good eve everyone!

ilang pages agad ang backread ko.. pumasok na ako kanina sa office kasi nakakahiya ng mag SL ulit, kaya ko namang magwork eh, may pagka-kirat nga lang ako kanina, hahaha! pero in fairness, lumiliit na siya, hindi ko malaman kung anong isekto ang kumagat sa akin, sabi ng doctor langgam daw, ang sweet ko kasi,

congrats mr. blue! nice sde, kitang kita ko sa face mo yung happiness, nakakatouch.

ewan ko ba, kapag nakakakita ako kahit sa video lang ng bride, lalo na dun sa part na bubuksan yung door tapos papasok na siya, kinikilabutan ako na naiiyak ako, hehe.
rio: wow, lapit na uwi ni h2b.. happy for you, girl!

kaice: sis, relax lang.. bawal magkasakit, ilang days nalang. weee!

babs: wow, dami mo DIY projects.. ako napako na sa invites, ang hirap kasing gawin nung map.

sana sa weekend makapunta na kami ng ongpin at makabili na ng rings. excited lang ako maaccomplish na ito lahat para focus na ako sa DIY ko. ang dami dami naman kasing iniisip, puro issues pa sa office.

wala masyadong update sa preps namin. but i'm happy kasi nakausap ko ang dad ko last night, last week ng july ang uwi niya pero 20 days lang siya kaya itotodo ko na mga sis.. 10 years kaming hindi nagkita eh kaya gusto ko kasama ko siya sa 20 days na yun, kahit pa may asawa na ako nun, hehe! ayaw sabihin ng lolo ang exact date ng uwi niya kasi surprise daw, may ganun pa.

eh baka pagkakita ko pa lang sa kanya, maiyak na ko.. hihi! drama mode lang..