watch now

Author Topic: 2013 Brides  (Read 134560 times)

kristelvillar

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #240 on: April 30, 2012, 11:09:49 pm »
Sis Dukhang Adbenturera Ako din, nagbabasa sa mga feedbacks kay Ms. Magda or Ate Vangie, pero hindi pa rin ako kumbinsido. May nakita ako, Carmen Lazaro.  Super ganda, but ang minimum nya is 25K. Sana keri kong mag-stretch ng budget. hehe. Shempre di ba, ang galing ng p/v mo tapos ang panget ng gown mo sa pictures and videos. Kami naman ni h2b, di pa makapag-FT because of our work skeds. Sana makahanap na rin kami ng caterer.  Good luck to us!

Dukhang Adbenturera

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #241 on: May 01, 2012, 12:25:27 pm »
^ isa din yan sa iniisip ko sis. na parang sayang din video if di naman maganda gown ko. hehe! at least si h2b may napili na design magpapatahi na rin lang kami ng suit. hopefully di lalagpas ng 10k. hahaha!

check ko si carmen lazaro later pag-uwi ko bahay. :D

nga pala later attend kami ng FT sa Madel's. :D baka may aattend sa inyo. kita kita na lang! :)

kikay_machine

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #242 on: May 01, 2012, 02:45:13 pm »
Hay, iniisip ko saan papatahi ng gown. May peg na'ko ng gown and feeling ko lalagpas yata siya ng 10k. Eh hanggang dun lang talaga ang ni-set ko na budget. Natatakot naman ako mag-Divi, kasi aside from Vangie Suva (na nabasa ko lang here sa GT), wala na ako kilala na okay manahi dun. Saka, ang layo pa ng Divi.  ???

Dukhang Adbenturera

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #243 on: May 01, 2012, 06:31:15 pm »
^ sis taga san ka? ako din sana mababa kahit papano yung sa gown. di na kakayanin. hehe.

hermione28

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #244 on: May 01, 2012, 08:25:22 pm »
ask ko lang po ok po ba si Jake Olaso? Videographer sya. yun sana kunin namen.

We have already booked Elements at Centris at Shekinah Dishes as our caterer.
Sa wedding gown, nakabili na yung sis ko (the bride) sa dubai sya bumili, P100,000++ yung gown nya! grabe!! pero we got it at a promo price, sale, so super laki ng discount, as in SUPER laki ng discount. :))
promo is pay in full 1 year before mo kunin yung gown.. :)) kasama na din alteration.

Can you suggest na magaling na photographer, service lang ata or with 1 album lang kunin namen, since mas gusto ng sis ko mag invest sa video kesa sa photo. kasi daw at least gumagalaw, tapos magaling na photogapher nalang, i agree naman with her.

ask ko lang pala, diba ineedit din naman ng mga photographer yung mga pictures kahit photo service lang kunin mo sakanila? yung ilalagay nila sa DVD na ibibigay sayo is edited din ba?

Dukhang Adbenturera

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #245 on: May 01, 2012, 08:30:05 pm »
^ hi sis, di ako sure if may mga photographer na nag edit kahit service lang kukunin mo. sa imagine nation kasi, di sila nag edit ng photos at magaganda ang kuha nila. you can check them sa net. :) sila kukunin namin at ok kahit yung junior photographers nila. 15k ang service ng junior photographers nila. may master at senior din. :)


kikay_machine

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #246 on: May 02, 2012, 03:21:41 pm »
^ sis taga san ka? ako din sana mababa kahit papano yung sa gown. di na kakayanin. hehe.

Hello, sis! :) Taga-Marikina ako and I work in QC. Nabasa ko nga sa previous posts mo na naghahanap ka rin ng mas mura na mananahi. Hehe. We're on the same boat!  ;D

kristelvillar

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #247 on: May 02, 2012, 04:20:03 pm »
Mga sis, any suggestions aside from Ate Vangie, Ms. Magda na couturiers? I'm eyeing Carmen Lazaro, but I want to have other options. :)  Ang sakit sa bangs maghanap ng suppliers!

Dukhang Adbenturera

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #248 on: May 02, 2012, 06:02:07 pm »
kikay_machine : sis may nakita ako ditong post eh, si ate fe daw ng Pasig mura. parang pareho sila ng price nina at vangie at ate magda. eto FB nya https://www.facebook.com/lourielleoutfits


kristelvillar : nakita ko nga mga gowns na gawa ni Carmen Lazaro. Magaganda. Kaso ma over budget ako. Kakaloka ngang maghanap ng suppliers. ;D

hermione28

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #249 on: May 02, 2012, 07:22:06 pm »
^ hi sis, di ako sure if may mga photographer na nag edit kahit service lang kukunin mo. sa imagine nation kasi, di sila nag edit ng photos at magaganda ang kuha nila. you can check them sa net. :) sila kukunin namin at ok kahit yung junior photographers nila. 15k ang service ng junior photographers nila. may master at senior din. :)

ah so raw photos lang pala binibigay nila? e diba yung mga nilalagay nila sa album is edited?
edi parang hindi pala maganda kapag service lang? sayang naman..

sa image nation hindi nila ineedit pero maganda na mga kuha nila? nice kung ganun.. [textspeak!] sis check ko thanks!

Dukhang Adbenturera

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #250 on: May 02, 2012, 07:33:17 pm »
^ if service lang kukunin nyo sis, ok din naman basta yung style ng photographer is gusto nyo talaga. na kahit di na i-edit is maganda pa rin quality. :)


sharks

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #251 on: May 02, 2012, 08:13:12 pm »
hermione28, nakapag-inquire ako kay Francis Cataquian (kikongmanlalarawan) regarding photo service only and included sa quote nya ang edited photos.  :)

kikay_machine

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #252 on: May 02, 2012, 11:31:34 pm »
kikay_machine : sis may nakita ako ditong post eh, si ate fe daw ng Pasig mura. parang pareho sila ng price nina at vangie at ate magda. eto FB nya https://www.facebook.com/lourielleoutfits

Thank you, sis Dukhang Adbenturera! I'll check it out. Hay, sana makahanap na tayo, no? Hihi. ;D

Dukhang Adbenturera

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #253 on: May 03, 2012, 06:53:14 am »
^ yes sis! :D grabe gusto kong makatipid sa gown pero syempre ayaw ko naman ng di maganda tahi dba? kasi makikita ko forever sa photo yun. na di maganda gown ko.. hehe. :D

Good luck satin :D

kikay_machine

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #254 on: May 03, 2012, 01:49:46 pm »
^^ Korek. Ang arte ko pa naman, tapos hindi maganda ang gown ko? Hindi pwede yun. haha. Pero gusto ko talaga makatipid, e. Lalo pa't once ko lang naman din gagamitin. Sige, ituloy natin ang paghahanap ng okay na couturier.  :)

Super good luck sa atin, sis!  Eight months to go na lang kami! Kayo, 12 months! May time pa! ;D

kristelvillar

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #255 on: May 03, 2012, 04:34:01 pm »
Kikay_machine Nakakaloka ang paghahanap ng couturiers! May isang GT na nagpa-quote kay Carmen Lazaro, 50K! Two years ago eh 10K lang si Teh Carmen, tapos ambilis magtaas ng price. Sana pag nagpa-quote ako, yung minimum fee lang ang abutin hehe. Kelan ang wedding nyo? Kami nine months na lang! Stress Drilon!

hermione28

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #256 on: May 03, 2012, 07:45:57 pm »
hermione28, nakapag-inquire ako kay Francis Cataquian (kikongmanlalarawan) regarding photo service only and included sa quote nya ang edited photos.  :)

ay talaga sis salamat! ok yun, check ko.

^ if service lang kukunin nyo sis, ok din naman basta yung style ng photographer is gusto nyo talaga. na kahit di na i-edit is maganda pa rin quality. :)



oo nga sis, tama ka dun, dapat pala makita ko kung ano itsura kahit hindi na iedit. salamat!


Ask ko mga sis if alam nyo kung allowed ang personal vows sa Twin Hearts (Parish of the Hearts of Jesus and Mary)?
« Last Edit: May 03, 2012, 08:22:21 pm by hermione28 »

Dukhang Adbenturera

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #257 on: May 03, 2012, 07:58:07 pm »
Kikay_machine at kristelvillar: todo research lang, balitaan tayo if may makita tayong mura pero maganda ha? mukha ngang pupunta na talaga ako sa divi. to check if may mura. medyo nakakatakot lang dahil nga madami daw manloloko dun.  :-\

hermione28 : walang anuman sis. :)

kikay_machine

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #258 on: May 05, 2012, 01:59:09 pm »
Dukhang Adbenturera and kristelvillar, mag-balitaan tayo kung may mahanap tayo na couturier, ha? Hindi lang talaga ako maka-fly sa Divi sa dami kong work, even weekends may meetings ako. Buti na lang may GT and this makes my sanity intact. Kung [textspeak!]-ano na nga napapanaginipan ko na wedding-related chaos!

kristelvillar, sa January 3, 2013 kami. Kung kayo 9 months, kami 8 months na lang. Waaah! Sa ating tatlo ni Dukhang Adbenturera ako pa ata mauuna, ang dami pa naming kulang! Waaah!!!

kristelvillar

  • Guest
Re: 2013 Brides
« Reply #259 on: May 05, 2012, 04:37:53 pm »
Kikay_machine Minsan sis nakakatulong din yung mga friends mo who got recently married. Kasi usually yun din yung mga nagugustuhan kong suppliers. I'm setting up a meeting with Carmen Lazaro, tutal malapit lang office niya sa place namen :) I'm crossing my fingers na afford ko sha. Kase yung entourage gowns ko, mommy ko in charge maghanap ng mananahi sa province namen hehe. Kaya yan sis! Good luck to us!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close