watch now

Author Topic: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)  (Read 50206 times)

sachism

  • Guest

mommy1st

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #1 on: April 25, 2011, 03:12:16 pm »
thanks sis sa advise. right now, talagang im so confused. i also want her out na kaso di ko alam kung pano ko sasabihin. haaaay.  actually, di din naman ako manghihinayang if she goes kase di rin naman ako satisfied sa trabaho nya sa bahay. maghahanap na muna ako kapalit and hopefully by next week e makakuha na ng iba.

sachism

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #2 on: April 25, 2011, 03:38:43 pm »
yes sis.. hanap ka na lang ng iba sis kasi mahirap na talaga.. lalo sa pnahon ngayon.. gano na sya katagal na yaya ni baby?

omneecka

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #3 on: April 25, 2011, 04:11:02 pm »
wala kayo sa helper ko kasi:

-nalilito kung alin ang kanan and kaliwa
-baliktad para sa kanya ang malamig at mainit
-laging may nalalaglag pag naghuhugas ng pinagkainan
-madalas may pagka-atribida
-pero naman... napakahaba ng pasensya.. hehe!

=)

chasiderwin

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #4 on: April 25, 2011, 04:30:53 pm »
nagswimming kami family sa dagat..sumakay kami ng bangka...sabi ni yaya sa aming lahat "sanay na sanay ako dyan kasi malapit lang kami sa dagat harap lang ng bahay namin", pagbaba namin lahat may lumagapak sa tubig dagat, si yaya nahulog sa bangka  :P

glitterysugar

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #5 on: April 25, 2011, 04:53:57 pm »

pajoin ulet :)

mommy1st

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #6 on: April 25, 2011, 05:30:44 pm »
yes sis.. hanap ka na lang ng iba sis kasi mahirap na talaga.. lalo sa pnahon ngayon.. gano na sya katagal na yaya ni baby?

Nung January pa lang sha nag-start sa ken sis.  Wala kame alam sa lovelife nya...medyp masikreto at tahimik kase. Di naman sha mukhang tomboy...girl na girl nga e. Kaso nung nakita ko kanina yung FB nya, nakalagay "in an open relationship with ... tapos nakita ko picture tomboy". Nun nabasa ko yung info nya nakalagay "interested in Women"...patay! hehe. dun na ko nag-start maaligaga.

brittana

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #7 on: April 25, 2011, 06:41:51 pm »
@mommy1st

kung ok naman siya as a nanny/maid, di naman importante kung ano ang sexual orientation niya eh. Basta she's doing a good job and as long na mapagkkatiwalaan. Tao at babae parin naman po yung yaya niyo diba.

If you fire her with that reason then that's discrimination and i think you can get sued for that.  :-\

simplykristine08

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #8 on: April 25, 2011, 07:27:10 pm »
Pajoin ulit :)

Girlfriend parin sya ni pinsan. Lol!

sachism

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #9 on: April 25, 2011, 09:04:26 pm »
nagswimming kami family sa dagat..sumakay kami ng bangka...sabi ni yaya sa aming lahat "sanay na sanay ako dyan kasi malapit lang kami sa dagat harap lang ng bahay namin", pagbaba namin lahat may lumagapak sa tubig dagat, si yaya nahulog sa bangka  :P

nakakatawa to sis.. hahaha.. sana hindi na masyado malalim yung tubig? hahahaha

mommy1st

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #10 on: April 26, 2011, 09:10:36 am »
@mommy1st

kung ok naman siya as a nanny/maid, di naman importante kung ano ang sexual orientation niya eh. Basta she's doing a good job and as long na mapagkkatiwalaan. Tao at babae parin naman po yung yaya niyo diba.

If you fire her with that reason then that's discrimination and i think you can get sued for that.  :-\

Yes I’m also human naman and I don’t want her to think that she get fired because of her sexual preference.  I should have fired her before pa kase naiinis ako sa trabaho nya.  Nung Holy Week since nagbakasyon sha andami ko nakita na lapses sa trabaho nya sa house since nun ko lang ako nag-check since i’m a working mom. Like yung mga kawali, aba….ang kapal ng grease sa ilalim (pwetan ng kawali) while malinis na malinis yung ibabaw! Before sha umalis, sabi ko maglinis ng house…aba nung nakaalis na e pagbukas ko ng front door e andun lahat ng dumi…ni-shoot lang pala nya sa butas! Haay!  Aside from that, hindi rin masyado maasikaso sa daughter ko.  Meron naman sha maayos na gawain kaso parang madami pa rin yung lapses. Pinagtyatyagaan ko na nga lang kase mahirap humanap ng katulong.  But due to recent developments….i’m really thinking of replacing her.  I just need to find the replacement.  Ang hirap din mag-fire ng katulong. Nakakaawa din kaso naman what will I do di ba.

sachism

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #11 on: April 26, 2011, 09:35:20 am »
Pajoin ulit :)

Girlfriend parin sya ni pinsan. Lol!

wow sis... future cousin mo pala to :)

chasiderwin

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #12 on: April 26, 2011, 10:36:05 am »
sis sachism mababaw na, sa pampang na kami lahat at nakababa na ibang family members sa bangka dapat ako muna bago cia bababa, ewan  ko kung ano ginawa nia at nahulog cia sa bangka e......buti nga ako ang may hawak sa anak ko at hindi ko pinahawak sa kanya pag nagkataon kasama sa lalagapak ang baby ko  :(.... kala ko talaga sanay na sanay, sabi nia nadulas lang daw cia, di na ako nag comment baka magdamdam e.... :P

funky f

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #13 on: April 26, 2011, 04:52:27 pm »
re: lesbian yaya, i won't feel comfortable with that lalo na girls ang kids ko.  ay nako, praning ako sa ganyan.  better safe than sorry.  i mean, if you watch na lang the news, di mo alam ano pwede gawin.

BUT, my SIL had a lesbo yaya for 20 years.  umalis na lang nung nag-"retire".  ang matindi, yung gf nya, cook naman sa same household.  even before kasi they were hired, sila na.  i just don't know why it was ok with my MIL that time, though.  but in fairness to the lesbo yaya, talagang minahal nya SIL ko.  walang ginawang kalokohan.

advice ko siguro, sis, kung di ka comfortable, hanap ka na lang ng iba.

misteryosako

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #14 on: April 26, 2011, 09:13:57 pm »
yung kasambahay namin nung nalaman pupunta ako sa salon sumabay sa akin magpaganda (chos!) at pauwi na siya sa province nila in 3days, ako nagpa-perm, siya nagpa-relax ng hair(pero gastos naman niya yung kanya). after dun bumili pa ng new outfit niya na gagamitin pag-uwi! At saka 1month na pala siya nagdadiet at gusto niya sexy siya pag-uwi daw. Nung nakaalis na siya, after 2-3days, nagtext na sa amin, nag-sosorry at di na daw babalik sa amin at papakasal na daw siya! Nasobrahan ata sa pagpapaganda at hindi nakatiis ang boyfriend niya sa probinsiya kaya naisuko niya ang kanyang bataan.  ::) :P :o

genivy21

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #15 on: April 27, 2011, 06:16:31 am »
regarding the tomboy yaya: i'll fire her(if im the amo) pero never kong aaminin na dahil duon kaya ko siya paaalisin, ano t****? butas iyon para magkita ulit kami - sa korte!

hmmm... ako din nalilito sa kaliwa at kanan e. before answering pa nga dati, i need to hold up my hand, check where i write with then decide kung saan papunta ang kotse.  buti na lang, di ako marunong magdrive, backseat driver lang ako lol

antagonist

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #16 on: April 28, 2011, 02:09:41 am »
nung nawala cellphone ko, kay yaya ni baby ako humiram ng extra nyang phone ;D

^kaye^

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #17 on: May 16, 2011, 02:31:54 pm »
Wala kayo sa helper ng sister ko. An hour after she arrived, nagngangangawa na sa bahay, gusto niya na daw umalis, pupunta na lang siya sa Tita niya. So pinaaalis naman ng kapatid ko. The following day, nadiscover ng lola ko na ninakawan na siya ng pera. So dumiretso sila sa bahay ng tita at pinaaresto yung helper. Pagdating sa police station, nagbaliw-baliwan ang babae, sabi niya wala daw siyang ninanakaw. The following day, inamin niya na ninakaw niya yung money. Tinuruan daw siya ng tita niya kung ano yung gagawin niya at kinuha daw ng tita niya yung perang ninakaw niya. Pinuntahan ng pulis yung tita sa bahay, pero nakaalis na papuntang probinsya.

Tapos dumating yung tito at tatay nung helper sa police station. After hearing her confession, sabi nila ibabalik daw nila yung money. They asked that they be given a month para makahanap ng pera. Pumayag yung lola ko. After a month, biglang nagsabi sila na hindi na nila ibabalik yung money kasi wala naman daw ninakaw yung helper, and they will be filing counter charges against my sister and my brother in law kasi daw pinitik daw nung mga pulis yung daliri ng helper sa police station. Magfafile daw sila ng complaint for human rights violation. Kakahighblood!  >:(

sachism

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #18 on: May 16, 2011, 04:13:36 pm »
the nerve! nakakainis naman yan.. ang kakapal ng mga fez..

daintrix

  • Guest
Re: Wala ka sa helper ko! __________! (Thread 2)
« Reply #19 on: May 16, 2011, 04:52:52 pm »
mahirap talaga maghanap ng helper na ok.  ako pag ok yung helper umaalis naman [textspeak!] may problema ang anak.  kaya nga nadala na ko na may anak kasi mga 4 helpers ata umalis dahil sa anak.   yung last ko naman dinahilan lang ang anak para umalis yun pala nagtanan kasama ang boyfriend!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close