sarap ng meryenda...:-)

2 nga meryenda for our SR to HCMC trip.
1 meryenda lang HCMC to PP and the next day when we went naman to SR from PP 1 snack uli.  ;)

southpaw

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #410 on: October 16, 2011, 01:26:24 am »
Do these buses have comfort rooms? If not, do they make stops to terminals and do they have clean washrooms?

barefoot_taka

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #411 on: October 16, 2011, 01:42:04 am »
^mekong express may toilet. ewan ko lang other bus companies

yby2476

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #412 on: October 16, 2011, 11:43:34 am »
^^yes sis, may comfort room, malinis naman...pero may mga stop-over naman...sa border, magi-stop so, dun pwede kang mag-cr, malinis ang cr naman nila...then pagkakain na after the border yata ito, may cr din, yun malinis din yung cr nila...then there will be another break, before dinner yata, sa isang parang resto ulit...ito medyo di malinis yung cr, kasi maraming gumagamit...pero carry pa rin...

southpaw

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #413 on: October 17, 2011, 12:54:22 am »
follow up question ulit, sisses... what time is the earliest departure time of Mekong from Siem Reap to Ho Chi Minh? As early as 6 am may byahe na ba?

yby2476

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #414 on: October 17, 2011, 10:36:33 am »
^di ako sure sis, pero nung umalis kami ng siem reap,parang hinabol namin yung 7am or 8am yata na bus, basta maaga kami nagising, at hinabol namin yung buffet ng hotel namin, sayang naman kasi...:-)  kasi nung nasa HCM kami maaga yung alis, mga 7am nga yata...kasi di na kami nakapag-breakfast nun, pinadala ni chanh yung breakfast namin eh...:-)

foruiz

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #415 on: October 17, 2011, 05:32:24 pm »
here are previous posts from the old threads on Foreign Exchange

From Gladz31842:

medyo mataas palitan ng usd ngayon umaabot ng VND 20,400 to USD 1. Doon kayo magpapalit sa nguyen Hue st yong NO. 59 Foreign Exchange nasa loob siya ng TIC (Tourist Information Center) tapat siya ng Tax Center (Thuong [textspeak!] tax) along Nguen Hue...halos nasa corner na siya ng Nguyen Hue towards Le Loi St. Meron naman street names.

From forever:

^ hello po, I stayed in Vietnam for 4 days, Ok ang Hotel ko which is Oscar Hotel, pero ang mas ok is malapit lang sya sa Best money changer he he he, #22 Le loi st.,pinakamataas ng exchange rate nila!

From mariela:
sis, money changer in airport still open till midnight.Just change what you need for your Taxi, $10 is ok, exchange rate in airport is not a good deal. I highly recommend Jewelry store in Le loi steet in Ho chi minh, they will give you the highest exchange rate compared to banks and other money changer. Just bring $100 or $50 bill.

cinnamoroll

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #416 on: October 17, 2011, 08:52:16 pm »
Mga sis, pahelp naman. I'm planning to go to Ho Chi Minh then Siem Reap on Feb. Bale Feb 9-13 via Cebu Pac. Since darating kami sa Ho Chi Minh ng Feb 10 ng umaga and aalis din ng 13 ng madaling araw, bale 3 whole days lang. Balak ko sana 1 day sa Ho Chi Minh tapos 2 days sa Siem Reap. May nakagawa na ba nito?


Nagresearch din ako pwede din daw magtaxi from Ho Chi Minh to Siem Reap for $50. May nakapagtry na ba nito?

yby2476

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #417 on: October 17, 2011, 09:36:42 pm »
^alam mo sis, ginawa ito ng friends namin, napagod sila...same flight i mean, using cebu pac, dumating sila ng HCM ng madaling araw, hinabol nila yung bus ride ng 7am sa HCM to siem reap...bale, natulog or naghintay na lang sila sa bus terminal for bus ride straight from the airport, tapos nakasabay namin sila sa bus ride na...kasi kami 2 days ahead na nasa HCM, tapos parang 2 days lang din kami sa SR, then bumalik kami ng HCM...mas matagal kami sa HCM...

yes pwede yatang mag-taxi...pero take note, 12 hrs ang byahe ha? i mean, pag bus kasi 12 hrs...i guess ganun din pag-taxi or less kung di kayo magbe-break...

i suggest either you go directly to SR from HCM, tapos dun ang 2 days mo, then 1 day sa HCM...mahirap kasi kung hahabulin mo yung biyahe pabalik ng SR to HCM, kasi minsan, well, kadalasan, nagkakatraffic, baka mahuli ka sa flight niyo pabalik ng manila...so mas ok, kung nandiyan na kayo sa HCM, or ihuli niyo siya, para di kayo naghahabol...

southpaw

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #418 on: October 18, 2011, 12:59:04 am »
thanks ulit sisses yby2476 & foruiz.  :D

sis cinnamoroll, USD 50 is for the whole taxi trip na or is it per head? Not bad lalo na kung may kahati ka. Baka mas maiksi nga ang byahe pag ganun.

cinnamoroll

  • Guest
Re: vietnam guide thread 3
« Reply #419 on: October 18, 2011, 04:00:31 am »
^^Yup. Yan nga din talaga naisip ko. Ang nabasa ko 5hrs lang daw pag taxi pero Phnom Penh to Siem Reap yata yun. 2 lang kami ng hubby ko so kung $50 per taxi not bad. Kaya lang medyo nakakatakot din kasi malay mo holdapin kami somewhere. Not that I'm being judgmental pero syempre mapapaisip ka ng ganun unlike kung bus na marami kayo tsaka I've read na may snacks pa nga daw.

So 7pm na kayo nakadating nun sa Siem Reap? May tv man lang ba sa bus? Ano palabas kung meron? Ano din yung mga sinerve na snacks.

^Yes sis. Siguro mga 3 websites na yung nabasa ko about that.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close