watch now

Author Topic: Flight attendant jobs thread 9  (Read 118414 times)

minnie99

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #100 on: April 03, 2013, 02:44:08 pm »
sis, wala, haha, grooming assessment pa lang di na ko pumasa. Pano kasi sabi ng agency wag makapal makeup... eh ayun, kailangan pala red lips, eyeshadow, tapos blush na bongga. (barely there yung makeup ko, akala ko naman kasi white light ang gagamitin bilang iassess nga itsura mo... haha yun pala hindi)

Anyway, first time ko yun kaya kabado rin ako nung assessment (with HR ng Oman Air). :) Pero na-sad ako ng bongga. :( Sana magka-confidence ako mag-try uli...

Mukhang magkakaroon sila ng flights to MNL sabi ng friend ng dad ko, kaya yata kukuha daw ng 60 (wala akong balita kung ilan ang kinuha, kahapon yung 2nd day ng exams/interviews).

Kwento ka naman sis tifay tungkol sa kung paano ka nag-start. :) Gusto ko mainspire pero feel ko ang dami ko pa dapat iimprove sa sarili ko. :(

tifay

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #101 on: April 03, 2013, 06:14:26 pm »
hehe ok lang yan try and try till ma perfect mo sis minnie99. sabi nga ng mga friends ko na FA if they like you they like you tapos. wala na sila kiber sa suot mo shoes, bag, top etc kaya dapat talaga first impression mo pak na pak agad sa kanila. ewan ko nga ba bakit last year lang ako nag start mg apply when it was my dream job dati pa.  try mo sis sa mga local airlines din parag dami din nila hiring ngyon. basta pag interview sayo own it the moment you enter the room. :)
at ang confidence level dapat wagas hehe

minnie99

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #102 on: April 04, 2013, 08:34:12 am »
Parang chambahan lang din sis no? May nakilala ako sobrang ayos nya, sobrang confident nya, ang galing mag-english pero nabalitaan ko di daw pumasa (di ko lang sure kung saang part na siya di pumasa). :| Ang higpit din kasi ng competition Lol.

Okay ba sa local? Aside from Middle East ba, anong airlines pa ang tumatanggap ng Filipina?

FliPPy_LaDdY

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #103 on: April 04, 2013, 10:14:06 am »
naku dream job ko din to, kaya lang alanganin ako kasi bawal daw malabo mata... =(

tifay

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #104 on: April 04, 2013, 10:38:37 am »
heheh oo sis minnie99 kase they know na pag pasok palang ng mga applicant sino type nila. sa airphil ko lang na try last year kase dun lang pwede till 30 years old now ata pal express na sila. don't like lang the uniform ni air phil shorts at t-shirt kala mo mag fishing lang lol baka now maganda na kase under na sila ni pal talaga. as far as i know sa 200+ na nag apply sa oman air nasa 30 lang yung for final interview next week. ;) 

minnie99

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #105 on: April 04, 2013, 10:42:26 am »
^^Try lang ng try sis. :) Ako nga may mole sa mukha pero ang tiningnan sakin eh yung hairline ko (ipinataas yung hair ko, as in pull back---di ko alam bakit lol or baka para lang ma-divert attention? Haha)

^Ay ganun sis? Akala ko tapos na interview kasi ang sabi ng friend ng dad ko eh paalis na yung Oman Air team. So sa group dynamics pala talaga nagtapos yung assessment nung April 2?

May recruitment pala CebuPac tom sa Dusit, kaso parang di maganda benefits...

tifay

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #106 on: April 05, 2013, 11:33:37 am »
Last na nga daw yung group dynamics kasama yung friend ko grad naman kc yun ng FA school hehe mas madali pala si oman air kysa sa qatar airways dami arte&interviews.

minnie99

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #107 on: April 05, 2013, 11:59:34 am »
Galing ng friend mo sis! :) Congrats sa kanya.

Oo nga tapos sa QR daw ang dami pa nag aapply... Umaabot nga ba ng 1000? Sa Oman kasi diba more than 200 lang...

tifay

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #108 on: April 05, 2013, 12:24:18 pm »
korek!haha nagulat nga ako yun lang?! effortless naman ata. half nung na kuha are from the FA schools. yaan mo dami naman aalis sa oman air sabi nung friend ko na FA dun at madami mag aasawa!lol bawal kase dun yun even if may baby bawal sa oman air. kaya hoping na mag hire ulit sila dito. :)

minnie99

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #109 on: April 05, 2013, 12:39:22 pm »
Ganun? Siguro doon particular ang Oman Air, sa experience/knowledge?  :D

Lol! Sana nga! Next time nga sabihin ko wala ako balak mag asawa. Lol, joke  ;D Oo katakot-takot sis kasi nung magsisimula na yung assessment pumasok yung taga irekrut tapos bawal daw ang may asawa or baby, pati yung di marunong magswimming. Tapos tahimik talaga lahat. Wala naman akong napansing lumabas after nun. Whew.

tifay

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #110 on: April 06, 2013, 11:04:38 am »
hehe oo dapat talaga you know how to swim sympre given na yun once nag apply. sa ibang airlines naman pwede may baby tapos pag mag asawa ma transfer ka sa grund crew depende talaga sa airline iba iba rules.
pag mag hiring sila ulit try try pa din madali lang pala. mag full make up ka na sis at pageant ang ganap! hehe mas gusto ko na oman kysa sa Qatar na madami arte.

minnie99

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #111 on: April 08, 2013, 10:27:05 am »
^Yup bobonggahan ko na ang makeup at pag-project next time! Lol. Yun din naisip ko, at take note, Oman ang first ko inapplyan. Parang after nun and after ng mga kwento na narinig ko about Qatar, wala na akong gustong applyan kundi Oman. Lol.

tifay

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #112 on: April 09, 2013, 11:28:52 pm »
Second emotion ako jan!lol kaso baka matagal pa si Oman mg hire ulit last nila was 2010 pa tapos yung now na sumunod. Yung friend ko 2009 na batch one try lang hired agad kase may experience sha sa cebu pac FA din. Sana monthly na din sila mag hire tulad ni qatar.

sweetie_marzie

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #113 on: April 10, 2013, 02:22:03 am »
Hello mga sis! This is my dream! To become a FA! But, I'm not Tourism Graduate, Do they hire po kahit hindi ganun yung course? I'm 5'5", weigh 50kgs, I don't think if my body is proportion to my weight kasi I'm kinda slim, I know how to swim. I have balat on my neck, Is it okay po ba or ipapatanggal sayo? Please enlighten me. Thankyou in advance  ;)

tifay

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #114 on: April 10, 2013, 11:54:36 am »
hi sis @sweetie_marzie ok lang naman if not tourism graduate 2 years college level lang naman hanap nila. may mga nursing graduates din na FA. yung sa swimming much better if you know na how kase if mag training maiiwan ka sa batch mo since they'll teach you pa swimming. kaya plus din yan sa atin na swimmers hehe sabi nga nila if the airlines like you kiber na ang mga flaws mo.
yung friend ko na recently hired sa oman air this month, nag FA school sha i think for 2 months lang (short course lang)  then may application assistance sila after graduation kaya madali sila makapasok. saka yung FA school they will screen you pa before ka maka enroll di sha basta basta, till 35 years old yung pwede mag enroll.
at ang tuition naman tumataginting na 42k! wala naman ako ganoon na pera lol

kyuza

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #115 on: April 10, 2013, 01:09:15 pm »
^Wow anong FA school to sis? May crash courses palang mga ganun na inooffer.

minnie99

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #116 on: April 10, 2013, 01:11:29 pm »
^^Ganun! Ang shala sis, may ganung schools pala. Makakapasok kaya ako dun? 42k??? Kaloka! May scholarship ba don, lol! Grabe, sana nga next year meron uli!

^Sis ako may mole sa face pero hindi naman nila pinansin yun, actually parang iba pa tinitingnan nila sakin nung assessment. So depende talaga sa overall assessment nila sayo

may12

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #117 on: April 10, 2013, 05:16:37 pm »
Kung di ako nagkakamali sis, sa ICATS school 'yan no?
Nag inquire ako diyan dati kaso nalula ako sa tuition! Haha.
Last year ako nag-inquire at sabi nila meron daw sila sa Davao na training nung time na yun. Mas mababa ang fee tsaka mas mabilis ang course. Kaso hello, pupunta ka pang Davao?? Hehe. Tsaka one time lang ata yun.  :)

tifay

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #118 on: April 10, 2013, 05:25:06 pm »
yup sis @minnie99 nasa presentation mo din kase yun, dapat effortless di ka halatang kabado etc may mga kilala ako na kahit may flaws they walk and talk with so much confidence na di na napapansin yung flaws. pak na pak agad! hahaha
madami FA schools sis meron din si PAL before mas mura sa kanila 12-14k lang tapos ilang hours lang parang 4-9pm and one month lang or less lang din. kaso they stopped it na last year kung saka mag eenroll na sana ako lol i think yung meron sila now ticketing agent&ground staff training di ko lang sure ano pa.
yung isang sister ni kim chiu training na sa pal as FA. mukang underweight din naman sha like kim pero natangap so nasa confidence level talaga. and kilala sister niya lol
« Last Edit: April 10, 2013, 05:28:26 pm by tifay »

kyuza

  • Guest
Re: Flight attendant jobs thread 9
« Reply #119 on: April 10, 2013, 05:35:48 pm »
^Anong school yung 42k sis? :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close