watch now

Author Topic: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?  (Read 39019 times)

bluedanube

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #100 on: September 12, 2012, 12:48:25 am »
hindi na kailangan kasi i get along along with all of them.  and i feel that they really like me bec i made an honest hardworking man from a bum of their son, ha ha ha.
my MIL was one of my HS teachers, at that time, i was her favorite student pa.
hindi niya alam, magiging manugang pala niya ako  ;D

bump

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #101 on: October 12, 2012, 08:27:59 am »
Hindi but I put my best dati. Now na kilala ko na yun totoong ugali ng MIL ko, dumidistansya na ako. Ayaw ko lang makipagplastikan lalo na sira na yun relationship namin. I respect her as the mother of my husband & the grandmother of my kids. 


xhien

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #102 on: October 12, 2012, 08:42:46 am »
di naman kelangan maging sipsip eh, since bago palang naman kami ni hubby so go with the flow lang ako..kung pano nila ako pakitunguhan ganun din ako sa kanila..hope di magbago mga ugali nila kapag nagtagal..minsan din kasi inis ako dahil may nasabi na sila negative sa akin, i dont care naman..bahala sila..haha.. di ko naman sila kasama sa bahay eh..minsan ko lang sila na memeet hehe  ;)

glamorosa_09

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #103 on: October 12, 2012, 09:20:18 am »
NO I'M NOT, and I couldn't care less about perks perks...

jhenpretty

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #104 on: October 15, 2012, 10:00:50 am »
I don't have to be sipsip. They are all kind to me.. I felt love and accepted by them.. Kapag nga nagpapadala ng package yun masmarami pa yung sa akin.. Tapos kapag hindi pwede si hubby bumisita sa bahay nila they insisted na kahit kami lang ng anak ko makauwi at makabisita sa kanila.. ^_^

Madelskie

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #105 on: October 15, 2012, 10:11:04 am »
Hindi at hindi ko binalak maging. Wala na kong MIL, before ko pa maging bf si hubby, she already passed away. [textspeak!] ko naman is very nice to me so there's no reason para sumipsip ako sa kanya. Kung nagpapakita ako ng nice sa kanya, bilang respeto yun at pagmamahal which is my hubby is thanking me kasi tinuturing kong parang sariling ama ang Daddy nya. Pagdating sa SILs and BIL ko, eto ang katwiran ko, hindi ako margin, hindi ko kailangang mag-adjust sa inyo.  ;D

Myealexis21

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #106 on: October 24, 2012, 01:26:40 pm »
nope.  I don't need to do that (and even if I need to, I would not do it) kase nice sila and tingin ko boto naman sila sa kin for their son.  I respect them and love them just like my own parents.  They do the same naman to me na parang anak talaga nila ako.  I even will call them for advise kapag may problema kami ni hubby.  I am close to them, but not over na pagkaclose na they would barge in and pakialaman nila kami.  Even my SILs living nearby can't do that, inestablish ko kase yung invisible boundary with them. 

I told my hubby na kahit na close ako sa mga magulang niya and mga kapatid niya, I wouldn't want to live in the same house with them kase ayoko masira yung samahan namin.  I know kase na kapag nasa isang bubong di maiiwasan yung magkainisan, magkaalaman ng ugali at tampo tampo.  I have my share of attitudes and moods too, kaya mas gusto ko malayo sa In Laws.  gusto ko yung visit visit lang, mas nice kase yun namimiss nio bawat isa.

I saw how my mom struggled, and she told me din kung ano ano mga naranasan niya.  Pero the good thing is she was able to reached out to my dad's parents kaya naging ok na rin sila eventually.  Sabi nga in any relationship kelangan both party may effort.  Saka pag nakita naman ng matatanda na sincere ka at inaalagaan mo yung anak nila, ookay na rin sila.  Although there are some na talagang UBOD ng garapal at walang modo at kahit anong gawin mong reach-out walang effect, kaya nga sa akin Big Factor yung makakasundo ko parents ng BF ko, so far may isa lang naman akong naging BF na di ako comportable sa nanay niya as in kahit anong try parang may mali.  Kaya isa yun sa dahilan na bumitaw na rin ako sa relasyon namin.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #107 on: October 24, 2012, 02:00:32 pm »
Hindi naman. What they see is what they get. Isa pa mababait naman sakin mga in-laws ko kaya pag andun kami sa bahay nila pag weekends, kwentuhan saka kainan or tawanan. Ok naman, or siguro dahil bunso si hubby kaya namimiss din nila kami pag nadalaw kami ng weekends.

kjshoot2ill

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #108 on: October 30, 2012, 06:05:23 pm »
hindi as the title says

casual lang at may respeto..yun lang..^^

france0220325143

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #109 on: October 31, 2012, 07:17:06 pm »
ako hindi. never ko talagang naging ugali maging sipsip kahit kanino. si hubby, sya ang may gustong ilapit ako especially sa mom nya. we're okay naman ni MIL pero casual lang. hindi pa kami nagclash siguro rin dahil once a year lang kami magkita-kita. but in a few times i was with them, hindi malabong magkaconflict kami kung dadalas-dalasan namin ang paggeget-together.. hehe

FayeP

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #110 on: November 02, 2012, 06:36:31 pm »
isang malaking hindi....


gab54

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #111 on: November 04, 2012, 05:38:53 pm »
Hindi ako sipsip. Pero gusto ko sana matutong maging sipsip sa kanila.
Minsan kasi kita kong mas malapit sa mother-in-law ko ang ibang daughters-in-law nila. Lagi silang magkasama lumabas. Ako hindi niyayaya. Ang dahilan nila, busy daw ako palagi. Tapos, lagi silang may gifts/pasalubong sa ibang apo nila, sakin mga nak ko wala. Dahilan nila, nahihiya daw sila magbigay dahil well provided ang mga anak ko, wala rin daw sila maisip ibigay kasi lahat meron na sila. Oh well...  ::)

hachimitsu

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #112 on: November 05, 2012, 08:35:39 am »
Hindi.. Pero DIL ko ginagawa akong baby.. Pano only child lang si hubby.. Pero feeling ko dahil dun kaya ang sama ng ugali ng MIL ko.. Pabida lagi gusto kung anong binili sa amun ni hubby meron din siya at gusto nya mas mahal yung sa kanya..

gab54

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #113 on: November 05, 2012, 12:04:58 pm »
^^ haha... sige, hindi na ako mag a-attempt sumipsip... so far, hindi naman ako naging bad daughter-in-law, in fact we give them 20k allowance every month, lagi may pasalubong from abroad. kaya lang, lagi sila kay hubby nag tha-thank you. eh ako naman ang bumibili. my friend told me, puro material lang kasi ang binibigay ko, i never really spend a lot of time with them, eh talagang busy ako or maybe kulang sa effort pero dina bale, mahirap narin sobrang close, sometimes "familiarity breeds contempt"

chummychum

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #114 on: November 08, 2012, 11:31:06 pm »
nung mag bf pa lang kami ni hubby ko, best foot forward ako. ngayon mag asawa na kami hindi na. hehe

MrsCaancan

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #115 on: July 18, 2013, 07:15:17 am »
I'm NOT! And will never be SS! Nakakatawa nga na un GF pa ng bro-in-law ko grave super SS sa mga in laws ko

angeleigh

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #116 on: July 18, 2013, 09:46:50 am »
No, i just treat them well. Mahirap magsipsip kasi baka hindi ko mapanindigan, mas okay yung ipakita kung ano ka talaga, then dun mo naman makikita kung magkakasundo kayo diba. Kasi malaking factor ang inlaws sa marriage e.
But im very lucky that they love me. :)

ayami

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #117 on: July 18, 2013, 10:35:59 am »
I'm NOT! And will never be SS! Nakakatawa nga na un GF pa ng bro-in-law ko grave super SS sa mga in laws ko

Nakakarelate ako sis :P ganyan din situation ko haha. uber sipsip na GF ng BIL ko na kala mo e siya ay asawa na kung makakuha ng perks sa family

MrsCaancan

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #118 on: July 19, 2013, 03:33:23 pm »
Nakakarelate ako sis :P ganyan din situation ko haha. uber sipsip na GF ng BIL ko na kala mo e siya ay asawa na kung makakuha ng perks sa family

i really dont mind the perks kasi i dont need it at all..kanya na...tutal parang mas need niya un sis kesa sakin..

nakakatawa pa sis na pati un dog nila tinatag un photos nun sa in laws ko..grabe lang ako nga may anak na eh..super sa sipsip..hahaha...

little_princess

  • Guest
Re: Sipsip ba kayo sa in-laws nyo?
« Reply #119 on: July 20, 2013, 11:16:41 am »
Nope but I am nice to them as they are nice to me. they are from abroad so when we go, i always have some pasalubong for them. mas nice ako kay father in law because he is much nicer to me. MIL naman is a bit posh and may konting issue kasi sa family so mas distant ako sa kanya.

granny and grampy naman i don't make sipsip but i super love them. as in inuulan ko sa pasalubong and kung ano ano kasi they are darlings.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close