watch now

Author Topic: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)  (Read 50298 times)

simplykristine08

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #20 on: May 16, 2011, 05:58:51 pm »
Umalis na sa house kagabe (for good) kasama ang pinsan ko (na bf nya). Kaloka! Ayaw mapagalitan, nagdadamdam masyado.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #21 on: May 17, 2011, 12:15:00 am »
^Tin, sino na nag-aalaga kay Kenzo ngayon?

Our other helper, nag-off nung weekend. Pagbalik kaninang umaga, masama daw pakiramdam nilang mag-ina kase nabalis daw sila (ewan ko kung ano ba yang balis na yan). So ang drama nya, tamlay-tamlyan, ganyan. Naimbyerna mama ko, sinabihan na sya na umalis na lang. Ayaw naman ng bruha. Sabe ko sa mama ko hanap na ng kapalit.

simplykristine08

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #22 on: May 17, 2011, 01:25:50 am »
Van, wala kameng helper ngayon. Kame lang kay K. Buti nalang wala pang pasok si mil so habang gumagawa ako sa house, nagpapatulong ako sa pinsan ko, si baby either nakay hubby or kay mil. Dito lang din muna kame natutulog sa inlaws ko ngayon. Yung isa kong pinsan nasa bicol, I told her na ihanap ako ng hh. Sayang sya, I really like her kasi mapagkakatiwalaan at mahal si K :(

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #23 on: May 17, 2011, 02:25:43 am »
^I really hope makahanap ka ng kapalit na maayos, Tin :)

sachism

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #24 on: May 17, 2011, 10:50:05 am »
^^ uu nga tin... sana makahanap ka na ng bagong yaya for K :) good to know pala na OK na si K :)

chasiderwin

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #25 on: May 17, 2011, 11:23:48 am »
sis twelvth_goddess balis e parang na bati ka kumbaga kapag nabati ka or napansin ka ng ibang tao pwedeng masakit ang tiyan mo ang ulo mo, kumbaga usog, ilokano ba ang hh mo sis?

pressany

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #26 on: May 17, 2011, 04:14:11 pm »
Wala ka sa helper ko, ayaw kumain ng gulay! and, sa barrio ito lumaki ha! Talo pa ang Zobel de Ayala sa pagkapihikang kumain!

chasiderwin

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #27 on: May 17, 2011, 04:24:15 pm »
yaya ng baby ko sabi "walang problema sa pagkain kahit ano kinakain ko" pero ang sabi niya " di lang ako kumakain ng hotdog, langonisa, ham, etc, yun ba ang lahat kinakain

one time sabi ko kay cousin magluto ng bunga ng malungay sahugan ng kamote, si yaya kinain lahat ng bunga ng malunggay  :(

pressany

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #28 on: May 17, 2011, 04:28:29 pm »
^kakaloka minsan mga maids may mga diet requirements talaga. hahaha

mbeeyap

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #29 on: May 17, 2011, 05:03:38 pm »
wala ka sa dating helper sa bahay, nauunahan nya pa ako sa pagtingin sa cellphone ni hubby. masyado kasi syang feeling close sa partner ko. at yung cellphone eh pakalat-kalat lang.
nakikita ko na lang she's looking at photos and videos. nakakainis. minsan with permission naman ni hubby, pero most of the time, kapag hubby is not looking.  :o

jaded1025

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #30 on: May 17, 2011, 05:11:34 pm »
Panalo si Ate C. Pag wala tita ko di rin pumupunta dito sa bahay, pag andito tita ko busy- busyhan naman.

simplykristine08

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #31 on: May 17, 2011, 05:18:09 pm »
Thanks Van and Jai :)

Kinakausap ko si helper, parang gusto nyang bumalik eh.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #32 on: May 18, 2011, 02:34:30 am »
Chasiderwin, yes ilokana si helper. Uso ba talaga sa kanila  yon?

Tin, pag bumalik sya kukunin mo pa ba sya?

simplykristine08

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #33 on: May 18, 2011, 09:53:58 am »
Van, bumalik si helper kaninang umaga. I got her back. Pero medyo firm na ko sakanya. Naisip ko kasi, if bago nanaman, baka hindi naman love si K or hindi trustworthy :( pero once na umulit sya, naku, maghahanap ako ng kapalit nya silently then kapag nandito na si new helper, paaalisin ko sya, on the spot!

jenwei

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #34 on: May 18, 2011, 10:13:01 am »
wala ka sa dating helper namin...

-gumawa pa ng banner para sa katapat naming site workers. date daw! :o

-inubos ang sibuyas nmin...binalutan ng love letter as pambigat para maibato to kapitbahay. (5th floor kmi)

-dinekwat ang photos namin, at the back may age and name pa! (parang may masamang balak)

-nahuling nagnakaw ng gamit na imported, nsa harap niya ang proof, todo deny pa.

kya since then, wala pa kaming maid. mas nakakapagod magkamaid!  ???

sachism

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #35 on: May 18, 2011, 12:03:17 pm »
hi tin! congrats! weeeh! uu nga at least right now mas may adv ka kasi sya bumalik.. you have the A :) hihi.. asan si pinsan?

simplykristine08

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #36 on: May 19, 2011, 03:40:16 am »
Jai, umuwi din si insan kinabukasan! Lol. Okay naman na. Nagkausap na kame ni helper, both agreed on certain conditions. Sana this time, maayos na talaga.

chasiderwin

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #37 on: May 19, 2011, 09:26:01 am »
twelvth_goddess yes sis uso yun kasi may mga tao na malalakas ang usog, pero sometimes ginagawa lang alibi yun, kasi kapag nausog ka halimbawa masakit ang tiyan mo talagang namimilipit ka at pagpapawisan ng malamig, sa bata iyak ng iyak yan, pero kung arte-artehan lang mahahalata mo din naman kasi di lang simpleng tamlay lang yan e, talagang halos di ka na makakilos sa sakit ng tiyan mo, kasi pag nausog mostly sakit ng tiyan ang mararamdaman mo sis, at di basta nakukuha sa gamot yun, kaya nga may sinasabi na "uy lawayan mo baka mausog mo".


sachism

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #38 on: May 19, 2011, 12:10:39 pm »
tin, nakaapag isip isip siguro na mahirap mamuhay at kumayod :)

simplykristine08

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #39 on: May 19, 2011, 03:18:52 pm »
^ true! Agree ako dyan. At sa luwag kong to, ewan ko kung makakuha sya kagad ng katulad ko. Lols!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close