watch now

Author Topic: fertility dance.. obando bulacan  (Read 121762 times)

luscious_lips

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #300 on: May 15, 2013, 05:44:43 am »
True yang sa Obando.. Basta keep your faith and hopes up.. and when you dance, offer it to God. Almost the same time pala kami biniyayaan ng pregnancy ni sis wifeofada.. Me and my husband went to Obando Church last year (May 15, 16, and 17). I was thinking malapit na mag-one year from the time we went there. Last May 12, I had a BFP... Praise God!!!

onlytechgirl

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #301 on: May 15, 2013, 09:27:54 am »
mga sis, tip lang sa pupunta
1. wear comfortable outfit, mainit po at maraming tao. and minsan during prusisyon umuulan, maghanda na rin kayo kung mababasa kayo. blessing daw kasi yun pag umulan pa, dapat tuloy ang prusisyon. mali kasi kami last year, huminto kami nun umulan.
2. bring water, marami naman nabibili, umbrella and shades.  8)

shizuka

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #302 on: May 15, 2013, 10:07:12 am »
^yup, punta kami sa May 18. sana mabiyayaan na.  thanks sa tips ha :)

wifeofada

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #303 on: May 15, 2013, 04:39:03 pm »
congrats sis luscious_lips! :D baka katabi kita nagsasayaw last year. ;) si hubby nga super happy after 5 years binigay ni God ang matagal na naming wish. and ngayon inaaya nya yun mga officemates nya na ttc din. i just had may TVS and may heartbeat na si baby.  ;D God is really good! goodluck mga sis! kita kita tayo dun and let's keep our faith to God! sticky baby dust to all!!!  ;D
« Last Edit: May 15, 2013, 07:14:07 pm by mama squeak! »

chinnie

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #304 on: May 16, 2013, 11:14:40 am »
we will be there on May 18 too! we celebrated our 8th wedding anniversary this month. hubby and i decided to celebrate it in obando to dance our heart's desires. sana this year, i-bless na rin kami ng baby and the couples who are praying for a baby/ies! kita-kits mga sis!

C_r_i_s

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #305 on: May 17, 2013, 10:53:57 am »
gusto ko rin pumunta bukas kaso di ako marunong mag commute, di ko rin alam route kung magdadala ko ng sasakyan. ayaw naman pumunta ni hubby kasi   

C_r_i_s

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #306 on: May 17, 2013, 11:12:41 am »
Sis mllapina go tayo sis...gumawa sis nixxie nang event sa FB group. Magconfirm kana. Hehe

sis, pwede ba pa-join sa FB group?

princeza08

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #307 on: May 17, 2013, 04:09:48 pm »
nandyan kami ni hubby kanina ha...kaso di na kami makapunta tomorrow at sunday, pero promise next year kukumpletuhin na talaga namin...sayang lang paalis na din si hubby ko papuntang ibang bansa...kaya one day lang kami makapunta...sayang talaga! but at least, na experience din makasayaw sa obando! hehe...sakit sa katawan! grabe!

zieaja

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #308 on: May 17, 2013, 07:32:08 pm »
Sisses na pupunta bukas nang OBANDO here is my number sis 09053958884/09225824515 text text kayo sisses para kita kits tayo doon. :)

ivy u.

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #309 on: May 17, 2013, 08:11:02 pm »
^Yehey! nakapunta kami kanina..kaso init ng prusisyon kanina, namula kami ni hubby sa init! kahit di kami marunong nung sayaw pinilit namin..hehe ;D

zieaja

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #310 on: May 17, 2013, 08:13:33 pm »
ivy u. sis talaga wow ang galing naman nkapunta kayo kanina anong oras pala yung mass sis?? saka yung prusisyon? :)

ivy u.

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #311 on: May 17, 2013, 08:21:55 pm »
sis, bale 7am yung mass na naabutan namin, after ng mass prusisyon na, pasayaw na. 1hour din yung prusisyon papunta tsaka pabalik na yun..marami naman nagsasayaw kaya di kana mahihiya..dala nalang kayo ng payong kasi mainit! ;)

zieaja

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #312 on: May 17, 2013, 08:23:43 pm »
hala 7am talaga sis??ang aga pala no. yun lang yung mass sa whole day na yun??

ivy u.

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #313 on: May 17, 2013, 08:37:23 pm »
^hindi sis, nung dumating kami parang may mass na, tapos sunod agad yung 7am nga, pumasok kami sa loob ng simbahan at nakaupo rin kami..di ko lang alam kung may sumunod pa na mass kasi sumama na kami sa prusisyon..galingan niyo ha..hehe..pero dapat nasa puso talaga ang paghingi..sulitin ba, para magkababy na tayo..

rollin

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #314 on: May 17, 2013, 09:19:32 pm »
mga sis, ba byahe kami mamya ni hubby.. saan kami pwede bumaba? mangagaling kami ng pangasinan eh.. please help me.... ;D

zieaja

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #315 on: May 17, 2013, 10:48:29 pm »
Sis rollin sa Monumento ata kayo bababa.mga what time kayo dadating dito sis?? text ka sa akin sis. maaga din kasi ako pupunta dun. baka magpang abot pa tayo sa sakayan papuntang obando. :)

shizuka

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #316 on: May 18, 2013, 06:43:59 pm »
nakapunta kami ni hubby kaninang umaga. nakakapagod, pero masaya pala sya :)  wag lang maselan sa pawis ganun. hehe. super init talaga at daming tao.  feeling ko rush hour sa mrt. haha. yung tipong kahit di ka gumalaw, gagalaw ka kusa dahil dikit-dikit na kayo sa loob ng church. kung may pupunta pa bukas, wear your shoes na pwedeng madumihan. medyo maputik kasi on some areas na dinaanan nung prusisyon. hoping St. Claire will help us receive our blessing soon :)

rollin

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #317 on: May 18, 2013, 10:26:12 pm »
sisters!! present kami ni hubby kanina. nakaabot pa kami sa mass pero offertory na ata then after that prusisyon na..pero di na kami pumasok sa church dahil siksikan narin. ganun pala yung feeling noh?? una parang nahihiya ka.. natatawa pa nga kami ng asawa ko pero hinayaan lang namin. sumayaw parin kami ni hubby. kahit sobrang pawis na pawis na kami kanina, sige parin.. may mga iba nga lang, di sila sumasayaw... nag enjoy kami ni hubby kanina. pagkatapos nung prusisyon, sa simbahan ulit natapos. daming mga testimony kanina. yung isa, nanay daw niya tagal nabuntis. nung nagpunta sila sa obando, ayun biniyayaan na sila agad. walang imposible daw sa obando sabi ng karamihan.. natawa pa nga kami ng asawa ko kanina kasi habang sumasayaw kami, may nagsalita dun na kanto boy, sabi niya. maniwala lang kayo na magkakaanak kayo, yung kaibigan ko ngang bading, nabuntis na siya ngayon!! haha.. ang dami ko naririnig na kwento kanina habang on going yung prusisyon at nung nasa loob na kami ng simbahan.


hhhaayyyy.... malapit narin tayo magkaroon mga kapatid. malay niyo, next month meron na.  ;D
tiwala lang talaga at dasal!
yung nagsalita kanina na lalaki, tagal din daw sila hindi nabiyayaan ng anak. nung nagpunta sila dati sa obando, nung june nabuntis na agad yung asawa niya.. kaya tayo narin ang susunod mga sisters!!

ang saya lang namin talaga ni hubby ko kanina..  ;D

m0nlin

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #318 on: May 19, 2013, 12:32:54 am »
hello mga sis ko !!! last year nasa obando bulacan din kami ni hubby para humiling ng anak dahil bilateral pcos ako kaya hirap talaga makabuo,first time kaming pumunta ng obando,sumayaw kami dun at kinompleto talaga namin yung 3 days na fiesta,MAY 17,18, and MAY 19,2012.pag dating ng AUGUST 2012 nabuntis po ako sobrang tuwa po namin at talagang sobrang pasasalamat ko kay lord at sa kanilang 3,,dahil dininig nila ang aming hiling,at ang due date ko po eto pong darating na MAY 27,2013. ,eto malapit napo manganak kaya hindi napo kami nakapunta sa obando para makapagpasalamat kaya ang ginawa ko po total my picture naman po sila st,pascual,st.claire and senyora de salambao,nagtitirik po ako ng kandila sa altar namin yun na lang po ang pinagdadasalan ko at pinasasalamatan,,[textspeak!] pictures nila dun ko rin nakuha sa simbahan ng obando..bukas magsisimba kami fiesta ni senyora de salambao dito lang sa simbahan namin magtitirik ako ng kandila para pasalamatan ulit silang tatlo,,next year kung pahihintulutan la ng ginoo pupunta kami sa obando hindi para humiling,,kundi para magpasalamat ng personal sa kanilang 3,..kaya mga sis think positib lang,mabibiyaan din kyo,darating din ang munting anghel sa buhay nyo..god bless mga sis  :)

rollin

  • Guest
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #319 on: May 19, 2013, 08:34:47 pm »
wow naman.. kakatuwa naman sis..


sana kami narin ni hubby makabuo narin kami.. tagal narin kasi naming ttc eh. ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close