hi mga sis. first time ko lang mag post. 2013 bride din ako.
we already booked our venue [Glass Garden], caterer [Hizon's], and church [St. Ignatius Cathedral in Camp Aguinaldo]. May mga reservations na rin kami ng invitations, rings, and strings though madalas nagkaka-doubts ako pag may mga nababasa kong negative reviews. Let me share lang some of the things na kinonsider ko in choosing our venue, church and caterer.
Glass Garden - 90k for a weekend evening event.
Dome type siya na may indoor garden and it's fully Airconditioned. ang maganda kasi, feeling close to nature ka pa rin, and at the same time kahit umulan di maha-hassle ang wedding mo dahil covered siya. also hindi rin kayo mahuhulas, especially your make-up dahil may AC nga. Spacious din siya kasi 350 ang capacity niya eh nasa around 150-200 lang naman ang guests namin. Malaki rin ang parking space niya.
Medyo malayo nga lang siya sa place namin kasi taga QC, Bulacan and Valenzuela ang karamihan sa mga bisita namin. It's located kasi in Pasig, near SM Marikina. Pero okay na rin kasi mas priority naman namin yung mga unang considerations na namention ko. It's also a bit pricey compared sa oasis and Gazebo Royale, pero kasi medyo mababa ang ceiling sa oasis and medyo maliit ang space kaya parang suffocating yung venue nila. yung Gazebo naman okay din kaso nga lang walang AC. Cooling mist lang meron, eh feeling ko medyo mainit pa rin yun. Saka magkakatabi yung tatlong venues nila [or di ko maremember kung dalawa lang] so nagkakarinigan yung audio ng ibang event na makakasabay mo.
Church in Camp Aguinaldo - 10k church and priest only, wala pang flowers and choir etc
ito yung nearest church sa venue namin na may Aircon, and at the same time na-meet yung requirement namin sa oras ng kasal. Saturday kasi ang wedding namin, and we want our reception na maging dinner. so we opted na sana ang wedding namin nasa around 3:30 - 4:00 pm. para around 6 - 7pm pwede na magstart ang reception. kaso most of the churches around the area, hindi nagseserve ng wedding tuwing saturday ng ganung oras. usually 2:30 pm na ang latest nila dahil daw may anticipated mass. yung iba naman nag-ooffer kaso may naka-book na, while yung iba, wala namang AC. Sorry, kahit medyo tag-ulan yung araw ng kasal namin, mas gusto ko pa rin na may AC para sure na iwas hulas kami and the guests. saka para di rin masyado maingay, if may mga dumadaang sasakyan sa kalsada etc. Di ko pa sure kung okay ang ceremony dun, pero yung size niya I think is enough for us. Hindi malaki, hindi maliit. Hindi siya ganun kabongga sa photos, pero maayos naman siya, decent. May LCD [or maybe LED] monitors din inside the church yun ata ang ginagamit pag may mga response na kailangang ipakita. hehe di ako sure. pero nabobonggahan ako sa effect na yun. Ang hindi lang sobrang bongga sa church eh glass ang door. meaning kailangan mo pang gumamit ng cloth cover, or maglagay ng parang kurtina sa pinto para lang medyo may moment ang pagpasok mo. or else, kita na agad nila ang itsura mo habang papunta ka pa lang sa pinto. hehe. And nadiscover ko rin na may mga list of songs lang sila na pwedeng gamitin during the ceremony, may ganun pa lang patakaran ang mga church [or baka kasi cathedral siya]. pero okay na rin, kasi mahirap maghanap ng simbahan. sa reception ko na lang siguro gagamitin yung mga songs na gusto ko for my wedding. may mga okay rin namang songs sa list nila, yun nga lang yung mga common lang. regarding vows, di ko sure, pero ang tanda ko, pwede naman magbasa ng sariling vows doon. may iba kasing church na bawal. ido-double check ko na lang ulit pagbalik ko.

Hizon's catering - price depende sa food package na gusto mo at sa dami ng guests
natry ko na food nila sa wedding ng friend ko, okay naman. nagfood tasting din kami sa isa sa mga food tasting events nila and okay rin naman and marami silang choices na pwedeng pagpilian. maganda rin ang package nila. actually nauna ko silang binook. pero nung nagbook na kami ng venue, sabi nila, since accredited caterer nila ang hizon's, gagawin na lang daw nilang package ang reservation ko. meaning mismong Glass Garden na ang makikipagcoordinate sa Hizon's and even sa payment sila na magbabayad. para daw isang tao na lang ang kinakausap. Nag-chec ako ng reviews, mukhang wala naman akong magiging problema sa service and sa food, though nung nagcheck ako ng pics, parang mas magaganda ang set-up ng ibang caterers. medyo malaki na ang nabayad namin so hindi ko sure kung dapat ba kong magdalawang isip. Hoping lang ako na hindi ako magsisi sa pinili kong caterer.
sorry ang daldal ko. Sana nakatulong ako kahit papano.

May bridal fair nga pala later saka bukas sa SM Megamall. punta tayo!

wala ang h2b ko eh nasa Thailand. kaya baka ako lang mag-isa ang magvisit to check more suppliers.
