watch now

Author Topic: hubby doesn't like his In-Laws  (Read 6502 times)

hairt mini

  • Guest
hubby doesn't like his In-Laws
« on: April 21, 2011, 04:14:44 pm »
Hello sisses, we've heard about our rants and rave towards our IL. But I wonder if our hubby have rants and rave too towards our family   ::)

Yesterday, my officemate asked me "Gusto ba ni hubby mo ang family mo?" I answered YES!
Then she told me na, her husband daw doesn't like her family (married na sila for 5 years) nasa Pinas ang hubby nya kasi na lay-off sa work dito. Nagulat ako kasi hindi naman kami close, pero siguro wala lang syang maka usap and hindi sya makapag share sa mga friends nila kasi syempre iniiwasan ang chismis.

Here's her story:
Nung single pa sya solo nya lang ang sweldo nya kasi may work pareho ang parents nya but then na paralyzed mom nya  2 years ago and her dad naman is a gov't employee. May 2 sisters pa syang nag aaral. So since wala ng income yung mom nya and hindi pa daw entitled sa pension kasi wala pang 60 naghati sila ng dad nya sa expenses sa school ng mga sisters nya. Dito na daw nag start manlamig si hubby sa family nya.

Then ang latest arguement daw nila is: Nag text yung dad nya reminding her about sa tuition fee ng mga kapatid nya, malapit na daw ang enrollment kaya lang dun sa hubby nya na isend yung message. So ngayon si hubby nya nagalit and nag text sa kanya ng "O ayan message ng tatay mo nanghihingi na naman ng pera" So tinawagan nya si hubby to explain pero sinigawan daw sya and ang sabi eh "kaya tayo hindi magkaanak kasi inuuna mo pa pamilya mo"

Ako naman nagpapaaral din ng youngest namin pero mag bf-gf pa lang kami alam na ni hubby na ako ang nag tu-tuition sa bro ko so wala naman problema sa kanya as long as hindi naapaektuhan ang budget namin sa bahay. Pero napaisip din ako kung meron nga kayang ayaw si hubby sa pamilya ko?

tabbru

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #1 on: April 22, 2011, 09:06:01 am »
Hmm. Did your officemate consult her husband first bago siya nag-agree na tulungan all-the-way sa expenses nila ang family niya? Baka hindi nila pinag-usapan ng maayos.

Natural reaction lang naman na mainis ang husband dahil malaking usapin ang pera. Hindi rin biro-biro ang magcommit na magpa-aral ng kapatid kasi nga nagsisimula sila ng pamilya at naghahangad magka-anak.

Nakaka-torn talaga sa part ng officemate mo ang situation. Gusto niyang tumulong sa pamilya niya yet hindi agree ang asawa niya. Mahirap talaga. Pero since married na siya, dapat iconsider niya primarily ang asawa niya sa pagdedesisyon.

hairt mini

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #2 on: April 22, 2011, 01:27:03 pm »
^thanks sa reply sis. Not sure though kung napag usapan nilang mag asawa yun. Pero siguro nga hindi nila napag usapan kasi nga ganun recation ng hubby nya. Till yesterday, mugto pa ang mata nya siguro di pa sila ok ni hubby nya.

Tinanong ko rin nga si hubby ko last night. Sabi naman nya ok lang yun, naiintindihan naman nya yung situation ko. Now, pagdating naman sa ugali ng parents/family ko, wala naman syang masabi kasi wala rin naman chance na mag bonding-bonding kaming lahat eh. (dito ko kasi sya nakilala sa abroad and 2x pa lang kami umuwi ng Pinas, para sa pamamanhikan and kasal). Ganun din naman ako sa family nya. I can say na we are ok kasi nga walang chance na magsama-sama :P

Meron nga kayang hubby na hindi rin gusto ang inlaws nila...

potpotpo

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #3 on: April 22, 2011, 03:17:50 pm »
nakakaawa naman ang officemate mo :( kasi kung ako din ang nasa sitwasyon nya malamang umiyak din ako. Kasi yung family nya wala ng ibang malalapitan kundi siya lang, yung hubby naman nya gusto na magkaanak pero alam ng hubby nya na kung magkakaanak sila kelangan ng budget para dun  :-\

thebratinella

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #4 on: April 22, 2011, 03:23:17 pm »
ang hirap ng situation ng officemate mo, sis. 5 years na pala silang married so naturally, masasabik yung husband na magkaanak. kung newly-wed sana puwede pa sabihin na maghintay for a year or two. you can't really blame the husband na he's being selfish if they waited that long. baka puwede nila pag-usapan yung amount na ibibigay muna para makapagsave if they decide to have a baby na. kailangan magcompromise kasi technically may family na rin siyang sarili.

hairt mini

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #5 on: April 26, 2011, 05:32:24 pm »
Hi sisses, update: nagkausap na daw sila. Bago daw pala nya akuin yung responsibilty eh kinausap nya yung hubby nya about it and nag agree naman ang hubby nya. Ang problem lang di nila napag usapan kung magkano ang ipapadala nya  :(

Expect ni hubby nya na tuition lang ang ipapadala nya and dad na nya ang bahala sa other expenses. Kaya lang, minsan daw eh monthly pa rin sya nagpapadala kasi hindi kasya ang sweldo ng dad nya sa mga expenses nila sa house. Nag me-maintain daw kasi ng gamot si mom nya, then bills pa, food nila and baon/projects ng mga sis nya. Though sabi nya minsan lang naman daw yun kaya lang mukhang nangyari yun nung time namay unrest dito sa country  :( so syempre during that time kailangan talaga na may extra money kasi baka mapauwi ng wala sa oras mas mahirap naman na uuwi silang ng walang pera. tapos na lay-off pa nga hubby nya so ayun sabay-sabay ang gastos nila.

Naiintindihan ko rin ang point ni hubby nya and naawa din ako sa kanya. Ang katwiran naman nya is, sino pa ang tutulong sa parents nya?Kung kaya naman daw ng parents nya malamang na hindi naman yun hihingi sa kanya just like before nung single pa sya.  :(

Now, sabi nya sa hubby nya bigyan lang sya till end of this year. bibigyan nya yata nf puhunan ang parents nya para at least tuition na lang ng 2 sis nya ang sasagutin nya.

Di ko sya matanong kung bakit wala silang baby kasi sensitive issue yun eh  ;) hehe.. I'm *shy* LOL

tabbru

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #6 on: April 26, 2011, 05:53:17 pm »
^how old na ba are the sisters? baka naman pwede na rin silang makatulong sa gastos ng family... baka pwede silang magworking students... mahirap na nga rin kasi ang umasa sa kapatid na may asawa na eh...

thebratinella

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #7 on: April 26, 2011, 06:16:27 pm »
^totoo yan. pag nag-asawa na ang kapatid, expect na magbabago na lahat lalo na financially. mabait naman pala husband niya. siguro kung marami silang money, hindi rin sasama loob niya. dala na lang siguro ng financial problems kaya nakapagsalita husband niya. she needs to talk to her siblings if they're old enough to help out. baka pag hindi naging okay yung plan niya about giving them money to start a business, magcause pa ng even bigger rift between her and her husband.

hairt mini

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #8 on: April 26, 2011, 06:54:39 pm »
college na yung mga sisters nya. Yun nga din sabi ko sa kanya, pwede naman mag working student yung mga sis nya. kaso no comment sya  :(

Kanina after lunch, tinulungan ko syang mag hugas ng mga pinggan (dito na kasi kami nag luluto ng lunch sa office) and yun umiiyak na naman  :(. Kaso di ko naman sya mapag sabihan ng ano dapat gawin kasi nga hindi naman kami close  :( baka mamaya pag nagsabi ako ma offend ko sya or what.. Haist..feeling ko kasi gusto lang nya ng taong makikinig sa kanya. Hindi naman nya sinabi kung bakit sya umiiyak. hay buhay..

a_y_e_n

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #9 on: May 02, 2011, 06:10:48 pm »
we can't blame the husband din siguro. ang mahal na kase ng bilihin ngayon. tsaka baka di nya nagustuhan yung text ng father in law nya sa kanya kaya biglang nagalit. hindi naman sa nagiging madamot, pero syempre dapat ipriority na ng mga married couple yung sariling family nya eh. saken, willing ako tumulong pero wag naman sana lahat saken kase pag college student, pwede na din gumawa ng paraan yung student na magkaron ng part time job eh. opinion ko lang to ha, pero pag pera talaga madalas nagkakakaron ng misunderstanding sa family eh.

in our case naman, so far, wala pa ako naririnig na reklamo from my husband about ng parents. pag nandun kase sya sa bahay ng parents ko, lahat ng gusto nyag pagkain binibigay sa kanya eh. eh ganun lang naman nagpapasaya sa asawa ko. tsaka di naman nanghihingi ng financial assistance ang parents ko unike sa kanila kaya wal din siguro friction so far.

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #10 on: May 05, 2011, 03:34:14 am »
mahirap...basta pera ang pinaguusapan sumasakit ang ulo ko  :o well, kung nag-asawa na ang friend mo, yung asawa na niya dapat ang priority no matter what. oo, tamang tumulong at hindi masama pero dapat pinaguusapan nilang mabuti ng asawa niya yan. at yung magkasundo lang sila kung magkano at kung ano lang.

nakaka-strain talaga ng relationship kapag ang isang anak sagutin pa ang pamilya niya. hindi nga dapat ganon pero meron talagang dumadating sa buhay na unexpected. sana magka-anak na sila para magkaroon din sila ng ibang pakakaabalahan. isa pang dahilan yan kaya ang magulang nangungulit sa anak, wala pa kasi siyang ibang responsibilidad.

jesrora

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #11 on: May 07, 2011, 01:27:33 pm »
Sakin, kinasusuklaman daw nya mother ko. Oha. Pinakain at pinatira syang libre tapos ganun lang.

potpotpo

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #12 on: May 07, 2011, 02:36:41 pm »
^ hala bakit naman nagkaganon sis?  :o

hairt mini

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #13 on: May 07, 2011, 03:02:35 pm »
Sakin, kinasusuklaman daw nya mother ko. Oha. Pinakain at pinatira syang libre tapos ganun lang.

Hala sis, bakit naman ganun ang nasabi ng hubby mo?

Ay naku pag pera nga talaga ang usapan sigurado maguglo ang lahat.. Update sa friend ko..ayun umuwi sya sa Pinas last April 28 or 29, biglaan kasi ayaw na sya kausapin ni husband nya :(
dunno na what happened sa kanila. Sana lang maayos pa nila yung relasyon nila.

potpotpo

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #14 on: May 07, 2011, 04:16:00 pm »
^ may problema tapos ngayon long distance na, mas humirap ang sitwasyon nila  :-X

jesrora

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #15 on: May 07, 2011, 05:43:47 pm »
Naku masmahihirapan yang friend mo kasi long distance na sila. Ay naku di ko na tinanong. I'm thinking kasi when I was pregnant my mom got mad at him kasi he was so irresponsible, sa sobrang galit ng mom ko sinermonan sya. Pero after that incident civil ang mom ko sakanya, she cooks and buys him food or baon para sa office pero nirereject nya. Hanggang sa huli last month he left me and my son dito sa mom ko. Di daw sya makakilos dito sa bahay. Walang backbone eh. Tapos ayun sinabi nyang di nya masikmura ang mother ko. Kaya ako eto, parang turned off na ko. Nawalan na ko gana ayusin our marriage. Kasi parang disrespectful sya. He bit the hand of the person who fed him. Kaasar diba?

hairt mini

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #16 on: May 08, 2011, 03:58:54 am »
oopss sissies, sorry na confuse yata kayo sa story ng friend ko.
Nauna pong umuwi yung hubbby nya kasi na lay-off sa work.
So last April 28 or 29 nga umuwi na rin yung friend ko para magka usap silang mag asawa
kasi hindi na sinasagot nung hubby nya yung mga calls nya.


Sis jes :(

jesrora

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #17 on: May 08, 2011, 04:57:38 am »
baka added pressure and stress sa hubby nya kaya nasabi nya yun. dapat pagusapan nila agad yan para maagapan.

thebratinella

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #18 on: May 08, 2011, 08:00:08 am »
^^hugs for you, sis jesrora. happy mother's day,sa mga moms like you!

hindi valid reason yung sasama ang loob niya dahil nasermonan nung nadiscover na buntis ka. ganun talaga ang parents pag may nagawang mali ang anak. naging okay naman pala mom mo sa kanya after. sana hindi niya sinabi sa iyo yung ganun kasi nakakawala naman ng respect. buti kung eversince inaway na siya ng mom mo.

jesrora

  • Guest
Re: hubby doesn't like his In-Laws
« Reply #19 on: May 08, 2011, 10:08:46 am »
thanks bratinella! kaya nga ngayon we're separated. kasi he changed so fast. as in di ko na sya kilala. and he's blaming my mom and me kaya kami naghiwalay. ako i admit part of it was my fault and some my mom's, but sya di nya matanggap na he also has a fault, and his side too tsk tsk. buti nalang i have baby kaya i'm happy and i feel complete pa din kahit wala si husband.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close