watch now

Author Topic: 2011 BRIDES XIV  (Read 93388 times)

princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #580 on: May 04, 2011, 10:02:03 am »
^yep girl! laya na ako...parang preso lang!  ;D

hindi ko nakita! hindi ko rin makita si h2b ni babsbri eh..  ;D

sabi ko nga kay kaice, magleave na at mag-DIY na lang kasi andun ang happy and positive vibes.. ;D
« Last Edit: May 04, 2011, 10:05:37 am by princessrio »

vincris16

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #581 on: May 04, 2011, 10:12:27 am »
sis babsbirida dapat itag ng h2b mo si ex sa mga sweet pics nyo sabay comment ahahaha

kaice

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #582 on: May 04, 2011, 10:17:18 am »
ria and carmie - naku di ko din alam bakit ganun. wala naman akong diet plan.. busy lang talaga sa work..

carmie - natulog lang ako kagabi.. kaninang umaga magkagising ko ako nag DIY ng chocolates for place cards para masukat ko yung wrapper then yung SIL ko na ang mag-cut. siya ang taga-execute ng mga gupit gupitan eh :)

rio - yey! last night na sa work! fulltime preps na... pilit kong tinatapos ang trabaho ko para makapag-leave ako ng friday (anniv ng parents ko) at next week para ayusin ang condo namin.. nagpagawa na ko ng damask na curtains at nag DIY na ko ng damask na lampshade haha! :) ang cute happiness! :)

update:

misalette - matatapos na ko magprint ng misalette, oh di ba multi tasking.. :)

glitz22

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #583 on: May 04, 2011, 10:20:55 am »
sis babs - tag mo yung pic, lagay mo: "ang babaeng patay na patay sa lalaking ikakasal na."

rio
- ang saya naman ng mga kwento mo at updates, makikishare ako sa good vibes! hehe.

welcome nga pala vincris16 at wanderlust2011.

sis wanderlust, meron ka nang supplier ratings?

kaice - pano mag DIY ng lampshade?

good morning! share rin pala, dahil overload ata ako sa kaka-research at nanghihinayang ako sa mga gagastusan, nag enrol ako sa isang make up class. basic lang naman. balitaan ko kayo pag confident na ko mag make up sa iba, at mag volunteer sa mga pre-nup, at parties nyo.
« Last Edit: May 04, 2011, 10:24:14 am by glitz22 »

princessrio

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #584 on: May 04, 2011, 10:22:54 am »
paging sis kirsten!! page 30 na..gawa ka na ulit ng bagong bahay.  ;D

kaice - hinay hinay.  ;)

vincris - pwede pwede ang idea!  ;D

glitz - yan ang kailangan natin araw araw..good vibes. pag may negative, ilabas mo. after that, balik ka sa good vibes...hay, the way of life.

tanong! sino si wanderlust? di ko pa ata nakikita yung sn nya.

o sha sisters..gora muna aketch! see you later! muah! :-*

kaice

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #585 on: May 04, 2011, 10:26:25 am »
glitz - wow naman... super nice yan haha! extra income din  yan in the future.. madami ngang promo sa mga deals eh.. kaya lang di ako makeup person haha! good luck! :)

glitz22

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #586 on: May 04, 2011, 10:26:30 am »
ah may post si wanderlust sa page 27, bagong join (hinanap ko talaga!) at Jan 2011 ang wedding.
« Last Edit: May 04, 2011, 10:30:20 am by glitz22 »

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #587 on: May 04, 2011, 10:38:35 am »
hi mga sis,

as usual kabute mode... konting backread lang, mabilisan lang eh dahil si big brother eh parang fan ko na naman,

anyway, sis babs, chillax lang... just let us know kung kelan natin gegerahin yan.

welcome po sa mga bagong dating.

update: kagabi katext ko si rei... wala lang, just confirming kung kelan ang meet namin at pre-nup... pasok na pasok na banga na sya magiging stylist ko sa pre-nup ;D

kikay_shopper

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #588 on: May 04, 2011, 10:44:42 am »
Gandang Morning mga te :)

midweek na na naman hehe

BBB - ang magandang gawin dyan.. may access ka ba sa FB ni h2b? hehe remove post untag, report user, Block user hehe

rio : yey! last day mo na..

kaice : busy busyhan ka na naman.. wag masyado pakapagod.. 10 days na lang hehe


update : kagabi habang tinakasan ako ni h2b at nakipagnomoan sa bestfriend niya dapat best man niya sa wedding, imbes na magalit ako sa kanya eh, sobrang natuwa ako sa binalita niya.. dahil sa hindi makakaattend sa kasal si best friend na dapat na best man (parang blind item lang hehe), siya and his girlfriend na daw ang sasagot ng aming invites.. ;D pipili na lang daw ako ng supplier at sila na ang bahala sa payment.. oh di ba?! so hindi ko winarla si h2b 8)
« Last Edit: May 04, 2011, 10:47:03 am by kikay_shopper »

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #589 on: May 04, 2011, 10:49:28 am »
yun yon, sis kikay... minsan it really pays to listen. minsan din dapat pinapayagan makipagnomoan... nakakahirit ng mga pledges eh :)

congrats!

kirstenchelsea

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #590 on: May 04, 2011, 10:52:16 am »

nihrs11

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #591 on: May 04, 2011, 10:56:24 am »
good morning!

babs - unfriend na nga yan..bitter pa rin at gusto pa akiting c h2b

kaice -weee! 10days to go (nakiki countdown rin LOL!)

kikay - panalo ang pledge,naging blessing tuloy ang hindi pagattend ng bff ni h2b.  ;)

mafia
- ako sa sat pa makipagmeet kay rei, naku like ko rin yan na sya stylist sa prenup. naghahanap din ako ganyan kasi wala talaga ako alam sa pagaayos what more pa sa styling.

nihrs11

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #592 on: May 04, 2011, 11:00:24 am »
lipat bahay ulit? baka pwede na dito tumambay hangat d nalolock hehe!

vincris16

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #593 on: May 04, 2011, 11:13:21 am »
sis kikay ang galing galing naman ng idea mo.
ako dati natry ko na yan sa inis ko sa hipag ko kasi inaway nya kami magkakapatid kaya ganun ang ginawa namin magkakapatid hehe

congrats din at may nagsponsor sanyo.
sana samin din ahehe

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #594 on: May 04, 2011, 11:24:15 am »
good morning!!!

@babs naku sis, bad news yang mga ganyang babae...unfriend...then report..kung hindi man e sabihin mo na kung kelan naten gegyerahin yan
@rio ramdam na ramdam ang happiness ah!!!! good vibes! :D
@glitz goodluck sis sa bagong kakaririn na pagmamake-up! :D
@kaice lapit na sis!! nakiki-countdown din ako hehe

teka busy busyhan muna ako ulit LOL  ;D

vincris16

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #595 on: May 04, 2011, 11:41:26 am »
mga sis taralets bagets kumain.

wag kayo magpalipas ng gutom. at para sa mga nagdidiet sabi ng dietician ng friend ko its better gawin liquid or juices ang mga fruits kesa kainin mo sya ng ganun lang hehe..

nikeljean

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #596 on: May 04, 2011, 11:46:11 am »
kabute mode din ako.. teka lang saan ba talaga tayo mag post? nahihilo na ko.. hehe

di bale quick post lang..

sis babs.. kung need mu ng kasangga dito lang ako.. kung sa cainta area yan kami ni karmi bahala.. hehe.. dinamay si karmi sa pagsugod.. LOL

sis kaice.. pahinga ka naman.. sobrang pagod at stress lang yan.. malapit ka na.. see you then!

sis glitz.. wow make-up artist na! sama mu ko sa mga papraktisan mu ha.. willing akong model-modelan!.. :D

sis kikay.. galing naman.. kapost ko lang sa fb ko.. "kilangan ko ng sponsor!" .. hehe..  ;)

sis vincris.. welcome po!

sis rio.. malaya ka na! congrats!

lunch muna ako mga sisses!.. ulam ko pinakbet! hehe.. :D

kikay_shopper

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #597 on: May 04, 2011, 11:46:17 am »
sis mafia : sabi ko nga sa kanya.. baka naman usapang lasing lang yan hehe

sis vincris : ako kahit yung ibang mga friends kong isekyora nakablock sa wall ko hehe
o kaya block user na lang talaga para hindi ka na talaga masearch hehe..\

sis nihra : salamat 8)

kikay_shopper

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #598 on: May 04, 2011, 11:48:39 am »
sis nickel : samahan mo ng dasal para mas madami ang dadating hehe


ay may bagong bahay na ba?! hehe
hindi ko nabasa post ni sis kristen..

kaice

  • Guest
Re: 2011 BRIDES XIV
« Reply #599 on: May 04, 2011, 11:51:09 am »
nalito ako sa countdown ko.. ano ba dapat 10 or 11 days? haha! sa wedsite kasi 11 days pa... alin ba ang counted? haha! 11 days or sampung tulog... haha!

mga sisses.. nagpapahinga po ako.. im taking meds.. leave ako tom para makuha at masukat ang gown ko... hopefully eh perfect fit na haha!

excited to see you sisses!

starbucks tayo... pampataba 50% off from 12nn to 2 pm until may 8 haha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close